Pria is a struggling university student working night shifts at a café while facing relentless bullying on campus. Life hasn’t been easy, but she’s determined to fight for her dreams. Luna, a cold and brilliant heiress, is about to become CEO of one of Asia’s largest corporations. As Pria’s professor, she keeps her distance, but beneath her icy exterior lies a complicated heart that begins to notice Pria’s quiet strength. When Luna’s harsh facade starts to crack, and jealousy and hidden tenderness emerge, Pria must confront her fears about love and trust. With Luna’s family drama and their vastly different worlds threatening to keep them apart, can these two women break down the walls between them, or will their fears keep them apart forever?
Lihat lebih banyakYvon's POV.
Mabibigat ang mga hakbang na tumungo ako papuntang tindahan para bumili ng tinapay. Pang ilang araw ko ba itong kain na tinapay lang? Dalawa? Tatlo? Masyadong magulo ang utak ko para maalala pa kung pang ilang araw ko na nga ba ito. Bente nalang ang pera ko at mauubos na. Matamlay akong ngumiti ng maabutan ko si Ella na siyang nagbabantay ng tindahan nila. Classmate ko siya sa senior high hanggang sa gumraduate kami, at ngayon nga ay isang linggo nalang, mag e-enroll na kami for first year college. Makakapag-enroll pa kaya ako? "Yvon, ikaw pala" Ngumiti ito ng malawak at gaya ng ginawa ko kanina, sinuklian ko ulit siya ng isang matamlay na ngiti. "Dalawang tinapay nga at isang cold water" Nagtataka man ay tumango ito saka inabot sakin ang dalawang tinapay na madalas kong kainin, kumuha na rin siya ng ice water at inabot sakin. Inabot ko na rin ang bente sa kanya, sinuklian niya naman agad ako ng otso. Huminga ako ng malalim at umupo sa upuan nila dito sa labas na madalas tambayan ng mga lasing. Sinimulan ko ng kainin ang tinapay ng lumabas si Ella at umupo sa tapat ko. Maaga pa kaya wala pang masyadong bumibili. Malaki ang tindahan nila, malaki rin ang bahay at may kotse sila. Nasa abroad ang Ate niyang Nurse at nasa V.C.U naman nagtuturo ang kuya niya. Retired general army naman ang Daddy niya samantalang Lawyer ang Mommy niya. Ang swerte niya sa buhay, nakakainggit. "You look so thin" Stating the obvious, inirapan ko siya. Aware naman ako at hindi niya na kailangan pang sabihin iyon. She chuckled. "Sabi ni Mommy ilang araw ka nang nagpabalik-balik dito para bumili ng tinapay... " Nagpatuloy ako sa pagkain at hinintay na tapusin niya ang sasabihin. "Nag-aalala ako" tiningnan ko siya at agad rin akong umiwas. Nahihiya ako sa kanya. Matalik naman kaming magka-kaibigan, pero nahihiya akong isipin na ako lang itong parang pulubi sa grupo namin. Lahat sila ay may kaya sa buhay. Mayayaman ang mga magulang. Samantalang ay mangingisda lang ang mga magulang ko. Hindi ko naman ikinakahiya ang estado namin sa buhay, nahihiya lang ako dahil parang hindi ko deserve na maging parte sa grupo namin. Lagi akong walang ambag kapag nag-aaya sila para kumain sa labas. Kaya nga minsan hindi na ako lumalabas ng boarding house kapag walang pasok. Madalas na rin akong tumatanggi sa kanila sa tuwing nag-aaya silang gumala. Naubos ko na ang tinapay ko at saka ininom ang biniling tubig. Sapat na siguro ang nakain ko para hindi gutumin hanggang gabi. "Gala tayo mamaya" Mabilis ang pag iling ko. Nahihiya na akong magpalibre sa kanila. "Kayo nalang muna, may aasikasuhin pa kasi ako" Hindi ko na hinintay