เข้าสู่ระบบPagkatapos niyang maligo ay inihatid na sila nito sa bar. Nagpaalam na rin ito sa kaniya pero nangakong susunduin sila sa oras ng out nila kahit pinagsabihan na niyang magahinga na lamang. Nang magsimula itong manligaw sa kaniya, hindi na ito gasinong umiinom. Pero tumatambay pa rin to sa bar. Nakausap na rin nito ang manager na nila, at tuwang-tuwa ito, maging ilang kasama niya sa bar. Tulad ng ipinangako ni Tyler, nandoon na nga ito nang lumabas sila ni Carla. Nag-aabang sa kanila. Ipinagbukas siya nito ng pinto na ikinahagikgik ng kaibigan niya. Sa tabi rin nito siya pinauupo hindi tulad nang una silang sumakay sa sasakyan nito. "Uhm, Erin, puwede ka bang ma-invite mamayang gabi?" "Ha?" "May kunti kasing salo-salo sa bahay ng magulang ko, invite sana kita." Sumikdo ng kakaibang pintig ng dibdib niya. Ini-invite siya nito? Ipakikilala ba siya sa magulang nito? "Pumayag ka na, Erin." Sinundot siya sa tagiliran ng nasa huling si Carla. "P-pero, p-paano ang trabaho k
Dalawang buwan ang lumipas, ganoon pa rin si Tyler. Mas naging close sila. Hatid-sundo siya sa bar na pinapasukan. Pero hindi na niya ito gasinong pinatatambay doon, pinauuwi na na niya ito para makapagpahinga. Imagine, pagkalabas sa opisina ay dederitso ito sa tinutuluyan para ihatid naman sila sa pinapasukan, at tuwing umaga bago ito pumasok ay kailangang sunduin sila sa trabaho. Siya ang naaawa sa ginagawa nito. Kasalukuyan siyang nagtutupi ng mga damit, maaga pa para mag-ayos ng sarili kaya iyon muna ang inatupag niya. Si Carla ay naghuhugas ng kanilang kinainan. Ang kanilang tinutulugan ay natatabingan pa rin ng kurtina. Nagpaplano na rin silang humanap ng maayos na malilipatan tutal malaki-laki na rin ang kita nila sa bar. "Tapos ka na?" Nag-angat siya ng mukha. "Malapit na. Mauna ka nang maligo, ako na ang bahala rito," aniya kay Carla. "Sige." Kinuha nito ang naka-hanger na towel, maya't maya pa ay nakarinig sila ng katok. "Oh, ayan na ang prince charming mo. Ako na
TULALA si Erin. Pakiramdam niya'y nakalutang sa hangin ang kaniyang isipan. Isang linggo nang pumupunta sa boarding house si Tyler, hinahatid sila sa bar at hinihintay na makalabas at ihahatid sa boarding house. Mukhang desidido ito sa panliligaw, at dahil sa kaibigan niyang saksakan ng tabil ang dila ay napapayag siyang ligawan nito. Hindi naman niya isinasara ang puso sa larangan ng pag-ibig, pero ang isang Tyler Samaniego iyon. Anong laban niya sa mga matang nakapalibot dito? Gayung isang hamak na waitress lang siya, at sa bar pa. Anong iisipin ng mga taong kakilala nito? Balita pa niya'y may-ari ito ng kilalang restaurant and resort. Tiyak na mapapahiya lamang ang lalaki kapag nagkataon. "Hoy!" Isang sigaw at pitik sa noo ay nagpabalik sa reyalidan sa kaniya. "Aray! Masakit 'yon, ha!" angil niya sa kaibigang si Carla. "Ang lalim kasi ng iniisip mo. Kasing lalim ng pag-ibig ni Sir Tyler sa iyo." "Baliw!" Inirapan niya ito at kinuha ang tray. "Yei... but deep inside, kini
Sa bahay ng magulang tumuloy si Tyler. Sinalubong siya ni Dorothy, ang kaniyang ina. Pansin pa rin niya ang lungkot sa mata nito. Kinumusta siya nito, kung okay lang daw ba siya at kung nakakakain ng maayos? Ang lahat ay payak niyang sinasagot. Ayaw nyang lalong malungkot ang ina, kaya kahait may kirot, kahit masakit pa rin ang ginawa ng dating asawa ay umaakto siyang maayos ang nararamdaman. Tumuloy sila sa dining area, eksaktong may nakahain nang pananghalian. Nandoon na rin si Hernan na ama niya. Papaupo na siya nang may sumulpot pang dalawang tao sa pintuan. Si Victor at Katrina. Umiling na siya. Itinatakda yata ng panahon na pagsasabungin silang magkapatid. Dito rin pala ang punta ng dalawa. Kung alam lang niya'y sa kalye na lamang sana siya tumuloy. "Pinapunta ko sila rito para magkausap kayo ng maayos," tinig ng kanilang ama. "Hernan, mamaya na iyan. Nasa harap tayo ng pagkain." "Wala ho namang problema sa akin, Pa, Ma. I'm okay now." Pero deep inside, sobrang sakit
HAWAK na ni Tyler ang annulment paper. May kaibigan siyang attorney kaya sa loob ng isang buwan ay napawalang-bisa ang kasal nila ni Katrina. Matagal na niyang naitapon ang wedding ring na simbolo ng kanilang pagmamahalan, maging ang mga picture nila'y sinunog n'ya na rin. Ang bahay na naging saksi sa kanilang pagsasama ay hindi n'ya magawang maibenta. May sentimental value iyon sa kaniya. Pinaghirapan n'yang buuhin iyon kaya hindi madaling bitawan. "We can do what we want to do now, darling. Wala nang bisa ang kasal niyo ni kuya. Matutuloy na ang pagpunta natin sa New York tulad ng ipinangako ko sa iyo." "Hindi pa ready ang aking passport, e." Umiling siya sa kaniyang narinig. Kanina, habang hinihintay niya ang result ay pinapalabas ng kaniyang kapatid na siya pa ang nang-agaw. How pathetic! Siya ang niloko at kung sinasabi ng dalawa na sila ang unang nagmahalan pero sa kaniya nagpakasal si Katrina. Legal. May basbas ng simbahan. Nang ipakitya niya ang mga dokumento sa judge at
HINDI patulugin si Erin, nakatutok lang ang mata niya sa kesame. Double deck ang higaan nila at si Carla ang nasa ibaba. Okay lang naman sa kaniya ang hindi matulog agad dahil wala siyang pasok mamayang gabi. Pero ang hindi okay ay ang laman ng isipan niya... si Tyler. Hindi siya ignorante pagdating sa ganoong bagay. Alam niyang hindi lang basta simpleng paghahatid ang pakay nito sa kaniya at kung totoo man, dapat na niya itong iwasan. Isa pa'y may asawa na ito, kahit pa sabihing niloko ang lalaki pero kasal pa rin ito. Tumagilid siya ng higa. Isang bagay ang pumasok sa isipan niya na nagpalungkot sa kaniya. "Kumusta na kaya si Papa?" Hindi siya sanay na mawalay nang matagal sa ama. Papa's girl siya. Anumang gustuhin ay ibinibigay nito kahit pa nga n'ong nabubuhay pa ang kaniyang ina. Pero kailangan niyang tikisin ang sarili na mawalay dito, kailangan niyang tumayo sa sariling paa. In case na magkita silang muli ni Miguel ay masasabi niyang mas matapang na siya. Okay lang naman sa







