Chapter: Chapter 112Masayang-masaya nang umuwi si Meadow. Nakausap at nayakap na niya si Aedam, bagama't hindi pa ito masyadong nagsasalita, masaya na rin siya. Pero bakit may iba siyang nararamdaman? Parang may mali. May ibang pitik ng puso siyang nararamdaman. Habang nasa ospital ay tumawag si Damian, gusto raw siyang makausap ng anak. Kukumustahin lang pala si Brix Railey. Kinukumusta rin nito si Aedam, kung tumawag na at kung kailan uuwi. Nang dahil doon ay pilit niyang inignora ang nararamdaman. Nakausap na rin niya ang doktor, sinabi nitong as soon as possible ay isasaayos na nito ang operation. Iyon din kasi ang gusto ng mga kaibigan ng asawa niya, ang maisaayos ang nasirang katawan nito.Matapos mai-park ng driver ang sinasakyan ay agad na siyang umibis. Sapo ang may kalakihang tiyan habang pumapasok sa mansyon. Nasa bukana pa lang ng pinto ay naririnig na niya ang matinis na boses ng kaniyang anak. Masayang-masaya ito. Hindi pa man siya tuluyang nakalalapit ay napansin na siya ni Damian, nagla
Terakhir Diperbarui: 2025-07-26
Chapter: Chapter 111"Lolo, kailan po ang balik ni daddy?" Nagkatinginan si Meadow at Damian, kasalukuyang nasa harap sila ng hapag-kainan, pinagsasaluhan ang nakahaing pagkain. Nakaramdam siya ng kaba at awa na rin para sa anak. Wala itong kaalam-alam sa nangyayari. Pinili niyang huwag ipaalam sa bata ang nangyari kay Aedam. Pinalabas niyang nasa ibang bansa ito dahil may aayusin doong trabaho. "Hindi ko alam, apo." Masuyong hinaplos ni Damian ang pisngi ng anak niya, saka'y ngumiti. "Don't worry, babalik din ang daddy mo, kapag natapos na siya roon. For the meantime, kumain ka muna dahil lalabas tayo. Na-miss ko na ang bonding nating dalawa."Saan po tayo pupunta?" tanong nito. Tila curious na curious. Napaka-inosente ng anak niya."Saan mo gusto?""Kahit saan po." Sumubo ito ng pagkain. Ang pisngi ay namumutok na."What if mag-mall na lang tayo? Mag-play tayo sa time zone, tapos tatalunin natin si Ate Eliza sa bowling." Humagikgik ang anak niya. At nang dahil sa nakikita ay nawala ang agam-agam sa i
Terakhir Diperbarui: 2025-07-24
Chapter: Chapter 110Huminto si Meadow sa tapat ng nakapinid na pinto. Kanina pa nanginginig ang katawan niya. Nakiusap siya kay Jack na kung puwede niyang bisitahin ang asawa, pumayag naman ito. Pero ngayong nasa harap na siya ng ICU, parang ayaw na niyang ituloy. Dinadaga ang dibdib niya. Ngayon ay nagdadalawang isip siya kung itutuloy ba o hindi na. "Pero gusto kong makita ang aking asawa," bulong ng isipan niya."Are you okay?"Nasa likuran niya si Jack, nakaagapay sa kaniya. Sinabi nitong dumalaw rin si Tyron. Sayang lang at hindi sila nagpang-abot. Umalis din ito agad dahil busy sa kompanya. Ang kaniyang biyenan ay kagabi dumalaw, nakausap niya ito bago siya matulog. Nangako itong pagkatapos ng work ay muling bibisita sa anak."O-oo." Sinamahan niya ng tango ang sagot niya.Huminga siya ng malalim. Saka'y pinihit ang door knob. Nang nasa labas ng ICU ay hindi na halos siya makahinga, lalo na ngayong nakita ang kalagayan ng asawa. Tila sinasakal siya. Parang gusto niyang sumigaw pero hindi niya maga
Terakhir Diperbarui: 2025-07-24