pang muli ang sasabihin niya, umalis na ako. Hindi ko na kaya pa ang luhang nagbabadyang lumabas sa mata ko. Hanggang kailan ko ba dadasin 'to? Masyado ng mabigat sa pakiramdam. "Yvon, yung payment mo raw sa boarding house. Nagpunta dito si Madam kanina, pinapasabi niya na hanggang katapusan nalang raw ang ibibigay niyang palugit sa'yo" Bungad sa'kin ni Ciara, kasama ko sa kwarto. Mas lalo lang nadagdagan ang bigat ko sa pakiramdam. I bit my right inner cheek, hindi ako iiyak. Hanggat may makakakita ay hindi ako iiyak. Tumango ako, hindi ko na kaya. Pumasok akong banyo at marahang sinarado ang pintuan. Sinadya kong buksan ang gripo at hinayaang magragasa ang tubig sa balde, para hindi masyadong marinig ang pag hikbi ko. Umupo ako sa malamig na tiles at niyakap ang tuhod. Nag-paligsahan agad ang luha ko, marahan kong kinukurot ang sarili para masabayan ang sakit na dinadama ng puso ko. Sa ganoong paraan hindi ako makakagawa ng ano mang ingay. Nakakapagod na. Kung uuwi naman ako sa'min ay mas lalo lang akong madudurog doon. Ako nalang ang nag-aaral sa'ming magkakapatid. Si Ate nag-asawa na, tambay pa ang asawa. Yung mga kapatid kong lalaki, mga wala namang ambag iyon kundi mag lakwatsa. May tatlo pa akong maliliit na kapatid. Ika nga nila, ako nalang ang inaasahan ng pamilya. Kung susuko ako, saan ako pupunta? Gusto kong makapag-enroll sa college. Gusto kong makapagtapos. Paano si Lola, na pinangakuan kong ako ang gagamot sa kanya kapag gumraduate na ako sa kursong Nursing. Ang kapal ng mukha kong mangarap na maging Nurse, kahit nga siguro isang libro ay hindi ko afford bilhin. Pagak akong tumawa ng mahina. Nababaliw na ako. Mangangarap nalang sablay pa, e anong magagawa ko? Yun ang gusto kong kurso. Para kay Lola. Para kina Mama at Papa. Para sa mga kapatid ko. At higit sa lahat, para sa sarili ko. Gusto ko pa sanang umiyak, kaso ay pinahid ko na ang luha ko. Hindi ako pwedeng magtagal dito sa banyo sapagkat may ibang boarders pa ang gagamit. -------------- Napamulat ako ng mata ng hindi ko na kinaya ang init na nararamdaman. Nahihirapan akong huminga, masakit ang buong katawan, naiinitan ako at nilalamig rin. Hindi ko maintindihan. Sinalat ko ang sarili, nanlumo ako ng mapagtantong nilalagnat ako. Wala akong makita, masyadong madilim. Kusa nalang tumulo ang luha ko. Tumitig sa kawalan, umuwi na siguro si Ciara sa kanila. Nakatulog na pala ako kanina kakaisip kung saan hahanap ng pera. Nagugutom ako. Pilit akong bumangon habang binalot ko sa buong katawan ang kumot, nanghihina ako at naduduwal, kinapa ko ang light switch at ini-on ito. Pabagsak akong naupo sa gilid katabi ng kabinet. What now Yvon? Mas binalot ko pa ang kumot sa buo kong katawan. Niyakap ko ang tuhod. Naiiyak na naman ako. Nakakainis! Ayokong umiyak. Masyado na akong nagmumukhang mahina. Pull yourself together Yvon. Come on. You can do this. Kumusta na kaya ang lasa ng burger? Milktea na Red Velvet flavor? Napapikit nalang ako habang inalala ang lasa. Umangat ang ulo ko sa paulit-ulit na pagkatok sa pintuan. Hindi ako umimik, masakit ang lalamunan ko. "Yvon? We know that you're inside." It's Winter, alam kong kasama niya si Ella at Fara. Sigurado akong wala na naman si Celyse, busy lagi ang isang iyon. Hindi na ako magtataka kung bakit nandito sila, kailan ba sila nawala? Lagi silang nandiyan para sa'kin. Ako lang itong ilang araw ng umiiwas sa kanila. Nasa isip ko kasi