LOGINDear readers, maraming salamat po sa suporta! It means a lot to me! Kayo po ang aking inspirasyon!
“Ibig sabihin, siya ang nagpakabit ng wiretapping device,” sabi ng isang director.“Siya rin ang nagbigay ng proposal sa Crestline,” dagdag ng isa.Nagsimulang tumaas ang mga boses sa paligid ng mesa.Sa kabilang bahagi, nanatiling tahimik si Don Leandro.Si Warren ang unang nagsalita nang malakas.“Traydor pala si Director Villareal.” Umiling ito, tila hindi makapaniwala. “May posibilidad na may kinalaman din siya sa nawawalang pondo.”Mas lumakas ang bulungan.Napatingin dito si Fiona.Napakabilis nitong idinugtong ang nawawalang pera sa pangalan ni Director Villareal.“Wiretapping, unauthorized access, at paglabas ng confidential files pa lamang ang may ebidensya tayo. Hindi natin siya hahatulan sa krimeng wala pa tayong patunay.”“Tumakas siya,” sagot ni Warren. “That says enough.”“Hindi sa korte.”Bahagyang ngumiti si Warren.“Of course. We should be fair.”“Exactly.”Kahit nasaktan siya ng ginawa ng ninong niya, hindi niya hahayaang gamitin ito para itago ang iba pang posibleng
“Fiona--”“Ninong, sagutin ninyo ako.”Mabigat na napabuntong-hininga si Director Villareal.“Hindi ko gustong umabot sa ganito.”Inilapag ni Fiona sa mesa ang access records. “Ipapasa ko ito sa legal department at sa mga pulis kapag hindi ninyo ipinaliwanag kung bakit pangalan ninyo ang nasa authorization.”Hindi nagmakaawa ang kanyang ninong. Tahimik lamang itong nakatingin sa kanya.“Your father trusted me,” sabi nito. “And I failed him.”“Ninong, bakit?” aniyang maluha-luha.“Payo ko lang, bumaba ka na lang sa posisyon mo. Kapag ginawa mo iyon, matatapos ang problema mo.”Nanlamig ang mga daliri niya.“Anong ibig ninyong sabihin?”“Palugi na ang Ayala Premier. Wala ka nang magagawa para isalba ito.”“Ninong, bago pa makarating kay Daddy o sa mga pulis ang ginawa ninyong pagbibigay ng project proposal ng kumpanya, sabihin ninyo sa akin ang totoo.”Tumingin ito sa kanya.May lungkot sa mga mata nito.Hindi ito nagsalita.Tumayo lamang ito at kinuha ang coat sa likod ng upuan.“Kapag
“Takot lang siguro ang ninong mo.”“O baka tama siya.”“Hindi.”“Paano mo nasisiguro?”“Dahil alam kong matapang ka.” Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang mukha niya. “Hindi pa tapos ang laban, Fiona.”Tinitigan niya ang mga mata nito.Hinawakan niya ang kuwelyo ng blouse nito at hinalikan ito.Saglit na natigilan si Theo bago marahang humawak sa baywang niya.Maikli lamang sana ang halik.Pero nang tangkain niyang lumayo, hinabol siya ni Theo at muling idinikit ang labi sa kanya, mas mabagal, mas maingat, na para bang pinapaalala nitong hindi siya nag-iisa.Nang maghiwalay sila, napatingin ito sa itaas na sulok ng silid.“May camera.”Bigla niya itong binitawan. Bumalik siya sa kanyang upuan.Hindi na naghintay si Fiona ng susunod na araw para gumawa ng hakbang.Kinuha niya ang cellphone at hinanap ang numerong ilang taon na niyang hindi tinatawagan.Charlotte Romano.Minsan itong naging kaklase niya. Minsan ding naging pinakamalapit niyang katunggali.Sinagot na ni Charlotte
Hinawakan ni Theo ang kamay ni Fiona.“You lost one proposal. Pero kaya mong bumangon.”“What if they’re right?”“Then prove them wrong.” Bahagya itong yumuko at bumulong sa tabi ng tainga niya. “And until you do, borrow my faith in you.”Tahimik na tumulo ang luha ni Fiona.Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito.“I worked so hard for that project.”“I know.”“They stole it from me.”Yumuko ito at hinalikan siya sa noo.“Then we take back what’s yours.”“Natatakot akong baka hindi ko kayanin.”Hinawakan ni Theo ang mukha niya at marahang pinunasan ang luha sa ilalim ng mga mata niya.“Naniniwala akong kaya mo.”Napangiti siya sa gitna ng pag-iyak.“At nandito ako para sa’yo,” dagdag nito.Hinalikan niya si Theo nang mabagal, hindi dahil sa pagnanasa, kundi dahil kailangan niyang maramdaman na may isang taong hindi pa sumusuko sa kanya.Marahang humawak si Theo sa baywang niya.Nang maghiwalay sila, nanatiling magkalapit ang kanilang mga noo.Nag-vibrate ang cellphone ni Thess.Kinuh
