||R:18Halos hindi ko na alam kung ko pa ba ibabaling ang ulo ko, maging ang kamay ko hindi ko alam kung saang gilid ng mesa ako hahawak. Para na akong nababaliw dala nang kakaibang sensasyon na ibinibigay ng dila ni Johan sa aking pagkababae. Naghalo halo na ang nararamdaman ko. Kaba dahil baka bumigay ang lamesa niya, kaba baka sakaling may biglang pumasok at sarap dahil sa pagtratrabaho niya sa akin."O-Oh my God, J-Johan!" Hindi mapigilang impit kong tawag sa kaniya dahil panginginig ng aking kalamnan na sinundan ng aking mga binti.Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong nilabasan. Ni ayaw din akong tigilan ni Johan. Halata ang panggigigil niya sa akin dahil sa bawat halik niya sa balat ko ay nag-iiwan siya ng marka."Hindi ko na kaya, babe. I need to be within you." Mahina ngunit sapat lang para marinig ko.Nagmulat ako ng mata nang maramdam kong tumigil siya. Inalalayan niya akong makababa sa mesa niya at ibinalot ang coat niya sa ibabang parte ng aking katawan. Hinapit niya
"But I can't still believe it. Akala ko tutulungan ka lang niyang makalinot in a normal way of approaching. 'Yon pala ibang way ang ginamit niya, pero ayos ah. Atleast now, malalagay na kayong dalawa sa katahimikan."Napangiti ako kay Zielle. Nasa condo kami ngayon ni Johan. Kami lang dalawa dahil pumasok na si Johan at itong si Zielle naman ay hindi makapaghintay na makita ako ulit kaya nagpahatid na siya kay Thanos."May nabasa pala ako sa internet, kung ayaw mong ikaw ang mahirapang maglihi, hakbangan mo si Johan." Kindat niya sa akin.Sandali naman akong napa-isip. Ngunit mabilis ring napailing."Hindi ko kaya 'yon. Ayos lang naman sa aking ako ang maglihi. Mas marami rin akong makakain, at si baby." Gagad ko naman."Sabagay. Siya nga pala, mukha hindi ka nga pinapahirapan ng anak niya. Ang sabi ni Johan ay madalas kang may morning sickness, pero hindi naman grabe katulad sa iba."Napatango ako. "Oo, pero hindi pa rin ako papakasiguro. Minsan kasi nag-iiba iba ang pakiramdam ko. K
Ilang araw na ang lumipas. Ngunit normal lang naman ang dumating na mga araw sa amin ni Johan. Naging kampante ako nang wala naman akong napansin na kung ano o kakaibang kilos sa kaniya. Ni hindi rin siya umalis sa tabi ko, mas lalo pa nga siyang naging maalaga at todo todo ginagampanan ang pagiging katuwang ko sa pagbubuntis.Magtatatlong buwan na ang anak namin. Masasabi ko na excited na si Johan na lumabas ang anak namin. Nagka-usap na kami kung kailan kami bibili ng mga gamit ni baby. Kapag nasa pitong buwan na ang tiyan ko ay doon kami bibili para naman hindi masyadong maaga kung ngayon na gayong hindi pa naman namin alam ang gender ni baby."Johan, kanina pa nagri-ring ang phone mo. Bakit hindi mo muna 'yan sagutin, baka naman importante." Saad ko sa pagitan nang panonood ko."Tatawagan ko na lang mamaya, babe. Tapusin ko lang 'tong niluluto ko para naman makakain na tayo." Sagot niya naman mula sa kusina.Ipinagkibit balikat ko na lang 'yon ngunit gayon na lamang ang kuryusidad
Hindi ko alam kung ilang araw na ba akong umiiyak simula nang magtalo kami ni Johan. Sa mismong araw ring iyon ay nagbihis siya at walang paa-paalam na umalis. Ni hindi niya nga man lang ako nagawang pasadahan man lang ng tingin kahit na saglit lang. Akala ko ay babalik pa siya at maayos pa namin ang hindi namin pagkakaunawaan kaya naman naghintay ako ng ilang araw sa condo niya. Wala akong pinagsabihin na may gusot na sa relasyon namin, sinarili ko lang 'yon dahil baka may mas mabigat lang siyang dinadala at napagbuntungan niya lang ako. Pero hindi, nawindang na lang ako ng bumisita si Thanos sa akin at sa pagkakakita ko sa kaniya ay alam ko nang alam niya ang nangyari sa amin. Wala siyang sinabi kung hindi ang pag-alis ni Johan patungo sa kaniyang ama.Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ilang araw at gabi rin akong naghintay sa kaniya, tapos mababalitaan ko na lang na gano'n? Na wala na siya dito sa Pilipinas? Para akong mababaliw sa pag-iisip sa kaniya. Para akong pinaparu
Dumaan ang ilang araw hanggang sa naging ilang buwan na wala na talaga akong balita pa kay Johan. Sila Thanos at Eric naman ay panay ang dalaw sa akin ngunit hindi sila pinapayagan na makapasok nila mama at ni papa, lalong lalo naman ng bunso kong kapatid. Sila ang humaharap kay nila Thanos at nagsasabing huwag nang bumalik pa ngunit masyado silang pursigido at inaraw-araw na ang pagpunta sa bahay namin, maka-tiempo lang na makita at maka-usap ako. Ngunit hindi talaga pumayag ang pamilya ko. Bagay na sang-ayon din naman ako dahil hanggat makakausap ko sila ay patuloy pa rin akong magkakaroon ng koneksyon kay Johan. Ayaw ko mang putulin ang ugnayan ko sa kanila ngunit ito lang naman ang nakikita kong paraan para tuluyang makalayo sa masalimuot na kahapon ko.Matiwasay kong naisilang ang anak ko sa dumating na buwan ng aking panganganak. Akala ko ay mababawi maging ang buhay ko ngunit buti na lang ay nakayanan ko ang sakit ng panganganak. Halos hindi ko nga maisip na nakayanan ko ang pa
"Dead on arrival ang tatay ni Kuya Johan nang araw na nagkasagutan kayo. Sumakto daw ang balita ng imbestigador na siyang sinundan pa ng isang balita mula sa mga tauhan ng kaniyang ama. Kaya daw hindi na nakapagpaalam pa si Kuya Johan sa 'yo."Napakunot lamang ang noo ko sa winika ni Alen. Hindi ko kasi makapa sa sistema ko na maniwala lalo pa sa ginawa ni Johan sa akin. Parang ang hirap na lang paniwalaan. Kung totoo man 'yon, dapat ko na lang ba siyang intindihin? Dapat ko na lang bang kalimutan ang mga nangyari? Ang masasakit na salita na nakuha ko mula sa kaniya? Sapat bang rason ang balitang nakuha niya sa kaniyang ama para ibuntong niya 'yon sa akin at maniwala agad sa hindi ko naman ginawa? Ang hirap. Ang hirap umintindi. Sabihan na akong makitid ang utak, pero masyadong hindi na makatao ang narinig kong paratang mula sa kaniya."Mukhang nagbabago ang tingin mo para kay Johan, Alen." Kaswal ko lamang na saad."Hindi naman sa gano'n, Ate. Pero hindi ko naman din maalis sa isip k
Maaga akong nagising para pumunta sa supermarket at para na rin bumili ng ilang mga gamit para sa anak kong si Amira. May nakita akong doll sa facebook at gustong gusto ko 'yong bilhin para sa kaniya. May kamahalan ang presyo dahil may kalakihan din 'yong laruan ngunit deserving naman ni Amira ang makatanggap ng new toy. Isa pa sa mga balak kong bilhin ay doll house na gusto kong itayo sa may hardin para na rin sa kaniya. Usong uso 'yon sa ibang bansa at mukhang maganda lalo na't puwedeng maging pansamantalang bahay bahayan iyon. Hindi ko naranasan ang magkaroon ng gano'n, at may parte rin sa akin na gustong maranasan iyon kasama ang anak ko.Nasa school pa si Allen, samantalang ang napag-iwanan ko naman sa anak kong si Amira ay si mama at papa. Na may balak din atang umalis mamaya kaya't mukhang wala rin akong madadatnan sa bahay."Sale na po 'yan, Ma'am. Kunin niyo na po, mukhang magugustuhan sobra ng anak niyo ang laruang 'yan. Patok din ho iyan sa mga parents na gumagawi dito sa
"Anong ginagawa mo dito, Johan? Baka may makakita sa 'yo! Mapapatay ka ng tatay ko, maniwala ka sa kin." Inis kong asik sa kaniya habang salubong na salubong ang aking paningin."Gusto kitang makita. Kayo ng anak na'tin---""Walang anak na'tin, Johan. Anak ko lang." Buryo kong saad sabay hila sa kaniya papasok sa bahay at mabilis ring hinala sa kuwarto ko.Wala pa rin sa bahay sila mama. Kakauwi ko lang galing sa mall, at bago ko siya iwan sa fast food na 'yon ay sinabihan ko na ang sarili ko na hindi ko na siya makikita ulit, ngunit anong malas nga naman ang natamo ko ngayon dahil sumunod pala sa akin ang lalaking ito. Ang masaklap pa ay may ilan pang kapitbahay namin ang nakamasid sa dayong dumating. "Mag-usap tayo---" "Wala tayong dapat na pag-usapan pa, Johan. Hindi ko alam kung bakit ka pa nagpakitang muli sa akin, ngayon pa mismo na maayos na ang lahat. Hindi ko alam kung nakukulangan ka pa ba sa mga binitiwan mong salita noon, at gusto mong dagdagan ngayon o ano pa." Inis kon