Share

Kabanata 6

Indie Emerson

That night, I stayed in a hotel. Hindi ako umuwi sa bahay dahil magtataka sila Mama at Papa. Baka mauwi pa ang usapan namin sa pagtatalo at ako na naman ang lalabas na masama at hindi sumusunod. Inaasahan pa naman niya na pagkatapos ng dinner na iyon ay sasama na ako kay Weston. Kahit si Weston ay nagulat, he was not prepared! Nakakagulat pa dahil napakadali niyang tinanggap lahat ng 'to. Iyong tipong may plano na siya. Iyong ayos lang sa kanya kahit na maging magkaibigan kami. Ang bait niya at hindi ako sanay. Mahirap na dahil baka mamaya ay sa una lang siya mabait, baka nagkukunwari lang.

Feeling ko alam ng Mommy niya na pipi ako at hindi lang nila sinabi kay Weston para hindi ito mag-back out. Namumukaan ko ang Mommy niya ngunit hindi ko lang maalala kung saan. Baka investor din nila Mommy or isa ring negosyante. Expected ko na 'yong ganito, pero hindi 'yong bibiglain kami sa pagpirma ng marriage certificate. May pre-nuptial din dahil alam kong may porsyento na ipinamana sa akin ang mga Emerson at mananatili iyong akin kahit na ikasal ako.

Kilala ang pamilya na umampon sa akin dahil mayroon silang Financial Company sa bansa na nangunguna sa listahan. Kaya nakakahiya talaga na sa kanila pa ako napunta. Narinig ko sabi ng pamangkin ni Mama Isabella na ipapasok dapat ako sa Emerson Empire kaso hindi naman ako qualified. Si Ingrid din dapat kaso wala na siya. I don't have the qualities to be a part of them. Wala rin naman akong balak pumasok sa mundo nila, they will just coun on to their prejudices. Oo, may kulang sa akin pero walang mali. Mali ang pag-iisip ng tao. Minsan ko nang dinepensahan ang sarili sa kanila pero ako pa ang naagrabyado, kaya nakakapagod. Hinahayaan ko na lang sa kung ano ang isipin nila.

May options si Mama Isabelle noon para magkaroon ng anak but she doesn't want to stick with those options... but in the end they adopted me. Then after years, Ingrid came. Miracle baby nga tawag sa kanya... but things happened. Ang alam ko may inampon pa sila nitong nakaraang taon lang pero hindi ko naman nakikita. Ang sabi ni Manang nasa ibang bansa raw kasi at nag-aaral. Syempre kailangan nila ihanda kasi iyon ang papalit kay Papa kung sakali.

Napatingin ako sa time na nasa phone ko at nakitang alas-otso na ng umaga. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil anong oras na ako nakatulog. Ang pangit talaga ng sleeping routine ko. Minsan alas-dos na ng madaling-araw ako nakakatulog. Buti na lang talaga ay sabado at walang gagawin. Natawagan ko na rin si Manang kanina at sinabi ko na pasukin niya 'yong room ko at ilabas na 'yong mga maleta ko. Nagtanong pa siya kung bakit at sinabi ko na lang sa pagbalik ko sa bahay na lang sasabihin.

Pakiramdam ko ay kokonprontahin ni Manang si Mama kapag nagkataon. Ayaw pa naman no'n na mag-isa ako dahil sobra siyang mag-aalala. Buti pa si Manang. Bumuntong-hininga ako saka mabilis na nag-ayos at saka nag-book ng grab papunta sa bahay. Hindi pa ako kumakain ng breakfast, hindi na rin nag-abalang mag-order dahil wala ako sa mood. Nang makapagcheck-out ay mabilis akong pumunta sa pick-up point at hinintay ang driver.

Hindi rin ako nakatanggap ng kahit anong message galing kay Mama at Papa simula kagabi. Sabi ni Manang kanina ay nasa bahay pa sila at after lunch pa aalis papunta sa company. Kaya maaabutan ko sila pagdating. I will try to ask if pwede na hindi na ako sumama kay Weston. Pwede naman siguro na manatili kaming kasal at hindi magsama sa iisang bahay 'di ba? I am scared, okay. Andaming unwanted thoughts sa utak ko ngayon.

Sinalubong ako ni Manang pagkababa ng grab at niyakap. "Naku po! Saan ka ba galing? Tinanong ko ang mama mo at hindi naman niya sinagot!" nag-aalala niyang sambit at hinaplos ang buhok ko.

