Share

Kabanata 9 The Gossip

last update Last Updated: 2025-07-31 18:10:47
Napasinghap si Mira. Hindi niya inakalang ganito kababa ang iniisip ng boss niya. Kahit gusto niyang sumigaw, pinili niyang huminga nang malalim at ngumiti, isang ngiting puno ng pasensya.

“Wala po, Sir Kyle,” sagot niya. “Walang nangyari sa amin. Nagtagal lang kami dahil nalibang sa kwentuhan. Umuwi ako kaagad pagkatapos.”

“Pero may gusto siya sa’yo.”

Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumapit siya at marahang inabot ang bote ng alak sa kamay nito.

“Hindi ko po kontrolado ang nararamdaman ng ibang tao, Sir Kyle. Pero kontrolado ko ang sarili ko. Nandito ako dahil may responsibilidad akong tinanggap. At gagampanan ko po ng buong husay ang trabahong ibinigay ninyo.”

Bumuntong-hininga si Kyle. “Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong dinudumihan mo ang pangalan ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo,” anitong tumalikod na.

Nakahinga siya ng maluwag ng mailapat ang pinto ng kanyang silid.

***

Kinabukasan, maagang pumasok si Mira sa Megawide Corporation. Tinakpan niya ang pagod at
Maria Bonifacia

Thank you very much po sa pagsubaybay sa kwento ng pag-ibig nila Mira at Kyle. Godbless po!

| 6
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Maria Bonifacia
Maraming salamat po!
goodnovel comment avatar
Ghie Tolis
maganda siya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 13 The Hero

    Galing si Mira sa opisina nang mapadaan siya sa isang convenience store. Pumasok siya para bumili ng pasalubong para sa amang nasa ospital. Habang pumipili ng tinapay, napansin niya ang isang matandang lalaki na nakasuot ng hospital gown, at tila naguguluhan habang namimili sa snack section.May dala itong juice, sandwich, at ilang gamot.Paglapit sa counter, tila biglang nataranta ang matanda habang kinapa ang bulsa."Naku, anak, mukhang naiwan ko ang wallet ko sa ospital."“Naku, lolo, lumang style na ‘yan. Ibalik ninyo ang mga kinuha ninyo kung wala kayong pera!” anang staff.Narinig niya iyon habang binabayaran ang sarili niyang binili. Napatingin siya sa matanda at nakita ang pamumutla nito."Walang problema po, Lolo. Ako na po ang magbabayad."Ngumiti siya at inabot ang bayad para sa binili ng matanda.“Maraming salamat, iha. Babayaran kita agad.”Ngunit bago pa man niya maabot ang resibo, bigla na lang napahawak sa dibdib ang matanda. Napaluhod ito at nanginig."Lolo! Lolo! Anon

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 12 The Cold-Hearted Boss

    Napatitig si Mira kay Kyle, tila hindi makapaniwala. Nagsikip ang dibdib niya. Pero sa halip na umiyak, tumango siya.“Sige, kung saan ka masaya.”Binuksan niya ang pinto at bumaba. Humigpit ang hawak niya sa clutch habang ang takong ng sapatos niya ay tumunog sa sementong kalsada.Habang naglalakad siya, kahit kinakalaban ng sapatos ang bawat bato at alikabok, hindi siya lumingon. Sanay siya sa hirap at maglakad ng ilang kilometro basta hindi lang sana nakatakong.Sa loob ng kotse, nanatiling nakatitig si Kyle sa rearview mirror. Sinundan nito ng tingin ang bawat hakbang ng babae.“Damn it…” bulong nito, kasabay ng pagbunot ng cellphone.“Clara,” tawag nito sa mayordoma, “magpadala ka ng taxi na susundo kay Mira sa bandang Magalang Street. Bilisan mo, ngayon na.”Ilang minuto pa, may humintong taxi sa tapat ni Mira.“Ma’am, taxi po.”Tinignan niya ang matandang driver at ang sasakyan nitong pan-taxi naman. Mabilis siyang sumakay.Malamig ang hangin, pero mas malamig ang pakiramdam ni

