Share

Chapter 05

"Ilang oras na'lang at flight mo na." aniya ko kay Johan nasa tabi ko at busy sa kanyang phone. Nang maki-usyuso ako, ay ang gagang 'to nag-bro-browse sa isang website kung saan puno ng mga lalaking n*******d, pero may pang-ibaba. I mean topless ganon.

"Wow, nakatulo ng laway naman yan." saad ko, tila nawala na ako sa sarili. Pano ba naman kasi, kada scroll niya ay mga naggagandahang katawan ang makikita, parang palala nang palala. Talagang tutulo ang laway mo.

Yung mga pandesal nila ay talaga namang sa picture pa'lang ay masarap ng hawakan. What more pa kaya sa personal?!

"Scroll mo na." mahinang pangungulit ko kay Johan, napatingin ito sa akin. Kunot ang noo at masama ang tingin. Napalunok ako. "Hehe, titingin lang ako, hindi kita aagawan." palusot ko at umayos nang upo. Inalis ko ang tingin sa phone niya at sariling phone ko na'lang ang kinalikot ko.

Pasimple akong naglikot ng mata para makita ang website, sa lakas ng brightness niya kita nang malinaw ang kinabukasan ko. Grabe, daig pa nito ang nanay ko.

Si mama low brightness lang ito namang Johanang 'toh full. Sakit kaya sa mata.

Agad kong tinaype ang website sa akin, ang haba pero worth it kasi bumungad agad sa akin ang mga nakakalaglag panting mga abs!

I was about to hit Johan's shoulder when i realized what will gonna happen if i ever landed my hand to him. Mabilis pa sa alas-singko kong binaba ang aking kamay at ang sarili ko na lamang ang aking pinapapalo. 

Hindi naman masakit iyon dahil sa kilig naman ang sadya ng pagpalo ko sa hita, pero dahil katabi ko lang si Johan ay agad kong naagaw ang atensyon niya.

"Ginagawa mo, Arabel? Naloloka ka na naman?." masungit na tanong nito sabay pasok ng phone niya sa kanyang bag.

Bahagya kong iniwas ang aking phone sa kanya at mabilis itong pinatay.

"Tch, ako na naman nakita mo." siring ko. 

"Gaga, alangan namang sabihan kong naloloka yung katabi mo, 'e hindi ko naman yan kilala. Butasin ko yang ngala-ngala mo 'e." inis na aniya nito.

"Pakshet ka talaga, aalis ka na nga ginaganyan mo pa ako. Nakakasama ka talaga ng loob, Johan." 

"Nakakasama ka naman ng paningin, Arabella." ganti nito sa akin. 

Mas sumama ang tingin nito kaya madali kong pinikit ang mata ko, alam ko na ang sunod na mangyayari, paniguradong tuktok na naman sa noo ang ibibigay niya sa akin.

Ilang segundo rin akong napakapikit, medyo nagtaka ako kaya naman dahan-dahan kong binuksan ang aking isang mata. 

"What the hell are you doing, Arabel?." nawawalang kwentang tanong nito sa akin. Napaayos ako ng upo. Tangina, akala ko makakatikim na naman ako sa kanya 'e, animal!

Ngumuso ako at sumandal sa kanya, rinig ko ang pag-ingit ni Johan dala ng pagkakadikit ko. Arte kala mo naman madumi ako.

"Lumayo ka nga sa'kin, mamaya may makakita sa'ting papy dito, imbes na malapitan ako baka umalis lang." aniya nito habang inaalis ang pagkakadikit ko sa kanya. Pero syempre dahil mas masahol pa 'ko sa linta, hindi ko siya inintindi. 

"Parang tanga naman 'to, anong akala mo mapapansin ka dito? Haler, mas lalaki ka pa nga tingnan kesa sa kanila." siring ko.

Johan meet my gaze. "Nakikita mo ba 'tong red kong scarf, Arabel?." napatango ako. "Gusto mong ipulupot ko 'to jan sa mahaba mong leeg?!." 

