MasukHumakbang pabalik si Maya sa loob ng mainit na selda.“Hindi ako pipirma,” matigas niyang sabi. “Kaya kong ilabas ang sarili ko dito.”Tumalikod siya, ngunit bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Camille ang buhok niya.“Aba’t ginagalit mo ba talaga akong babae ka?!”Napahiyaw si Maya. “Bitawan mo ‘ko!”Nagkabuhol ang buhok nila, nagkagulo, nagsabunutan silang dalawa. Hinawakan ng dalawang pulis ang magkabilang braso ni Camille at Maya para paghiwalayin.“Ma’am, tama na!” sigaw ng isa.Hingal na hingal si Maya, habang si Camille ay ngumiti ng malamig. “Ayaw mong pumirma? Fine. Pero tandaan mo ‘to, Maya, may paraan akong mawala ang mga taong sagabal sa’kin.”Nanginginig ang labi ni Maya. “Ipinagmamayabang mong may pera ka, Camille, pero tandaan mo, may Diyos na nakakakita ng mga kawalanghiyaan mo!”Ngumisi si Camille. “Oo. Pero ang Diyos, matagal kumilos. Ako, mabilis.”Bago ito tuluyang lumabas ng selda, huminto sa may pinto. “Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip. Kapag hind
Binuksan ni Maya ang folder na inabot ni Daryl, nanginginig ang mga kamay habang binubuklat ang mga dokumento. Ang bawat pahina ay tila pumutol ng hininga niya.Marriage Certificate.Parang sumabog ang isip at puso niya. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ba’t mag-aapply pa lang sila ng marriage license noon? Paano nangyari ‘to?“Sir Daryl,” mahina niyang sabi, halos pabulong, “this is fake. Wala akong pinirmahang ganito.”Tahimik lang si Daryl sa loob ng ilang segundo bago siya nito tinitigan nang diretso.“I’m sorry,” mahinahon nitong sagot. “Naalala mo noong isang gabi, binalikan kita sa opisina? Yung pinapirmahan kong papel na sabi ko ay nakalimutan mo lang pirmahan? That’s it.”Hindi siya nakapagsalita.“The CEO wanted to marry you, Maya. Sana alam mo kung ano ang ibig sabihin noon.”Halos hindi siya makahinga. Oo, alam niya kung ano ang ibig sabihin noon.Hindi nito gustong pakasalan si Camille. At siya, si Maya, na tanga ang naging best escape plan. All along, nasa isang
Napatayo si Maya at nakayukong tumakbo palabas. Paglabas niya ng opisina, halos manghina siya sa dami ng matang nakatingin. Tahimik ang buong floor, tanging mga bulungan lang ang maririnig.Nasa gitna siya ng corridor nang biglang may sumunod na dalawang security guard.“Ma’am,” sabi ng isa, malamig ang tono. “Sumama po kayo sa amin.”Napaatras siya. “Bakit? Ano’ng problema?” gumapang ang takot sa buong katawan niya.“Sa HR lang po, ma’am. May ipapapirma lang. Huwag na po kayong tumutol para walang gulo.”Dala ng kaba, sumama siya. Habang naglalakad, ramdam niya ang mga matang nakasunod, mga empleyadong dati’y nakangiti sa kanya, ngayo’y nag-uusap sa likod.Pagdating sa HR office, may nakahandang dokumento sa mesa.“Ms. Marasigan,” sabi ni Iris. “Temporary suspension habang iniimbestigahan ang kaso ng leakage. Please sign.”Nanginginig ang kamay niya habang tinitingnan ang papel. “Ma’am Iris, wala po akong kasalanan…”Pero bago pa niya matapos ang pangungusap, bumukas ang pinto.Tatlon
Hindi agad nakapagsalita si Lucas. Nagkunwaring hindi naniniwala kay Maya."Tell me, you're just kidding. Wala pang nakakakita sa CEO. Umamim ka nga, gusto mo ba ang CEO at may plano kang makipaglapit sa kanya?" ani Lucas na nagpadismaya kay Maya.So, totoong it's just all a game. Tiyak na ang kasal na binanggit nito ay hindi din totoo. Hindi din niya dapat seryosohin ang larong ito. It will end soon, in his own terms.“Kahit type ko ang CEO, hindi niya ako papansinin,” aniyang yumuko upang itago ang namuong luha.Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Lucas. Nasasaktan siya. Heto na nga ba ang kinakatakutan niya. Falling for the wrong person.Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.Tumayo siya at inayos ang sarili at mabilis na umakyat sa kanilang room. Tahimik na nakasunod si Lucas.“Maya, galit ka ba dahil sa nangyari?”Umiling lang siya. “It’s just a mistake. Wala naman tayong relasyon. Kalimutan natin ang nangyari. Parehas tayong nadala lang ng pagkakatao
Basa na ng luha ang mga mata ni Maya ngunit pilit niyang itinatago.“Maya,” tawag ni Lucas, habol ang hininga, “sagutin mo lang ako. Tell me if you feel the same.”Umiling siya, mabilis, halos hindi makatingin dito.Kapag sinagot kita… tapos na ba ang thrill and adventure mo?Hahanap ka na ba ng ibang paglalaruan?Hindi niya kayang sabihin. Hindi rin niya kayang marinig ang sagot.Kaya tumalikod siya at tumakbo palayo.“Damn it, Maya!” sigaw ni Lucas, pero patuloy siyang tumatakbo palayo hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan at tila pinapawi lahat ng ingay ng mundo.Nagkubli siya sa maliit na kubo sa gilid ng dalampasigan, nanginginig, basang-basa, habang pinupunasan ang mukha.Akala niya ligtas na siya, pero ilang minuto lang, naramdaman niyang may mainit na braso sa balikat niya.Si Lucas. Basang-basa rin, ang mga patak ng ulan ay dumadaloy sa kanyang noo pababa sa labi.“Maya,” anito, mababa at paos. “I can’t stay away from you.”Hindi siya nakasagot. Hindi na rin siya nakailag na
Inabot ni Maya ang kamay kay Lucas.Lucas’s hand slid to the small of her back as they moved in rhythm, bodies so close na halos wala nang hangin na makakasingit sa pagitan nila.The scent of his cologne, wrapped around her senses, at pati tibok ng puso niya ay parang nakikisabay sa tibok ng puso nito.What a night, stars, music, and the man she shouldn’t love.Lucas leaned in. “You’re trembling.”“Hindi ah, medyo maginaw lang,” tanggi niya.She laughed softly, but the sound died when his hand brushed against her bare skin. Their eyes locked, and for a moment, the world melted away-until a murmur rippled through the crowd.Napatingin ang lahat sa pagdating ni Camille Montemayor.She stood there, radiant in a red gown that hugged every curve.Lucas stiffened. The warmth in his gaze vanished, replaced by alarm.Hindi puwedeng makita ni Camille si Lucas dito. Kung malaman nitong nakikihalubilo sa mga empleyado ang CEO, tiyak na lalabas sa media kinabukasan.“Lucas,” bulong niya, halos hi







