KABANATA 5
Pilit kong hinalukay ang aking isipan kung ano bang naiwanan ko kagabi sa gathering habang nag-lelecture ang teacher sa harapan. Lumilipad ang isipan ko at hindi na maintindihan ang sinasabi ng guro sa harapan!
Kinakagat kagat ko pa ang dulo ng aking ball pen habang iniisip at binabalikan ang mga nangyari kagabi dahil hindi pwedeng maniwala ako kay Levi! Paano kung nagbubulaan lang siya? Paano kung trap ito at gusto niya lang makaganti dahil ako ang may kagagawan kung bakit nabitin siya kagabi?!
Napailing ako at lalo pang kinabahan pero natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may sumagi sa isipan ko. Naalala kong...naiwanan ko ang aking purse sa lamesa kung saan nakaupo si mama!
Damn it! Hindi pala ni mama nakita yung purse ko at basta na lang umalis?!
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa na-realize. I didn't know that my mother would be this careless! Hindi man lang niya napansin na nakapatong ang purse ko sa ibabaw ng table! Bwisit! Nakakainis!
Kaya naman ng dumating ang lunch ay panay ang pangungulit sa akin ni Hannah at Chloe kung ano nga ba ang naiwanan ko kagabi.
"I think it was my purse," I said with dismay.
"Ha? Paano?" Tanong ni Hannah.
"Umalis kasi ako sa table kung saan kami nakapwesto ni mama. At dahil bored ako ay umalis ako at nagpaalam sa kanya. Iniwanan ko ang purse ko doon at hindi ko na namalayan ito sa mga sumunod na oras. I thought dinala ito ni mama pero mukhang nagkamali ako!" Inis kong kwento at padaskol na kinagatan ang burger na binili ko.
Napailing si Chloe.
"At nagkataon naman na si Levi ang nakakita? Bakit parang ang imposible naman? Paano niya nalaman na sayo yun?" Tanong ni Chloe.
"May ID ako sa loob ng purse," nakasimangot kong sinabi.
"Pero...napaka imposible pa rin. Well...if it is a fate talking maybe you are both fated to see each other again," Hannah teased. I rolled my eyes.
"Pwede ba! I told you guys! Wala na akong pakielam sa kanya-"
"At sinong niloko mo? You liked him for five years Astrid. Imposibleng makalimot ang tao sa matagal na pagmamahal," Chloe interrupted me. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binaba ang burger na hawak.
"What are you talking about Chloe? I was just crushing him! I didn't...loved him!" Medyo pumiyok pa ako sa huling mga salita kaya parehas silang nagtawanan.
I glared at them at tumayo sa aking kinauupuan.
"Aalis na nga ako!" Inis kong sinabi. Nagtawanan pa rin yung dalawa.
"Uyyy! Pupuntahan mo na ba si...Prince charming mo?" Malokong tanong ni Chloe.
"It will be the last time na pupuntahan ko siya! At dahil yun sa purse ko! No other reasons!" Halos isigaw ko ito sa pagmumukha nila at nag-walk out.
Naririnig ko pa rin ang tawanan nila kaya inis na inis pa rin ako.
Napabuntong hininga ako ng matanawan ko na ang library. Makakaharap ko ulit si Levi. I sighed and tried to calm myself down.
"Listen Astrid. Levi is a jerk. Tandaan mo yan. Itatak mo yan sa kokote mo. Stop your feelings and get rid of it immediately," pagka-usap ko sa aking sarili. Tumango pa ako sa aking sarili para palakasin ang aking loob.
Habang papasok sa library ay ramdam na ramdam ko ang malamig na aircon. May ilan akong nakitang nerds na nagbabasa ng libro at ang ilan naman ay nag-lalaptop para siguro sa kanilang research papers.
Hindi sa akin naging mahirap ang paghahanap kay Levi dahil alam ko kung saan siya lagi nakapwesto at tulad ng inaasahan nakita ko siya sa pinaka dulo habang nagbabasa ng isang libro. Huminga ako ng malalim bago lumapit at umupo sa harapan niya.
"Give it to me," I said.
