MasukHindi agad nakasagot si Damon.Nakatutok sa kanya ang tingin ni Mommy Mercy, hinihintay ang sagot kung sigurado ba siyang gusto niyang tapusin ang kasal. Sa tabi ng ina, tahimik si Lola Clara. Si Felicity naman ay nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, nakangiti na para bang hindi nito ikinalulungkot ang annulment.Bumuka ang bibig niya, ngunit naunahan siya ng asawa.“Sigurado na po si Damon.” Magaan ang tono ni Felicity. “Napagkasunduan na po namin ito.”Bumaling kay Felicity ang ina. “Pareho ba talaga ninyong gusto?”“Opo.”“Wala ka bang nararamdaman sa anak ko?”Hindi nagbago ang ngiti ni Felicity. “Wala po.”Napatingin si Damon dito. Mabilis at diretso ang sagot nito, ngunit saglit na kumuyom ang mga daliri nito sa laylayan ng blouse. Namamaga pa rin ang mga mata nito kahit sinabi nitong napuyat lamang sa panonood.Napansin din iyon ni Mommy Mercy. Bumaba ang tingin nito sa mga kamay ni Felicity bago muling tumingin sa mukha nito. Tila may gusto pa itong itanong, ngunit hindi na
Pagkasara ng pinto, napahawak si Felicity sa dibdib at tuluyang napahikbi.Akala niya ay umalis na si Damon, ngunit wala siyang narinig na mga yabag sa hallway. Maya-maya, gumalaw ang doorknob.Napatingin siya sa pinto.Nasa labas pa rin ito.Pinigil niya ang paghinga, umaasang bubuksan ni Damon ang pinto at babawiin ang sinabi nitong hindi siya mahal. Lumipas ang ilang segundo, ngunit nanatiling nakasara ang pinto. Muling gumalaw ang doorknob, saka niya narinig ang mga yabag na unti-unting lumayo.Hindi ito bumalik.Pinunasan ni Felicity ang mga pisngi at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng dresser. Patuloy pa ring nagre-record ang camera.Pinanood niya ang video mula sa simula. Nakita niya ang pag-asa sa sarili niyang mukha habang hinihintay ang sagot ni Damon.“Kahit kaunti… may pagtingin ka ba sa akin?”Pagkatapos ay narinig niyang muli ang mga salitang dumurog sa puso niya.“May hinihintay ako.”Pinahinto niya ang video. Nakatapat na sa delete button ang daliri niya, ngunit hindi n
Hindi sumagot si Damon.Habang tumatagal ang katahimikan, unti-unting namamatay ang pag-asang pilit kinakapitan ni Felicity. Nakatayo ito sa harap niya, ngunit tila napakalayo nito. Tanging pag-aalinlangan lamang ang nakikita niya sa mukha nito na lalong dumudurog sa kanya.Gayunman, hindi siya maaaring tumigil nang hindi naririnig ang malinaw na sagot. Ayaw niyang habambuhay na isipin kung ano sana ang nangyari kung binigyan niya ito ng isa pang pagkakataong magsabi ng totoo.“Damon, mahal kita.” Kumirot ang lalamunan niya. “Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.”Tumulo ang luhang kanina pa nagbabanta sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon pinunasan. Tiningnan niya si Damon kahit halos hindi na siya makahinga sa kaba.“Kahit kaunti…” Naputol ang boses niya. “May pagtingin ka ba sa akin?”Bumaba ang tingin ni Damon. Napahawak ito sa batok bago lumayo ng isang hakbang.“Fel, I’m sorry.”Tatlong salita lamang iyon, ngunit parang may malamig na kamay na humugot sa puso niya.“Una pa lang, ma
Pagdating sa IronGate, dumiretso si Damon sa monitoring room. Naghihintay na roon si Julian sa harap ng mga monitor habang sinusuri ang CCTV footage na ipinadala ng impormante nilang may access sa security system ng mall.“May nakita ako sa footage noong araw na nakasalubong natin si Prince at Felicity pero huwag kang magugulat,” sabi ni Julian.Kumunot ang noo ni Damon at lumapit. Sa gitnang monitor, makikita ang malawak na mall. Kita sa ground floor ang paglalakad nila ni Julian habang sinusuri ang mga tindahan at mga taong dumaraan. Sa second floor naman, nakatayo sina Stefie, Clarence, Divine, at Felicity.Napatitig siya sa asawa.Nang tumingala siya mula sa ground floor, mabilis na umatras si Felicity at pumuwesto sa harap ni Divine. Hindi iyon basta paggalaw. Ginamit nito ang sariling katawan upang harangan ang babae sa paningin niya.“May isa pang angle,” sabi ni Julian.Lumipat ang footage sa camera na nakatutok sa escalator at hilera ng mga tindahan sa second floor. Nang maki