Chapter: Chapter 109 "Mommy, where's daddy?" Napahinto si Meadow sa paglalagay ng kanin sa pinggan ng anak. Nahugot din niya ang kaniyang hininga. Nag-apuhap siya ng idadahilan. Sinulyapan niya si Manang Fe na katabi ng bata. Kasama nilang kumain ang mga kasambahay, pinasabay na niya para marami sila sa hapag-kainan. "M-may t-tinatapos pa anak sa office si daddy," dahilan niya. Nabubulol pa siya. "Ang tagal namang dumating. Ipapakita ko ang mga nagawa ko sa kaniya, 'tsaka, hihingi ako ng reward.""Anak, ano ang sabi ko sa iyo?""E, mommy, hindi naman po para sa akin ang hihingin ko kay daddy, 'di ba Ate Eliza?" Bumaling ito sa dalaga na nasa tapat nito. Nangingiting tumango si Eliza. "Para sa mga street children."Umingos siya, kunwaring naggalit-galitan. "Huwag ko lang mabalitaan na nanghihingi ka na naman, Avi, ha! Mapapalo na talaga kita!" sermon niya rito. "Relax, mommy. Ang puso mo. Sige ka, papangit si baby niyan," tugon ng anak niya na may kasama pang kumpas ng kamay.Lihim siya natawa sa ina
Terakhir Diperbarui: 2025-07-23
Chapter: Chapter 108"May nahanap ka bang kahit anong bakas?" Umiling ang rescuer na patuloy na hinahalughog ang pinangyarihan ng insidente. "Still, negative, Sir Jack." "E 'yong taong sinasabi niyong nakakita sa nangyari, where is he?" "Nandoon po sa gilid." Itinuro nito ang bahaging kaliwa ng kanilang kinaroroonan. Mabilis silang sumugod doon. Kasama pa rin ni Jack si Drake at Zeus. Si Greg ay dinala na sa hospital para magamot ang natamong sugat. Medyo bata pa ang lalaking sinasabing nakakita sa nangyari. May mga ilang katanungan siya rito, at maayos namang masagot. "Hindi ko lang po matiyak kung ang sakay ng sasakyan ang narinig kong sumisigaw." Halos sabay silang tatlong magkakaibigan na napasinghap sa sinabi ng ginoo. Nagkaroon sila ng pag-asang buhay pa ang kanilang kaibigan. Hindi lang basta kaibigan ang turing niya kay Aedam, kundi kapatid na rin. Tinulungan siya nito noon nang magkaroon ng mabigat na suliranin. Halos lahat sila, natulungan nito. Kaya kahit sira-ulo sila, tinitingala nila
Terakhir Diperbarui: 2025-07-21
Chapter: Chapter 107Gusto sanang sumama ni Meadow kay Jack, babalik ito sa pinangyarihan ng insidente, pero mariing tumanggi ang binata. Hindi siya pinayagan ng tatlong lalaki. "Isipin mo ang sanggol na nasa sinapupunan mo, Meadow," sabi pa ni Drake. Wala siyang nagawa kundi hayaan ang tatlong umalis. Sumama si Drake at Zeus kay Jack, baka sakali raw na makatulong sa paghahanap kay Aedam. Ngayon ay mag-isa na siya sa malawak na living room. Naiwang blangko ang isipan, hindi alam kung ano ang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala si Aedam sa buhay niya. Aaminin niya, nang pumasok siyang secretary nito, nagagalit siya sa tuwing pagagalitan nito kahit wala namang dahilan. Nagtatago siya sa cr para ilabas ang lahat ng bigat nasa dibdib. Tiniis niya ang mga masasakit na salitang natatamo rito, hindi dahil sa utos ni Brenda, kundi sa mahal niya ito at ayaw niyang mapahamak. Pero, nang gabing aksidenteng may nangyari sa kanilang dalawa, doon na siya nagpasyang umalis. Huminga siya ng malalim at pilit
Terakhir Diperbarui: 2025-07-21
Yumi and the Golden Mansion
Laundrymaid, cook, janitress— name it all. These are among of the tasks YUMI has to do every day. In short, she's your generous all-around maid who works without getting paid. However, her monotonous life of being the modern Cinderella will soon end the moment she lays eyes on VINCENT, who is a rich, fair young boy who is offering her one huge offer no lady of her status would ever say no— to marry him. Everything is already supposed to be a happy ending for Yumi until her cruel stepmother-in-law, VICTORIA, steps in to ruin the dream-like fantasy she has ever dreamed of.