Hindi man lang siya natigilan sa presensya ko. Nagpatuloy lang siya sa pagbabasa kaya naman kitang kita ko ang nakakamangha niyang nose bridge, ang kanyang makakapal ng pilik mata at kilay, pati na rin ang makinis niyang mukha.
Umayos ako ng upo para mapigilan ang pagmamasid sa kanya. Tigilan mo ang pagpapantasya sa kanya Astrid!
"Akin na yung purse ko Levi," I said once again.
I heard him chuckle. At halos mabilaukan ako sa sarili kong laway ng tumaas ang tingin niya sa akin at binaba ang librong hawak niya. Kaya naman nagsimula na namang tumibok nang mabilis ang kalmado kong puso dahil sa nakakatunaw niyang mga tingin!
"Now you remembered what you've lost," he said cockily and eyed me darkly. Para akong tanga na namamangha sa bawat reaksyong pinapakita niya pero I tried my best to remain my composure.
"Bakit napunta sayo yan? Ikaw ba ang nakakita niyan?" Nagtataka kong tanong.
Sumandal siya sa kanyang upuan at tinitigan akong mabuti. I shifted on my seat because of that.
"My dad gave it to me and ordered me to handled it to you. He was the one who saw it," he explained at inilapag ang purse ko sa ibabaw ng mesa.
Nanginig ang kamay ko habang mabilis na kinukuha ito. Isinilid ko yun sa bag ko at akma ng tatayo ng bigla siyang nagsalita.
"I like your beauty. Yung tipong hindi nakakasawa,"
Natigilan ako at para akong pako na ipinukpok sa kinatatayuan. I blinked twice and stared at him. Nakita ko kung paano niya pinasadahan ang buo kong katawan na naging dahilan kung bakit naalala ko kung paano siya paligayahin ng babae niya kagabi!
Nag-init ang ulo ko at para akong bulkang sasabog. Akala ba niya ay katulad ako ng mga babaeng luluhod sa harapan niya para kainin ang ano niya?!
Pwes nagkakamali siya!
"Pervert!" I said and turned my back on him.
Nanggagalaiti ako habang papalabas ng library. Padabog aking naglalakad habang walang pakielam na naglalakad sa gitna ng daan.
"Bwisit! Kainis! Akala ba niya ay lahat ng babae ay mapapaluhod niya?! Bakit ganun siya? He's a jerk! He's a man who is slave with his libido!" Bulong ko habang naglalakad pero halos manlaki ang mata ko ng marinig ko ang halakhak sa aking likod. Mabilis akong lumingon sa aking likod at doon ay nakita ko si Levi! Sumusunod siya sa akin!
"A-Anong ginagawa mo?!" Bigla kong tanong. Nagtaas siya ng kilay at nilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pants. Ngayon ko lang napansin na bagay na bagay talaga sa kanya ang uniform. Pwede na siyang model ng school! Sa tangkad at gwapo ba naman niya!
"Walking?" He said and raised a brow.
"Why are you following me?!" Galit kong tanong. Mas lalo siyang humalakhak at nagtaas ng kilay.
"Why would I follow you?" Tanong niya at unti-unting lumapit sa akin. Napakurap kurap ako at napalingon sa paligid at napansing maraming tao ang nakatingin sa amin! Lalo na ang mga babae!
Damn it!
"Hindi porke't type kita ay gusto ko nang makipag sex sayo Astrid. Hindi ako namimilit kung yan ang iniisip mo," he said.
A-Ano daw?! T-Type niya ako?! No way! Isang tingin niya lang sa akin ay type niya na ako?! At...alam niya ang pangalan ko!
"Pero...hindi rin ako tumatanggi...sa mga may gusto," he said and winked at me before he left me dumbfounded.
