LaylaHabang kumakain kaming ganyan ay may bigla na lang umupo sa may katabi naming table kaya naman mabilis na napa tingin ako doon.Kasi naman ay tawag pansin ang parang pa dabog na ginawang pag hila ng kung sino man sa upuan sa kabilang table. Nagulat naman ako ng makilala ko kung sino yun. Si Ate Vexana pala at hindi ko kilala kung sino naman itong kanyang kasama na feeling gwapo kainis. Mas lalo lang akong na bad trip ng hayaan lang niya yung lalaki na alalayan siyang umupo at may pa thank you pang nalalaman. Pero pag sa akin naman hindi man lang maka ngiti ng ganyan. Always na lang itong parang may dalaw. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi samaan ng tingin ang bwisit na lalaking ito. Wala siyang karapatan na hawakan ng ganyan ang magiging asawa ko. Yes naka pag decide na ako na si Vexana na ang magiging asawa ko at wala na siyang magagawa pa doon. Kung hindi ang sumangayon na lang sa aking gusto.Kaya naman wala na itong karapatan pa na makipag harutan pa sa iba dapat ako lang a
Layla..Paalis na sana kami ng restaurant ng bigla na lang akong tawagin ni Ate Vexana. Wala pa nga sana akong balak na pansinin ito dahil sa inis na inis pa rin ako sa kanya pero agad na hinawakan nito ang kamay ko at hinila na lang palapit sa kanya. Kaya naman kahit wala akong balak na kausapin ito ay napilitan na lang ako para matapos na lang. "Ano po ba yun Ate Vexana?" tanong ko naman kaagad sa kanya. Mabilis naman na nag halungkat ito ng kanyang bag at halos pahagis pa na binigay sa akin yung phone ko. "pag tinatawag ka ay mamansin ka naman. Huwag mo naman ipahalata kung gaano ka kabastos" inis na sabi pa nito sa akin at mabilis na hinarap na nito ang kanyang ka date at hindi na ako pinansin pa. Kaya naman galit na tumalikod na ako dito at hindi na nag paalam pa dito. Bakit ko pa ba gagawin ang bagay na yun e mukhang wala din naman itong balak na kausapin pa ako. Bakit parang ako pa ang lumalabas na bastos sa aming dalawa? Sa ginagawa ba niyang yan ay hindi pa siya bastos? H
LaylaNang makarating na kami sa room namin ay nag pasalamat uli akong muli kay Lance dahil sa pan li libre nito ng lunch sa aming dalawa ni Melissa. "Thank you sa pa libreng lunch ha." naka ngiti na sabi ko dito. Na agad naman na ginantihan nito ng maka laglag panty na ngiti. Pero walang dating sa akin yun dahil hindi naman ako naaakit sa kanya. Kung sa gwapo oo gwapo talaga sya at ang dami ng may crush dito. Marami nga sa totoo lang ang na e inggit sa akin. Dahil nga sa ang crush nila ay sa akin nanliligaw at hindi ko naman pinapansin. Maya lang ay niyaya ko na si Melissa na mag cr kami. Oo nga pala kanina ko pa nasabi sa kanya na na si cr ako pero ngayon as in totoo na ito. "Mel cr muna tayo. May fifteen minutes pa naman bago mag time." pag aaya ko dito. "Ay sige tara na. Nang makapag ayos na rin tuloy ako." sagot naman nito sa akin kaya naman nag lakad na kami pa punta sa may cr. Matapos na makapag cr ako ay nag ayos na rin ako ng sarili ko kahit na hindi na sana ako mag ay
LaylaKaka post ko lang ay sunod sunod na agad ang natanggap kong notification at ang naka tawag pansin lalo sa akin ay ang bigla na lang pag chat ni Ms. Alice. Kaya naman mabilis na in open ko yun upang malaman kung ano ang message niya sa akin. Friends nga pala kami ni Ma'am sa halos lahat ng social media accounts ko. Maliban na nga lang sa mga reading apps ko. Mahilig kasi ako mag basa e. Kaming dalawa ni Melissa at puro mga gxg ang mga binabasa namin. Mas kinikilig kasi kami lalo na kung paano mag selos si tanda doon sa bata. Hahaha ah basta mas nakakakilig mag read ng ganun. Nakaka dala ang mga eksina. Hindi ko naman naiwasan na hindi mapa ngiti sa nabasa ko na chat sa akin ni Ma'am Alice. "nagustuhan mo ba ang cookies ko?" chat nito sa akin. Pero namula naman ako sa nabasa ko. Bakit parang may ibang meaning sa akin yung cookies daw niya. Shit malala na talaga ako nito. Kung ano ano na lang ang naiisip ko e. Nag reply na lang ako dito kaagad. "Hindi ko pa po natitikman Ma'am
