Mag-log inBLURB Malakas ang ulan. Madilim ang kalsada. Hindi rin matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang nakadiin ang paa ko sa preno ng kotseng minamaneho ko. Pero wala na talaga. Ayaw nang kumagat ng preno. Hindi ko na makontrol ang manibela. Kahit sobrang higpit ng hawak ko, gumiwang-giwang pa rin ang takbo ng kotse. Napahagulhol ako. “Bakit mo nagawa sa akin 'to?” sigaw ko bago tuluyang bumulusok ang kotse ko sa bangin. *** Ako si Saiana Vansan. Isang full-time housewife. Hindi… Isang libreng katulong ng asawa ko at ng pamilya niya. Limang taon. Naging ulirang asawa ako. Ginawa ko ang lahat para sa kanila. Naging mabait at magalang na manugang. Ano ang isinukli nila? Ito… linlangin ako… patayin ako at angkinin ang lahat ng pagmamay-ari ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko. Heto na talaga. Ito na ang katapusan ko. Kung totoo mang may pangalawang buhay o kung makakaligtas man ako… Sisiguraduhin kong… Magbabayad sila.
view moreSaiana Vansan
Malakas ang ulan. Madilim ang kalsada. Hindi rin matigil ang pagpatak ng mga luha ko habang nakadiin ang paa ko sa preno ng kotseng minamaneho ko.
Pero wala na talaga. Ayaw nang kumagat ng preno.
Hindi ko na makontrol ang manibela. Kahit sobrang higpit ng hawak ko, gumiwang-giwang pa rin ang takbo ng kotse.
Napahagulhol ako.
“Bakit? Bakit mo nagawa sa akin 'to?” sigaw ko bago tuluyang bumulusok ang kotse ko sa bangin.
***
Ako si Saiana Vansan.
Isang full-time housewife.
Hindi…
Isang libreng katulong ng asawa ko at ng pamilya niya.
Limang taon. Naging ulirang asawa ako. Ginawa ko ang lahat para sa kanila. Naging mabait at magalang na manugang.
Ano ang isinukli nila?
Ito… linlangin ako… patayin ako at angkinin ang lahat ng pagmamay-ari ko.
Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
Heto na talaga. Ito na ang katapusan ko.
Kung totoo mang may pangalawang buhay o kung makakaligtas man ako…
Sisiguraduhin kong…
Magbabayad sila.
***
“You’re awake…”
Boses ng babae ang narinig ko.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang babaeng nakangiti, pero may luha sa mga mata niya.
“Nasaan ako?” Iginala ko ang mga mata ko sa buong silid. Napatingin din ako sa kamay kong may nakakabit na swero. Alam ko na kung nasaan ako… nasa ospital.
“Bakit ako nandito? Sino ka?”
Agad niyang tinakpan ng dalawang kamay ang bibig niya. Kasabay niyon, tuluyan nang pumatak ang mga luha niya.
“Saiana…” sambit niya bago mabilis na lumabas para tawagin ang doktor.
Napahawak naman ako sa ulo kong biglang kumirot. Napangiwi pa ako nang makapa ko ang makapal na benda roon.
“Anong nangyayari sa kaibigan ko, Doc?” tanong ng babae sa doktor na kasalukuyan akong sinusuri.
May ilang katanungan ang doktor sa akin, pero wala akong nasagot. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong niya. Kahit anong pilit kong alalahanin, wala akong maalala.
Pagkatapos akong masuri, sinabi ng doktor na posibleng may amnesia ako.
Napahikbi naman ang babae at agad na hinawakan ang kamay ko.
“Gagaling pa ba siya, Doc? O hindi na?”
“Hindi pa natin masasabi sa ngayon. May mga kaso ng amnesia na pansamantala lamang, pero mayroon ding nagtatagal. Kailangan pa nating magsagawa ng ilang tests para mas maintindihan natin ang kondisyon niya.”
Pagkaalis ng doktor, agad na umupo ang babae sa upuang katabi ng kama ko.
“Hindi mo ba talaga ako naaalala?” tanong niya.
Umiling ako.
“Ako si Viena Criz. Best friend mo ako, Sai.”
