Share

Kabanata 2

Indie Emerson

 

Isabelle and Nicholas Emerson adopted me at the age of two. Ang mag-asawa na 'yan na tinatawag kong Mama at Papa ngayon ay hindi makapagsilang noon kaya naisipan nilang pumunta sa isang ampunan sa San Juan City, at ako ang napili.

 

I was too young and naive. Hindi ko alam kung bakit nasa lugar ako kung saan maraming bata. Maingay, magulo pero masaya dahil nakapaglalaro ako. Hanggang sa ang mag-asawa na Emerson na ang nakasama ko. Naging masaya because they showered me love and attention.

 

I was born mute. I was five when I finally realized na hindi ako nakakapagsalita, wala ni isang salita o letra na lumalabas sa bibig ko. Akala nila late lang daw ako sa gano'ng stage pero hindi. Swerte pa nag dahil hindi ako bingi, may iba kasi na sabay nararanasan ang pagkabingi at pipi.

 

Kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nila no'ng mga panahon na 'yon. Hindi ko alam pero nauwi ako sa pag-iyak that time. Kalaunan ay nabuntis si Mama at ipinanganak si Ingrid, tuwang-tuwa ako kasi may kapatid na ako, may kalaro na rin ako.

 

Lumaki akong bitbit ang white board na may five by eight inches ang sukat at isang marker. Dahil walang lumalabas na tunog sa bibig ko ay isinusulat ko sa white board na 'yon ang mga sasabihin. Nauuwi ako sa pagtawa dahil natutuwa sa mga isinusulat. Kapag pupunta kami sa park ng naging yaya ko ay may bitbit akong bag at doon nakalagay ang marker at white board.

 

May nakikipaglaro sa akin pero kalaunan ay umaalis kapag nalalaman ang kalagayan ko. May batang tumatawa at inaasar ako pero laging sinasabi ng Yaya ko na huwag silang pakinggan. Ipinasok ako sa isang school pero hindi maganda ang nangyari kaya inalis ako at naging home school na lang. Na-bully ako dahil sa hindi ako makapagsalita, nilalabanan ko sila pero mas tumitindi at sa huli ako pa rin ang talo. Nang magkaroon ng isip si Ingrid ay siya na lang ang naging kasama ko at kalaro. Hindi na ako lumalapit sa ibang bata dahil pakiramdam ko ay lalaitin nila ako. Kapag kasama ko si Ingrid at ang Yaya namin ay walang panghuhusga at masaya lang.

 

As long as I'm here, as long as there are people like me existing in this cruel world, it's true. Sa sobrang dami kong gusto sabihin pero hindi ko magawa, drawing and painting become my escape and answer to that. Hindi ko na mabilang sa daliri ang mga nagawa. No'ng una ay drawing lang ang ginagawa ko sa mga notebook hanggang sa mas matuwa ako at pinagtuunan ng pansin ang painting.

 

Painting become my form of expressing myself.

 

Mas binigyan pansin ko ang pagpe-painting by taking short courses sa isang sikat na Special School when I was 16. Isinasabay ko 'yon sa Sign Language class ko. Marami pa akong sinubukan pero sa arts talaga ako bumabalik.

 

"Indie, you're here! Kanina pa kita hinahanap!"

 

Naisara ko agad ang notebook na hawak nang marinig ko ang pamilyar na boses. Napangiti ako nang makita ang may-ari ng Art Bar.

 

Madam Sonya is already 52 but she looks like in her 30's! She's aging like a fine wine! Suot niya ang mahabang formal dress na abot sa paanan niya ang haba at may suot pa siyang long coat. Kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin dahil sa pagngiti habang papalapit sa akin.

 

Sinuklian ko rin 'yon ng matamis na ngiti saka itinaas ang isang kamay para sumenyas sa kanya. "Good morning po!"

 

"Anong good morning? Afternoon na kaya!" bulalas niya at bahagyang natawa.

 

Nanlaki ang mata ko at napatingin sa wrist watch ko. Oo nga, one-thirty na ng hapon! Hindi ko namalayan agad! Napakamot na lang ako sa ulo at napaayos ng upo.

