Share

Kabanata 3

Indie Emerson

 

 

"Grabe! Ayoko na talaga sa earth! Lagi na lang talaga pinapamukha sa akin ang kulang!" 

 

Mabilis kong siniko si Maya nang isigaw niya 'yon. May napatingin sa amin kaya bigla akong nahiya. Nakapila kasi kami sa isang milktea shop ngayon at napansin niya na puro raw couples ang andito sa loob. Ang dami niyang sinabi pero isa lang ang naalala ko, naiinggit daw siya! 

 

"Ayoko na sa earth kasi ang init!" dagdag pa niya saka natawa.

 

Nayakap ko na lang sa dibdib ang hawak na crochet pouch at ngumuso. Minsan talaga hindi ko masakyan ang trip ni Maya pero sanayan na lang talaga. Minsan lang din naman kasi kami nagkikita, kapag may events lang talaga. Minsan dumadalaw siya sa Art Bar para manggulo. 

 

Tumingin si Maya sa akin at hinaplos ang maiksi kong buhok. Gawain niya talaga haplusin ang buhok ko, nagagandahan daw kasi siya. "Eh, ikaw? Wala ka bang balak mag-jowa?" aniya. 

 

Hindi ako sumagot at tumingin lang ako sa kanya. In my 25 years of existence, wala namang nagkainteres sa akin. Kung meron man, edi sana may nagkaroon na ako, pero hanggang ngayon wala. Hindi rin naman ako naghahanap at ayoko. Okay na ako na mag-isa, sanay na sanay na. Mabubuhay naman siguro ako ng walang lalaki sa buhay. At saka baka mamoblema pa ako. Wala rin naman nagkakagusto sa akin dahil sa lagay ko. Baka mamaya may gawin na naman sa akin na 'di maganda. 

 

"Ako kasi may balak! Ang kaso, wala pang dumarating," sabi ni Maya nang hindi ako sumagot sa kanya. Nanatili siyang dumaldal habang ako ay nakikinig lang sa kanya. Maya was already used to my silence. Hindi rin naman kasi siya marunong ng sign language kaya 'di talaga kami magkakaintindihan. Minsan ko na siyang tinuruan pero 'di niya talaga makuha-kuha. 

 

Hindi rin naman kasi madaling matuto ng sign language, everyone has a different learning styles. It would still depends on how quickly you'll learn and pick up a lesson. May iba kasi na slow learner, may iba na fast learner. It would take months up to years to master and be fluent in sign language. 

 

Sa kaso ko, sa ilang buwan ay basic language lang and umabot din ako ng ilang taon to master that. Nakakalito kasi talaga, kailangan maintindihan mo at maging maayos ang galaw ng kamay mo. Sa letter, grammars and sentence structure pa lang halos kulang ang buwan talaga. At first, more on online tutorials ako pero sobrang hirap pala. In-enroll ako nila Mama sa isang school kaya mas naging maganda ang pag-aaral ko no'n.  

 

Kahit master ko na ay hindi ko pa rin naman nagagamit lagi. Sa buong buhay ko, ang nakasalamuha ko lang ata na marunong mag-sign language ay si Madam Sonya at ang naging mga teacher ko sa special school na pinasukan. Hindi marunong sila Mama, never silang nag-aral ng sign language to catch up with me. They also never attended seminars na connected sa akin, like how to deal with mute people and such.

 

They never tried for me... and I'm okay with that naman. 

 

"Matagal na naman tayo magkikita after nito! Siguro sa isang buwan dalawang beses lang tayo kung magkita 'no?" sambit nito habang naghihintay kami ng order namin. 

 

Mabilis kong inilabas sa crochet pouch ko ang white board at marker saka nagsulat. "Four times tayong nagkikita sa isang buwan. Dalawa ro'n ay sa exhibit at 'yong dalawa pa ay ang pagdayo mo sa art bar." 