LaylaPag labas palang ni Ma'am Aurora sa room ay mabilis na akong hinarap ni Melissa. Mukhang hindi na makapag hintay pa na malaman kung sino ang nag bigay sa akin nung cookie's na yun. Kaya naman halos nag bu bulungan na nag usap kami nito at yun nga kwento ko sa kanya na kay Ma'am Alice nang galing yun. Halos di nga ito makapaniwala e. Akala nga daw nito na kaya ako pina punta ni Ma'am Alice doon sa office kanina ay upang pagalitan. Todo pa nga daw ang pag aalala niya sa akin e. Na fake news lang naman daw pala siya Pero nag taka din ito kung bakit sa dami ng pwede na pag bigyan nito ay ako pa talaga ang naisip ni Ma'am. At yun nga yung dahilan sa akin kanina ni Ma'am ay yun din ang sinabi ko dito. Mabuto na nga lang at hindi na ito nangulit pa ng kaka tanong sa akin.Nag hihintay na lang kami ng last subject namin ng makatanggap ako ng message mula kay Ate Hanabi. "Mauuna na ako sayo na umuwe ha. wait mo na lang sa may waiting shed si Ate Vexana mo. Naka usap ko naman na siya k
LaylaBalak ko na sana na umalis na sa may waiting shed at suungin na ang malakas na ulan upang pumasok na lang sa loob ng school at pupuntahan ko na lang ang guard upang maki text dito na nandito pa ako sa school at baka nag aalala na rin sila sa akin kasi hanggang ngayon ay wala pa ako sa bahay. Hindi pa naman nila ako ma contact kasi nga ay lobat ang aking phone. Baka nag hi hysterical na ngayon si Mama doon. Naiisip ko na tuloy kung anong klase ng pag pa pakalma ang ginagawa nila Ate at Papa dito dahil hindi pa naka uwe ang pinaka maganda nitong anak na ngayon nga ay takot na takot na dito. Pero bago pa ako maka takbo ay agad na akong nilapitan nung dalawang lalaki na kanina pa naka tingin sa akin. "Saan ka pupunta Miss? Dito ka na lang at samahan mo kami dito o. Lakas ng ulan mag papaka basa la dyan. Baka gusto mo doon na lang tayo sa bahay ko. Mag palit ka doon mukhang basang basa kana kasi e." naka ngisi na sabi sa akin ng mukhang aso na ito. Yuck gusto ko sanang masuka kas
Vexana Pagka alis ni Layla sa office ko ay hindi ko maiwasan na hindi mapatulala na lang at isipin kung bakit nangyari ang bagay na yun. May god nawawala talaga ako sa aking sarili kapag sobrang lapit nito sa akin at para bang ang nasa isip ko na lang ay ito at ang mga mata nito na kung maka titig sa akin ay wagas. Mabuti na nga lang at mahimasmasan ako kahit paano. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang malambot nitong kamay sa pisngi ko. Kaya naman napailing na lang ako ng dahil doon at nag simula na ulit gawin ang dapat kong gawin upang mawala na ito ng tuluyan sa utak ko. Matapos na ma permahan ko na ang mga dapat na permahan ay tumayo na rin ako upang lumabas na ng aking office. Patayo na sana ako na ganyan ng bigla na naman may pumasok sa loob ng office ko at gusto ko sanang mapa simangot ng makita ko na si Alucard na todo ang ngiti nito sa akin. .Hayst nandito na naman ang makulit na ito. Kailan ba ako ta tantanan ng lalaki na to? Ilang beses ko na ngang binasted pero wala pa
Vexana Paalis na sana ako ng siya namang pagdating ni Alucard at naka lapit na ito kaagad sa kotse ko kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang bumaba na lang. Bakit nga ba ako mag papa affect sa nakita ko diba? maganda na nga rin yun kung sakali man na magka gustuhan ang dalawa na yun ay titigilan na rin ako sa wakas nitong makulit na si Layla. Nakakasakit lang naman ng ulo ito e. Agad na inalalayan naman ako ni Alucard pero mabilis na sinaway ko naman ito. Ayaw na ayaw ko pa naman na nahahawakan ako ng kung sino sino lalo pa nga at lalaki pa ito. Naiilang ako tsaka basta ayaw ko hindi ko feel. Pumasok na kami sa loob at dahil doon na rin lang sa may banda ng pwesto nila Layla ang bakante na table ay napipilitan na doon na rin lang kami naupo. May lumapit naman na kaagad na waiter sa amin at dahil may menu naman na dito sa may table at nakapag order na kami kaagad. At iyon nga panay na rin ang kwento nitong si Alucard at dahil hindi naman ako yung tao na kahit nakakatawa na an