Share

Kabanata 5

Indie Emerson

I know that Mama Isabelle wanted me to get married because that's her own way to get rid of me. Alam kong iniisip niya na kapag kinasal na ako ay mawawala na ako sa pamamahay na 'yon dahil isasama na ako ng lalaking mapapangasawa ko, kung sinoman iyon. Hindi ako tanga para hindi maisip 'yon. I stayed with them because of gratitude and love, na kahit itaboy nila ako ay mananatili ako. Isa rin 'yon sa ipinangako ko kay Ingrid.

When people got the chance to know my situation, magpapakita sila ng emosyon na mahirap ipaliwanag, nakakalito. Hindi ko tuloy mahinuha kung nagugulat ba talaga sila o nanghihinayang. Minsan naiisip ko nilalait na nila ako sa isipan nila. Hindi rin naman nakakagulat dahil naranasan ko na ang malait at masabihan ng kung anu-ano.

Nanginginig ang kamay kong hawak-hawak ang board habang ipinapakita 'yon sa lalaking kaharap. Halatang nagulat siya. I don't know if how long we've been staring to each other until I decided to looked away. Napakurap ako at napatingin sa board na hawak sabay bura sa nakasulat doon.

While writing something, I heard him cleared his throat. "I-It's okay." No, it's not. Hindi ako tumingin sa kanya. "Ahm, hindi mo na rin siguro kailangan gamitin 'yang board mo dahil marunong naman ako mag-sign language, nakakaintindi ako. I have a cousin who is also like you that's why I know the sign language, I also took some SL courses when I was 18."

Doon na ako napatingin sa kanya. Hindi mapakali ang dibdib ko sa reaksyon na ipinapakita niya akin o baka hindi lang ako sanay na ang soft niya sa akin. Gusto kong matuwa sa inaasta niya pero hindi mapalagay ang loob ko. Gusto kong maiyak sa tuwa dahil mukhang may makakaintindi na sa akin. I feel that I'm safe but my thoughts wouldn't let me. I shouldn't trust him that easily. Mabuti na 'yong mag-ingat ako.

Nagwala ang dibdib ko nang lumamlam ang mata niya at ngumiti sa akin. "I'm Weston and you can call me West or whatever you want since we're now... married."

Dahil nasabi niyang may alam siyang sa sign language ay hindi na ako nakapagpigil na itaas ang kamay ko at sumenyas. "I don't want this marriage, Mr. Weston and I know you're too."

Nakita kong nanlaki ang mata niya. Naipatong niya ang siko sa mesa at napatakip sa bibig habang mataman na nakatingin sa akin. Sumeryoso ang tingin niya at halos magtayuan ang balahibo ko. Bigla akong kinabahan, pero bakit naman ako matatakot eh toto naman ang sinasabi ko?

"Damn right," he said firmly. My lips parted when he managed to smile after he said that. "I also don't want this but I'm willing to—"

I cut him off by signing againg. "Then we're even. Kung kaya nating patagalin ng one or two years ang kasal natin, mas maganda tapos we can file an annulment. Marami pwede maging grounds."

Marami dahil marami siya pwedeng ibato sa akin kapag nakilala niya ako, kung kikilalanin ba niya.

His jaw clenched and caressed his nape. "Fine," he smiled. "I think we should be friends?" he asked in a soft voice.

Para akong nakahinga nang maluwag sa narinig. Akala ko susungitan niya ako o 'di kaya papagalitan sa mga sinabi ko. Bumuntong hininga ako, hindi na sumagot at ibinalik sa crochet bag ko ang board at pen. Nang tumingin ako sa kanya ay nakita kong humaba ang nguso niya. Parang nagtatampo ba ewan dahil hindi ko iyon sinagot. Napairap ako at bahagya siyang natawa.

"Let's be friends, okay? Mabait naman ako, sweetheart. Hindi ako nangangain ng tao unless you want me to eat you?"

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa mapaglarong tabas ng dila niya. Ilang minuto niya akong dinaan sa tawa habang pinipilit na maging magkaibigan kami hanggang sa siya na mismo ang sumuko. Iyong mukha niya ay lukot na lukot. Kapag tumatagilid ang mukha niya ay napapakunot ang noo ko dahil parang nakita ko na siya. Hindi maiwasan ng mukha ko ang mag-init dahil kahit anong reaksyon niya ay ang cute niya. It was quite surprising because I've never thought he has this amusing side. He's so manly that anyone might get intimidated but he's now acting in front of me like a five-year old kid!