Will her fairytale-like life with her prince charming end so soon? Or will she then begin to put her A-game on a battle against her stepmother-in-law for the sake of Vincent and the life she has longed for?
Baca
Chapter: FinaleMATIYAGANG nagbabantay si Vincent sa asawa. Wala pa rin itong malay. Hindi naman delikado ang naging lagay nito, sinalinan din agad ito ng dugo pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Laking-pasasalamat niya sa taong nagligtas sa kanila. Kundi siguro dumating ang dalawa, tiyak niyang hindi lang iyon ang nangyari sa kanilang mag-asawa. Si Samuel. Matapos nitong gamutin ay dinala na ito sa presinto. Hindi siya pumayag na sa hospital ding iyon ito magpapagaling. Base sa naging usapan nilang dalawa ay naghihiganti ito dahil sa pagkamatay ni Yvonne at pagkakakulong ni Victoria. Sila pa pala ang may ganang maghiganti? Napahinga na lang siya ng malalim. Naagaw ang pansin niya nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang taong nagligtas sa buhay nila. "Hey, dude! Kumusta? Nagkamalay na ba ang asawa mo?" "Hindi pa," aniya na sinamahan pa ng marahang iling. "Don't worry, she will be alright." "Yeah. Thanks to you, Hector, ganoon din sa iyo, Drew." "Wala iyon," tugon
Terakhir Diperbarui: 2022-08-11
Chapter: Chapter 39KASALUKUYANG tinatahak na ng sasakyan ni Vincent ang pabalik sa mansiyon. Napasarap ang kuwentuhan nila ni Tikboy. Lihim siyang napangiti nang maalala ito. Ang lalaking pinagselosan niya nang unang gabi nila ni Yumi bilang mag-asawa. Boyfriend pala ito ni Althea na dating nanliligaw sa asawa niya. Hindi naman niya kasi maitatanggi, may angking ganda ang kanyang asawa. Ang itim nitong mata, mahaba at malantik ang pilik-mata, mapula ang makipot na labi at ang bilugan nitong mukha, kaysarap pagmasdan. Napasulyap siya sa katabing asawa. Kaya pala tahimik ay nakatulog na pala ito. Napagod ito sa walang katapusang kuwentuhan ng magpinsan.Ang tiyang na nito ang pinamahala nito sa naiwang negosyo ng magulang nito, pero, minsan ay bumibisita sila roon. Lumaki na nga iyon. Ipinagpasalamat din ng asawa niya na kahit niloko ito ng mag-ina ay hindi nagawang pabayaan ng ginang ang tahian. Dinagdagan niya iyon ng twenty pieces na sewing machine at nagdagdag na rin ang ginang ng tauhan. Pinababali
Terakhir Diperbarui: 2022-07-30
Chapter: Chapter 38"SWEETIE...""Yes?" Nabaling ang paningin ni Yumi sa asawang kalalabas lang sa banyo. Tumutulo pa ang tubig nito sa buhok at tanging puting towel ang balot nito sa pang-ibabang katawan. Napalunok siya ng laway nang makita ang nakaumbok nitong kakambal. Hindi man niya aminin pero pinagnanasaan niya ng palihim ang asawa. "Eyes on me, sweetie. Don't look down there." Pilyo itong ngumiti nang magtaas siya ng paningin.Hiyang-hiya siya sa salitang lumabas sa bibig nito. Syete. Nahuli na naman siya nito. Bakit kasi ang yummy ng asawa niya? Simula nang malaman nito ang katotohanan sa kalusugan nito'y mas naging aware ito sa kinakain. "Luh! Para kang temang. Kasalanan ko ba kung matuon ang paningin ko sa ano mo." Umirap pa siya para mawaglit ang hiyang nadarama niya. Narinig na lang niya ang mahinang tawa ng asawa na lalo niyang ikinahiya. Tumalikod na lang siya at kunwaring inabala ang sarili sa pag-aayos ng kanilang higaan. Saglit pa ay bahagya siyang napapitlag nang maramdaman ang mai