“Divine!”Hinabol ni Damon ang babaeng nilamon ng dilim. Umabot siya sa makitid na daanang naghihiwalay sa dalawang gusali, ngunit wala na roon si Divine. Dalawang direksiyon ang maaaring tinahak nito, isang pasilyong patungo sa likod ng mga tindahan at isang masikip na labasang kumokonekta sa kabilang street.Mabilis siyang lumiko sa kanan. Mga basurahan, nakasarang pinto, at mataas na pader lamang ang nadatnan niya.May mga yabag na papalapit mula sa kabilang dulo.Nagkubli si Damon, ngunit si Julian ang lumitaw sa ilalim ng umaandap na ilaw.“Nasaan siya?” tanong nito.“Nawala siyang bigla.”“Narinig kitang nagsalita sa earpiece, kaya pumasok ako sa kabilang dulo.”Naghiwalay silang muli upang hanapin ang bawat posibleng labasan. Sinubukan ni Damon ang mga pintuan sa likod ng dalawang gusali, ngunit parehong naka-lock. Tiningnan ni Julian ang makitid na daan sa kaliwa at ang hagdang bakal sa gilid ng lumang gusali. Wala silang nakitang bakas ni Divine.“Walang camera rito,” sabi ni
Nanatiling nakatingin si Felicity sa cellphone ni Damon.Hindi na nito itinuloy ang pag-alis sa kusina. Nawala ang kulay sa mukha nito nang mabasa ang pangalang lumitaw sa notification.“Nakita na si Divine,” mahinang sabi nito.Kinuha ni Damon ang cellphone sa counter. Hindi niya agad binuksan ang mensahe. Mas nakatawag sa pansin niya ang paraan ng pagkakahawak ni Felicity sa baso, na tila anumang sandali ay mabibitawan nito iyon.“Bakit patuloy mo pa rin siyang hinahanap?” tanong nito. “Dati mo siyang nobya, hindi ba?”“May kailangan akong malaman mula sa kanya.”“Bakit kailangan mo pang magsinungaling?” Humarap ito sa kanya. “Kanina, tinanong kita kung may nararamdaman ka pa kay Divine. Hindi ka sumagot.”“Mahalaga si Divine sa buhay ko,” sagot niya.Namutla si Felicity. Ibinaba nito ang baso sa counter at napaatras ng isang hakbang.“Kung mahalaga siya sa buhay mo…” Napalunok ito. “Eh ano ako sa ’yo? Hanggang anim na buwan pa din ba ang itatagal ko sa buhay mo? O mas mapapabilis k
Alam ni Maya na ramdam ni Lucas ang tibok ng puso niya.Uminom siya ng wine, ang pisngi niya ay na-iinit na.Si Lucas ay tahimik lang na nakaupo sa tabi niya, pilit iniiwas ang tingin.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nababasa niya ang pangungulila nito.Hindi niya alam kung lakas ng loob ba o lakas
Tahimik ang gabi. Nasa loob ng kubo si Lucas, hawak ang cellphone, tinitingnan ang chat thread nila ni Maylee. Ang mga huling mensahe ay mula pa noong nakaraang linggo.Nag-type siya ng mensahe.“Good evening, Ms. Maylee. I just want to apologize for calling you the other night. I was drunk, and I
Humigpit ang dibdib ni Maya habang binabasa ang mensahe.Tinitigan niya ang cellphone, paulit-ulit binabasa ang text.Tila umikot ang mundo niya.Nakatulala siya sa screen, pinipigilan ang luha.She stared blankly at her phone, the last message from Lucas still glowing on the screen.Your perfume an
Habang sa loob ng ospital, sabay-sabay napalingon sa TV sina Lucas, Donya Ester, Iris, at Camille na bagong dating.Tensyonado at walang makapagsalita.“Shit, sino ang nagpakalat ng Marriage Certificate?” galit na sabi ni Lucas.“Malamang si Maya Marasigan. Mukhang gusto talaga ng gulo ng babaeng iy







