Share

Kabanata 7

Indie Emerson

What happened to me for the past years and the way people treated me scarred me for life. There was a time in my life that I planned on taking my own life, but Ingrid caught me. Galit na galit siya sa ginawa ko at ipinaintindi niya na there's more to life. Nang mawala siya, nawalan ako ng kakampi sa lahat. Parang sinuntok sa akin ng mundo ang mga nararapat para sa akin— a dull life alone.

Minsan iniisip ko na sana bingi na lang din ako para wala akong naririnig sa kanila patungkol sa kung ano ako. People seems to unaware of what we could entails. They were blinded by their prejudices. It was upsetting, actually. I felt like I'm trapped in a world of my own, trapped in my own mind. This condition of mine crushed me on a day-to-day basis.

I felt useless and out of place.

That's why I also choose to be alone...

"Did you eat your breakfast?"

I blinked twice when Weston talk. I looked at him and he's focused on driving because he was looking straight. And I can say that he's in good mood. Kanina medyo iba ang aura niya no'ng hinablot niya ako pero no'ng tumingin ako sa kanya ay nagbago iyon sa isang iglap. Hinintay ko na tumigil kami sa may stop light at doon namin nilingon ang isa't isa.

"Hindi pa ako naliligo." Senyas ko sa kanya.

Umawang ang labi niya at napatingin sa katawan ko. Mabilis lang 'yon at bumalik ulit sa mukha ko ang tingin niya.

"Hindi halata... misis," he said.

Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi. Mukhang masasanay siya na sabihin 'yon. Gusto ko siyang suwayin kaso may pumipigil. Para bang ayos lang na tawagin niya ako sa ganoon. Napatingin ako sa suot ko. Iyon pa rin ang suot ko, hindi na ako nakaligo sa bahay dahil sa pagmamadali. Hindi ko na namalayan. Nagbanyos naman ako kanina sa hotel pero hindi iyon sapat. Nawala sa isip ko kanina dahil sa nangyari sa bahay.

Nakakahiya! Patago kong inamoy ang sarili para malaman kung may hindi kaaya-ayang amoy ba, pero wala naman. Buti naman!

Sa pag-angat ng tingin ay muli nang umandar ang sasakyan. Napansin ko rin na ang bango ng kotse niya. Hindi masakit sa ilong 'yong amoy. Kung 'di ko lang siya kilala, iisipin ko na babae ang may-ari nitong kotse. May rosary din na nakasabit sa may manibela niya. May maliit din na picture ni Mama Mary, keychain style.

"Are you observing me?" he asked.

Napatango ako sa kanya.

"I think it's a part of our getting to know process, right? Not romantically like lovers you know, but in a friendship way... 'coz we are friends."

Napatingin din ako sa dashboard at nakitang malinis iyon maliban sa car freshener niya na nakapatong doon pati phone niya siguro.

"Hindi pa ako pumapayag sa friendship na 'yan," mabilis kong senyas. I rolled my eyes when he laughed. Bakit ba ang hilig niya tumawa? "Are you insulting me?" I asked him.

Mabilis siyang napatikom at bumaling sa akin na nakakunot ang noo. "No!" mabilis niyang sagot. "Ganito lang talaga ako pagdating sa mga taong komportable ako kausap."

I signed. "You're a police."

He nods. "Yes, eight years and still serving!"

Tinitigan ko lang kung paano sumilay ang ngiti sa kanya. He's so full of positivity and good vibes. Hindi mo aakalain na sa laking tao niya ay ganyan pala siya kalambot. Sabagay, if you're happy and contented with everything, you're living a normal life. Akala ko nga rin no'ng unang kita ko sa kanya ay isa siyang CEO. Iyong masungit na boss na makautos ay wagas. Isa pala siyang pulis and looks like he really loves his job.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya dahil tumigil ang sasakyan. Inobserbahan ko ang paligid at nakitang nasa Eataly's kami. Open na rin 'yon at napansin na may mga tao na.

"What are we doing here? Hindi pa ako nakakapag-ayos, nakakahiya." Senyas ko sa kanya.

Nang patayin niya ang makina ay napatingin siya sa akin. "I don't mind and don't give a damn about them, okay? Ako naman ang kasama mo." Ngumiti pa siya pagkatapos sabihin 'yon. Itinuro niya ang bag na nasa kandungan ko. "Gusto mo ilagay na lang natin sa backseat? Mukha kasing mabigat."

Mabilis akong napatango sa kanya. Kinuha niya nang maingat 'yong bag na may canvas ko. Sa totoo lang, nangawit na rin ako dahil mabigat siya. Sunod niyang kinuha ang shoulder bag ko, bago pa niya mailagay 'yon sa likod ay kinuha ko 'yong crochet pouch ko.

Napatingin siya roon at nagtanong, "Is that your board and pen?"

I gave him a nod and looked at my crochet pouch.

"How long have you been using that?" he asked while putting my shoulder bag on the backseat.

Inilapag ko sa kandungan iyon para maayos na makapagsenyas. "Almost 20 years."

Napatango siya at parang may iniisip. Maya-maya ay tumingin siya sa crochet pouch ko. Kinuha niya iyon saka inilapag sa may dashboard. Umawang ang labi ko sa ginawa niya.

What the hell?

"When you're with me, you don't need to use that. Naiintindihan naman kita and I got you." Nakangiti niyang sambit.

And should I be happy about that? Mas nagtaka ako nang may ilapag siyang denim jacket sa lap ko. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at saka bumaba.

