LaylaNang makarating na kami sa room namin ay nag pasalamat uli akong muli kay Lance dahil sa pan li libre nito ng lunch sa aming dalawa ni Melissa. "Thank you sa pa libreng lunch ha." naka ngiti na sabi ko dito. Na agad naman na ginantihan nito ng maka laglag panty na ngiti. Pero walang dating sa akin yun dahil hindi naman ako naaakit sa kanya. Kung sa gwapo oo gwapo talaga sya at ang dami ng may crush dito. Marami nga sa totoo lang ang na e inggit sa akin. Dahil nga sa ang crush nila ay sa akin nanliligaw at hindi ko naman pinapansin. Maya lang ay niyaya ko na si Melissa na mag cr kami. Oo nga pala kanina ko pa nasabi sa kanya na na si cr ako pero ngayon as in totoo na ito. "Mel cr muna tayo. May fifteen minutes pa naman bago mag time." pag aaya ko dito. "Ay sige tara na. Nang makapag ayos na rin tuloy ako." sagot naman nito sa akin kaya naman nag lakad na kami pa punta sa may cr. Matapos na makapag cr ako ay nag ayos na rin ako ng sarili ko kahit na hindi na sana ako mag ay
LaylaKaka post ko lang ay sunod sunod na agad ang natanggap kong notification at ang naka tawag pansin lalo sa akin ay ang bigla na lang pag chat ni Ms. Alice. Kaya naman mabilis na in open ko yun upang malaman kung ano ang message niya sa akin. Friends nga pala kami ni Ma'am sa halos lahat ng social media accounts ko. Maliban na nga lang sa mga reading apps ko. Mahilig kasi ako mag basa e. Kaming dalawa ni Melissa at puro mga gxg ang mga binabasa namin. Mas kinikilig kasi kami lalo na kung paano mag selos si tanda doon sa bata. Hahaha ah basta mas nakakakilig mag read ng ganun. Nakaka dala ang mga eksina. Hindi ko naman naiwasan na hindi mapa ngiti sa nabasa ko na chat sa akin ni Ma'am Alice. "nagustuhan mo ba ang cookies ko?" chat nito sa akin. Pero namula naman ako sa nabasa ko. Bakit parang may ibang meaning sa akin yung cookies daw niya. Shit malala na talaga ako nito. Kung ano ano na lang ang naiisip ko e. Nag reply na lang ako dito kaagad. "Hindi ko pa po natitikman Ma'am
LaylaPag labas palang ni Ma'am Aurora sa room ay mabilis na akong hinarap ni Melissa. Mukhang hindi na makapag hintay pa na malaman kung sino ang nag bigay sa akin nung cookie's na yun. Kaya naman halos nag bu bulungan na nag usap kami nito at yun nga kwento ko sa kanya na kay Ma'am Alice nang galing yun. Halos di nga ito makapaniwala e. Akala nga daw nito na kaya ako pina punta ni Ma'am Alice doon sa office kanina ay upang pagalitan. Todo pa nga daw ang pag aalala niya sa akin e. Na fake news lang naman daw pala siya Pero nag taka din ito kung bakit sa dami ng pwede na pag bigyan nito ay ako pa talaga ang naisip ni Ma'am. At yun nga yung dahilan sa akin kanina ni Ma'am ay yun din ang sinabi ko dito. Mabuto na nga lang at hindi na ito nangulit pa ng kaka tanong sa akin.Nag hihintay na lang kami ng last subject namin ng makatanggap ako ng message mula kay Ate Hanabi. "Mauuna na ako sayo na umuwe ha. wait mo na lang sa may waiting shed si Ate Vexana mo. Naka usap ko naman na siya k
LaylaBalak ko na sana na umalis na sa may waiting shed at suungin na ang malakas na ulan upang pumasok na lang sa loob ng school at pupuntahan ko na lang ang guard upang maki text dito na nandito pa ako sa school at baka nag aalala na rin sila sa akin kasi hanggang ngayon ay wala pa ako sa bahay. Hindi pa naman nila ako ma contact kasi nga ay lobat ang aking phone. Baka nag hi hysterical na ngayon si Mama doon. Naiisip ko na tuloy kung anong klase ng pag pa pakalma ang ginagawa nila Ate at Papa dito dahil hindi pa naka uwe ang pinaka maganda nitong anak na ngayon nga ay takot na takot na dito. Pero bago pa ako maka takbo ay agad na akong nilapitan nung dalawang lalaki na kanina pa naka tingin sa akin. "Saan ka pupunta Miss? Dito ka na lang at samahan mo kami dito o. Lakas ng ulan mag papaka basa la dyan. Baka gusto mo doon na lang tayo sa bahay ko. Mag palit ka doon mukhang basang basa kana kasi e." naka ngisi na sabi sa akin ng mukhang aso na ito. Yuck gusto ko sanang masuka kas
