Share

Loving you is Complicated
Loving you is Complicated
Author: imnotpsychopath

Prologue

"Ilang ulit ko ng sinabi sayo Layla na tigilan mo na ako. Kahit kailan ay hindi kita magugustuhan.

Unang una wala akong gusto sayo at mas matanda ako sayo tanging nakababatang kapatid lamang ang tingin ko sayo at hindi na la lagpas pa doon.

Ikalawa my goodness, pareho tayong babae. Nasaan na ba ang utak mo ha? Kakabasa mo yan at kapapanood ng mga gl movies.

Tigil tigilan mo ako dahil hindi ako bakla na katulad mo." Nang gigil na sabi sa akin ni Ate Vexana.

Naka tingin lang naman ako sa kanya habang pinapanood lang ito sa kanyang paulit ulit na sinasabing yun sa akin.

Mas lalo lang siyang nagiging hot sa paningin ko kapag ganito na galit na galit na naman siya. Talagang sinadya pa niya ako dito sa building namin e ang layo kaya ng building ng mga college student dito sa senior high.

Pero imbis na mag damdam ako kasi galit na naman siya. Dahil kinausap ko lang naman kasi yung manliligaw niya na tigilan na si Ate Vexana sa panliligaw nito kasi sabi ko ay kami na nito. Kaya bigla tuloy napasugod ito dito sa building namin.

Totoo naman na magiging girlfriend ko din naman ito e. Ayaw lang niya aminin na may gusto din siya sa akin. Masyadong pakipot.

"Huwag kana pong magalit dyan. Kasi totoo naman ang sinabi ko doon sa kumag mong manliligaw na soon ay magiging tayo din. Alam ko naman kasi na hindi mo palang matanggap sa sarili mo na may gusto ka din sa akin kaya naiinitindihan po kita." Naka ngiti na sabi ko dito na mas lalo lang nag padilim ng kanyang awra ngayon

Kitang kita ko pa ang pag pikit nito ng kanyang magagandang mata na mukhang kinakalma nito ang kanyang sarili. Hanggang salita lang naman ito ng masasakit na salita sa akin pero hindi naman ako nito kayang saktan physically kaya alam ko na may gusto din siya talaga sa akin.

"My god Lyla kailan kaba magigising sa katutuhanan na hindi kita magugustuhan kahit kailan!!!" Gigil na gigil na sabi niya at naka sigaw na ito habang naka kuyom na ang kanyang kamay at mukhang handa na akong suntukin nito.

Maya lang bigla na lang ako nitong tinalikuran at umalis na ito ng tuluyan. Kaya naman doon lang ako naka hinga ng maayos dahil kahit paano ay natakot din naman ako sa kanya.

Hanggang kailan mo ba pipigilan ang sarili mo ha Vexana? Hanggang sa mawala na ako ng tuluyan sayo baka doon ka pa lang magising?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status