Share

Kabanata 4

Indie Emerson

My heart is pounding so wildly when Mama asked me to sit. Tumayo si Papa at ako ang unang pinaupo. Katapat ko na ang lalaking sinasabi ni Mama. Kahit hindi ko pa talaga alam ang reason ng dinner na 'to ay ramdam ko na kung saan 'to patutungo lalo na andito si Judge Lagdameo. This is probably not a simple dinner.

"Let's order?" Mama asked.

"Sure!" the woman said happily then looked at me. Naging maliit ang ngito niya but I don’t find it terrifying or scary. Ganoon din ang titig ng matandang lalaki.

Nag-iwas ako ng tingin at tumingin sa lalaking kaharap ko. He’s now looking at me intently. We have the same blue eyes but I can say na mas malamig ang mga mata ko at mas maganda ang pagka-blue ng akin. I was looking at him emotionless and blandly. I don’t know him but I feel that I already saw him somewhere, I just can’t remember where it was. Hindi talaga ako matandain sa mga mukha at saka hindi ko naman kasi siya kilala. Wala akong kaibigan. Wala ako masyadong kilala. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagkatitigan, naputol lang 'yon dahil tinawag kami.

"Indie, he's Weston—"

This man in front of me cut Mama's word. "Ako na po, Tita." Ngumiti pa siya sa gawi ni Mama saka muling bumaling sa akin. Gusto kong mainis sa inasta niya pero lahat ng 'yon ay nawala dahil nagkaroon ng maliit na ngiti sa kanyang labi pero halata pa rin ang pagkailang niya. Ganito ba talaga siya kahinahon?

Nilahad niya ang isa niyang palad. Napatitig ako ro'n, I can say that his hand is beautiful and big enough for me to hold it. "I'm Weston but you can call me West. I'm a police —"

Hindi ko na tinapos ang sasabihin niya nang abutin ko ang menu na nasa mesa at inilapit 'yon sa kamay niyang nakalahad sa akin. His jaw fell and his eyes darted on the menu I handed to him. I heard the people in our table gasped because of what I did. Siguro naman nasabi na ni Mommy ang lagay ko? Hindi ako makakapagsalita, hindi ko magagantihan ang pagbati na ginawa niya kaya better na lang na inabot ko 'yon menu.

"Ah, let's order!" Mama chuckled awkwardly. When I move my head to her side I saw her looking at me, mukhang galit na siya sa ginagawa ko.

"Sure! Dad, let's have vegetable deluxe, okay?" I heard Mrs. Vega said to his husband. Lumingon siya kay West. "Iho, choose na. I know you're hungry." Tumingin din ito sa akin at ngumiti.

Sinuklian ko lang ito ng ngiti at bumaling ulit kay Mama. Itinuro ko sa kanya ang oorder-in ko at hindi na ako nito pinansin. Napansin kong napatingin sa akin ang lalaki at may itinuro sa akin.

"Our buttered shrimp here is the best," mahinahon niyang sabi. Our? Is he a chef here or an owner?

Sumingit naman si Mama. "May allergy si Indie sa seafood. I'm sorry, Weston." She laughed softly. "You know what Indie, Weston is the owner of Eataly's. Parehas pala kayo magaling magluto, mukhang magkakasundo talaga kayo!" Natutuwa nitong sambit pero alam ko naman na pilit iyon.

Napangiti si Mrs. Vega. "Weston loves to cook since he was in high school! Minsan siya na ang nagluluto ng kinakain namin. Laging sumasama sa akin sa kusina o 'di kaya sumasama sa supermarket."

Walang pumapasok ni isang salita sa tainga ko. Nakatingin lang ako sa mesa at alam kong ramdam 'yon ni Mama kaya siya na ang nagdadaldal. The waiter jut down our orders at tahimik lang ako. I badly want to get my board and pen para magamit kaso nahihiya ako. What if they will insult me? Laugh at me?

Judge Lagdameo knew my condition pero hindi naman siya marunong sa sign language. Ganoon din sila mama. Tapos mukhang hindi pa alam ng mga kaharap ko ngayon ang lagay ko.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa crochet pouch na nasa harapan at napansin ko na napapatingin doon ang lalaki. I can say that he's really handsome. Maganda ang pangangatawan, hindi sobrang laki at tama lang, siguro dahil isa siyang pulis o 'di kaya laman siya ng gym.

Dumating ang in-order namin at nanatili akong walang imik. Sila-sila lang ang nag-uusap. They were talking about business matters at halos marindi ako dahil narinig ko na 'yan. Until we had our desert ay puro sila patungkol doon at wala akong maintindihan.

Basta isa lang ang tumatak sa akin. This night will be beneficial to the both parties. Napayuko na lang ako dahil alam ko na 'to. Si Papa ay tinatanong ako about sa araw ko at tanging pagtango lang ang sinasagot ko.

Malinis na ang mesa namin pero may nakalapag na wine and glass. Maya-maya ay naglabas si Judge Lagdameo ng documents holder at kinuha ang laman no'n. Naglabas din siya ng ballpen. I can feel my chest heaved up because I saw the words written on that paper.

Mama was smiling widely at hindi niya alintana ang reaksyon ko. Ganoon din ang mga kaharap pero ang binata ay mataman na nakatingin sa akin at sinisipat ako.

"Okay, so before we start, I just want to say some important matters before we sign this certificate." He didn't say marriage certificate pero alam kong iyon 'yon, may iba pa siyang pinakita. Mukhang pinaghandaan na nila.

I still don’t want to get married. Kung pwede lang hindi ko na talaga gagawin. And I’ve had never imagined myself living and marrying someone, or even signing a marriage certificate, just like what is happening right now. But if this is what my Mama and Papa wanted me to do, then fine, I’ll do it. Alam ko naman ang rason why they're doing this to me. Gusto ko lang sila na maging masaya kaya susundin ko kahit na labag sa loob ko. Basta para sa kanila, handa akong gawin.

Pinapanuod ko kung paano gumalaw ang kamay ni Weston habang pinipirmahan ang marriage certificate, may iba pang papel at hindi ko na alam kung para saan iyon. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga nang matapos siya pumirma.

Dahan-dahan niyang inilapit sa akin ang papel pati na rin ang ballpen. Napatitig ako ro'n. If I signed this, kasal na ako at may asawa na. I will probably live with him in one house.

"Indie?" Mama called my attention in her sweetest voice she could ever had.

Napakurap ako at mabilis na kinuha kay Weston ang ballpen. Inilapit ko pa sa akin ang papel at tinitigan 'yon. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko.

"Ahm, Ma'am."

Napatingin ako sa lalaki nang magsalita siya. Kay Mama siya nakabaling pero kalaunan ay tumingin siya sa akin saka ngumiti. I don't feel any danger in his smile. It was soft and calming. Masarap titigan sa mata ang naging ngiti niya kahit na halata naman ang kaba rito. Nawala na ang tingin niya sa akin at umikot sa mga tao na nasa mesa.

"I think... I think we're going too fast? Ngayon pa lang po kami nagkakilala... ni Indie. I think it's better if huwag muna and we need to get to know each other first before proceeding to this. We'll take it slow then after that we'll have a grand wedding para mas maganda. We can invite some relatives or friends," he said in a calming voice.

I think I hit a jackpot when I heard his tone of voice. Para rin akong nabunutan ng tinik at hindi ko alam kung bakit. I think that he's someone na mapagkakatiwalaan ko talaga, pakiramdam ko ay iba siya sa naiisip ko.

His words didn't changed our situation this night. They proceed with the talk and all I can do is to listen... but literally I'm not. Lumilipad ang isip ko at nakatingin lang sa kawalan. Until my Mama decided to end the talk at nagpaalam na. Ganoon na rin ang parents ni Weston. I tried talking to Mama but she told me na tatawagan na lang niya ako. Doon na nawala ang pag-asa sa sarili na makawala sa nangyayari. Natira kaming dalawa sa kinauupuan. Ang mga daliri niya ay naglalaro sa mesa at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin. Kaya umiiwas ako ng tingin.

"Do you have a condo unit? Ihahatid na lang kita. Bukas na lang siguro tayo pumunta sa bahay ko dahil gabi na rin. At saka ipapalinis ko pa."

Tinitigan ko lang siya. Simula ngayon ay sa kanya na ako titira, siya na ang kasama ko, at siya na ang makikita ko araw-araw.

"I took a one week leave because of this, buti na lang ay pinayagan ako ng Director namin. I'm also not that busy that's why they consider my leave. Kailangan ko rin kasi mamili pa ng ibang gamit para sa bahay natin."

Natin. Bakit pakiramdam ko ay siniseryoso niya ito? Okay lang ba talaga ang ginawa ng parents niya na ipakasal ako sa kanya? Kung iba 'to ay baka nagpanic na o 'di kaya tumakbo. Hindi na ako nakatiis ay mabilis kong kinuha sa crochet pouch ko ang board at pen. Hindi ko muna siya tinapunan ng tingin dahil bumibigat ang dibdib ko. I remove the cap of pen and start to write something on the board. Nang matapos ay dali-dali ko 'yong ipinakita sa kanya.

With his eyes wide open and lips parted, he asked something. "You're mute?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status