“Tara na umuwi na tayo at baka bumalik pa ang mga iyon,” tanging nasabi ni Theo.Hindi sumagot si Fiona.Kinuha nito ang makeup remover mula sa maliit na bag.“Don’t move.”Maingat nitong pinunasan ang foundation sa pisngi niya. Sumunod ang kulay sa mga mata, saka ang lipstick.Bawat dampi ng mga daliri ni Fiona ay banayad.Nang mabura ang huling bakas ng lipstick, natigil ang kamay nito sa labi niya.“I’m sorry kung nadamay ka sa gulong ito. Natatakot akong baka mapahamak ka,” ani Fiona.Hinawakan niya ang kamay nito at marahang hinalikan.“Tutulungan kitang malutas ang kaso sa kumpanya ninyo.”Isa iyong pangako na tutuparin niya kahit ano ang mangyari.***Kinabukasan, pagdating nina Fiona at Thess sa Ayala Tower, halos sinalubong sila ni Shaira sa bungad ng executive floor.“Ma’am, emergency board meeting po,” hingal nitong sabi. “Dumating na ang resulta ng Luxe Coastal proposal.”Biglang nanlamig ang mga kamay ni Fiona.Hindi na siya nagtanong. Dumiretso siya sa boardroom habang ta
Huminto si Theo.Ngumiti si Don Leandro habang itinuturo ang bakanteng upuan sa tabi niya.“Come, Ms. Thess. Huwag kang mahiya.”Pagkaupo ni Thess, agad na naramdaman ni Theo na hindi simpleng dinner ang gabing iyon.Limang investors ang nasa paligid ng mahabang mesa, ngunit sina Don Leandro at Warren lamang ang tila tunay na interesado sa kanya. Ang iba ay abala sa alak at tahimik na usapan tungkol sa merkado, na para bang dekorasyon lamang sila sa pribadong pagsusulit na inihanda para sa kanya.Maingat niyang inilapag ang handbag sa tabi ng upuan.Sa loob nito, nakatago ang maliit na wireless transmitter na nakakonekta sa cellphone ni Fiona sa sasakyan. Hindi iyon ordinaryong recorder lamang, live napapakinggan ni Fiona ang usapan.“Saan ka nagtrabaho bago ka kunin ni Fiona?” tanong ni Don Leandro.Mahinahon ang tinig nito. Halos parang simpleng pakikipagkilala lamang.Ngunit hindi nalinlang si Theo.“External security consultant po ako sa Silver Lining,” sagot niya sa banayad na ti
Kumunot ang noo ni Don Apollo. “Ano’ng sabi mo?”“Boyfriend ko na po si Daryl,” ulit ni Iris, mas malinaw, mas malakas. Pinisil niya lalo ang kamay ng binata. “Ako at si Daryl. Magkasintahan po kami.”Dahan-dahan, itinaas ni Don Apollo ang tingin mula sa magkahawak nilang kamay papunta kay Daryl, sa
Ayaw niyang malaman ni Daryl na kinakabahan siya.“B-bukas,” sagot ni Iris, bitbit ang dignidad na pinipilit niyang hindi mawala. “Practice session ulit bukas.”Ngumiti si Daryl. Ngiting nanalo sa lotto na kulang na lang ay sumigaw.“Can’t wait, hon.”At tumalikod ito, palabas ng office.Nanlambot a
Umaga sa Dahlia’s Garden, tanging tunog ng mga ibon ang madidinig.Nakaupo ai Maya sa malaking rocking chair, naka-robe at nakaayos ang unan sa likod. Nasa dibdib niya si baby Zion, tahimik na dumedede, nakapikit at mahimbing.Lumapit si Lucas bitbit ang tray, oatmeal, mango slices, milk, at pandesa
Kung gusto ni Lucas ng laro… ipapamukha niyang hindi lang ito ang nag-iisang marunong magpanggap.Huminga siya nang malalim, pinahid ang kaba sa dibdib.“Magandang gabi, Mang Dennis. Dinalhan kita ng pagkain.”Paglabas ng lalaki, halata niyang nagulat ito.May wig. May peklat. May salamin.Pero hind