Terakhir Diperbarui: 2022-07-07
Chapter: Chapter 37KAHIT papaano ay nakadama ng takot si Vincent nang kalabitin ang gatilyo ng baril ni Victoria. Ngayon lang siya nakadama ng ganoong uri ng takot kaya niyakap na lang niya ang katabing asawa dahil ito ang puntirya ng baril. Sabay na lang silang napapikit. Ang mga pulis nama'y mabilis din ang ginawang pagdampot sa kanya-kanyang baril.Nagtilian ang mga saksi. Naghintay si Vincent pero walang bala ng baril ang dumapo sa kahit anong parte ng katawan niya. Nagmulat siya ng mata at nakita na lang niya ang pagbaha ng dugo sa kinatutuntungan nila. "Y-Yvonne..." Nabitiwan ni Victoria ang hawak na baril. Kitang-kita nito ang pagtama ng bala sa dibdib ng anak. "Yvonne..." patakbong lumapit ito sa anak ngunit naunahan na ito ng mga pulis. Agad itong nahawakan ng isa at ipinosas ang kamay.Mabilis na dinaluhan ni Vincent si Yvonne. Tinapalan ni Yumi ang sugat ng panyong nadukot sa bulsa ngunit bumubulwak pa rin ang dugo. Walang patid iyon na dinaig pa anh gripo ng tubig. Napuno na rin ng dugo ang
Terakhir Diperbarui: 2022-06-19
Chapter: Chapter 36NANG dahil naging busy si Victoria nang mga nakalipas na araw ay pansamantalang nakalimutan niya ang gintong kawangis ng mansiyon. Kinabukasan pagkatapos nang dakpin si Yumi ay saka pa lang niya naalala iyon. Pagmulat pa lang ng mata niya'y iyon na agad ang pinagtuunan niya ng pansin. Umakyat siya sa ikatlong palapag, kung saan ay naroon ang kawangis ng mansiyon. Simula nang ipapatay ng ginang si Vincent ay hindi na siya pang muli umakyat doon. Nakalimutan na niya ang tungkol sa gintong mansiyon dahil sa araw-araw na paglabas at pag-akit niya sa mga kaibigan. "What? Nasaan na iyon?" buong pagtatakang tanong niya. Wala na roon ang gintong mansiyon. Maliban doon ay wala nang iba pang nawawala. Inilibot niya ang paningin. Binuksan din niya ang kabinet na nandoon ngunit wala sa alinman doon ang kanyang hinahanap."May pumasok dito?" sambit niya. "Si Yumi! Ang walanghiyang babaeng 'yon! Ahh..." hiyaw niya, sapo ng dalawang palad ang ulo. "Naisahan na naman niya ako!""Bwisit ka talaga, Y
Terakhir Diperbarui: 2022-06-16
Chapter: Chapter 35NAGPAALAM sandali si Yumi kay Manang Fe, may importanteng aayusin siya at iyon ay tungkol sa pina-examine niyang gamot na ininom ni Vincent. Wala kasi siyang alam tungkol sa mga ganyan. Humanap siya ng mapagkakatiwalaang tao at doon ipinagawa ang nais. At ayon sa taong inutusan niya'y lumabas na ang resulta. Hindi muna niya ipinaalam sa matanda ang naging desisyon niya. Mahigit tatlong oras siyang wala at sa pagbalik niya'y hawak na niya ang resulta. Naabutan niya na nasa labas ng gate si Ella at Marrie. Bahagya pang umarko ang kilay niya sa narinig na pagtatalo ng dalawa. Nasa likuran na siya ng dalawa at mukhang hindi siya napapansin."Ikaw na nga kasi.""Bakit ako? Mas matagal ka sa akin dito, 'di ba? So, ikaw na.""Wala sa tagal iyan, Marrie. Sige na, pindutin mo na ang doorbell." "Luh! Ikaw na nga. Or mas mabuting hintayin na lang natin dito si Ate Yumi.""Lalamukin tayo rito. Ikaw na. Sabunutan pa ako ni Madam Victoria e."Nahilot niya sa sentido kasabay ang pag-ikot ng mata.