"Bakla ka ba?" Napatigil siya sa pag-inom ng wine nang sumenyas ako. Naubo pa siya at napansin ko na may tumalsik kaya napangiwi ako. Inabutan ko siya ng tissue at kinuha naman niya 'yon.

Wala naman kaso sa akin kung bakla siya. Hindi rin naman halata sa kanya kung totoo man dahil sa itsura niya. Natutuwa nga ako minsan kapag may bakla akong nakikita. Mukhang maganda kasi silang kasama lalo na masaya ang personality nila. They will surely brighten up your day and they'll be a good friend.

Muling gumalaw ang dalawang kamay ko. "Alam ba ng parents mo o hindi?"

Napakurap siya at napahawak sa neckline ng shirt niya at hinila iyon nang kaunti na para bang niluluwangan niya. Mukhang hindi siya komportable sa tinanong ko. I looked at him with apologetic face. Napatingin ako sa paligid at nag-isip ng pwedeng sabihin.

"I will just stay in a nearby hotel then you can just send me your address. Ako na lang mag-isa ang pupunta sa inyo bukas. Babalik pa kasi ako sa bahay para kunin ang mga gamit ko. Masyado rin iyong marami kaya baka matagalan," mahaba kong senyas sa kanya.

Nailagay ko ang kamay sa ilalim ng mesa, sa ibabaw ng hita at mahinang kinurot ang balat. Mukhang ngayon lang ako at sumenyas ng gano'n katagal sa taong kakakilala ko lang. Syempre iba sila Madam Sonya at Maya dahil matagal ko na silang kilala at nakasasalamuha.

Nagsalubong pa ang kilay ng lalaking kaharap saka siya napatango nang marahan. "Are you sure? I'll let you use the spare room of my condo unit and you can sleep there para 'di ka na rin mahirapan," aniya.

Mabilis akong umiling na ikinagulat niya. I raised my hands. "No! Just give me your address at ako na ang bahala."

Ilang segundo rin akong tinitigan ni Weston saka siya tumango, sumuko na sa mga sinabi ko. I don't really know him, that's why I don't wanna be comfortable with him. Magsasama na kami sa iisang bahay and I don't know if it's a good or bad idea.

Living in a house without my parents is something new to me. I'm not used to it, actually. All my life I was living with them and even though things happened, I stayed with them. Gusto ko lang na kasama sila o 'di kaya nakikita sila sa umaga. Kahit na araw-araw silang abala sa trabaho at gabi na umuuwi ay hinihintay ko pa rin. Siguro nasanay din ako dahil gano'n ang ginagawa namin ni Ingrid noon. Home is where Mama Isabelle, Papa Nicholas and Indie are... but this past few years, it doesn't feel like home already. Ako na lang ata ang nagpupumilit ng sarili ko sa kanila kahit wala na silang pakielam.

"Weston..." Napatingin ako sa kanya nang muli siyang magsalita. He smiled at me then lend me his hand na para bang makikipagkamay.

"I'm Weston Vega," he repeated in a manly voice.

Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad sa akin. Ginalaw ko ang kamay na magkahugpong sa ibabaw ng mesa. Nagdadalawang isip ngunit iniangat ko pa rin para makipagkamay. Sa pagtama ng mga palad namin ay siyang paglakas ng tibok ng puso ko, naging marahan ang paghawak niya at ramdam ko ang init ng palad niya. Ako na ang mabilis na nagbitaw at bahagya siyang natawa. Hindi na lang ako magpapakilala kasi mukhang alam naman na niya name ko.

Napasandal siya sa kinauupuan at pinagkrus ang mga braso. Nag-flex ang mga braso niya gawa ng biceps niya. Nakakakita ako ng mga lalaki pero siya na ata ang mukhang pinagpala sa lahat, maganda ang tindig at pangangatawan saka ang mukha. Mukhang wala kang maipipintas. No'ng nagpaulan siguro si Lord ng kagwapuhan ay gising ito. Ngayon lang din ako naka-encounter ng lalaking madaldal.

"Baka matunaw naman ako niyan, misis."

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya. What did he just call me? Is he flirting with me? Bakit pa kailangan na gano'n ang tawag?