ay baka hindi na ako makakapag-aral pa ng college. Kumatok itong muli. Ang swerte ko pa rin kahit papano dahil nandiyan sila. "Come on, open this godamned door." Napangiti ako sa naiinis na turan ni Winter. Naiinis ito ngunit mahihimigan pa rin ang pag-aalala sa boses nito. Kumapit ako sa gilid ng kabinet para kumuha ng lakas. Tumayo ako ng nanginginig na tinungo ang pinto. Bumungad sa'kin ang mga nag-aalalang mukha. Tinitigan nila akong tatlo kaya tumikhim ako. May bitbit si Fara na dalawang paper bag. Tama ako, wala na naman si Celyse "B-bakit?" Nahihirapan kong tanong. Masakit talaga ang lalamunan ko. Napatingin ako kay Ella ng ngumiti ito ng matamis. Ang ganda rin talaga nito. Kahit nakapambahay silang tatlo, ang expensive pa rin tingnan. Hindi ko sana sila papapasukin dahil hindi pa ako nakakapag-linis ng kwarto. Pero wala na akong nagawa ng isa-isa silang pumasok at prenteng umupo sa may kaliitang upuang kahoy. Hindi sila kasya kaya umupo sa sahig si Fara at nilagay sa maliit na mesa ang dalang paper bag. May floormat naman kaya kampante akong hindi siya madudumihan sa pag upo sa sahig. Nasa pintuan pa rin ako nakatayo, yakap pa rin ang kumot at nakatingin sa kanilang tatlo. Kalaunan ay sabay kaming natawa. Kahit masakit ang lalamunan ay hindi ko napigilang tumawa. Parang mga tanga naman kasi. "Pwede ba naming gamitin ang kusina niyo dito? " Pagkuway tanong ni Fara. Tumango ako. Tumayo ito at dinala ang dalang paper bag sa kusina. Sumama na rin si Ella. Hinayaan ko nalang sila, wala naman si Ciara. Nanghihinang lumapit ako kay Winter at tumabing umupo. Sinalat niya ang noo ko, nagulat pa nga ako kasi ang lapit-lapit ng mukha niya. Nahiya ang maganda kong mukha. Ang kinis ng mukha niya e. "Alam mo bang nakakainis ka? Stupid." Maka stupid naman 'to. Matalino kaya ako. Wala naman siyang sinabing bobo ka ah. Oo nga naman, tanga. Pinitik niya ang noo ko, pero mahina lang naman. Inirapan ko siya pero nagsisi rin kalaunan. Nahilo ako e. Mahina siyang natawa. Tamo siya yung stupid, may sakit na nga ako. Tatawanan pa. "Nilagnat ka lang, naging pipi ka na" Sabi ni Fara at nilapag ang isang baso ng tubig, nahihiya ako. Katabi kasi non ay may gamot. Hindi na ako umangal ng pinainom sa'kin ni Winter ang gamot. Ngumiti ako sa kanya. "M-masakit ang lalamunan ko" Nahihirapan kong usal. Napapikit ako ng makaamoy ng adobo. Nagugutom na'ko sobra. "What do you need?" Bumalik ang tingin ko kay Winter. Busy si Fara at Ella magluto. Hawak niya ang cellphone at may kinakalikot na kung ano. Tiningnan ko lang siya, hindi ko kasi alam anong sinasabi niya. "Food" Usal niya ulit ng hindi ako sumagot, kailan pa naging tipid magsalita 'tong si Winter? Hindi lang kami nagkita ng ilang araw nagka-ganito na. Hindi ako umimik, nahihiya ako e. Kung si Fara pa 'to, baka sinabi ko ng isang bucket ng fried chicken ng jabee. Pero si Winter kasi 'to. Pinitik niya ulit ang noo ko. Nakaka-dalawa na siya ah. Sinamaan ko siya ng tingin. "Magsalita ka kasi" Naiinip na turan nito. Fine. Lulubusin ko na, nagugutom rin naman ako. Ilang araw ko rin kaya ginutom sarili ko. Tangnang pride kasi 'to, ayaw tumanggap ng tulong. Nandiyan naman sila na handa akong tulungan. "Burger saka oreo cupcake" Tumango tango ito, saka nagtipa sa cellphone niya. Nakita ko ang pag angat ng gilid ng labi nito, pero sandali lang iyon dahil nakatingin ako sa kanya. "Anything else? " Umiling ako, sobra-sobra