“Huwag mo akong subukan, Jenny. Sumama ka sa akin bago pa ako maubusan ng pasensya,” gigil na sabi ni Sebastian.Nanlamig siya. Hindi niya alam kung dahil sa takot o dahil sa tibok ng puso niya na parang mabibingi siya.“Sebastian, please… May pupuntahan lang kami ni Andrei.”“Sumakay ka sa kotse, ngayon na!”Napalunok siya at dahan-dahang bumaba sa motor.“Jenny, sigurado ka ba? Gusto mong tumawag ako ng pulis?”Hindi niya kayang magsalita. Hawak pa rin ni Sebastian ang braso niya habang inihatid siya sa kotse.Bago pumasok, muling binalingan ni Sebastian si Andrei.“Hindi mo na kailangang makialam sa amin ni Jenny.”At walang sabi-sabing isinakay siya nito sa kotse, saka mabilis na umalis. Ramdam niya ang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya alam kung galit ba si Sebastian, pero isa lang ang sigurado, this night is far from over.Tahimik sa loob ng sasakyan. Tanging ugong ng makina at mabigat na paghinga ni Jenny ang naririnig. Nakatingin siya sa bintana.“Bakit mo ako iniiwasan,
“Sebastian, I don’t like what I’m hearing about you and that assistant. Hindi magandang pakinggan para sa Tuazon Group,” sabi ni Don Juan.Tumayo si Sebastian, nilapag ang mga kamay sa mesa.“Jenny is my employee. Whatever you heard, huwag mo nang pakialaman ang personal kong buhay.”“Personal? Alam mo bang umiikot na sa social media ang mga picture nating dalawa kagabi? Do you know how that looks? And yet, she’s still here, acting like she owns this office. May pasara-sara pa kayo ng pinto.”Nag-igting ang panga niya.“Kung problema ang mga litrato kagabi, wala akong pakialam kung ano ang isipin ng iba.”Napataas ang kilay ni Don Juan, saka bahagyang lumapit sa mesa.“Sebastian, we are business partners. Hindi lang ito tungkol sa iyo. This is about the company, the board, the investors. Hindi ka na bata para ma-scandal dahil lang sa isang babae. Vicky is the right choice. Mas magiging maganda ang reputasyon mo! Sa negosyo kailangan mo ng asawang maipagmamalaki!”“No. Don’t decide for
Malalim ang buntong-hininga ni Sebastian. “Hindi mo pa ba nakikita ang kumakalat na photos namin ni Vicky sa isang kwarto? Gusto kong malaman mo na wala akong matandaan masyado kagabi. I swear. Wala akong planong magpakasal kay Vicky.”Napasinghap siya. Parang sumikip lalo ang dibdib niya. Ngayon lang niya nalaman dahil naging abala siya sa sariling problema.Dumukwang si Sebastian, seryoso. “I was drugged, Jenny. Wala akong maalala. Please… maniwala ka. Ang huling naalala ko ay sinundo mo ako tapos wala na akong matandaan. Actually, akala ko ikaw ang babaeng kasama ko kagabi. Kaso paggising ko si Vicky.”Kumirot ang puso niya. Gusto niyang magsalita, sabihin na siya man ay may tinatagong sikreto. Gusto niyang umamin na may nangyari sa kanya kagabi… pero hindi niya alam kung paano.“Sebastian…” aniyang nangingilid ng luha.Umupo ito sa tabi niya, hawak ang kanyang kamay. “Hey… look at me.”Dahan-dahan siyang tumingin dito.“I don’t care about the photos, Jenny. Ang iniisip ko ngayon…
Nagising si Jenny sa malamig na pakiramdam ng kumot sa kanyang balat. Mabigat ang ulo niya at parang tinutusok ang sentido. Napasinghap siya nang mapansin ang lalaking natutulog sa tabi niya. Mataba, may edad na, at may malakas na hilik. Parang binuhusan siya ng malamig na tubig.Sinipat niya ang sarili. May damit naman siya! Pero halos wala siyang maalala. Ramdam niya ang pananakit ng ibabang bahagi ng katawan.“Hindi… imposible…” bulong niya, nanginginig ang katawan. Umaagos ang luha sa kanyang pisngi.Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi. Nagbalik ang mga putol-putol at malabong mga alaala, ang halik, ang init sa katawan, ang bigat ng katawan ng lalaking kasama niya. Pero malinaw sa kanyang isip, hindi itong katabi niya ang lalaking kasama niya kagabi.Tulala siyang lumabas ng kwarto, halos madapa sa pagmamadali. Ang hallway ng bar ay tila walang katapusan, at bawat hakbang ay parang kumakabog ang dibdib niya.Pagkalabas niya ng establisyemento, malamig na simoy ng hangin ang
Umiikot ang paningin ni Jenny. Hinila siya ng isang estranghero sa isang kwarto. Para bang biglang uminit ang buong katawan niya at bumigat ang bawat hakbang. Ano ba ang hinalo ni Vicky sa alak? Para siyang natutuliro.“B-Bitiwan mo ‘ko…” halos bulong na ang boses niya at walang lakas.Itinulak siya ng lalaki papasok sa madilim na silid at isinara ang pinto. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Ang liwanag sa labas ay nawala, tanging anino na lamang ng estranghero ang nakikita niya.Lumapit ito sa kanya, at kahit gusto niyang umatras, hindi gumagalaw ang kanyang mga paa. Para siyang nakapako.Yumuko ang lalaki at hinalikan siya sa labi.Hindi na niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niya pero tinangkang itulak ang lalaki. Ngunit mahina lang ang pagtulak niya. Ramdam niya ang bigat ng kanyang talukap, parang gusto na niyang pumikit.“You’re so sweet, hmmmm!” anito habang patuloy siyang sinisibasib ng halik. Pamilyar ang halik. Pati na ang haplos. Tuluyan na siyang nawa
Pagdating ni Jenny sa bahay, pakiramdam niya ay mabigat ang buong katawan niya. Tahimik ang paligid pero ang utak niya ay parang gulo-gulo. Hindi niya maiwasang panay tingin sa cellphone.“Baka nasa meeting lang talaga sila… baka busy… baka…” paulit-ulit niyang sinasabi sa isip pero hindi niya mapawi ang kaba.Alas-diyes na ng gabi, hindi pa rin nagrereply si Sebastian. Pumunta siya sa kusina, uminom ng tubig, at bumalik sa kwarto. Binuksan ang cellphone, walang kahit anong notification.Alas-onse na. Hindi na niya matiis. Nag-type siya ng message kung anong oras ito uuwi.Pinindot niya ang send at hinintay. Wala pa ring reply.Nagsimulang manginig ang kamay niya. Baka kung ano na ang nangyari sa kanila ni Vicky… baka… Hindi niya naituloy ang iniisip. Ayaw niyang saktan ang sarili sa mga imahinasyon.Naglakad-lakad siya sa loob ng kwarto, paulit-ulit na chine-check ang phone. May kung anong kirot sa dibdib na hindi niya maipaliwanag.Bandang 11:30 p.m., umupo siya sa gilid ng kama, hal