Share

Chapter 2

Lyla

Hindi ko na lang pinansin ang mga pinag sa sabi ng mga ito tungkol sa akin. Wala akong magagawa kung hindi talaga ako gusto nito. Kahit na nasa saktan ako ay mas pinili ko na lang ang manahimik.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nag scroll na lang sa social media. Mas maganda siguro na ito na lang ang pagka abalahan ko kaysa marinig ko pa ang mga masasakit na sinasabi ni Ate Vexana about sa akin. Kakampi pa naman nito ang kapatid ko na imbis na tulungan ako kasi nga ay kapatid ko siya pero hindi at sinuportahan pa niya ito.

Nanood na lang ako sa tictoc ng mga nag sa sayaw na mga nag ga gandahan na babae at mga lalaking hot.

Actually hindi naman talaga ako bading e. Tanging sa kanya lang ako bumaliko. Kasi mas marami pa ang crush ko na lalaki tapos sa babae naman ay madalang lang. Tanging siya nga lang naka kuha ng attention ko e.

Dapat nga mag saya pa siya nyan. Kasi naman sa dami ng nag kakagusto sa akin mapa babae man o lalaki ay siya pa rin ang pinili ko pero hindi naman ako ang pinili. Hayst

Napapakagat labi na lang ako sa mga napapanood ko ngayon at napapangiti kasi naman labas ang mga abs na parang pandesal na mukhang ang sarap pisil pisilin e.

Namalayan ko na lang na bigla na lang nawala sa kamay ko ang phone ko. Kaya mabilis na nag angat ako ng aking paningin at sumalubong na naman sa akin ang galit na mukha ni Ate Vexana.

Nag tataka na tinignan ko naman ito. Pero inirapan lang ako sabay sabi sa akin ng. "bawal mag phone habang nasa loob ng kotse ko." Masungit na sabi nito sabay taas pa ng kilay at mukhang handa ng mag m*****a na naman kung mag re reklamo pa ako sa kanya.

Agad naman na nangunot ang noo ko dahil doon. Paano na naging bawal ang pag gamit ng phone dito? E hindi naman ako ang nag da drive ng kotse niya. Sa kanya malamang na bawal talaga pero sa akin. Hello pasahero lang naman ako ah.

Pero dahil alam ko na hindi naman ako mananalo dito ng argumento ay hinayaan ko na lang ang bagay na yun. Kukunin ko na sana sa kanyang muli ang phone ko pero mabilis na ibinulsa nito yun at sinabi na "mamaya mo na kunin at baka kung ano na naman ang gawin mo." Naka simangot na sabi pa niya.

Wala na akong nagawa pa at ayaw kong makipag talo pa sa kanya. Mabuti na nga lang at umusad na muli ang kotse kasi naman ay medyo traffic ngayon. Syempre lunes ganyan talaga lalo na at nag sa sabay ang mga estudyante at mga nag ta trabaho sa pag pasok.

"Manahimik ka na lang dyan Lyla." Sabi pa sa akin ni Ate Hanabi.

Para naman nag sa salita ako kung makapag sabi itong manahimik ako. E silang dalawa nga dyan ang panay ang kwentuhan nila. Puro about sa mga lalaki lang naman ang topic nila. Tapos yun na nga lang manood ang ginagawa ko pinag bawal pa.

Pero masaya pa rin ako kasi akala ko ay hindi na ako pinansin pa ni Ate Vexana. Yun pala ay lihim din na binabantayan ako nito. Siguro nag se selos ito kasi nga ay may ibang naka kuha ng attention ko. Hehehe

Kaya naman hindi ko maiwasan na hindi mapangiti dahil sa naisip ko na yun. Medyo kinilig pa ako ng slight. Hayst sana nga lang talaga ay yun.

"Ang creepy mo Lyla. Para kang tanga dyan na pangiti ngiti." Puna pa sa akin ni Ate Vexana.

"Naisip ko lang po yung crush ko na classmate ko. Paano ka group ko kasi sya sa gagawin namin na reporting." Pag sinungaling na sagot ko dito.

Gusto ko lang makita kung ano ang reaction nito kapag nalaman niya na hindi lang naman siya ang crush ko mayroon pang iba.

Pero sana hindi ko na lang sinabi ang bagay na yun kasi naman nakakainis lang dahil wala man lang itong reaction. Ni hindi man lang nag selos ang gaga. Nakakainis bwisit.

Sinabi pa sa akin na. "Maganda yan para sa kanya mo na ibaling yang pang bwi bwisit mo sa akin." Casual pa na sabi nito sa akin sabay ngisi pa niya.

Humalukipkip na lang ako at hindi na ito pinansin pa. Naiinis ako sa totoo lang. Akala ko pa naman ay mag se selos siya. Hanggang akala lang pala yun.

Malungkot na tinignan ko na lang ang mga nadaraanan namin at parang gusto ko na ngang bumaba sa kotse na ito sa totoo lang.

Nasasaktan kasi ako. Dahil sa wala talaga siyang pakialam sa akin. Ako nga na malaman ko lang na crush nito yung basketball captain nila ay halos mamatay na ako sa selos. Sinabi lang sa akin ni Ate Hanabi yun ha. Hindi pa sa kanya mismo nanggaling yun. Tapos ako na mismo nag sabi sa kanya na crush ko yung classmates ko at hindi lang yun kasama ko pa siya sa reporting ay wala lang sa kanya. Natuwa pa ang gaga. Nakakasama talaga ng loob ang ganun.

Bakit parang ang unfair naman yata lord. Pwede ba na pag gusto mo yung isang tao ay dapat na gusto kana rin nya. Para wala ng samaan pa ng loob. Happy happy lang ba.

Dahil naka focus lang ako sa labas ng bintana at wala naman doon ang isip ko ay hindi ko napansin na huminto na pala ang kotse at nandito na pala kami sa may gate ng school namin.

Nagulat na lang ako sa biglang pag tapik sa akin ni Ate Hanabi. "Bumaba kana doon. Tulala ka na naman. Kung ano ano kasi ang iniisip mo e." Sabi pa nito sa akin

Doon pa lang ay parang nahi masmasan ako at nag mamadali na bumaba na ng kotse ni Ate Vexana. Hindi ko na ito pinag aksayahan pa na tignan. Naiinis pa rin ako sa kanya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status