na nga iyon. Akala ko nga magrereklamo siya, pero nagsabi pa na baka nakukulangan pa ako. Sinampal na naman ako sa katotohanan na wala akong pera. Maganda lang meron ako. Kahit nilalagnat ay naging maganda ang naging takbo ng gabi ko. Hindi na sila umuwi, pinag-kasya nalang ang mga sarili para makatulog, inayawan ko si Winter ng tumabi ito sa'kin. Binalaan ko na baka mahawa, ang gaga mas siniksik niya pa ang sarili niya. Si Fara naman at Ella sa higaan ni Ciara natulog. Nagulat pa ako ng yumakap si Winter sa'kin. Hinayaan ko nalang at natulog na rin."𝐀𝐜𝐞, 𝐡𝐮𝐫𝐫𝐲 𝐮𝐩!""Sandali lang muna, okay?!" Naiinis na turan ko kay Ate. I already graduated as a doctor, and I got my license yesterday. Today we were going to celebrate. It's nothing big, just a private celebration with my family and friends.Kahapon ko pa tinatawagan si Luna. She doesn't answer my calls. Sobrang nakakatampo na nga e, wala siya noong graduation ko. Tapos ngayon mukhang wala na naman siya. Simula ng gawin naming official ang relationship namin, saka naman siya nagkaroon ng sunod-sunod na properties na kailangan asikasuhin.Halos wala na talaga siyang oras sa'kin. Bago siya umalis papuntang Singapore para sa business meeting, nagka-sagutan pa kami. Sinabi ko kasi sa kanya na ako nalang ang mag ta-trabaho, total kaya ko naman ng maibigay lahat ng gusto niya. I can now be able to provide for the both of us. But she got mad, kasi yung pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay pang bahay lang talaga siya. Hindi naman talaga 'yon yung point ko e. I'm 25 now and she's
⚠️ 𝐖𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆; 𝐒𝐏𝐆 𝐀𝐋𝐄𝐑𝐓 ⚠️ 💦 𝐏𝐀𝐓𝐍𝐔𝐁𝐀𝐘 𝐀𝐓 𝐆𝐀𝐁𝐀𝐘 𝐒𝐀 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐊𝐋𝐀𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐆𝐋𝐀𝐘. 𝐑𝐄𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐘𝐎𝐔𝐑 𝐎𝐖𝐍 𝐑𝐈𝐒𝐊. 𝐍𝐎𝐓 𝐅𝐎𝐑 𝐌𝐈𝐍𝐎𝐑𝐒🙅____________________“Bakit hindi mo sinabi sa'kin ang totoo?” she spoke first after a long silence.Kinabahan pa ako kanina dahil akala ko nawala si Zia. Yun pala, pakana niya lahat 'to—tinawagan na pala niya si Pria kahapon, habang lumabas ako sandali para kausapin ang lawyer ko.Pria is here now, which means Shane must have told her everything I said. I know Pria hates me, and seeing her here only means one thing—she already knows the truth.“Telling you the truth now… would it really fix anything that happened in the past? It won’t change anything. You still hate me,” I said honestly. I couldn’t even look at her. I was scared I might cry if I saw how cold her eyes had become. From the corner of my eye, I could see she was trying to keep herself calm. I didn’t know… maybe she wanted to shout a
"𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗯𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘁𝗵𝗲 𝘀𝗵𝗼𝗽, 𝗠𝗮'𝗮𝗺." I paused when Clarisse said that. She's one of the staff here in the flower shop I always go to. I just wanted to make a little effort today, by picking different colors of the tulips, and I never wanted these things delivered. "What do you mean free? I’ll pay for it," tanong ko habang nakakunot ang noo. Pero ngumiti lang siya sa’kin at umiling. "Simula po nung naging regular customer namin kayo, dumami po talaga ang bumibili. As in, ang dami na pong dumadayo dito. Tumaas ang sales namin, pati na rin ‘yung mga online orders. Kaya sabi ng boss ko, libre na raw po as pasasalamat." Napataas lang ‘yung kilay ko saglit. I don't really like to take any treats. I can afford it, pero kung sasabihin ko iyon. It'll sound so ungrateful. Appreciate little things ika nga nila. Kaya instead na iyon ang sabihin, I come up with different words. "I don’t know why that has something to do with me," tanong ko, at medyo nagtat