Ngumiti lang ako at nagpatuloy kami sa loob. "Kumain ka na ba, iha?" tanong niya. Umiling ako at ngumuso.

"Edi halika na't kumain ka na muna! Hindi ko lang alam kung andoon pa ang Mama at Papa mo. Kanina kasi ay andoon sila at nagkakape, nag-uusap na naman about sa kumpanya nila at wala pa rin akong maintindihan!"

Sumunod lang ako kay Manang at nadatnan namin si Mama na nagkakape at kaharap ang working laptop niya. Wala roon ang Papa at hindi ko alam kung nasaan. Nawala si Manang sa tabi ko dahil nagsimula na siyang kumuha ng plato para sa akin. Nang makita ako ni Mama ay nanlaki ang mga mata niya, ang pagkagulat ay nauwi sa matalim na tingin kaya napabuntong-hininga ako.

"Why are you here?" maliit ang boses pero bakas ang inis doon na tanong niya. "Tinakasan mo siya?"

Nailing ako at mabilis na kinuha ang gamit saka nagsulat. "Kukunin ko lang ang gamit ko."

Nang makalapit ako sa pwesto ni Mama ay hinatak niya ako. Napansin kong nakita iyon ni Manang kaya nanlaki ang mata niya.

"Mabuti nang magkalinawan. Huwag mong susubukan na tumakas at makakatikim ka talaga sa akin, Indie. Huwag mo akong pahiyain sa mga Vega. Mabait at mayayaman ang pamilya na 'yon, kapag nagkataon ay magkakaproblema tayo."

Pabalya na binitawan ni Mama ang siko ko at tumingin kay Manang. "Manang, pagkatapos niya kumain ay tulungan mo siyang mag-ayos ng gamit niya. Tatawagan ko ang anak ni Vega para ipasundo ka rito, mahirap na at baka makaisip ka naman ng kalokohan."

Kumunot ang noo ni Manang. "Sandali, Isabelle. Ano bang nangyayari at bakit aalis ang batang ito?"

Pabalya akong umupo sa upuan at nilapag sa mesa ang gamit ko. Mukhang napansin iyon ni Mama kaya napasinghap siya.

"Hindi siya pwedeng mag-isa, Isabelle. Saan ba siya pupunta? Bakit kailangan lahat ng gamit niya ay kasama?" tanong ulit ni Manang.

Hindi sumagot si Mama at nagpatuloy sa ginagawa. Tahimik akong kumain at hinihintay lang ako ni Manang, hindi na rin siya nagtanong pa. Nakita kong tinawagan ni Mama si Weston, naka-loud speaker pa iyon kaya narinig ko. Nang kunin ni Manang ang pinagkainan ko ay muli akong nagsulat sa board. Nakakapagod na magsulat sa totoo lang, pero wala akong magagawa kasi hindi naman sila nakakaintindi ng sign language. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa pen habang nagsusulat na parang anytime ay mababali iyon.

Mabiling kong ipinakita iyon kay Mama. "Ayoko pong sumama kay Weston, Mama."

"You need to, Indie. Mababait ang mga Vega, maaalagaan ka nila. Mabait si Weston, kung iniisip mo na hindi mo siya mahal, don't worry because you'll love him eventually. He's a good man."

Sunod-sunod akong nailing. I wanted to get mad. I wanted to burst out... but I just can't. Pipi na nga ako, hindi pa ako marunong maglabas ng saloobin sa kanila. Hindi ako marunong magalit at naging sunod-sunoran sa kanila. I just let them control my life. Bakit ba kasi ang hina-hina ko?

Magsusulat pa sana ako pero pinigilan ako ni Mama. Tumingin siya kay Manang. "Paakyatin mo na siya Manang sa itaas at tulungan magligpit. Any minute andito na rin si Weston."

Takang-taka si Manang hanggang sa alalayan niya ako paakyat sa kwarto ko. Sinalubong pa kami ng ibang maids na naglilinis ng hallway. Pagkapasok ay nakita ko ang tatlong maleta na nakaayos na sa gitna ng kwarto ko.

"I-Indie, anak ano ba ang nangyayari sa inyo ng Mama mo? Ano itong sinasabi niya? Sino ang tinutukoy niyang lalaki?" sunod-sunod na tanong ni Manang. Inilapag niya ang gamit ko sa kama.

Hindi ako sumagot at agad na nagpunta sa closet saka inilabas ang mga damit ko. Hindi ko namalayan ay tumulo na ang luha ko.

"Inireto ka na naman ba?" tanong ni Manang at tinulungan akong dalhin ang mga inilabas ko sa closet.

Humihikbi na tumango ako. This is not the first time that Mama decided on her own for me to have a boyfriend. Ilang beses na rin, pero ito ang una na binigla niya ako. Pinapirma pa agad ng marriage license. Usually aabisuhan niya ako kung may kailangan akong kitain. Ito rin naman ang unang pagkakataon na walang pasabi.

Siguro kung andito lang si Ingrid ay hindi siya papayag. She would helped me talk to Mama hanggang sa magbago ang isip nila. Hindi ganito. Ang daming tinatanong ni Manang pero lahat iyon ay hindi ko nasagot ng maayos. Nakatuon lang ang pansin ko sa mga maleta na nasa kama.

Iyong mga gamit ko for painting...

Kumuha ulit ako ng isang maleta at tinulungan ako ni Manang na kunin ang mga gamit ko sa isang silid na nasa loob lang din ng kwarto ko. Hindi naman 'yon kalakihan pero tama lang para sa mga gamit ko sa pagpipinta.

"Teka, magpapakuha ako ng supot para doon muna ilagay bago isilid sa maleta mo."

Halos lahat ng gamit ko ay kinuha ko pwera sa easel stand. Bibili na lang siguro ako no'n. Masyadong malaki para dalhin ko pa. Kinuha ko rin ang bag kung saan ko inilalagay ang mga painting ko. May dumating na isang maid at inabot kay Manang ang supot. Sayang iyon kung iiwan ko, mas mabuti nang dalhin para hindi na ako bibili. Ngayong lilipat na ako sa ibang bahay ay kailangan ko nang mas kumayod. Ayoko umasa kay Weston, kailangan ko magbigay sa kanya lalo na sa puder niya ako titira. Kung kailangan kong gumawa ng maraming canvas para mas maraming maibenta ay gagawin ko.

Laging sinasabi sa akin ni Manang na hindi ko naman daw kailangan magpagod nang sobra pagdating sa pera kasi mayaman sila Mama Isabelle at may ibinigay na mana sa akin. Ayokong umasa ro'n, simula nang dumating si Ingrid at matuon ang atensyon nila rito ay nabalewala na ako. Hindi ako nagalit, nagrebelde o 'di kaya nagbigay ng sama ng loob sa kanila. Natural lang na ibaling nila ang atensyon kay Ingrid kasi ito ang totoong anak, galing sa matres niya.

Mama Isabelle and Papa showered me the needs and love pero nawala iyon nang mabuntis si Mama kay Ingrid. Naging makasangga kami ni Ingrid sa lahat. Itinuring niya akong tunay na ate. Sobra naming mahal ang isa't isa, tinutulungan niya ako sa mga ibang bagay kahit na ako ang mas matanda ss amin. Dumating pa sa punto na ipinagtanggol niya ako sa mga bumubully sa akin. Hindi niya ipinaramdam sa akin na ampon ako, naiiba at may kapansanan ako. She made me feel so special.

Ang pagkakaroon ng walang pake sa akin ay mas tumindi at napalitan ng galit nang mamatay si Ingrid sa isang aksidente na kinasangkutan namin. Ingrid was 18 that time and I'm 21. She has a heart problem at hindi niya kinaya ang kinasangkutan namin na aksidente. It's been four years and the memories from that scene were still fresh, and it still hurts. Sa akin din ang buong sisi. Sa nangyari ay parang kinalaban ko ang buong mundo tapos ako pa rin ang talo sa huli. Paano ko naman kasi dedepensahan ang sarili kung ganito ako? Hindi na nga makapagsalita, hindi ko pa magawang lumaban.

Tinulungan kami ng ibang maid na ibaba ang mga maleta ko. I was holding a shoulder bag at yakap-yakap ko rin ang bag kung saan nakalagay ang ibang canvas ko, mabigat pero kaya ko naman. Pagbaba ay sinalubong ako ni Mama. Napatingin ako sa paligid at nakita si Weston na kausap si Papa habang nakaupo sila sa sofa. Hindi nila kami nakita dahil abala sila sa pag-uusap.

"Indie," malamig na tawag ni Mama.

Napatingin ako sa kanya. Wala akong makitang kahit anong emosyon sa mukha niya. Ganito na lang ba talaga?

"Be a wife to Weston Vega, don't be a hard-headed and don't do shitty things again. Gosh, dala-dala mo ang apelyido namin kaya huwag mong dungisan. Tama na 'yong kahihiyan mo noon. Pipi ka na nga tapos kri—"

"Tita,"

Hindi na natapos ni Mama ang sasabihin nang marinig ko ang baritonong boses ni Weston. Napatayo nang maayos si Mama.

