Início / Romance / Lucky Destiny / Chapter 8: Reason

Compartilhar

Chapter 8: Reason

Autor: teacher cy
last update Data de publicação: 2026-07-04 23:36:03

“Ikaw…” usal ko habang nakatitig sa kanya.

It’s funny how the world seems so small. And how playful destiny can be.

Ang lalaking minsang naghatid sa akin pauwi sa Solara, ang lalaking minsan kong hinangaan dahil sa kabaitan niya, at ang lalaking matagal kong hinintay… ay siya ring lalaking pinakakinamumuhian ko ngayon.

Kasabay ng malakas na pagsara ng pinto ay ang pagsabog ng mahaba kong buhok. Napatigil kami sa pagtititigan at napalingon sa pinto na malakas na isinara ng hangin.

Nang magsara a
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Lucky Destiny   Chapter 9: Kiss

    Ang mga tao nga naman... gagawin ang lahat para sa pera. Para sa sariling interes, kaya nilang isakripisyo ang buhay ng iba. Nangilid ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ang mala-demonyo niyang mga ngisi. Na para bang tuwang-tuwa siya sa napili niyang desisyon.“Ang sama mo. You can just get married! Wala ka pang maaapakang tao!” galit kong sabi.Malakas siyang natawa. Tumayo siya at mayabang na humarap sa akin. “Why would I sacrifice my freedom for the people of Mirasol? They're strangers to me. Kikita ba ako kapag naawa ako sa kanila?” Pinanlisikan ko siya ng mata at napatayo rin.“At least sa dalawang option na ibinigay ng mama mo, puwede mong piliin ang makakabuti sa lahat! You can easily get married, get your inheritance, and live a happy life. Hindi 'yung nandito ka at ginagawang kumplikado ang tahimik na buhay ng maraming tao!”Napatawa siya.“Wow. You make it sound so easy to get married.” Lumapit siya hanggang halos wala nang pagitan sa amin. “Bakit papakasal ka b

  • Lucky Destiny   Chapter 8: Reason

    “Ikaw…” usal ko habang nakatitig sa kanya.It’s funny how the world seems so small. And how playful destiny can be.Ang lalaking minsang naghatid sa akin pauwi sa Solara, ang lalaking minsan kong hinangaan dahil sa kabaitan niya, at ang lalaking matagal kong hinintay… ay siya ring lalaking pinakakinamumuhian ko ngayon.Kasabay ng malakas na pagsara ng pinto ay ang pagsabog ng mahaba kong buhok. Napatigil kami sa pagtititigan at napalingon sa pinto na malakas na isinara ng hangin.Nang magsara ang pinto ay doon ko mas naramdaman ang katahimikan. Kaming dalawa sa malaking bahay na ito… nakasaradong pinto…Kinabahan ako nang muli kong masalubong ang mga mata niyang mariin at nakakapanghina kung makatitig.“H-hindi ako magtatagal… Kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” sabi ko, dahil biglang hindi ako naging komportable sa isiping kaming dalawa lang sa bahay na ito! Of course, this man is still a stranger! At halos nasa gitna kami ng kawalan! Nasa ibaba pa ang mga kabahayan kaya kun

  • Lucky Destiny   Chapter 7: Yours

    5 years ago…“Great! Ang gaganda ng mga kuha mo, Lucky!” nakangiting sabi ng photographer na nakuha namin para sa incoming 18th birthday photoshoot ko.Napangiti rin ako habang tinitingnan ang mga kuha ko sa camera niya. “Wow, ang ganda…” natutuwa ko ring usal. “Kuhang-kuha niyo ’yong diwata theme na gusto ko.” “Ikaw rin! Kuhang-kuha mo ang pagiging diwata! Mukha ka talagang diwata ng Solara! Ang ganda-ganda mo!” natutuwang puri sa akin ng babae.“Thank you po.” Napahagikhik ako sa hiya.“Lucky! Miss Gela! Tara na po! Kumain na po tayo,” tawag ni Mama sa amin, kaya kumaway ako. Nakaligpit na sina Mama at Papa at handa na sa pag-alis. “Ma! Mauna na po kayo, maiwan po muna ko rito.” paalam ko nang makalapit.Kumunot agad ang noo niya. “Huh? Bakit hindi ka pa sasabay? Medyo malayo rin kung lalakarin mo, Lucky!” “Okay lang, Ma. Hindi naman mainit. Gusto ko lang muna magpahangin dito at magsulat…” sabi ko at tinaas ang notebook at ballpen na props ko rin sa photoshoot.Tinitigan niya mu