It's been a week since I last saw Pria step into my office. And I knew right then that I needed to do something. I can't just sit there, longing for her and then just let her vanish. No, not again.“I needed to talk,”Shane just nodded. I want to win Pria back, but in order to do that, I need to clarify some certain things to Shane. That's why I texted her to meet me here on the SkyView rooftop. Akala ko nga ay hindi siya pupunta, pero nauna pa nga siya sa'kin dito. "Is this about winning my sister back?" I didn’t answer right away. I stared down at the lights. Ang ganda ng tanawin, ang presko ng hangin. Pero hindi nito matanggal yung bigat sa dibdib ko. How would I convince her na totoo ang nararamdaman ko sa kapatid niya? How would she believe me if her trust was already broken? Dahil kung tutuusin Shane has all the right to be mad at me. Hindi ko man sinadya, pero the situation like I was taking advantage of the situation dahil lang sa pinakiusapan niya ako to find more details a
𝗟𝘂𝗻𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩 I'm on my way to meet Drent and his girlfriend Kellie, my mind couldn’t stop running back to what Shane said yesterday. She said Pria was back, but didn’t explain anything. I wasn’t even sure if she meant Pria was back in the Philippines or somewhere else. But the moment I heard it, I felt something tightened in my chest. I didn’t know if it was fear or excitement. Maybe both. I held the steering wheel a little tighter, trying to calm myself down. I didn’t want to get my hopes up. For three years, I tried to move on. I kept myself busy with work, avoided certain places, and ignored everything that reminded me of her. But all it took was that one sentence from Shane, and I was back to feeling all of it again. Aligaga ako dahil hindi ko alam kung ano ang maaaring gawin sa oras na magkita kami. Ilang oras din ang inabot ko bago ako nakapili ng masusuot. I knew she had to meet me later at noon today, for a sign-up of the contract. Alam kaya niya na ako ang CEO ng Val
Yvon's POV. Pagkababa ko ng kotse sa harap ng mansion namin, parang biglang bumalik lahat ng memories. Ang daming emotions na hindi ko ma-explain. Tahimik ang paligid pero may kung anong bigat sa dibdib ko habang nakatingin ako sa buong mansion. After three years, finally… nakabalik din ako. A lot has changed in the past three years. I achieved so many things I never thought I could. I took business and medicine at the same time, and it wasn’t easy. There were sleepless nights, endless exams, and moments where I thought I couldn’t do it anymore. But I pushed through. I worked hard, every single day. I made myself busy, focused, and far from anything that could break me again. Hindi ko na binabanggit ang pangalan niya kahit kanino. Para sa’kin, tapos na ‘yon. Sarado na dapat ‘yung kabanatang ‘yon. Ngayon, mas confident na ako. Mas malakas. Sabi nila, mas gumanda raw ako. Pero more than that, mas naging buo na ako. I’ve grown. Hindi lang sa panlabas, pero sa loob din. Now, severa
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen