Share

Chapter 06

"One month ng wala si Johan, miss niyo ba ang bakla o ako lang?." 

Nilingon ko si Thanos na nag-e-emote na naman sa buhay niya. Sa loob ng isang buwan na wala si Johan dito sa pinas ay mas naapektuhan ang baklang 'to kesa sa amin ni Eric. Probably dahil siguro sila ang mas naunang maging magkaibigan. 

"Kakatawag lang ni Johan, anong nakaka-miss?." si Eric na busy sa pagtitipa sa laptop niya.

"Ang sabihin mo, na-m-miss mo lang ang libre ng bakla kaya ka ganyan." dagdag pa niya dahilan para mabato siya ng unan ni Thanos. 

Muling nabaling ang atensyon ni Eric sa kanya. 

"Gaga ka, ginawa mo naman akong pekeng kaibigan."

"Bakit hindi ba totoo?." taas kilay na tanong ni Eric. 

"Ihagis kaya kita palabas ng condo?." asar na aniya ni Thanos. 

Eric just make a piece sign and continue what he was up to. 

"Thanos, uuwi naman siya nitong darating na katapusan diba, mabilis lang naman ang paglipas ng araw, kaya chill." pakikisawsaw ko at muling pinagpatuloy ang paggawa ko ng report para sa opisina bukas.

"Eh ikaw,  Arabella. Hindi mo ba na-m-miss si Johan?." lipat ni Thanos sa akin. 

"Na-m-miss naman." sagot na hindi man lang siya tiningnan.

"Halata naman, pero mas naramdaman ko si Johan."

"Nararamdaman na?." sandaling tanong ko. 

"Nami-miss ka rin niya." sabay bunggo nito sa akin ng mahina. "Yiee."

Ngumiwi ako. "Himala na'lang siguro yun noh?." aniya ko, sabay tabing sa kanya. "Layas nga jan, epal ka naman." inis kunwaring anas ko, pero totoong epal siya dahil nahinto na naman ako sa ginagawa ko. 

I was about to type the last statement about my report ng tumunog naman ang phone ko. They looked at me. "I-Its, V-Vincent." mahinang sabi ko. 

Nagkatinginan ang dalawa at napatango sa akin. Eric and Thanos, packed their things and go to their room, leaving me for some privacy.

I answered the call.

The moment i heard his voice my heart were automatically went crazy. It was pounding like there's no tomorrow.

["Did you eat? Do you want me to pick you up?.] 

Sunod sunod na tanong niya. Napailing ako, para namang makikita niya ako sa paraan ng pagsagot ko na ganon.

"Nope, hindi pa ako kumakain, but my friends already ordered a food, siguro mamaya ay andito na yun. By the way, kakauwi mo lang ba? I can distinguish the exhaustedness of yours, Vincent." 

I heard him chuckled. 

["Hmm, kakauwi ko lang, but guess what..."]

My brows narrowed.

"Guess what, Vincent?."

["Even i feel so exhausted i still what to be with you... right now.]

Lumapad ang pagkakangiti ko. What the hell was that? My heart. My heart. Shit!

"Binobola mo lang ako 'e. Alam kong uto-uto ako pero wag mo namang grabehan ang pang-uuto, Vincent." biro ko, i heard him laughed.

["Hindi kita inuuto, honey. Yun talaga ang laman ng puso at isipan ko ngayon, pagod ako at alam kong ikaw ang dapat kong puntahan o tawagan para mapahinga ang isip, puso at katawan ko".] 

He suddenly paused, and the next word he said was blown my heart beat so much.

[I love you, hon. I really do."]

Isang impit na tili ang pinakawalan ko at alam kong narinig iyon ni Vincent. Hindi ko na mapigilan, ayaw ko ng pigilan dahil simula't sapol siya lang naman ang tanging minahal, mahal ko at mamahalin pa habang buhay.

"I love you too, honey." i whispered with all love.

["I'll pick you up tomorrow, let's eat breakfast together, ok?."]

"Aye! Aye! Boss!." sagot ko at sumaludo pa sa kawalan.

Once again he laughed. ["You hang up now, iidlip lang ako tapos tatawag ulit mamaya, i love you again and again, my Arabella."]

"I love you too, hon. Sleep well, dream of me, hehe."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay binaba ko na ang linya namin. Sandali kong dinamdam ang senaryo namin. Napapikit ako dahil sa kabog ng dibdib ko, walang nagbago, kung paano tumibok ito noon sa kanya, ganito pa'rin ngayon.

I was about to throw my phone and yell so that i can express my kilig but Thanos and Eric was out from their room. I composed my self, and smiled at them.

"You seem so happy, Arabel." Eric said while walking along the kitchen.

I just giggled.

"Pano hindi magiging masaya naka-usap ang bebot niya." ngiwi ni Thanos na muli ko lang tinawanan.

"Tingin mo magiging masaya si Johan sa naging desisyon mo?." agarang bungad ni Thanos. 

Unti-unting nawala ang aking pagkakangiti ng biglang sumingit si Thanos, nakatingin ito sa akin. Walang mababakasan ng ekspresyon kahit isa. 

Napailing ako, ano naman kay Johan ngayon? Kailangan ba may approval lagi ang desisyon ko galing sa kanya? Sino ba siya? Magkaibigan lang naman kami, even we're bestfriend, hindi naman ata tama na siya ang humusga sa mga desisyon ko diba?

"I dont get it, Thanos. What do you mean by that?." pagkukunwari ko. Thanos seems so depressed with my question.

"Tell me, Thanos. Anong ipinuputok ng butchi mo?." may inis na sa tono ko. 

Thanos raised his eyebrow. "Johan was there with you all along, Arabella. You promised not to be with that guy ever again, you suffered a lot hanggang bago umalis si Johan diba? But look at you now, trashing all your words by giving your ex another space in your life." napapailing na sabi ni Thanos.

"You broke Johan's heart more than Vincent broke yours, Arabella." malungkot na pagpapatuloy niya.

Agad naman akong napakunot-noo. "When and how do i broke, Johan's heart, Thanos? Naririnig mo ba ang sarili mo?." tanong ko then suddenly i was stunned when i remember Johan's words-- the last time i was with him.

"Stop thinking about him, Arabella. You have no idea how much you're hurting me when you cry over that nonsense."

Yun ba iyon? Does it really mean that i broke his heart all along? Napailing ako.

"Sige, sabihin na nating kasama ko siya sa pagdadamdam ko noon, he's been with me ever since na nadurog ako dahil sa break up namin ni Vincent, inalagaan at unti-unti niya akong tinulungang maging masaya muli, pero Thanos.." i paused. 

"Alam niyong mahal na mahal ko si Vincent, alam niyo rin na anytime na gustuhin niyang bumalik ay may babalikan pa siya. I waited more than five years, Thanos, i can't take another year na, susugal ako ngayon sa ayaw at sa gusto niyo, i dont care about anyone,." napayuko ako. "E-Even, Johan."

"I knew it, sabi na nga ba at mangyayari ito." Thanos said.

"Bakit ba kasi napaka-big deal nito para sa inyo?." tanong ko. I gaze at Thanos and Eric. 

Eric immediately raised his two hands, like surrending. "Bakit ako?."

Hindi ko siya pinansin.

"Ok, fine i get it, dahil kaibigan ko kayo, nasaktan ko si Johan dahil kaibigan ko siya at nag-aalala siya sa akin, i get it Thanos. Pero hello, guys. Damdamin ko pa'rin naman ang dapat na isaalang-alang dito, yung kasiyahan ko pa'rin." turo ko sa sarili ko. 

Thanos and Eric shook their head. 

"Geez, tigilan niyo na nga yan, mamaya ay mag-away pa kayo, labas talaga ako jan." aniya ni Eric. "Thanos, calm down masyado kang hot, at ikaw naman Arabella, huminahon ka rin, ang aga-aga, jusko." 

Hindi ako kumibo ganon din si Thanos. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina, at bumuntong hininga, masyado naman ata silang apektado? Parang iiyak ako uli sa kanila? Vincent already promised me na ako na there's no other string and once he get his position he'll marry me. Hindi na ako iiyak, hindi na kami maghihiwalay, kaya there's no need to worry. 

At si Johan. 

I knew him, maiintindihan niya ako. Alam kong susuportahan niya ako dito. He's Johan, my bestgayfriend, the best gay na alam kong nasa likod ko kahit na ano pa mang mangyari.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status