 

"Why are you here? Kumain ka na ba?" sunod-sunod na tanong ni Madam Sonya.

 

Napatingin ako sa paligid. Nakitang busy ang mga tao sa kakatingin ng mga portrait, ang iba ay kumakain pa. Umiling ako kay Madam Sonya bilang sagot dahil simula no'ng sanggian kanina ay naghanap ako ng tagong pwesto at doon na lang nanatili. Sa may gilid ng stage kung saan may mga upuan. Dito rin nakapwesto ang sound system team. May ibang employee rin ng Art Bar na nakatambay.

 

Madam Sonya pouted her red lips and folded her arms. "Bakit hindi pa?" Hindi pa ako nakakasagot ay kinalabit niya na ang isang employee ng Art Bar, nakilala ko 'yon dahil sa ID na suot nito.

 

"Yes po, Madam?"

 

Itinuro ni Madam Sonya ang pwesto ng catering. "Kuhaan mo nga ng pagkain itong si Indie."

 

Nanlaki ang mata ko at binuka ang bibig. Akmang itataas muli ang kamay para sumenyas na huwag na pero pinigilan ako nito.

 

"Sige po," sabi naman no'ng lalaki.

 

"Basta huwag ka maglalagay ng seafood! May allergy siya, tanungin mo muna kung may seafood o wala. Kapag meron, kumuha ka ng iba!"

 

Nagkatinginan kami ng lalaki at sabay na napakamot sa ulo. I mouthed a word sorry at ngumiti lang ito. Hindi ko tuloy alam kung naiinis ba siya o ano. Tumalikod na ang lalaki at dumiretso sa may catering.

 

Napatingin naman ako kay Madam Sonya at sumenyas. "Dapat ako na lang po ang kumuha, nakakahiya naman po."

 

Nailing ito at kinurot ang pisngi ko. "Huwag ako, kilala kita! Alam kong nagtatago ka! Kanina pa kaya kita hinahanap dahil may kaibigan ako na gustong kunin agad ang isang painting mo at huwag na ipadaan sa auction!"

 

Napakurap naman ako at iginalaw ang kamay. "Talaga po?"

 

Tumango-tango si Madam Sonya at pumalakpak pa sa tuwa. "Oo naman! Kaya hindi ko na talaga isasama sa auction 'yon mamaya! Actually, ipinatabi ko na ro'n sa may office ko! Ang galing mo talaga!"

 

Nang ipaalam sa akin 'yon ni Madam Sonya ay parang may humaplos sa dibdib ko. Hanggang sa magpaalam ito dahil may tumatawag sa kanya ay nakangiti ako. Ganoon din sa pagdating ng pagkain ko. Kung may papansin lang sa akin ay baka isipin nila na nababaliw na ako dahil ang tagal kong nakangiti.

 

Aaminin ko na lumungkot talaga ako kanina dahil sa nangyari at sa mga narinig sa paligid pero nawala 'yon dahil sa narinig kay Madam Sonya. Madam really knows how to touch my heart, her simple gestures towards me brings joy to my heart. She never made me feel outcasted. Hindi rin ako nahirapan no'ng mag-apply ako rito, kabang-kaba pa nga ako kasi baka hindi ako matanggap.

 

I applied kasi nakita kong naghahanap sila ng Fine-Art painter and commisioned based ang sahod, pero mas malaki talaga ang napupunta sa painter. Mayroon namang client na hahanapin ako or ako ang pipiliin para sa paggawa ng designs na gusto nila. Mostly kasi ay nagpapagawa to display sa mga bahay nila or office room gano'n. Isinasali pa nga sa mga auction ang gawa kaya hindi ka magsisisi. Ang ganda pa ng trato nila sa katulad ko.

 

Nakakatuwa pa kasi the way Madam Sonya reacts to my works is the same as Ingrid's reactions. Walang mapaglagyan ang saya nila. Kung ang iba ay hindi iyon papansinin, sila, kabaliktaran. Mas gaganahan kang gumawa kasi alam mong may tatangkilik at nakaka-appreciate.