Terakhir Diperbarui: 2022-06-13
Chapter: Finale"GOOD evening ladies and gentlemen. Hindi naman lingid sa inyo ang nangyaring insidente sa amin twenty-two years na ang lumipas. Isang trahedya kung bakit hindi namin nakasama ang aming panganay na si Andrei." Mangiyak-ngiyak na pinagmamasdan ni Gwen ang nagsasalitang asawa. Marami ang taong nakapalibot sa kanila, ang ilan doon ay mga employees, nandoon din ang board member at ilan sa matataas na namamahala sa kompanya nito kabilang na si Adrix, kasama nito ang asawang si Celly. Si Francis at ang mag-ina nito. Maging si Lance at Eunice, at lahat ng kaibigan nito. "Ipinagluksa namin at nadamay pa ang nag-aalaga dito. But unfortunately, dinala ang paa naming mag-asawa patungo sa katotohanan. Katotohanang buhay pa ang aming anak. Hindi ipinagkaloob ng Maykapal na mawala ang aming anak. May mabuting puso na nagligtas dito. And now, I am proud to introduce to all of you our long lost son Gian Andrei McCollins!" Umalingawngaw ang boses ni Gian sa malawak na bakuran ng mansyon, kasab
Terakhir Diperbarui: 2025-02-21
Chapter: Chapter 132"SWEETHEART..." May pag-aalinlangan si Gwen, dapat ba niyang sasabihin sa asawa ang tungkol sa lalaki? "Yes, baby?" Patalikod siyang niyakap ng asawa. "Anong gumugulo sa isipan mo?" Paano nito nalamang may gumugulo sa isipan niya? Hindi agad siya sumagot, bagkus ay muling pinag-isipan kung ipaalam pa ba sa asawa. Dumampi sa pisngi niya ang labi nito, bumaba sa leeg. Kagat-labing pumikit siya. Nagtagal doon ang labi nito, paulit-ulit na h******n hanggang sa humantong sa balikat. 'Yon naman ang pinaglaruan nito. Kahit may edad na sila, active pa rin silang mag-asawa sa s*x. Walang palya si Gian at masaya siyang naibibigay dito ang pangangailangan bilang lalaki. "Teka..." Maagap niyang pinigilan ang pumapaloob nitong palad, pilit hinahalukay ang underwear niya. "Hindi pa ako nakakainom ng p*lls." Mula sa nanlalabong kamalayan ay naalala niya ang gabi-gabing ginagawa. Huminto ito sa ginagawa. Kapwa namumungay ang mata nang iharap siya nito. "Okay lang, baby. Hindi mo na kailanga
Terakhir Diperbarui: 2025-02-18
Chapter: Chapter 131HINDI mawala-wala sa isipan ni Gwen ang lalaking nakabunggo sa kanila habang papunta sa comfort room. Ang imahe ng lalaki ay nakatatak na sa kaniyang isipan at para bang may hinahalukay sa kailaliman ng kaniyang puso. Bakit parang pamilyar ito sa kaniya? Kaya nama'y pilit niyang inaalala kung nakita na ba ito noon, pero wala siyang matandaan, isa pa'y ngayon lang sila nagawi sa lugar na 'yon. Sa tuwing pumupunta sila sa puntod ni Andrei ay bumabalik kaagad sila. Parang may nag-uudyok sa kaniya na alamin ang buhay ng lalaking 'yon. Ayon sa kasama niyang bata ay kuya nito 'yon, pero hindi tunay na kapatid. "Are you okay, baby?" Bumalik ang isipan niya sa reyalidad nang maramdaman ang init ng palad ng asawa. Kinurap niya ang mata at tumitig dito. May gusto siyang sabihin. Alam niyang kapag humingi siya ng tulong dito'y madali lang niyang malalaman ang tungkol sa lalaking 'yon, pero nagdadalawang-isip isip siya. "S-sweetheart--" Nabitin sa ere ang balak sanang sabihin. Bakit nga b