He looked at me. "Wear it if you're still not comfortable because you didn't shower," he said with a playful tone then closed the door.

Napatingin ako sa jacket na nasa kandungan ko at kinuha iyon ng dalawang kamay ko. Hindi ko alam pero inangat ko ang kamay ko saka dinala sa ilong ang tela para amuyin. Napapikit pa ako nang maamoy na mabango iyon.

Napasinghap ako nang biglang magbukas ang pinto sa gilid ko. He smiled seeing my reaction. Pakiramdam ko ay nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha.

Tumikhim si Weston bago magsalita. "Are you ready?" he asked.

Sunod-sunod ang naging pagtango ko at naging mabilis ang pagbaba ng sasakyan. Lumayo ako sa kanya dahil hindi pa ako naliligo at dahil hindi ako sanay na may kasamang lalaki. Baka mamaya ay may makakita na kakilala nila Mommy at pagtsismisan pa ako.

Weston locked the door and looked at me. Inilahad niya ang kamay niya na parang pinapauna ako. Naging malalaki ang hakbang ko habang isinusuot ang binigay niyang denim jacket. Para ako batang tumatakbo. Narinig ko ang pagtawa niya sa likod ko. Nang makarating sa entrance ay napahinto ako sabay tingin sa suot.

Masyadong malaki! Ang laki ba naman kasi niya!

Siya na ang nagbukas ng pintuan at pumasok na kaming dalawa.

"Good morning, Sir!" bati sa kanya ng isang staff.

"Good morning, Tia. Ayos naman ba kayo rito?" tanong niya.

Halos magtago ako sa likod ni Weston at ipinasok ko ang mga kamay sa bulsa ng denim jacket niya. Nakayuko lang ako habang nasa likod niya. Ngayon ko lang napansin na nakasuot si Weston ng cargo shorts in khaki color, blue shirt and boat shoes. Bakit kahit sobrang simple ng suot niya ay sobrang kaaya-aya niya tingnan? Dahil nasa likod niya ako ay naamoy ko rin ang pabango niya. Inamoy ko rin ang jacket na suot at napagtanto na magkaamoy. Edi amoy Westo na rin ako!

"Yes, sir! Marami na rin customer. Marami rin tayong for reservation later kaya pumasok lahat ng tauhan."

"That's good. How about Ambrose? Did he call you?"

Napalingon ako sa paligid at nakitang may mga tao na. Siguro nagtatanghalian ang iba sa kanila o 'di kaya late breakfast. Parang gusto ko tuloy ulit kumain. Kumain nga ako sa bahay pero hindi naman ako nabusog dahil kay Mama.

"Yes, sir. Sinabi niya na pupunta siya rito mamayang gabi kasama ang asawa niya. Dito sila kakain ng dinner."

Tumingin na lang ako sa paa ko at nilaro iyon habang abala si Weston sa kausap. Pulis na siya may sarili pa siyang business. Bakit hindi siya sa kompanya ng parents niya nagtrabaho?

"Misis," he called me.

Mabilis akong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Napatingin din sa akin 'yong babaeng staff na kausap niya, nakangiti iyon sa akin. Nginitian ko lang din siya.

"I'm hungry," he said.

"Okay," I mouthed.

Sandali siyang natawa at tumingin sa babae. "Tia, this is my wife Indie, and Indie this is Tia, my restaurant personnel for years."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ganoon din ang babae perp kalaunan ay nagpakita iyon

ng pagkatuwa, pagkatapos ay yumuko sa akin na para bang nagbibigay-galang.

"Hello po!" bati niya sa akin saka tumingin kay Weston na nakangiti. "Sir! Kasal ka na pala! Ang ganda ng asawa mo!" aniya na parang kinikilig pa.

I felt my cheeks heated that's why I bent down my head a little. Weston chuckled. "Nahihiya pa siya, Tia. By the way, we'll eat. Magsasabi na lang kami ng order. Wala naman sigurong tao sa taas 'no?"

"Wala naman, sir."

"Indie—"

Bago pa matuloy ni Weston ang sasabihin ay mabilis kong tinungo ang hagdanan papuntang second floor. Napansin kong napatingin pa sa akin ang ibang staff at customers.

Nang makarating sa taas ay napabuga ako ng malalim na hininga. I can't still believe that this is happening! Shit, ipinakilala niya ako bilang asawa niya! Ano na lang sasabihin ng mga tao? Na pumatol siya sa isang pipi? Sana hangga't maaari ay huwag niya muna ako ipakilala bilang asawa niya. Mariin akong napapikit at sa pagmulat ng mata ay narinig ko na ang mga yabag ni Weston kaya napalingon ako sa kanya.

"I'm sorry," he whispered. "Hindi ko lang napigilan sabihin kay Tia. I know that you're upset and—"

Bumuntong-hininga ako saka iginalaw ang mga kamay. "Wala na akong magagawa kasi nasabi mo na. Hindi rin naman ako makakasingit o magawa kang kontrahin dahil pipi ako."

Kumunot ang noo ni Weston sa sinabi ko. I'm anxious about everything in my life that's why I don't have a peaceful mind. I'm not a worry-free person. I experienced everything and this thing that's happening in my life right now... is wrong. Masyadong mabilis, parang noon lang.

I'm not happy about it and will never be. They're manipulating and controlling my life and it scares me kasi baka maranasan ko naman 'yong pangyayari sa buhay ko na minsan ko nang tinakasan.... at ayoko nang maulit 'yon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status