Mag-log inHindi kaagad sumagot si Prince. Nakatayo ito sa harap ng counter, nakatalikod sa kanya, habang hawak ang cold compress.“May posibilidad na mapanganib ang laman ng sobre,” sabi nito. “Iyon ang dahilan kung bakit ayokong sabihin sa iyo ang detalye.”“Ano’ng klaseng panganib?”“Hindi pa malinaw.”“Pero nabuksan na.”“Oo.”“At nalaman mo na ang laman.”Humarap ito sa kanya. “Pero huwag kang mag-alala. Everything is under control.”Napatawa si Stefie. “Gusto mong magtiwala ako sa iyo habang wala kang ipinapaliwanag.”“Sinabi ko na kung bakit.”“Hindi sapat iyon.”“Stefie—”“Hindi pagtitiwala ang hinihingi mo. Gusto mong sumunod lang ako at huwag nang magtanong.”“Hindi iyon ang ibig kong sabihin.”“Pero iyon ang ginagawa mo.”Tumayo siya mula sa kama kahit sumakit ang bukung-bukong niya. Inabot ni Prince ang braso niya, ngunit umiwas siya.“Ganyan din si Daddy,” sabi niya. “Palagi niyang sinasabing para sa kaligtasan ko ang lahat. Siya ang nagdedesisyon kung saan ako pupunta, sino ang mak
“Bakit mo tinatanong?”Hindi nakasagot si Stefie.Nakasakay pa rin siya sa likod ni Prince habang naglalakad sila pabalik sa Altavera. Nakapalibot sa leeg nito ang mga braso niya, at sa bawat hakbang nito ay lalo niyang nararamdaman ang init ng katawan ng asawa.“Curious lang,” sagot niya.“Bakit nga?”“Ayoko lang masanay sa special treatment.”“Anong special treatment?”“Ito.” Ginalaw niya ang mga paa. “Pagpapasan mo sa akin. Pag-ihip mo sa pagkain ko. Pakikinig sa lahat ng ikinukuwento ko kahit wala namang kuwenta.”“Hindi walang kuwenta ang mga kuwento mo.”“Pati iyong mga reklamo ko kay Daddy?”“Especially those. Entertaining ka naman magkwento.”Natawa si Stefie, ngunit hindi nawala ang bigat sa dibdib niya.“Paano kung hanap-hanapin ko ang lahat ng ito kapag tapos na ang contract?” tanong niya.Bumagal ang hakbang ni Prince bago muling bumalik sa dating ritmo.“Hindi pa natin kailangang pagpasiyahan ngayon ang mangyayari pagkatapos ng isang taon.”“Pero darating din tayo roon.”
“Buksan mo,” ulit ni Stefie.Hindi kumilos si Prince. Tiningnan lamang nito ang puting sobre bago ibinalik ang tingin sa manager.“May humawak pa ba rito bukod sa staff na tumanggap?”“Hindi ko po sigurado, sir. Tatanungin ko.”“Secure the CCTV footage. Mula reception hanggang parking area.”“Opo.”“Kailangan ko rin ang eksaktong oras ng pagdating, suot, at direksiyon ng pag-alis ng lalaki. Huwag ninyong buburahin ang kahit anong recording.”Tumango ang manager at tinawagan ang security office.“Prince,” tawag ni Stefie. “Buksan mo na.”“Hindi rito.”“Bakit?”“Hindi natin kilala ang nagpadala.”“Sobre lang iyan.”“Exactly. Hindi natin alam kung ano ang nasa loob.”Humingi si Prince ng resealable plastic bag sa manager. Gamit ang tissue, inilagay nito roon ang sobre bago ipinasok sa loob ng coat.“Bakit parang natatakot kang malaman ko ang laman?” tanong ni Stefie.“Hindi ako natatakot. Nag-iingat lang ako.”“Magkaiba ba iyon?”“Oo.”Hindi na niya naituloy ang pagtatanong dahil bumalik
Nabilaukan si Stefie sa popcorn.Tinakpan niya ang bibig habang sunod-sunod na umuubo. Mabilis na kinuha ni Prince ang inumin sa cup holder at iniabot sa kanya.“Drink.”Humigop siya habang pinipigilan nitong tumawa.“Huwag kang tumawa,” pabulong niyang saway.“Hindi ako tumatawa.”“Nakangiti ka.”“Natutuwa lang akong ganyan kalakas ang epekto sa iyo ng suggestion ko.”“Huwag kang assuming.”Nang mawala ang bara sa lalamunan niya, ibinalik niya ang baso sa cup holder at pinunasan ang bibig gamit ang tissue.“Tsaka alin ba ang sinasabi mong puwede nating gawin?” tanong niya. “Iyong halikan o iyong bed scene?”Tumaas ang kilay ni Prince. “Ikaw ang pumili ng pelikula. Ikaw rin ang pumili kung alin ang gagayahin natin.”Uminit ang mukha ni Stefie. “Wala akong pipiliin.”“Sayang. Pareho pa naman akong willing.”“Hindi ako interesado.”“Pero nakakapit ka pa rin sa braso ko. Iniisip ko tuloy, gusto mo.”Saka lamang niya napansing hindi niya pala ito binitiwan matapos mabilaukan. Nasa bisig p
Limang minuto raw.Halos labinlimang minuto nang nakaupo si Stefie sa sofa ng private room ni Prince, ngunit hindi pa rin bumubukas ang pinto.Hindi siya makapag-concentrate sa cellphone. Ilang beses na niyang binasa ang parehong post nang hindi nauunawaan ang laman niyon. Mas interesado siyang malaman kung ano ang pinag-uusapan nina Prince at Eloise sa labas.Ano bang mahalagang business matter ang hindi niya puwedeng marinig?Tumayo siya at lumapit sa pinto. Idinikit niya ang tenga roon, ngunit wala siyang marinig. Masyadong makapal ang dingding at hindi malinaw ang mga boses sa kabilang silid.Sinubukan niyang pihitin ang doorknob, ngunit bago niya iyon tuluyang mabuksan, bumukas ang pinto mula sa labas.Napaatras siya.Nakatayo roon si Eloise.Mabilis nitong inayos ang ekspresyon nang makita siya.“Akala ko five minutes lang,” sabi ni Stefie.“Marami kaming kailangang pag-usapan.”Nilagpasan siya ni Eloise at naglakad patungo sa pinto ng opisina.Sinundan iyon ni Stefie ng tingin
Bumalik si Prince sa mesa dala ang coffee pot at nadatnan niyang hawak ni Stefie ang cellphone niya.Nakatitig ito sa notification na lumitaw sa screen. Wala na ang pagtatakang nakita niya sa mukha nito kanina. Naningkit ang mga mata nito na para bang may malaking kasalanan ang cellphone.“May problema?” tanong niya habang inilalapag ang kape.“Anong password mo?”“At bakit?”“Basta!”“Face ID iyan.”“Ah, okay.”Tumayo si Stefie at lumapit sa kanya. Bago pa siya makapagtanong, itinapat nito ang cellphone sa mukha niya.Na-unlock ang screen.“Ano’ng ginagawa mo?”Hindi sumagot si Stefie. Binuksan nito ang mensahe ni Eloise at mabilis na nag-type.Sinubukan niyang kunin ang cellphone, ngunit tumalikod ito at ginamit ang sariling katawan upang harangan siya.“Stefie, ibigay mo sa akin.”“Sandali lang.”“Ano ba ang—”Tumunog ang cellphone, hudyat na naipadala na ang mensahe.Inagaw ni Prince ang device at binasa ang isinagot nito.“I’m making love with my wife. Never send me a message aga