He chuckled then looked at me with serious face. "I'm 30 and my mom had been setting me up with different girls. Too many to mention, wala rin naman akong maalala na pangalan. Sa totoo lang, ayoko ng gano'n—"

"Eh, bakit ka pumayag ka sa ganito? Ayaw mo pala pero pumayag ka na i-shotgun marriage ka. Dapat tumanggi ka na lang." Mabilis kong senyas sa kanya.

He pursed his lips. "I... I want this marriage to work out?" Nagulat ako sa narinig. "Alam kong nakakagulat but I agreed to my mom because I think this is the right time to settle down. Naiirita na ako sa pagtawag niya at saka sasabihin na may dapat akong kitain na babae. I'm single and too busy with my work and playing is not my thing. Knowing my Mom's taste when it comes to girls, alam kong hindi niya ako ipapahamak. So, I trust her with this."

Playing or flirting is not his thing? So... he's a refined and responsible man? Halata rin naman. Mukhang hindi siya tulad ng iniisip ko. Single pa siya dahil abala siya sa trabaho. He wants our marriage to work out because he thought that this is the right timw for him to settle down and have a family?

"Your mother told me that you're single for a long time and so am I. Wala naman siguro magiging problema?" he asked.

Nailing ako sa kanya. I'm single for my whole life, walang seryosong relasyon. Kung meron man, hanngang usap lang. Wala naman magkakainteres sa akin, sino ba naman kasi ako para patulan nila at ipasok sa seryosong relasyon? I am nothing. I am not interesting. Hindi naman daw kasi ako 'yong tipo ng babae na siniseryoso. I have a fucked up life, mapapahiya lang sila sa akin at baka maging malas pa ang buhay nila.

I felt my chest tighten because of pain. Settle down and having a family means taking this marriage with him seriously? But... I don't want that, I am not fucking ready, hindi ata ako magiging ready. Basta na lang akong nailing. Inalala ko ang lagi kong itinatatak sa utak ko... magiging mag-isa lang ako sa buhay, walang nobyo a asawa, walang anak. The fact that my real parents left me in that orphanage, nakuhaan ko 'yon ng thought na habambuhay din ako magiging mag-isa. Sanay naman na din ako. Kahit may nag-ampon sa akin, pangungulila at lungkot pa rin naman ang namamayani sa akin. Walang nagbago.

He sighed. "I'm not forcing you, Indie and if you really want to pull out of this marriage... okay, I'll help you. Sa ngayon, let's just be friends kung okay lang sa 'yo?"

Mabilis akong nag-iwas ng tingin at inilabas ang board ko saka pen para magsulat. "Give me your number, please."

May sinabi pa siya pero hindi iyon nag-sink in sa akin. Naging sarado ang tainga ko sa kanya, hindi ko siya matingnan nang diretso sa mukha. Nakita ko kung paano niya kinuha ang phone niya sa jacket suit niya at may tinipa. Kinuha ko rin ang pagkakataon na 'yon para muling magsulat sa board, pagkatapos ay kinuha ko rin ang phone ko.

With trembling hands, I took a photo of his phone number.

"Indie... are you okay?" he asked.

Hindi ko siya pinansin at ipinakita ang nasa board. "I will just call you if nakapag-ayos na ako ng mga gamit. Don't worry hindi ako tatakbo o tatakas sa kasal na 'to. Mauuna na ako. Thank you sa dinner."

Nang mapatingin na siya sa akin pagkatapos iyon mabasa ay mabilis kong binitbit ang gamit at tinakbo palabas ang restaurant. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko kaya mas naging malalaki ang hakbang ko. Napatingin ako sa paligid at nakitang may mga nakaparadang kotse kaya naisipan ko ang magtago. Napasandal ako sa isang puting van at nayakap ang gamit. Sa pagsilip ay nakita kong nakatalikod si Weston at mukhang hinahanap ako. Kinuha ko rin ang pagkakataon na 'yon para tahimik na gumalaw at muling tumakbo papalayo sa restaurant na 'yon at papalayo sa kanya.

Ramdam ko naman na magiging mabuting kaibigan siya sa akin dahil sincere at maganda ang paraan ng pakikitungo niya pero ayokong makampante. Ayoko talaga, pasensya na. I have fears that scarred me for life. Those fears invade my wholebeing and made me like this... coward and weak.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status