Ngumiwi ako. "Harsh mo sa'kin, parang kaya mo kong sakalin-- ay wait, gagi, kasasakal mo lang nga pala sa akin noh?! Sayo ko ipulupot yan, 'e. Tangina neto." sabay hawi sa buhok ko.

"Did you just cursed me, ugly duckling!." halos lumabas ang litid ng bruha, napataas ako ng kilay.

"Oo, bakit palag ka?." matapang na aniya ko.

Lumapit ito sa akin at lumukot ang mga mukha, he lifted his fist and clenched it. Walang gana ko yung binigyan ng tingin at sunod ay sa mata niya. "Unti na'lang talaga, Arabella, bibinggo ka sa'kin." gigil na pagbabanta nito.

Tingin ko ay pinapatay niya na ako sa isipan niya, di niya lang alam, sa isipan ko ay nakailang beses ko na siyang pinapatay tuwing nagagalit ako sa kanya, hehe. My murderer mind, gosh.

Desenteng umayos ng upo muli si Johan, panay ang buga nito ng malalim na buntong hininga. 

He's upset.

Natawa ako sa aking isipan. Iwanan ko 'tong walang hiyang 'to dito 'e, makita niya lang. 

Napalinga ako sa ibang gawi, antagal naman nila Eric, akala ko ba mag-c-cr lang ang mga yun?

I was about to tell Johan about our two bestfriend when he suddenly grabbed me towards him and hugged me real thight.

I was left shocked. My hands are totally hanged down because of a sudden move.

"W-What are you doing?." tanong ko habang nakayakap pa'rin.

"Giving you a hug kasi five minutes na'lang at gogora na ako." mahinang sagot niya. Pero bakit parang hindi kapani-paniwala?

"Yayks, kakaaway mo lang sa akin, tapos yayakapin mo ako?." aniya ko at nagpumiglas, but Johan was way too bigger than me kaya nauwi lang sa wala. "Can you freaking let go of me, Johan. You're chocking me!." i exclaimed but Johan didn't even make a single move.

"Ang arte mo, Arabella. Samantalang kung kailan mo gusto yumakap sa akin ay yayakap ka, samantalang pag-ako, ang dami mong dada, alam mo ba 'yon?."

Napairap ako. Akmang magsasalita na sana ako ng maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Eric, garalgal ito na nagbibiro, as if there's something wrong.

"Eric?!." tawag ko sa kanya at winawasiwas ang kamay ko sa likod, i knew na nasa likod ko lang sila, ayaw pa magpakita at tulungan man lang ako, grabe, hindi na yakap ang ginagawa ni Johan sa akin, pananakal na 'to, anytime pwede na akong mamatay dahil sa higpit ng yakap niya! "Eric pag di ka sumagot, isusumbong kita sa tatay mo!." biglang sigaw ko.

"Hoy, Arabella. Wag mo kong ginagamitan niyan, andito lang naman ako, kaloka ka." mahinang palo niya sa akin.

"Tangina, papakawalan mo ba ako Johan o hindi?." mangiyak-ngiyak ko ng tanong pero ang gago, tumakla lang. But the next thing na itinanong niya ay ang nakapag-patigil sa akin sandali.

"Do you want to get hurt, Arabella?." malalim na tanong nito.

"Huh?." 

"I said do you want to get hurt?."

"Malamang hindi. Siraulo ka ba? Sino ba namang tao ang gugustuhing masaktan?." balik na tanong ko. 

"Good. Stop being so talkative then." 

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Pda na 'to, myghad!

"Johan, hindi kita maintindihan. Pwede bang bitiwan mo na ako, nasasakal na kaya ako." I softly said. 

"I'll give you a hint, Arabella." he paused. "If i let you go right now, sigurado akong pagsisisihan mo." 

Sandali siyang nanahimik at inilapit ang bibig banda sa may pandinig ko. 

"Do you want me to let you go now or we'll gonna stay hugging until i say so?."

I let out a sighed, hindi ako sumagot bagkus pinulupot ko na'lang ang braso ko sa bewang niya, hindi ko man maintindihan ang pinapahiwatig ni Johan, i can feel na tama lang ang naging desisyon ko, i do trust him so much, that's why ito ang pinili ko.

"Good choice, my girl."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status