KABANATA 6Halos nagpaulit-ulit sa akin ang mga salita ni Levi! Para na itong sirang radyo na paulit-ulit sa aking isipan!Bumaluktok ako sa aking kama at niyapos ang aking unan. 11 pm na nang gabi pero heto pa rin ako gising na gising at iniisip ang lalaking 'yon!Bumuntong hininga ako at kinuha ang aking phone para magbukas ng social media account. Pagkabukas ko pa lang ay puro message nina Hannah at Chloe ang nakita ko. Nagtatanong kung nakuha ko raw ba yung purse ko. Hindi ko 'yon pinansin at binuksan ang notifications ko.At halos bumaligtad ang aking mundo ng may makitang hindi inaasahan doon! Napatulala at halos lumipad kung saan ang utak ko!Namamalikmata lang ba ako?Kaya lang napapikit ako nang mariin at napadaing sa sakit nang bumagsak sa mismong mukha ko 'yong cell phone!"Punyeta!" Singhal ko at napaupo sa kama habang hawak-hawak ang aking mukha. Pero gayon pa man ay kinuha ko ang aking phone at tiningnan muli ang notific
KABANATA 7Hindi ako mapakali. Lumalagpas lang sa kabila kong tainga ang mga sinasabi ni ma'am sa unahan. Para ako ritong kiti-kiti dahil hindi na ako mapakali."You look constipated," Levi chuckled beside me pero pabulong. Huminga ako nang malalim. Pinangako ko sa sarili kong hinding hindi na ako magkakagusto sa lalakeng katulad ni Levi. Hind siya 'yong mga tipo ko. I want a guy who's gentleman. Para bang prince charming na nakikita ko sa mga fairytales pero mukhang walang gano'n sa totoong buhay!"Why don't you accept my request on social media? I didn't know you're such a snobber?" He whispered. I clenched my jaw as I stared at the teacher in front of me. Bakit ba ngayon pa siya lapit nang lapit sa akin ngayong na realize ko nang pangit pala ang ugali niya?Kung kailan lumalayo ako at ayaw ko na siyang makita tsaka pa naging ganito!"Don't talk to me," I whisperee back para maiwasan ang pagkakapansin sa amin ng teacher. Ayaw kong mapagalit
KABANATA 8Hindi ako mapakali sa kwarto ko dahil paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko 'yong sinabi ni Levi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kinakabahan ako at naiinis at marami pang iba.He said he likes me. Pinaglalaruan niya ba ako? Sa limang taon na sinusulyapan ko siya mula sa malayo ni isang tingin ay hindi niya ako sinulyapan. While I was waiting for his glance he was lauhing with his friends. I was so pathethic for admiring him from afar. At ngayong alam ko na ang buo niyang pagkatao syaka niya ngayon sasabihin na gusto niya ako?Hindi ko alam kung bakit at paano at ayaw ko nang malaman pa. Ang dapat kong gawin ngayon ay umiwas dahil maaaring ako ang next target niya. Imposibleng nagsauli lang siya ng purse ko ay gusto niya na ako!Napabangon ako sa aking higaan nang pumasok si mama sa kwarto ko. Kunot na kunot ang noo ko nang makita ko siyang ayos na ayos. Ano na namang meron?"Bumangon ka diyan Astrid! Bilis! May fine dinin
KABANATA 9Wala pa si mama nang dumating ako sa bahay. Basang basa ako pagkauwi dahil sa lintik na Levi na 'yan! Damn it! Pag talaga nagkasakit ako ilulublob ko siya sa inidoro. Pagkatapos kong magbihis sa pajama ay nagluto ako ng pagkain sa dinner. Ako talaga madalas ang nagluluto ng dinner dahil laging late si mama dumating galing sa work.Matapos kumain ay muli akong umakyat sa aking kwarto at tinapos ang mga assignment. Maagap akong natapos sa aking assignment kaya meron pa akong time mag scroll sa social media pero halos mapabangon ako nang may makita ako sa aking wall! At ang nag-post nito ay walang iba kundi si Leviticus Galford!Leviticus Galford: Astrid Naomi Wadler is a scam.Nanlaki ang mata ko nang makita kung ilang shares, comments at angry react ito! At hindi ako makapaniwala nang mabasa ang mga comments! Lahat ito ay masasamang patama sa akin! Halos maitapon ko ang aking phone buti na lang nakita ko ang message ni Hannah at Chloe sa g
