Highly recommended ko din po ang Never Fall Again to the Heartless Billionaire (Book 1-3). Completed na din po ito. I am forever grateful sa inyong suporta!
Napatigil si Mira nang maramdaman ang biglang pagdampi ng labi ni Kyle sa kanyang labi. Maalab ang halik na ibinibigay ng lalaki. Mariin ang pagkakahawak nito sa kanyang beywang, parang ayaw siyang pakawalan. Ngunit bago pa siya makapagprotesta, may narinig silang yabag.Si Tamara, papalapit sa kinaroroonan nila!Agad lumayo si Kyle sa kanya, mahina ang boses nito, halos hindi marinig. “Sampalin mo ako. Ngayon na.”Naguluhan siya, nanlaki ang mga mata. “Ano? Anong sabi mo?”Pero mas mariin ang bulong ng lalaki, halos desperado. “Gawin mo na, Mira. Sampalin mo ako. Malakas. Bilisan mo.”Nang tumingin siya muli, naroon na si Tamara sa di kalayuan, matalim ang titig, halatang nagliliyab sa galit. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos ni Kyle.Malakas ang tunog ng palad niya sa pisngi nito. Napaigik si Kyle, ngunit hindi pa doon natapos.“Sipain mo ako,” dagdag na utos ni Kyle na lalo niyang ipinagtaka.Itinulak niya ito at saka tinadyakan sa hita gaya ng inutos.“Kyle, anong ginaga
Sa iba’t ibang pahina ng business magazines at lifestyle columns, paulit-ulit na lumalabas ang pangalan ni Kyle Alvarado, hindi lang bilang CEO ng Megawide na pilit inaangat ang kumpanya kundi bilang laging ka-date ni Tamara sa mga social gatherings.Mula sa grand charity ball ng isang luxury hotel, hanggang sa product launch ng Timeless Essence, at maging sa mga eksklusibong private dinners, laging magkasama ang mga ito. May kuha pa ng litrato kung saan nakahawak si Tamara sa braso ni Kyle, tila ba malapit na malapit.Nakalabas na sa ospital si Katie, nasa bahay na ito at kasalukuyang nagpapagaling. Habang nakaupo si Mira sa tabi ni Katie ay nilapitan siya ni Maya.“Ate, ang bilis maka-move on ng ex mo. Jowa na agad si Tamara,” anitong ipinakita ang balita sa phone. Hindi niya napigilang manikip ang dibdib. Kumirot ang puso niya sa bawat litrato at headline.“Ito naman ang gusto ko, ‘di ba? Ang lumayo siya sa akin…Mainam at nang hindi na niya ako kulitin.”Hinilot niya ang sariling d
Napayuko si Mira, mariing pinipigilan ang luha. Nais niyang pagbigyan ang hiling nito.“Pagbibigyan kita sa hiling mo. Daanin natin sa legal.”Ngumiti si Kyle, isang ngiting may halong sakit at lihim na plano. Dahil sa likod ng pagpapanggap nito na walang maalala, malinaw sa kanyang puso ang totoo. Alam nito ang lahat ng nangyari kagabi. At hindi nito hahayaang muling lumayo ang mag-ina.Bago bumalik si Kyle sa lungsod ay dinalaw muna nito si Katie. May dala itong mga gamit sa pagguhit, agad siyang nginitian ni Katie kahit mahina pa sa katawan.“Uncle Kyle…”Agad lumapit si Kyle, inilapag ang regalo at marahang hinaplos ang buhok ng bata. Tumabi ito sa kama.“Kamusta ang prinsesa ko? May dala akong crayons at sketchpad para sa’yo. Para hindi ka mainip habang nagpapagaling.”Lumuwang ang ngiti ni Katie, at kahit na masakit ang katawan ay pinilit niyang bumangon para tingnan ang mga pangkulay at papel. Agad inalalayan ni Kyle ang bata.“Wow! Salamat po, Uncle Kyle. Ang bait mo po sa aki
