Share

Kabanata 661 Two Become One

last update publish date: 2026-03-27 17:17:19
Bahagyang ngumiti si Candice, pero mahina lang. Halos hindi makita. “Paano kung ayoko?”

Parang may kung anong nagdilim sa mga mata ni Brent sa sinabi niyang iyon.

At sa susunod na segundo, halos magkadikit na ang noo nila.

Napapikit siya nang kusa.

Naramdaman niya ang dahan-dahang paghinga ni Brent, ang mahinang pagdampi ng ilong nito sa gilid ng mukha niya, ang init ng kamay nitong umangat at marahang humawak sa pisngi niya.

Hindi ito nagmamadali.

Parang binibigyan siya ng huling pagkakataong u
Maria Bonifacia

Please read my other books in GoodNovel. 1. The Billionaire’s Exclusive Maid – Ongoing (latest) 2. Secret Affair with my Hot Ninong – Ongoing 3. Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3) - Completed 4. Love for Rent (1.3M views - Book1-7) - Completed 5. The CEO's Cold Ex-Wife – Ongoing 6. Unlove Me Not - Completed 7. The Ex-Convict Billionaire - Completed Maraming salamat po sa suporta! Love you all!

| 39
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (44)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
meron na po. salamat po
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Thanks a lot po!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1148 Soon-to-Be Ex-Wife

    Hindi agad nakasagot si Damon.Nakatutok sa kanya ang tingin ni Mommy Mercy, hinihintay ang sagot kung sigurado ba siyang gusto niyang tapusin ang kasal. Sa tabi ng ina, tahimik si Lola Clara. Si Felicity naman ay nakatayo ilang hakbang mula sa kanila, nakangiti na para bang hindi nito ikinalulungkot ang annulment.Bumuka ang bibig niya, ngunit naunahan siya ng asawa.“Sigurado na po si Damon.” Magaan ang tono ni Felicity. “Napagkasunduan na po namin ito.”Bumaling kay Felicity ang ina. “Pareho ba talaga ninyong gusto?”“Opo.”“Wala ka bang nararamdaman sa anak ko?”Hindi nagbago ang ngiti ni Felicity. “Wala po.”Napatingin si Damon dito. Mabilis at diretso ang sagot nito, ngunit saglit na kumuyom ang mga daliri nito sa laylayan ng blouse. Namamaga pa rin ang mga mata nito kahit sinabi nitong napuyat lamang sa panonood.Napansin din iyon ni Mommy Mercy. Bumaba ang tingin nito sa mga kamay ni Felicity bago muling tumingin sa mukha nito. Tila may gusto pa itong itanong, ngunit hindi na

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1147 No Reason Left to Stay

    Pagkasara ng pinto, napahawak si Felicity sa dibdib at tuluyang napahikbi.Akala niya ay umalis na si Damon, ngunit wala siyang narinig na mga yabag sa hallway. Maya-maya, gumalaw ang doorknob.Napatingin siya sa pinto.Nasa labas pa rin ito.Pinigil niya ang paghinga, umaasang bubuksan ni Damon ang pinto at babawiin ang sinabi nitong hindi siya mahal. Lumipas ang ilang segundo, ngunit nanatiling nakasara ang pinto. Muling gumalaw ang doorknob, saka niya narinig ang mga yabag na unti-unting lumayo.Hindi ito bumalik.Pinunasan ni Felicity ang mga pisngi at kinuha ang cellphone sa ibabaw ng dresser. Patuloy pa ring nagre-record ang camera.Pinanood niya ang video mula sa simula. Nakita niya ang pag-asa sa sarili niyang mukha habang hinihintay ang sagot ni Damon.“Kahit kaunti… may pagtingin ka ba sa akin?”Pagkatapos ay narinig niyang muli ang mga salitang dumurog sa puso niya.“May hinihintay ako.”Pinahinto niya ang video. Nakatapat na sa delete button ang daliri niya, ngunit hindi n

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1146 The Heartbreak Behind Her Laughter

    Hindi sumagot si Damon.Habang tumatagal ang katahimikan, unti-unting namamatay ang pag-asang pilit kinakapitan ni Felicity. Nakatayo ito sa harap niya, ngunit tila napakalayo nito. Tanging pag-aalinlangan lamang ang nakikita niya sa mukha nito na lalong dumudurog sa kanya.Gayunman, hindi siya maaaring tumigil nang hindi naririnig ang malinaw na sagot. Ayaw niyang habambuhay na isipin kung ano sana ang nangyari kung binigyan niya ito ng isa pang pagkakataong magsabi ng totoo.“Damon, mahal kita.” Kumirot ang lalamunan niya. “Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.”Tumulo ang luhang kanina pa nagbabanta sa kanyang pisngi. Hindi niya iyon pinunasan. Tiningnan niya si Damon kahit halos hindi na siya makahinga sa kaba.“Kahit kaunti…” Naputol ang boses niya. “May pagtingin ka ba sa akin?”Bumaba ang tingin ni Damon. Napahawak ito sa batok bago lumayo ng isang hakbang.“Fel, I’m sorry.”Tatlong salita lamang iyon, ngunit parang may malamig na kamay na humugot sa puso niya.“Una pa lang, ma

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1145 The Love She Could No Longer Hide