Vexana Pagka alis ni Layla sa office ko ay hindi ko maiwasan na hindi mapatulala na lang at isipin kung bakit nangyari ang bagay na yun. May god nawawala talaga ako sa aking sarili kapag sobrang lapit nito sa akin at para bang ang nasa isip ko na lang ay ito at ang mga mata nito na kung maka titig sa akin ay wagas. Mabuti na nga lang at mahimasmasan ako kahit paano. Pero ramdam na ramdam ko pa rin ang malambot nitong kamay sa pisngi ko. Kaya naman napailing na lang ako ng dahil doon at nag simula na ulit gawin ang dapat kong gawin upang mawala na ito ng tuluyan sa utak ko. Matapos na ma permahan ko na ang mga dapat na permahan ay tumayo na rin ako upang lumabas na ng aking office. Patayo na sana ako na ganyan ng bigla na naman may pumasok sa loob ng office ko at gusto ko sanang mapa simangot ng makita ko na si Alucard na todo ang ngiti nito sa akin. .Hayst nandito na naman ang makulit na ito. Kailan ba ako ta tantanan ng lalaki na to? Ilang beses ko na ngang binasted pero wala pa
Vexana Paalis na sana ako ng siya namang pagdating ni Alucard at naka lapit na ito kaagad sa kotse ko kaya wala na akong nagawa pa kung hindi ang bumaba na lang. Bakit nga ba ako mag papa affect sa nakita ko diba? maganda na nga rin yun kung sakali man na magka gustuhan ang dalawa na yun ay titigilan na rin ako sa wakas nitong makulit na si Layla. Nakakasakit lang naman ng ulo ito e. Agad na inalalayan naman ako ni Alucard pero mabilis na sinaway ko naman ito. Ayaw na ayaw ko pa naman na nahahawakan ako ng kung sino sino lalo pa nga at lalaki pa ito. Naiilang ako tsaka basta ayaw ko hindi ko feel. Pumasok na kami sa loob at dahil doon na rin lang sa may banda ng pwesto nila Layla ang bakante na table ay napipilitan na doon na rin lang kami naupo. May lumapit naman na kaagad na waiter sa amin at dahil may menu naman na dito sa may table at nakapag order na kami kaagad. At iyon nga panay na rin ang kwento nitong si Alucard at dahil hindi naman ako yung tao na kahit nakakatawa na an
Vexana Matapos namin na kumain ni Alucard ay nag aya. na kaagad ako dito na bumalik na kami sa school dahil may mga gagawin pa ako kako. Mabuti siya at puro pag papa pogi ang ginagawa pero nasa talamapakan naman ang utak. Ako ang dami ko pang dapat na gawin. Kung hindi nga lang ba dahil sa utos sa akin ng aking Ina na tumakbo bilang President ng Student Council ay hinding hindi ko gagawin ang bagay na ito. Mas gusto ko na mag focus lang ako sa study ko. Pero dahil isa itong dictator na tao ay wala akong nagawa. Hindi din naman kayang pigilan ito ni Ama at malamang na mag aaway lang ang dalawa na yun kapag nag sabi pa ako sa tatay ko sa mga pinapagawa sa akin ng nanay ko. Hayst feeling ko tuloy ay hindi ako nito anak. Bagkos ay isa lang akong utusan para sa kanya na sobra kong ikina iinis dito. Kaya nga nag sisikap ako na mag aral ng mabuti kasi pagka graduate ko ay gusto ko na bumukod na lang ako sa kanila dahil parang wala din lang naman akong kasama sa bahay. Mas madalas ay nas
Vexana "Mas mabuti nga na sabay mo na ang kapatid kp na yun ng hindi na pumunta pa sa kung saan saan. Mag ma Mall lang yan sila ni Melissa pag sa sabay siya doon." sangayon naman sa akin ni Hanabi. Hindi ko na lang binanggit dito na nakita ko yung kapatid niya na may ka lunch date dyan sa tapat ng school na restaurant at mag tatanong din kasi ito sa akin. kung bakit nandoon ako sa restaurant na yun. Ayaw ko pa naman sabihin na sumama akong kumain kay Alucard at hindi ako titigilan ng kaka tanong nito sa akin ng kung ano ano pa. Mabilis pa naman ako mainis. Lalo na pag di ko trip ang topic ng mga tinatanong nito sa akin. "Sige e cha chat ko na lang si Layla na sa may waiting shed sa labas ng school ka na lang hintayin ha." paalam naman sa akin ni Hanabi. At tumango naman ako dito. Nag paalam na rin ito sa akin na mauuna na siyang uuwe at matutulog daw ito kaysa ang mag lakwatsa pa. Gastos lang daw yun tapos pagud pa siya. Kaya mas maganda na matulog na lang siya Ako naman ay nag