Terakhir Diperbarui: 2025-02-16
Chapter: Chapter 130NAKANGITI si Gwen habang pinagmamasdan ang kaniyang kambal na masayang naglalaro. Dumaan pa sila sa bayan ng Valencia, ang nakakasakop sa lugar na pinangyarihan ng trahedya. Fiesta pala sa lugar na 'yon. Marami ang nakahilirang iba't ibang uri ng pagkain at mga damit, may kung anu-ano pang mga tinda na nasa gilid ng kalsada. Nasa palaruan sila. Gusto raw maranasan ng kambal na maglaro kasama ang mga batang kalye. "Taya!" sigaw ng isang batang babae nang mahuli nito si Gale. Tawang-tawa naman ang kaniyang anak. Inihanda nito ang sarili sa paghabol sa mga bata kasama na rin si Giselle. "Andiyan na ako!" Nagsipatakbo ang mga bata at kambal nito. Kasing-bilis ng hangin sa pagtakbo ang mga bata. Naiwan pa ng mga ito si Giselle, ngunit kahit ganoon ay makikita ang kasiyahan sa mukha nito. Ito ang pinunterya ni Gale. "They're both happy." Nilingon niya ang nagsalita. Lumapat sa baywang niya ang braso nito, maging ang labi ay naramdaman din niya. Isinandig niya ang ulo sa dibd
Terakhir Diperbarui: 2025-02-13
Chapter: Chapter 129TWENTY-TWO YEARS LATER Nakamasid si Gwen sa kubo, walang dingding 'yon. Naliligiran ng iba't ibang klase ng rose at african daisy, ang lupa ay nalalatagan ng bermuda grass. May bakod na alambre at ang labas ay nagtataasang puno ang makikita sa labas. Nanginginig siyang pumasok. Ang lugar na kinaroroonan niya ngayon ay ang lugar na pinangyarihan ng insidente. Ang lugar na pinagkublihan nila nang hinahabol sila ni Larry. Ang lugar na kung saan ay kumitil sa walang muwang na buhay ng kaniyang anak na si Andrei. 'Till now, msakit pa rin sa kaniya ang sinapit ng kaniyang anak, hindi pa rin niya matanggap na maaga itong kinuha sa kanila ng Maykapal. Marahan siyang umupo, hinaplos ang lapida na kung saan ay nakasulat ang pangalan ng panganay niyang anak. Ngayon ang ika-twenty-two years na pagkawala ni Andrei. Sa tuwing sumasapit ang araw ng kamatayan ni Andrei ay nagtutungo sila sa lugar na 'yon. Binili rin ni Gian ang parteng 'yon para walang ibang makakapasok. Ilang taon na ang lumipas
Terakhir Diperbarui: 2025-02-10
Chapter: Chapter 128"NO!" hiyaw ni Gwen. Nalaman niyang wala na nga ang kaniyang anak. Kasama itong sumabog sa kubo at si Nimfa. Nakaagapay sa kaniya ang asawa at maging ito ay luhaan din. Paulit-ulit din niyang naririnig ang paghingi nito ng tawad. "Baby... asawa ko. Patawarin mo ako." "No, Gian! Ibalik mo sa akin ang anak ko. Hindi ko kayang mawala siya. Please, ibalik mo siya," hagulgol niyang pakiusap sa asawa. Hagyang humiwalay ang katawan nito, sinapo ang magkabila niyang pisngi. "Kaya mo 'yan, kaya natin. Para sa isa pang nabubuhay sa 'yong sinapupunan, mahal ko. Magpakatatag ka, please." Unti-unti siyang nahimasmasan, napahinto sa pagwawala pero hindi pa rin maampat-ampat ang pagdaloy ng luha. May isa pa nga palang nabubuhay sa sinapupunan niya. Nahaplos niya ang wala pang umbok na puson. Pero, paano si Andrei? Ang kaniyang anak na hindi mawaglit-waglit sa isipan niya. "Anak ko..." palahaw niya. Muli siyang niyakap ng asawa. "Alam mo, mas nanaisin ko pang ang nawala ay ang ating anak
Terakhir Diperbarui: 2025-02-08