"Weston! Kanina pa ba diyan?" nakangiting tanong ni Mama. Wala na iyong galit at malamig niyang emosyon na ipinakita sa akin kanina.

Napatingin sa akin si Weston. Hindi ko sigurado kung narinig niya ba ang sinabi ni Mama, but wariness is evident in his eyes. I just can't figure it out.

"Mauna na po ako," senyas ko at mabilis na tinahak ang daan palabas ng bahay. Narinig ko pa ang pagtawag ni Papa at Mama pero hindi ko 'yon pinansin. Nakita kong hila-hila ng ibang maid ang maleta ko papunta sa isang kotse na nakaparada sa bahay.

Namangha ako sa ganda ng kotse dahil nakakita na ako ng gano'n! It costs almost 9 million and it's bulletproof! Bukas ang likod no'n at ipinapasok na ang mga maleta ko.

Napatulala na lang ako sa gilid at inisip 'yong mga sinabi ni Mama kanina. Kung pwede at kaya ko lang na tanggalin 'tong apelyido nila sa akin ay matagal ko nang ginawa. Kung hindi lang sinabi sa akin ni Ingrid na bantayan at alagaan sila ay matagal na akong umalis at nagpakalayo-layo para hindi ko 'to nararanasan. Tumatanaw lang din naman ako ng utang na loob. It's also my way of saying thank you so much for adopting me, for feeding me, for letting me have a shelter for life. Naranasan ko 'yong magaan at maayos na buhay pansamantala.

Ang kaso, sa mga nangyayari ay parang gusto ko na lang tuloy bumalik sa ampunan at alagaan ang mga mas bata sa akin. Doon, walang panghuhusga, may pagmamahal at araw-araw masaya. O 'di kaya ay isinama na lang ako ni Ingrid no'ng mawala siya. Hindi pa nga ako nakakausad sa mga nangyari noon ay meron na naman panibago.

"Siguro asawa niya?"

"Oo nga, narinig ko rin kanina kay Sir."

"Nakabingwit ng mayaman si Indie."

"Ang gwapo grabe!"

"Gaga! Paano makakabingwit 'yan? Baka ipinagkasundo lang."

"Tara na nga!"

Halos magpantig ang tainga ko sa narinig. Nagtatawanang umalis ang ibang maid. Nanatiling tuwid ang tingin ko pero ramdam ko ang panginginig ng mga mata ko. They didn't know that I can also hear, ang alam kasi nila porket pipi ay bingi na rin. Hindi rin naman kasi ako nakikipagsalamuha sa kanila. Kung tutuusin, ang swerte ko kasi hindi ako nabingi. Marami akong nakilala noon sa ASL class ko na pipi na at bingi na rin.

Halos mapatalon ako sa kinatatayuan nang tumunog ang kotse ni Weston. Nanlaki ang mata ko nang may humatak sa kamay ko at dinala ako sa front passenger seat. Napakurap na lang ako at nasa loob na ako, ganoon din si Weston. Napatingin ako sa kanya at nakita kong madilim ang aura niya.

Galit ba siya? Sasaktan ba niya ako?

Isinuksok niya ang susi sa kotse at bumuntong hininga. Nang umandar ang makina ay doon siya tumingin sa akin saka ngumiti. Para bang nawala ang kung anuman ang iniisip niya nang makita ako.

"Good morning," he said in a soft voice.

"Good morning," I mouthed. It was just my mouth, walang kung anong tunog doon. Mukhang nabasa niya ang sinabi ng bibig ko dahil natawa siya.

"Uwi na tayo? Syempre sa bahay ko na bahay mo na rin," he said in a dreamy tone.

My heart pounded. And for the very first time, I felt at ease with someone I barely knew. Weston playfully raised his brows, waiting for my answer. Bumuntong-hininga ako at marahan na tumango.

Ikinangiti niyang muli ang naging sagot ko. "What a relief," he said chuckling.

Nag-iwas ako ng tingin at hindi na napigilan ang pagngiti. Weston started driving and I was just looking in front. Muli akong napasilip sa bahay namin habang palabas, nakita kong andoon sila Mama't Papa pati si Manang na nakatayo, mukhang kanina pa sila andoon. Hindi na, hindi na ako aasa na magbabago pa tingin nila sa akin.

I'm now moving and living a new life.

With Weston... as my husband.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status