 

Nagpatuloy ang event hanggang sa auction at doon lang ako pumwesto sa gilid. Nakuha ang iba ko pang gawa sa magandang presyo kaya grabe ang palakpak ko.

 

Every penny na makukuha ko sa ngayon araw ay may magandang patutunguhan. May mga batang matutuwa at malalagyan ng ngiti sa kanilang labi. Ibibili ko 'yon ng essentials o 'di kaya food at ibibigay sa orphanage na pinanggalingan ko.

 

"Indie, huwag ka muna umalis! Bili tayo milktea!"

 

Natawa ako sa isinigaw ni Maya habang kausap nag-aayos sila ng mga prizes para sa raffle. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Hindi pa naman tapos ang event dahil may pa-raffle pa na nagaganap. Nagsulat ako sa may white board ko at ipinakita ko 'yon sa kanya.

 

"Titingin lang ako ng mga portraits."

 

"Sige!" sigaw niya, "tatawagin na lang kita!"

 

Tumango ako saka muling ibinalik sa crochet pouch ang white board at marker. Nagpatuloy ako sa paglalakad para makapunta sa parte kung nasaan ang gawa ko pero agad din na napatigil nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko 'yon sa bulsa saka tiningnan. Text messages iyon galing kay Mama.

 

"Where are you, Indie? Free your sched from 6pm, let's have a dinner in Eataly's. May reservation na ang Papa mo."

 

Kumunot ang noo ko. Gusto ko sanang magtanong pero alam ko naman na hindi nila ako sasagutin kaya nag-reply na lang ako. "Okay po."

 

Wow, that was weird. For the past years, they never asked me out for a dinner. Kahit nga sa bahay ay bilang na lang sa daliri ang pagsasabay namin ng agahan, tanghalian at hapunan. Nailing na lang ako para iwaksi sa isipan ang mga naiisip.

 

Muli akong naglakad papunta sa corner kung nasaan ang gawa ko pero napatigil din nang makita na may tao na tumitingin doon.

 

Isang lalaki.

 

Napako ako sa kinatatayuan at napatitig sa kanya. I saw how his jaw moved while looking at my portrait, para bang pilit niyang iniisip ang mensaheng hatid no'n. Hindi ko makita ang buong mukha niya dahil nakatagilid ang pwesto niya sa akin, but I noticed how good his side view is.

 

Muli akong napatingin sa gawa ko at napangiti. It was a portrait of a short-haired girl wearing a blue sleeveless. She's looking in front with her sad eyes, her one hand is holding a needle with a thread on it. Sinundan ng mata ko ang haba ng sinulid na 'yon hanggang sa marating ng mata ko ang dibdib nito na may heart-shaped, nakapalibot sa paligid ng heart-shaped na 'yon ang sinulid tanda na katatapos lang niya tahiin ang parte na 'yon.

 

There's a deep meaning behind that portrait, it was my vivid imagination of a girl who's emotionally struggling in life. Her heart got ripped because of so many reasons at ang tanging makakaayos lang no'n ay ang sarili niya, walang iba.

 

Napakurap ako nang umangat ang kanang kamay no'ng lalaki sa gawa ko at hinaplos nito ang parteng kung nasaan ando'n ang hugis puso na nakatahi.

 

Hindi ko alam pero kusang umangat ang isa kong kamay at nailapat ko sa parte kung nasaan ang puso ko. Ramdam ko ang bilis ng pagtibok no'n at hindi ko namalayan ay mahigpit nang napakapit ang kamay ko sa damit ko.

 

"Indie! Tara na!"

 

Muntikan na akong mapatalon nang marinig ang pangalan ko. Agad kong naialis ang kamay sa dibdib at napatingin sa papalapit na si Maya. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at hinatak.

 

"It's milktea time!" parang bata niyang sambit.

 

Nailing na lang ako at nagpahila sa kanya. Bago pa kami tuluyang makalabas ng hall ay muli akong lumingon sa parte na 'yon pero naglalakad na papunta sa iba ang lalaki.

 

Damn, that was uncanny.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status