Share

KABANATA 1

KABANATA 1

Ang buhay ng isang tao ay laging umiikot sa dalawang bagay. First is happiness and second is sadness. People lives are always uncertain. Sometimes it's happy, sometimes you will realize that happiness is just temporary and sadness will always comes next.

You can't expect yourself to be happy everyday dahil ayaw mo man o sa gusto, kalungkutan pa rin ang babalot sayo sa huli.

Pinanuod ko ang aking ina na halos humiga na nasa sahig dahil sa pag-iyak habang ako'y tulala na lang at pinapanuod ang unti-unting pagbaba sa ilalim ng lupa ang kabaong ni papa. Masakit sa damdamin ang mawalan ng ama sa murang edad. My heart is in pain but seeing my mother cried with so much sorrow makes me even sadder.

"Ma...tahan na," I whispered to her but she isn't listening to me. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang nakatunghay sa kabaong ni papa. I bit my lower lip and tried so hard to keep my tears together. Hindi makakatulong na umiyak gayong narito si mama at sobra sobra ang hinagpis.

"Astrid, mag-iintay na lang kami sa van ha," tita Bea said. Tumango lang ako habang hinahaplos ang likod ni mama, trying to comfort her at least.

Halos wala ng tao sa sementaryo. Yung naglilibing na lang at kami ni mama ang natira, watching my father being buried.

"Allan...p-paano na kami ng anak mo kung iniwan mo kaming ganito?" Mama cried. Nanginig ang luha sa aking mga mata. I was a father's girl. Papa is a very good father, a caring husband. Nasa kanya na ang lahat pero simula noong bumagsak ang kanyang business doon na nagsimulang mawasak ang lahat ng kanyang pangarap para sa amin.

Nalubog kami sa utang. He tried so hard to build again the business and gamble over it pero lahat ay bumagsak at lumagapak. But my father didn't tell us. Sinarili niya ang lahat. Hindi ko man lang nalaman ang kanyang mga paghihirap because he always wear a smile whenever he comes home. I didn't know that it was all fake.

Kahit si mama ay walang alam hanggang sa nakita na lang namin si daddy na nakabulagta sa sahig, namumutla.

Naisugod namin siya sa ospital pero huli na ang lahat. He died because of heart attack.

Syaka palang namin nalaman ni mama na baon na baon na kami sa utang.

"Ma...please. We can't turn back the time anymore," I whispered trying to be strong for her.

"I know...pero kaya ba natin ang lahat ng mga problema Astrid?" Her voice cracked and a new set of tears rolled down on her cheeks.

"Yes ma. Kaya natin 'to," I said with conviction.

Kaya naman mas pinag-igihan ko pa sa pag-aaral habang naghahanap si mama ng pwedeng trabaho at para na rin mabayaran namin ang mga utang ni daddy.

"Astrid!" My mother shouted. Galing siya sa labas ng bahay dahil nakatanggap siya ng mail. Ako naman ay napatayo sa gulat. Nag-alala na baka kung anong nangyari na kay mama.

"What is it?" Kunot noo kong tanong. Tumakbo siya sa akin at halos lumuwa ang mata ko sa higpit ng yakap niya sa akin.

"Ma! Hindi na ako makahinga!" Reklamo ko. Umalis siya sa pagkakayakap at malaking malaki ang ngiti na inilalahad sa akin ang isang sobre. Binuksan ko ito at halos magtatalon sa sobrang saya sa nabasa!

"Ma! Natanggap kang secretary sa Galford Firm?!" Halos isigaw ko na iyon. Tumango tango siya and she even flip her hair to prove me that I am right.

Parehas kaming napairit sa sobrang saya dahil sa masayang balita. Alam ko kasing malaking kompanya ang firm ng mga Galford at kilala sila sa industriya kaya swerte na ito kung maituturing.

I was grade 8 high school when Mr. Vincent Galford, the owner of Galford Firm invited my mother and me from the company's gathering. Ito ang kauna-unahang beses na makakarating ako sa ganito dahil hindi naman ako sinasama noon ni papa sa mga ganito.

"Ito ang isusuot mo mamaya Astrid," Mama said while holding the red dress that she bought earlier. Siya ang pinaka excited sa aming dalawa.

"Ma...hindi ba nakakahiya? Ikaw na lang kaya? I am very young at...halos wala naman akong alam sa mga ganyan," I said while pouting. Tumabi sa akin si mama at hinaplos ang maalon kong buhok na namana ko sa aking ama.

"My boss invited us! Nakakahiya namang tumanggi Astrid-"

"I said ikaw na lang hindi ko sinabing tanggihan mo siya," putol ko sa kanyang sinasabi. Syempre ayaw ko rin namang tanggihan si Mr. Vincent Galford. Ang kompanya niya ang dahilan kung bakit paunti-unti kaming nakakabayad sa mga utang namin. Kaya rin ako nakakapag-aral sa isang private school ay dahil sa scholarship na binigay niya. Isa kasi iyon sa mga benefits ng mga empleyado niya sa kanyang firm.