 

Nakita ko ang pagtitig doon ni Maya. Ngumuso siya at hinampas ang balikat ko. "Wow, kabisado mo! Nangungulila kasi ako sa 'yo kaya kita pinupuntahan! Alam mo naman na hinahanap-hanap ko ang katahimikan mo!" natatawa niyang sambit. 

 

Umikot ang mata ko sa sinabi niya saka nagsulat na naman sa white board. "Maghanap ka na kasi ng jowa mo para may pagkaabalahan ka at 'di mo na ako ginugulo." Diniinan ko pa ang paglalagay ng tuldok na mas ikinatawa niya. 

 

Hinawakan niya ang dulo ng buhok ko pero agad ding binitawan. "Ang sabihin mo ayaw mo lang magpagulo o magpakita sa akin. Kahit ilang beses lang tayo nagkikita ay nakuha ko kaagad ang ugali mo! Hindi ikaw 'yong tipo ng tao na friendly! Ang m*****a mo kaya!"

 

Mabilis kong binura ang nasa white board. "You still don't me and I'm not m*****a! You just don't understand, Maya."

 

She tsked. "Okay, fine. Mukhang inaaway mo na ako sa sinulat mo." 

 

Nailing ako sa sinabi niya saka nagsulat muli. "Hindi naman. I just want to say na may mga bagay ka pang hindi naiintindihan o alam sa akin. At hindi mo talaga maiintindihan dahil wala ka sa posisyon ko." 

 

Tinitigan niya 'yon at humaba na naman ang nguso niya. Kaya madaling nasabi ni Maya na hindi ako friendly ay dahil iyon lang ang nakikita niya. Hindi niya alam na may mas malalim pa na dahilan. Wala rin kasi siya sa lugar ko kaya niya 'yon nasabi, naiintindihan ko naman. Hindi naman ako galit. Hindi naman ako m*****a. Never akong nagmam*****a sa kahit na sino. Alam ko ang feeling ng pagm*****ahan kaya 'di ko 'yon magawa sa iba.

 

Tumayo muna si Maya para kunin ang in-order namin. Nakita kong tumingin pa siya sa kabilang side at mukhang may nagustuhan siyang cake. Bumaling ako sa board ko at binura ang sinulat. Habang ginagawa iyon ay nakarinig ako ng pag-uusap. 

 

"Oh, she's mute. Mostly ng mga pipi ay bingi rin 'di ba?" 

 

"Cute." 

 

"Huh? Anong cute riyan?" sambit no'ng isa saka sila nagtawanan. 

 

I gritted my teeth and remained bland. Mahina lang 'yon pero rinig na rinig ko. Hinintay ko na lang na bumalik si Maya sa pwesto ko. 

 

The hardest part of my situation is how people will treated you, how they will act towards you. Some will laugh at you, some will throw harsh words at you kahit na harap-harapan. Kung ako lang ang papipiliin, gugustuhin ko na lang din na maging bingi para lang 'di ko marinig ang mga sinasabi nila. Minsan ko na rin 'yang hiniling kasi pakiramdam ko na ang mga naririnig ko ang mas maglulugmok sa akin sa kalungkutan. Which is true naman, masakit kaya sa dibdib. Sometimes, I would spend my day by overthinking and recalling some encounters with those people at naiiyak na lang ako.

 

I want to protect and guard myself by yelling or shouting at them but I just can't, I can't do that because I'm mute. It was so frustrating sa totoo lang, pero hinahayaan ko na lang sila. Wala rin naman mangyayari kung lalabanan ko, mababago ba no'n ang kalagayan ko? Hindi naman 'di ba? Baka mas pagtawanan lang nila ako. 

 

I know that it's hard but I just have to live with it each and every day of my life. 

 

Nagtagal kami ni Maya sa milktea shop na iyon at pagkatapos ay muling bumalik sa itaas. Tinawag ako ni Madam Sonya dahil agad niyang ibinigay sa akin ang bayad. Hindi niya na raw ipapadaan sa banko dahil baka matagalan lang kaya inabot na niya. Natapos ang event at agad din akong nagpaalam kasi pupunta pa ako sa Eataly's na sinasabi ni Mama. 

