Share

Chapter 1

Lyla

"Lyla, gumising kana dyan at makikisabay tayo ngayon sa Ate Vexana mo. Sira ang kotse ko at hindi pa naipapaayos ni Dad. Kaya pansamantala ay sa kanya muna tayo makikisabay pag pasok " gising sa akin ni Ate Hanabi.

Agad naman na nagising ang diwa ko dahil sa narinig ko. Tama ba ang sinabi ni Ate na kasabay namin ngayon si Ate Vexana?

Puno ng siglq na bumangon naman na ako kaagad sa aking kama at dumiritso na sa shower upang makaligo na ako. Mahirap ng pag hintayin pa si Ate Vexana at baka mainip yun at iwan pa ako.

Kung bakit naman kasi hindi pa sinabi sa akin kaagad ni Ate kagabi pa. E di sana kanina pa ako nakapag ayos diba.

Sa wakas makikita ko na naman ang magandang mukha ng mahal ko. Sana naman pansininna niya ako ngayon at huwag ng sungitan pa.

Porket alam niyang crush na crush ko siya ganyan na siya makitungo sa akin. Pag ako talaga nawala ang pag ka crush ko dito who you siya sa akin.

"Hay naku Lyla kung bakit ba naman kasi late ka na naman nagising. Kakalaro mo yan ng ML e. Sumbong talaga kita kila Mom nyan para kunin nila ang gadgets mo." Naiiling naman na busa sa akin ni Ate.

Akala ko ay lumabas na ito ng room ko. Hindi pa pala. Aba malay ko ba kasi na makikisabay pala kami kay Ate Vexana. Kasalanan din naman niya kung bakit ngayon lang ako nagising.

Pero di na lang ako sumagot pa dito at baka tamaan pa ako sa kanya.

"Mag behave ka mamaya ha. Inis na inis na sayo si Vexana dahil dyan sa pag papalipad hangin mo sa kanya. Kung hindi lang kita kapatid ay naka nakutusan kana nun dahil sa inis niya sayo. Tsaka tigil tigilan mo na nga ang best friend ko sa mga banat mo. Nakakahiya ka. Pareho pa naman kayong babae. Tsaka di mo mapapabaliko yun no. Straight yun." Dugtong pa nito.

Yung ngiti ko kanina ay bigla na lang nawala dahil sa pinag sa sabi nito. Hindi naman siya inaano e bakit kailangan na sabihin pa nito ang bagay na yun. Alam ko naman na straight talaga ito. Pero anong magagawa ko pag nasa malapit lang siya ay parang may sariling buhay ang sarili ko at kung ano ano ang nagagawa ng hindi ko namamalayan.

Hindi pa rin ako umimik at ipinag patuloy na lang ang aking paliligo. Narinig ko na lang ang pag sara ng pinto sa room ko mukhang lumabas na si Ate.

Mabilis na natapos lang ako sa aking paliligo at pinili ko talaga na isuot yung uniform ko na alam kong saktong sakto lang sa akin at mas lalo lang akong gumaganda kapag yun ang suot ko.

Matapos na masiyahan sa itsura ko ay tuluyan na akong lumabas ng room ko. Sa school na lang ako kakain ng breakfast. Baka kasi mag aya na kumain pa si Ate Vexana e sayang naman.

Nasa sala na kami ni Ate ng dumating ang kanyang kaibigan kaya naman mabilis na tumayo ako mula sa aking kinauupuan upang mas unahan pa si Ate na lumabas ng pinto. Tsaka ako dumiritso na sa may kotse ni Ate Vexana at agad na binuksan ko na ang front seat.

Nang ma buksan ko na ang pinto ng kotse at pumasok sa loob nito ay sinalubong ako ng masamang tingin ng mahal ko. Hayst agang aga mukhang bad trip na kaagad ito ah.may dalaw ba siya? Sa isip isip ko.

"Good morning Love." Bati ko kaagad dito at hindi pinansin ang masama nitong tingin sa akin.

"Doon ka sa likod umupo Lyla at dyan si Ate Hanabi mo." Masungit na sita naman kaagad nito sa akin. Sabay irap pa nito.

Ang ganda ganda sana ng mata nito kaya lang ang sama na naman makatingin.

Pero Hindi naman ako nagpa tinag mula sa kinauupuan ko. Basta dito ako nakaupo at ako ang masusunod. Papabain pa niya ako e naka upo na nga ako dito. Tsaka gusto ko katabi ko siya. Feeling ko kasi ay kaming dalawa lang nito at sinusundo niya ako para sabay kaming pumasok sa school.

"Dito na lang ako Love. Ayaw mo ba nun makatabi tayo ng upuan." Sagot ko naman sa kanya.

Mas lalo naman na sumama ang tingin niya sa akin dahil sa sinabi ko sa kanya.

"Tigil tigilan mo nga ako Lyla dyan sa mga banat mo na yan. Hindi kana ba nahiya sa iyong sarili ha? My god pareho tayong babae. Kilabutan ka naman sa mga pinag sa sabi mo. Kung hindi mo ni re respeto ang sarili mo pwes ako ay respetuhin mo sana. Kahit man lang maisip mo na kaibigan ako ng kapatid mo." Galit na sabi naman nito.

Napa yuko naman ako ng dahil doon. Kahit naman sobrang kapal ng mukha ko ay may hiya pa rin naman akong nararamdaman no.

Lalabas na sana ako dahil nahihiya na rin ako at hanggang ngayon kasi ay sobrang sama pa rin ng tingin niya sa akin.

Pero bago ko pa mabuksan ang pinto ay siya naman ang dating ni Ate at sa hulihan ng upuan na ito umupo. Kaya naman hindi na ako nag abala pa na lumabas pa ng pinto.

Bumuntong hininga na lang naman si Ate Vexana at pina andar na nito ang kanyang kotse.

Mukhang napansin ng Kapatid ko na bad trip ang kanyang kaibigan.

"Agang aga Vexana naka simangot ka dyan. Ininis ka na naman ba ng babaeng ito?" Tanong nito kay Vexana habang masamang naka tingin naman ito sa akin.

"Ano pa nga bang a asahan mo dyan sa kapatid mo. Walang araw yata na hindi nyan sinira ang araw ko." Masungit naman na sagot nito sa ate ko.

Mas lalo naman na napa yuko na lang ako ng ulo ko dahil doon. Nahihiya ako sa totoo lang. Hindi na lang ako umimik upang ipag tanggol ang aking sarili dahil totoo naman na ako ang dahilan kung bakit bad trip na naman ito.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
ليني ساكيان باياوا
Next update po author. Palagi ko inaabangan ang update MO.
goodnovel comment avatar
imnotpsychopath
Hindi naman. trip ko lang na gamitin ang mga names nila kc wala akong ibang maisip na magandang name e. kaya ung sa kanila na lang
goodnovel comment avatar
ليني ساكيان باياوا
Hindi halata na parang addict sa ml ang author nito ah.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status