"Astrid wag ka nang mag-inarte. Alam mo bang ito ang kauna-unahang beses na makakarating ka sa ganitong event?"

Tumingin ako sa kanya at nag-iwas ng tingin.

"Your father were very protective over you kaya hindi ka niya sinasama sa mga ganitong event. It's time for you to see the world," she said.

Naalala ko si papa. Madalas niyang sabihin na sobra kong kamukha ang nanay niya. Ang lola ko. My grandmother were so beautiful kaya halos hindi ako maniwala pero nang tumingin ako sa salamin ay halos nga makita ko ang aking lola sa aking mukha. We're very look a like. Kaya naman sobrang protective sa akin ni papa.

"Okay mama..." I agreed and nodded. She smiled widely and hugged me tight.

Katulad ng sinabi niya ay sinuot ko ang red dress na binili niya sa akin. Dahil bata pa ako ay halos wala pang korte ang aking katawan. Isang katawan ng bata ang nakikita ko but the dress suit me well kaya naman nagmukha akong dalaga kahit hindi naman.

"Light make-up ang bagay sayo dahil masyado ka pang bata. Pero kapag nagdalaga ka na palagi kang magsuot ng make-up ha! You're very beautiful Astrid Naomi, minsan naiinggit ako na nahigitan mo pa ang ganda ko! Buti na lang anak kita kung hindi ay baka tinapon na kita sa ilog pasig," natatawang sambit ni mama. I rolled my eyes at her and laughed with her too.

Kahit kailan talaga si mama. Isang taxi ang pinara ni mama para makarating sa event hall. Kinakabahan at nanlalamig ang mga kamay ko.

Hawak hawak ako sa kamay ni mama habang pumapasok kami sa event hall at katulad ng inaasahan ay marami akong nakitang mga tao. Lahat sila ay naka tuxedo at magagara ang mga damit. Their accessories are shining so bright. Kulang na lang ay pati sila ay isabit sa ceiling para maging chandelier.

Maraming lumapit at bumati kay mama na mga katrabaho niya. At laging napapanganga kapag nakikita ako.

"Oh my! Sigurado ka ba talagang anak mo yan Nellen?" Muntikan na akong mapatawa sa sinabi ng isa. Ilang beses ko ng narinig ang tanong na 'yan ngayong gabi pero yung sa kanya ang pinakanakakatawa.

"Ano ka ba naman! Syempre hindi ako mag-aampon at napaka-healthy pa ng matres ko!" Pabirong saad ni mama. Nagtawanan sila at nag-cheers para uminom ng isang mamahaling wine na provided ng mga Galford.

I just quitely watching everyone and the whole event hanggang sa biglang nagsalita ang emcee na dumating na raw ang mga Galford.

"Let's go Astrid! This is our chance to have a conversation with our savior!" Natatawang sinabi ni mama. Tama siya. Galford is our savior.

Tumango ako at sumunod sa kanya. Nakapila ang lahat para makamayan at makausap ang mga Galford. Pilit kong tinatanaw ang nasa unahan pero dahil maliit pa ako ay wala akong makita.

And when it was already our turn namangha ako sa kisig at kagwapuhan ni Mr. Vincent Galford. Halos kasing edad lang ito ni mama. Nasa tabi naman nito ang asawa na halos kasing ganda ng mga beauty queen na napapanuod ko sa t.v!

"Good evening Mr and Mrs. Galford!" Bati ni mama at nakipagkamayan. Halos nakatingala na ako dahil lahat sila ay matatangkad.

"Good evening Nellen," bati naman ni Sir Vincent. Nakita kong ngumiti lang si Mrs. Galford. Mukhang suplada pero kahit ganoon ay nagsusumigaw siya ng karangyaan at pagiging sopistikada.

"So this is your daughter?" Tanong ni Sir Vincent.

"Opo Sir. Greet him Astrid," pabulong na sinabi ni mama ang huling mga salita. Mabilis akong tumango at ngumiti kay Sir Vincent.

"Good evening-"

"Dad! Why do you always make me use that damn car? It's embarrassing!" Natigilan ako ng biglang dumating ang isang lalaki na halos kasing edad ko lang pero grabe ang katangkaran. Napakurap kurap ako at nabitin sa ere ang sasabihin.

"Levi shut your mouth up! Sa bahay tayo mag-uusap," mariing saad ni Sir Vincent sa lalaki. Bumusangot ang binata at supladong umupo sa tabi ng kanyang ina.

"I'm sorry about that Astrid," napabalik ako sa wisyo ng banggitin ni Sir Vincent ang pangalan ko. Naramdaman ko ang pagbaling sa akin nung lalaki kaya naramdaman ko ang lamig at kung anong mga bagay na naglalaro sa aking tiyan.

"I-It's okay..." I said nervously.

"By the way his name is Leviticus Galford or Levi, my son," Sir Vincent said. Dahan dahan akong bumaling kay Levi at halos lumabas ang puso ko sa sobrang kaba nang magtagpo ang aming mga mata.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status