 

Nag-book na lang ako ng masasakyan. Habang sa byahe ay tumunog ang phone ko dahil sa text message ni Mama. Agad ko 'yong binasa. 

 

"You're now 15 minutes late, Indie!" 

 

Agad kong pinindot ang call button sa upper left corner ng name ni Mama. Naitaas ko ang kamay at akmang ilalagay na sa tainga ang phone pero agad ko 'yong ibinaba at pinatay ang tawag nang mapagtanto ang ginawa. Naipatong ko na lang ang siko sa may bintana at nasapo ang noo. 

 

Shit, I forgot. Paano nga pala ako makakapagsalita sa tawag? Mariin na lang akong napapikit. Ilang beses na nangyayari sa akin ang ganito, iyong hindi ko mamamalayan na pinipindot ko na ang call button, then after seconds doon ko mamamalayan ang katangahan na ginawa. 

 

Pinalipas ko pa ng ilang minuto bago ako nag-reply kay Mama. Sinabi ko na nasa byahe pa ako at traffic kaya medyo mahuhuli talaga ako. Okay lang ang reply nito sa akin kaya nailing ako. 

 

Hindi ko alam kung anong meron ngayon at nagawa nila akong ayain ng dinner. Tumingin ako sa phone at napansin na malapit na ako sa pupuntahan, at habang papalapit ay mas lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa 'di malamang dahilan. 

 

Inihinto ng driver ang kotse sa tapat ng isang malaking restaurant at saka doon ako bumaba. Nasa dalawa ang palapag no'n at may mga nakaparadang kotse sa harapan. Humigpit ang kapit ko sa crochet pouch at dinala iyon sa dibdib ko saka niyakap. 

 

Huminga ako ng malalim saka naglakad na. Nang makarating sa entrance ay pinagbuksan ako ng guard ng pintuan at sinalubong ako ng isang babae. 

 

"Good evening, welcome to Eataly's! Do you have any reservation, Ma'am?" 

 

Binuka ko ang bibig at nakita ko ang pagngiti ng babae sa akin na naghihintay ng sagot. 

 

"Ma'am?" untag pa nito. 

 

Naitikom ko ang bibig at akmang kukunin ang white board sa pouch pero natigil dahil narinig ko ang boses ni Mama. 

 

"Indie! Come here!" tawag nito sa akin. 

 

Nahihiyang binalingan ko ang babae at ngumiti na lang bago tumingin kay Mama na parang naiinis na ang itsura. Nilampasan ko ang staff at habang papalapit kay Mama ay bumagal ang paglakad ko dahil sa tatlong bulto ng tao na kasama niya sa mesa maliban kay Papa. 

 

I almost hitched my breath when I reached their table. Lumaki ang ngiti ni Mama at napatingin sa kaharap niya. Isang babae na siguro ay halos kasing-edad niya lang. Napatingin pa ako sa katabi nito na lalaki, mukhang asawa niya. Ngumiti ang ginang sa akin at kumunot ang noo ko. 

 

"Indie, this is Ester and Weslie Vega." 

 

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama. Tumama ang mata ko sa katabi no'ng lalaking may edad na. He's wearing a gray jacket suit and his inner shirt is white. Unti-unting umangat ang tingin ko sa mukha niya at nagtama ang asul naming mga mata. Kumunot ang noo ko dahil pakiramdam ko ay nakita ko na siya hindi ko lang alam kung saan.   

 

"And this is their son, Weston." Mama smiled.

 

"Oh, Indie! You're here!" 

 

Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa likod at nakita ang kaibigan ni Papa na si Judge Lagdameo. May malaki itong ngiti sa labi at halatang natuwa pagkakita sa akin.

 

Muli kong binalingan ang lalaki na nakakunot na rin ang noo. Napaatras ako ng isang hakbang nang maisip agad ang pwede mangyari ngayong gabi. 

 

No, not again! Hell, this is not just a simple dinner! 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status