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 11 Generous Gift

    Hindi umiwas si Mira sa tingin ni Kyle. Sa halip, tumango lang siya upang batiin ito. Nakita niya itong palapit.“Sorry, I’m late,” malamig ngunit maginoong bati ni Kyle, nakasuot ng itim na tuxedo. Tahimik ngunit matalim ang mga mata nito kay Sebastian bago lumipat ang tingin sa kanya.Ngumiti si Sebastian, tumayo at nakipagkamay. “Kyle. What a surprise. Didn't expect to see you here tonight. Sa tagal ng charity event namin, palagi ka lang nagpapadala ng representative. Pero mukhang espesyal ang araw na ito at personal kang nagpunta.”“Well, we’re business partners, dapat lang na suportahan ko ang charity event ng Tuazon Group,” sagot ni Kyle.Saglit na katahimikan. Tapos, biglang tinawag ang auctioneer sa gitna ng ballroom upang simulan ang highlight bidding, isang prime beachfront property sa bayan nila.“Next up, 500-hectare beach property! Starting bid at 50 million pesos!” anang auctioneerAgad na sumagot si Sebastian. “Fifty-five.”Tumugon si Kyle, malamig ang tono, “Sixty.”Nap

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 10 Signing the Contract

    Tila hindi nagulat si Sebastian. Sa halip, nakatingin lang ito sa kay Mira, tila inaarok ang kanyang damdamin.“May tanong ako, Mira,” mahinang sabi ni Sebastian. “Sa tingin mo ba, karapat-dapat na mapili ang proposal ng Megawide, o gusto mo lang mapalugod ang boss mo?”Natigilan siya. Alam niyang crucial ang sagot.Huminga siya nang malalim. “Karapat-dapat ang proposal. Alam mo ‘yan dahil nai-present na sa’yo. Alam kong may value din sa Tuazon Group ang partnership, pero hindi ako magmamalinis, gusto din talaga ng boss ko na makuha ito. At gusto kong matulungan siya.”Tumango si Sebastian, tila pinoproseso ang lahat.“Kung sakaling pirmahan ko,” dagdag nito, “hindi ba parang nanalo siya hindi dahil sa proposal, kundi dahil sa’yo? Alam mong hindi kita kayang tanggihan.”Hindi agad siya nakasagot at snadaling nag-isip.“Ang mahalaga, mapapakinabangan ng parehong kumpanya ang partnership at ng mga tao sa ating bayan pati na ang mga karatig lugar. Kung sino man ang maging dahilan, hindi

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 9 The Gossip

    Napasinghap si Mira. Hindi niya inakalang ganito kababa ang iniisip ng boss niya. Kahit gusto niyang sumigaw, pinili niyang huminga nang malalim at ngumiti, isang ngiting puno ng pasensya.“Wala po, Sir Kyle,” sagot niya. “Walang nangyari sa amin. Nagtagal lang kami dahil nalibang sa kwentuhan. Umuwi ako kaagad pagkatapos.”“Pero may gusto siya sa’yo.”Hindi siya agad sumagot. Sa halip, lumapit siya at marahang inabot ang bote ng alak sa kamay nito.“Hindi ko po kontrolado ang nararamdaman ng ibang tao, Sir Kyle. Pero kontrolado ko ang sarili ko. Nandito ako dahil may responsibilidad akong tinanggap. At gagampanan ko po ng buong husay ang trabahong ibinigay ninyo.”Bumuntong-hininga si Kyle. “Siguraduhin mo lang. Kapag nalaman kong dinudumihan mo ang pangalan ko, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa’yo,” anitong tumalikod na.Nakahinga siya ng maluwag ng mailapat ang pinto ng kanyang silid.***Kinabukasan, maagang pumasok si Mira sa Megawide Corporation. Tinakpan niya ang pagod at

  • Loveless Deal with the Cold-Hearted CEO   Kabanata 8 Being Honest

    Napalunok si Mira. Gusto sana niyang itanggi. Ngunit mas mainam na manatili siyang tapat.Nagbaba siya ng tingin. “Tama ka, nagpakasal nga kami. Pero ang kasal namin ay hindi kagaya ng iba.”“Anong ibig mong sabihin? Ang sa sabi akin kanina lang ng kaibigan ko, si Sofie ang bride kaso hindi sumipot at biglang ikaw ang ipinalit. Nagulat ang mga tao dahil alam ng lahat na assistant ka ni Kyle.”“Pansamantala lang ang kasal. May kasunduang pinirmahan. Maghihiwalay din kami matapos ang anim na buwan.”Tahimik si Sebastian. Hindi ito nagulat. Ngunit may bahid ng disappointment sa mga mata nito.“So, he’s using you. Bakit ka pumayag?”“Hindi naman sa ganoon,” mabilis na tanggi niya. “Pumayag ako at tinanggap ko ang pera, hindi para sa sarili ko kundi para sa operasyon ni Tatay. Actually, sobrang laki ng ibinayad niya at plano kong isoli ang sobra kapag natapos na ang gamutan.”Muling natahimik si Sebastian. Hanggang sa bumuntong-hininga ito at tumango. “I get it. You're selfless, as always.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status