  • Lucky Destiny   Chapter 6: House

    “Pakasalan mo ako.” Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi niya. Matagal pa akong nakatitig lang sa seryosong mukha niya habang nakaawang ang mga labi.Ano raw? Wait, nabingi ba ako sa katahimikan sa paligid namin? At kung anu-ano na ang naririnig ko?Tumayo siya nang maayos at umiwas ng tingin. Nang tingnan niya ako muli ay nag-angat siya ng noo, tila hindi napahiya sa katahimikan ko.“If you really want to save Solara… then marry me,” wika niya sa mas seryosong tinig.Mas lalo akong napatanga at naguguluhan nang tiningnan ko siya. “Huh?! B-bakit? Anong connect ng pag-alis niyo dito sa Solara sa pag-aasawa?” Kumalat ang kunot sa aking noo. Umigting ang panga niya at mariin akong tinitigan. “I need a bride…” Nalaglag ang panga ko at napataas ang kilay ko. Napalunok siya at parang ayaw niya pang sabihin ang susunod na mga salita, pero nang mag-iwas siya ng tingin ay sinabi niya rin ang katotohanan. “Kailangan kong magpakasal,” he said, not looking at me.Napatanga ako sa kanya. I l

  • Lucky Destiny   Chapter 5: Condition

    “Papa, Mama… sorry, ngayon lang ako nakadalaw.” Hinaplos ko ang lapida nilang may nakaukit na mga pangalan.Sumayaw ang punong nasa tabi ng kanilang libingan. Isang bulaklak ang dahan-dahang nalaglag sa likod ng kamay ko.Napangiti ako.“Galing sa'yo 'to, Papa?”Pinisil ko ang bulaklak at napabuntong-hininga.“Alam n'yo na siguro ang nangyayari. Pinayagan na ni Mayor ang mga property developers. Buong buhay mong ipinaglaban ang Mirasol, tapos ngayon… ibibigay lang niya ito sa mga kapitalista.”“If you were just here, Papa…” malungkot kong usal.Noong nabubuhay pa siya, hindi lang siya naging mabuting ama—siya rin ang naging kapitan at tagapagtanggol ng Mirasol.Now that he's gone… paano na kami?Muling sumagi sa isip ko ang mga sinabi ni Malik. Galit ako kay Mayor, pero alam kong mahalaga rin sa kanya ang Mirasol. Ang mas kinamumuhian ko ay ang lalaking nangunguna sa proyektong ito. Malik Ignatious Degrano.A wolf in sheep's clothing.Will this project really serve the greater good o

  • Lucky Destiny   Chapter 4: No Mercy

    Hindi ko akalaing muling magtatagpo ang landas naming dalawa. Ngunit hindi ko kailanman inasahang ang lalaking malugod kong tinanggap sa aming bayan ang siya ring magtatangkang umangkin nito. At hindi ko iyon papayagan. “Ikaw…” Tila maging ang aking mga salita ay nilipad ng hangin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Malamig ang tingin niya sa akin; walang bakas ng pagkagulat. Napalunok ako at sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngayong mas malinaw ko na siyang nakikita sa sapat na distansiya, lalo kong napansin ang agwat naming dalawa—ang kaibahan niya sa lahat ng taong narito. The man before me radiates authority and power. He isn't just physically tall; even the way he looks at us screams that he's beyond anyone's reach. So intimidating. Ang presensiya niya'y tila isang diyos—napakaperpekto at nagsusumigaw ng kapangyarihan.Kumunot ang noo niya at mas tinitigan niya ako. Sa pananahimik ko, lalo lang tumalim ang titig niya, tila sinusukat at minamaliit ako hanggang

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status