Chapter: FinaleNAKATANGGAP si Kaye ng isang text message mula sa 'di kilalang number. Sobra ang takot na naramdaman niya matapos basahin ang text message. Agad niya iyong ipinaalam sa asawang si Earl at tulad niya kinakitaan din ito ng takot. Matagal silang nakatitig sa isa't isa at nang mahimasmasan ay mabilis na kumilos ang kaniyang asawa. Agad nitong kinontak ang kaibigang si Jacob. Pinaimbestigahan nito kung sino ang nagmamay-ari ng number na 'yon at nalaman nilang nakatakas sa bilangguan si Gener, ang lalaking may-ari ng napasukang bar niya noon. Halos maiyak siya sa sobrang takot, nanginginig pa habang kalong ang kaniyang anak. Lumapit ang asawa at yumakap sa kaniya. "Natatakot ako." "Relax, sweetheart. Walang masamang mangyayari. Hindi ko hahayaang saktan kayo ni Gener." Ikinulong siya nito sa mga bisig, naramdaman pa ang munting halik sa ulo. Ilang sandali pa ay dumating si Jacob, kasama ang mga kapulisan. Hindi muna pinaalis ni Earl ang ilan sa nga pulis para magbantay sa kanila. "Bro
Terakhir Diperbarui: 2024-07-23
Chapter: Chapter 29NAKATAYO si Earl sa gitna ng ataol ni Sandra, sa huling sandali ay pinagmasdan niya ang naging kabiyak. Hindi niya maitatanggi na minsa'y pinatawa rin siya nito nang mga panahong nalugmok siya kadiliman. Ngunit,ni minsa'y hindi niya naramdamang tumibok ang puso para rito. Naramdaman niya ang paglapit ng babaeng tunay niyang mahal, si Kaye. "Sana, matahimik siya no!" anito na kumapit sa braso niya. Napahinga siya ng malalim, "Sana nga'y mahanap niya ang katahimikan sa kabilang buhay. Naging matapang lang sana siyang harapin ang dagok na dumating sa kanyang buhay.""Tulad mo," tumingin sa kanya si Kaye. "Hindi ka sumuko. Hindi mo ako sinukuan.""Muntik na," sinulyapan din niya at ikinapit ang braso sa baywang nito. "Pare," tinig ni Jacob. "Saan ka--Jay!" Bahagyang nagulat si Earl nang makita ang kapatid ng kaibigan. Mapait na ngumiti si Jay. "H-hi," bati rin nito. Tipid siyang ngumiti. Binigyang daan niya ito upang masilayan ang labi ni Sandra. "Sandra," gumaralgal ang tinig nito
Terakhir Diperbarui: 2023-03-17
Chapter: Chapter 28"ITAY, sige na po, payagan niyo na ako. Hindi ako matatahimik sa sitwasyon ni Earl.""Paano naman ang sitwasyon mo, Kaye? Buntis ka pa naman!" mariing tugon ni Arturo. Nagbaba siya ng paningin. Nakikiusap siya sa ama na payagang lumuwas sa Manila ngunit ayaw siya nitong payagan. "Gusto ko lang ho naman na damayan si Earl sa problema niya, itay. Walang ibang dadamay sa kanya kundi ako. Kundi dahil sa kanya, baka'y kung ano nang nangyari sa akin sa Maynila. Pupunta ho ako roon para tulungan siya.Unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Arturo. Hindi na ito nakapagsalita. Tinalikuran na siya ng ama.Laglag ang balikat na pumasok si Kaye sa silid. Inapuhap ang cellphone para tawagan si Earl ngunit hindi ito sumasagot. Humiga na lamang siya hanggang sa dalawin ng antok. Nagising siya sa yugyog ng ina, "Nak, kumain ka muna.""Wala po akong gana, inay." Bumangon siya at muling inapuhap ang cellphone. Napahinga siya ng malalim matapos iyong tingnan. Walang tawag o kahit message si
Terakhir Diperbarui: 2023-03-17