Naglalagablab ang init ng silid kahit malamig ang aircon. Ang mga halik ni Kyle ay mariin at puno ng pananabik. Naglapat ang kanilang mga labi, minsan marahan, minsan marahas tila kapwa uhaw.Si Mira ay unti-unting natutupok. Hahayaan niyang maganap ang hindi dapat, for the last time. Lasing ang lalaki at tiyak na walang maaalalang kahit ano bukas. Ngunit pinipilit pa din niyang pigilin ang nabubuhay na pagnanasa sa katawan.“Kyle, tama na…”Ngunit sa halip na huminto, marahan siyang hinaplos ni Kyle sa likod, saka siniil ulit ng halik na mas malalim, mas mapusok. Ipinasok nito ang dila sa loob ng kanyang bibig at nag-espadahan ang kanilang mga dila.“Sssshhhhhh. I love you. I love you. I love you, Mira,” anas ni Kyle.Napaluha siya habang nagpapaubaya, pinipilit itanggi na ang bawat dampi ng halik at bawat higpit ng yakap ay matagal na niyang hinahangad.Dahan-dahang bumigay ang kanyang katawan, ang kanyang mga kamay ay tuluyan nang napayakap sa lalaki, habang ang init ng kanilang da
Nanatiling nakatunghay si Mira kay Kyle. Mabilis siyang nanghingi ng malinis na bimpong basa mula sa nurse’s station.Pagbalik niya ay nadatnan niya si Kyle na nakahiga pa din sa maliit na sofa ng kwarto ni Katie.Lumapit siya, marahang pinunasan ang pawisang noo nito ng malamig na bimpo. Napatingala si Kyle, at kahit mapungay ang mga mata, may ngiti sa labi.“Akala ko… hindi mo ako love, bakit inaalagaan mo pa din ako?”Napasinghap siya, agad na umiwas ng tingin.“T-tumahimik ka nga. Ang dami mong sinasabi. Bukas ay bumalik ka na sa lungsod. Madami kang dapat gawin.”Patuloy niyang pinupunasan ang mukha at leeg ni Kyle.“Salamat… kahit na tinataboy mo ako… inaalagaan mo pa rin ako.”“Hindi ka pwedeng mag-stay dito sa ospital. Kailangan mong magpahinga. Ihahanap kita ng matutuluyan pansamantala para makatulog ka ng maayos.”“Saan? Sa bahay mo?” anitong nakapikit na.Mabilis siyang umiling.“Hindi. Sa condo. May hinuhulugan akong unit, walang nakatira doon. Doon ka muna matutulog ngayo
“Mira, kung ‘yan ang kinakatakot mo. Huwag kang mag-alala. Aayusin ko ang Megawide sa lalong madaling panahon. Mangako kang hihintayin mo ako.”Tumitig siya kay Kyle, ngunit sa likod ng kanyang mga mata ay nagtatagisan ang sakit at takot. Kailangan niyang tapusin ito, kahit pa ang kapalit ay wasakin ang lalaking matagal nang nakaukit sa puso niya. Pilit niya itong hinihila upang tumayo.“Gusto mong marinig ang totoo, Kyle? Oo, isa akong spy. Bumalik ako sa Megawide para tulungan ang Tuazon Group. Ang kumpanyang pinapamunuan ng lalaking minamahal ko noon at ngayon, si Sebastian.”Nanginginig ang mga kamay niya, pero hindi siya umurong.“Mira, you’re lying,” anitong nanatiling nakaluhod sa harapan niya.“Huwag mong isipin na may saysay ang pakiusap ni Lolo Mario. Ang totoo, kinuha ko lang ang pera. Wala akong pakialam sa pamilya mo, ni sa pangarap mong ibangon ang Megawide. Two birds in one stone, Kyle, nagkapera na ako, nakatulong pa ako kay Seb.”Ramdam niya ang mabilis na tibok ng ka