KABANATA 10Wala nang makakapagpabago pa ng isip ko. Buo na ang desisyon ko at hindi ako magpapatalo sa kanya. Ang kailangan ko lang ay lakasan ang loob ko. Kaya naman kinabukasan pagkapasok sa eskwelahan ay agad kong hinanap si Levi. Maagap akong pumasok para makapunta sa kanyang room.Hinihingal pa ako nang dumating ako sa room nila. Ang lahat ay napatingin sa akin. Bahagya akong nahiya nang makita silang magbulong bulungan dahil sa presensya ko rito sa pintuan. Huminga ako ng malalim."N-Nakita niyo ba...si Levi?" Tanong ko. Tumaas ang kilay ng mga babae. Para bang isang kasalanan ang banggitin ang pangalan ni Levi sa kanilang harapan. Medyo nawalan tuloy ako ng lakas ng loob. Tama nga kaya ang gagawin ko? Ito nga ba ang paraan para matapos na ang kabaliwan ni Levi? Umiling ako. Hindi ka dapat mabilis sumuko Astrid!"At bakit? A scam girl like you doesn't have a right to even mention his name." Mataray na sinabi nung babaeng may eye liner. Napalunok ak
KABANATA 11Alam kong malakas ang loob ko nang maisip na pumayag sa gusto ni Levi dahil ayaw ko na ng ginugulo niya ako. Naisip kong baka tama si Hannah. Na hindi dapat ako magpatalo. Na hayaan kong magpaagos sa kanyang alon at sa dulo ay siya ang saktan ko bago niya pa magawa sa akin ang madalas niyang ginagawa sa mga babae niya.Pero ngayon...nawawalan na ako ng pag asa. Hindi ko maiwasang kabahan sa mga maaaring mangyari. Pero...kung magpapatuloy akong ganito at hindi confident mas lalo akong masasaktan sa huli. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi naman talaga malalim ang nararamdaman ko sa kanya. Kailangan kong patunayan sa sarili ko na hindi ako naaapektuhan sa kanya.Tama. Hindi dapat ako nagtatago sa kanya. I should act normally! Bahala na!Kinabukasan nakita ko ang breakfast sa lamesa with sticky notes. Umalis ng maagap si mama dahil daw sa trabaho. Kaya naman kumain ako ng mag-isa at habang tumatagal at iniisip kong magkikita kami ni L
KABANATA 12Mababaliw na ata ako. Kulang na lang ay ang i-confine ako sa mental hospital para umayos ang utak ko. Halo halo ang pakiramdam ko. Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Shit!Lutang akong umupo sa harapan ni Hannah at Chloe habang kumakain sila ng lunch sa cafeteria. Parehas silang nabitin ang pagsubo dahil sa bigla kong pag-upo sa harapan nila."Oh? Anong drama 'yan? 'Wag mong sabihing break na agad kayo?" Natatawang tanong ni Hannah. Umiling ako habang natutulala. Chloe snapped a finger in front of my face but my mind is still floating in the air."Wala ito. Hannah, I think wala na sa katinuan ang kaibigan natin!" Chloe chuckled. Tama si Chloe! Sinong hindi mawawala sa katinuan kung naaalala ko kung paano ko siya hinalikan?! Damn! I initiated the kiss!? Pano ko 'yon ginawa?! I mean...bakit ko 'yon ginawa?!Darn it!"Kumain ka na nga lang! Simula nang guluhin ni Levi ang buhay mo na stress na ng bongga ang mukha mo!" natat
KABANATA 13Nakabusangot ang mukha ko habang sumusunod sa kanya. Nasa likuran niya ako at kitang kita ko kung paano maglingunan ang mga babae sa kanya. Isang lakad niya lang ay nagiging center of attraction siya, kaya naman nakakahiyang sumabay sa kanya sa paglalakad. I would prefer to walk behind him than to walk next to him.Bumuntong hininga ako nang maalala kung paano ako naging girlfriend ng isang Leviticus Galford. Pakiramdam ko sa isang iglap lang ay nagbago ang ihip ng hangin sa aking mundo. Hindi ko maintindihan at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Pero baka nga...ganitong lalaki siya. Hindi siya papayag hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya.Kaya naman isa ako sa mga babaeng pinaglalaruan niya. Pero gusto kong patunayan na iba ako sa lahat ng naging babae niya. Ayaw kong maging katulad nila na sa huli ay sila ang umiiyak."What the hell are you doing?" Halos mapatalon ako nang tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa akin. Natigi