Chapter: Chapter 27"PAANO nangyari iyon?""Hindi ko alam, sweetheart. Ilang linggo ko na siyang hinahanap. Nagpabalik-balik na ako sa alam kung lugar na pinipirmihan niya--""Pinapatay mo siya?"Napatitig ng deritso si Earl sa dalaga. Nakarehistro ang gulat sa sinabi nito. "What? Of course not, sweetheart!" mariin niyang tanggi. "Kailanman ay hindi ko magagawa ang bagay na iyon. Hindi ko dudungisan ang mga kamay ko, lalo na't magkakaroon na ako ng anak."Natahimik si Kaye. Halatang nagugulumihan ito sa nangyayari. Mukhang hindi siya pinapaniwalaan."Kung ganoon ay sino ang pumatay sa asawa mo? Bakit siya pinatay?" singit na tanong ni Arturo. Kasalukuyan nang nasa maliit na sala sila, pinatuloy na siya ng ginoo para mapag-usapan ang nangyari. "Hindi ko rin ho alam. Wala ho akong maisasagot sa inyo maliban sa hindi ko alam."Natahimik ang lahat ngunit naaninag niya kay Kaye na tila hindi ito kumbinsido. "Papasok po muna ako sa aking silid. Sumakit bigla ang ulo ko," hayag nito kasabay ang mabilis na p
Terakhir Diperbarui: 2023-03-12
Chapter: Chapter 26NASA anyo ni Sandra ang matinding galit, sakay na sila pauwi at hindi mawaglit-waglit ang sinabi ni Earl. "How?" angil niya. "Ma'am, okay ka lang ba?"Napasulyap siya sa katabing si Rose, "Yeah! I'm fine!" Ngunit ang isipan niya'y gusto nang sumabog sa pag-iisip, kung paano nasabi ni Earl ang bagay na iyon. Paano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang lihim?Agad siyang dumiretso sa sariling silid nang makarating sa bahay ang kotse na sinasakyan nila. Pabalibag na isinarado ang pinto. "Gosh! Ahh..." hiyaw niya kasabay ang pagbato sa bag. "It can't be!" Nagparoo't parito siya sa loob ng silid at mataman na nag-isip. Nang hindi nakatiis ay tinungo ang isang kabinet, binuksan at kumuha ng alak. Nagsalin sa kopita at halis ubusin din agad ang laman niyon. "No! Hindi mo ako maiisahan, Earl. Walang natira sa kopya ng scandal ko, pinasunog ko na!"Muling nahulog sa malalim na pag-iisip si Sandra. Maya't maya pa ay nabalot ng takot ang kaniyang mukha. "Shit!" angil niya. "Paano kung hindi
Terakhir Diperbarui: 2023-03-12
Chapter: Chapter 25MASAYANG bumalik si Kaye sa kanila. Habang pauwi ay naraanan niya si Juancho, nasa gilid ito ng puno na paborito nilang tambayan noon. Tinawag siya nito, "Puwede ba tayong mag-usap?"Hindi siya nagdalawang-isip na lapitan ito kahit magpahanggang ngayon ay naiilang pa rin siya rito. Lumayo siya rito dahil sa pagtatapat nito ng pag-ibig sa kanya. Hindi niya ito mahal o kahit kapiranggot na pagtingin ay wala siyang maramdaman para rito. Kaibigan lang ang turing niya rito. Sinabi niyang lahat iyon dito nang paulit-ulit siyang kulitin nito. Labag man sa kalooban niya, kanyang nasabi na mayroon siyang nobyo kahit ang totoo'y wala naman. Simula noo'y nilayuan na niya ito. "Totoo ba?""Ang alin?""Ang aking narinig.""Kung ano ang iyong narinig, iyon ang pawang katotohanan."Napangisi ito, "Pumatol ka sa may asawa?" Napailing ito. "Desperada ka na bang talaga? Narito ako na naghihintay sa iyo pero sa may asawa pala ang bagsak mo. Sinamba kita pero isa ka lang palang kabit!" bulyaw nito. Is
Terakhir Diperbarui: 2023-01-31