    Pagdating sa IronGate, dumiretso si Damon sa monitoring room. Naghihintay na roon si Julian sa harap ng mga monitor habang sinusuri ang CCTV footage na ipinadala ng impormante nilang may access sa security system ng mall.“May nakita ako sa footage noong araw na nakasalubong natin si Prince at Felicity pero huwag kang magugulat,” sabi ni Julian.Kumunot ang noo ni Damon at lumapit. Sa gitnang monitor, makikita ang malawak na mall. Kita sa ground floor ang paglalakad nila ni Julian habang sinusuri ang mga tindahan at mga taong dumaraan. Sa second floor naman, nakatayo sina Stefie, Clarence, Divine, at Felicity.Napatitig siya sa asawa.Nang tumingala siya mula sa ground floor, mabilis na umatras si Felicity at pumuwesto sa harap ni Divine. Hindi iyon basta paggalaw. Ginamit nito ang sariling katawan upang harangan ang babae sa paningin niya.“May isa pang angle,” sabi ni Julian.Lumipat ang footage sa camera na nakatutok sa escalator at hilera ng mga tindahan sa second floor. Nang maki

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1144 Waiting for Your Love

    “Divine!”Hinabol ni Damon ang babaeng nilamon ng dilim. Umabot siya sa makitid na daanang naghihiwalay sa dalawang gusali, ngunit wala na roon si Divine. Dalawang direksiyon ang maaaring tinahak nito, isang pasilyong patungo sa likod ng mga tindahan at isang masikip na labasang kumokonekta sa kabilang street.Mabilis siyang lumiko sa kanan. Mga basurahan, nakasarang pinto, at mataas na pader lamang ang nadatnan niya.May mga yabag na papalapit mula sa kabilang dulo.Nagkubli si Damon, ngunit si Julian ang lumitaw sa ilalim ng umaandap na ilaw.“Nasaan siya?” tanong nito.“Nawala siyang bigla.”“Narinig kitang nagsalita sa earpiece, kaya pumasok ako sa kabilang dulo.”Naghiwalay silang muli upang hanapin ang bawat posibleng labasan. Sinubukan ni Damon ang mga pintuan sa likod ng dalawang gusali, ngunit parehong naka-lock. Tiningnan ni Julian ang makitid na daan sa kaliwa at ang hagdang bakal sa gilid ng lumang gusali. Wala silang nakitang bakas ni Divine.“Walang camera rito,” sabi ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 1143 The Woman He Finally Found

    Nanatiling nakatingin si Felicity sa cellphone ni Damon.Hindi na nito itinuloy ang pag-alis sa kusina. Nawala ang kulay sa mukha nito nang mabasa ang pangalang lumitaw sa notification.“Nakita na si Divine,” mahinang sabi nito.Kinuha ni Damon ang cellphone sa counter. Hindi niya agad binuksan ang mensahe. Mas nakatawag sa pansin niya ang paraan ng pagkakahawak ni Felicity sa baso, na tila anumang sandali ay mabibitawan nito iyon.“Bakit patuloy mo pa rin siyang hinahanap?” tanong nito. “Dati mo siyang nobya, hindi ba?”“May kailangan akong malaman mula sa kanya.”“Bakit kailangan mo pang magsinungaling?” Humarap ito sa kanya. “Kanina, tinanong kita kung may nararamdaman ka pa kay Divine. Hindi ka sumagot.”“Mahalaga si Divine sa buhay ko,” sagot niya.Namutla si Felicity. Ibinaba nito ang baso sa counter at napaatras ng isang hakbang.“Kung mahalaga siya sa buhay mo…” Napalunok ito. “Eh ano ako sa ’yo? Hanggang anim na buwan pa din ba ang itatagal ko sa buhay mo? O mas mapapabilis k

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 385 The Taste of a Dream

    Kumatok si Dahlia, may bitbit na mangkok na may takip si Maya.“Mang Dennis! May dala po kaming lugaw!”Mabilis na napalingon si Lucas.“Oh no,” bulong niya, napatayong bigla. Nasa harapan pa rin niya sina Iris at Daryl.“Bro,” sabi ni Daryl, “Si Maya ba ‘yun?!”“Kuya, anong gagawin namin? Baka maki

    last updateLast Updated : 2026-03-28
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 346 Falling in Love Amid Secrets

    “Hello, Lucas? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko?” anang babae sa kabilang linya.Tumigil ang mundo ni Maya. Ang boses, kalmado pero may talas, si Ma’am Iris ng HR.Bago pa niya maproseso, mabilis na lumapit si Lucas, inabot ang phone, pero huli na. Nakatingin na si Maya sa kanya,

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 339 Blindfolded

    “Close your eyes,” anang CEO. Sumunod si Maya.Lumapit ito at nilagyan ng piring ang kanyang mga mata.“Ipapadala ko po ang draft ng kontrata sa email,” aniyang ramdam ang malakas na tibok ng puso. “Anim na buwan lang po. Pagkatapos no’n, tapos na ang lahat ng ugnayan natin. Bayad na po ako sa lahat

    last updateLast Updated : 2026-03-27
  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 387 A Scar and a Secret

    Hinawakan ni Lucas si Maya. “Pumasok ka na sa loob. Titignan ko. Baka hayop lang ‘yon.”Dahan-dahan itong tumango. “Salamat, Mang Dennis.”“Wala ‘yon,” mahinahon niyang sagot, tinatago ang kaba. Pero habang tinitingnan niya ang babae, may isang panata siyang muling binuhay sa puso.Kahit anong mangy

    last updateLast Updated : 2026-03-28
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status