Pumatak na naman ang mga luha niya habang nakatingin sa akin.
“Hindi mo rin ba naaalala ang aksidente?”
Muli akong umiling. Pero napatingin ako sa mga braso kong may mga pasa at sugat na halos maghilom na.
“Ilang araw na akong nandito?”
“Tatlong linggo…”
Marahas na pinahid ni Viena ang mga luha niya.
“Ano ba kasi ang nangyari noong gabing ’yon? Bakit ka umalis ng bahay? Ano ba ang pinag-awayan ninyo ng asawa mo?”
“Asawa?”
Blankong tingin ang ipinukol ko sa kanya.
“Talagang wala kang matandaan?”
Napahawak na naman ako sa ulo ko.
“Nasaan ang asawa ko?”
Saktong pagkasabi ko ng mga salitang iyon, bumukas ang p***o at pumasok ang isang lalaki.
Maayos ang pananamit niya, malinis at may hitsura, pero nagsusumigaw ang pagka-arogante, tindig pa lang niya.
“So, you’re awake…” sabi nito.
Pero napansin kong hindi mapakali ang mga mata niya. Para bang may kinatatakutan siya.
“Now that you’re awake, let's—”
“Alexis!” putol ni Viena. “Kakagising lang ng kaibigan ko. Ano man ang pakay mo, puwede bang ipagpaliban mo muna?”
“So, what?” sagot nito habang humahakbang palapit sa kama ko.
Ngayon ko lang napansin na may hawak siyang folder.
Akmang iaabot niya iyon, pero wala na sa kanya ang atensyon ko.
Kundi sa lalaking sumulpot sa likuran niya.
“Dyruz!”
Agad akong tumayo. Hinablot ko ang swero sa kamay ko at mabilis na lumapit sa kanya.
“Asawa ko…”
Nakangiti ko siyang niyakap nang mahigpit.
At siya… hindi man lang nakagalaw. Ramdam na ramdam kong nanigas ang buong katawan niya, na para bang pati ang paghinga ay napigil niya.
“What the—” sabi ni Alexis, pero agad na tinakpan ni Viena ang bibig nito.
Mas idinikit ko pa ang pisngi ko sa dibdib ng asawa ko at tumingala sa kanya habang nakangiti.
“Mahal ko, Dyruz…”
Kumurap-kurap siya. Halatang nagulat sa sinabi ko.
Napatingin siya kay Alexis bago ibinaling ang tingin kay Viena Criz.
“Naalala mo siya?” naibulalas ni Viena habang itinuturo si Dyruz.
Tumango ako. “Siyempre…”
Mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya na parang miss na miss ko siya.
“Saiana…” Sa wakas, nagsalita rin siya. Mahina at paos ang boses niya, pero may lambing pa rin doon.
Hinawakan niya ang mga balikat ko. Para bang gusto niya akong ilayo sa katawan niya, pero hindi ko siya hinayaan.
Mas lalo kong nilingkis ang mga kamay ko sa baywang niya.
Kitang-kita ko kung paano gumalaw ang Adam’s apple niya, na para bang may pinipigilan siya… salita, emosyon… hindi ko alam basta ang alam ko nagwawala ang puso niya ngayon.
Maya-maya, bumalik ang doktor dala ang resulta ng mga pagsusuri nila tungkol sa kondisyon ko.
Sinabi niyang selective amnesia ang kondisyon ko.
“Selective amnesia?” tanong ni Alexis matapos magsalita ng doktor. “Are you sure she doesn't remember me?” tanong ng lalaking arogante.
Napatingin ako sa kanya.
Kung kanina takot ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon, saya na.
Masaya siya na wala akong maalala.
“Sino ka ba?” tanong ko. “Ano ang relasyon mo sa akin? At ano ’yang dala mong dokumento?”
Sandali siyang natigilan.
“It's nothing.” Itinago niya ‘yon sa likuran niya. “We can talk about this again once you're feeling better.”
Pagkatapos, tinuro niya si Dyruz.
“You're the husband…”
Humakbang siya paatras na para bang naghahanda siyang tumakas.
“Bahala ka na sa kanya—”
“Seriously, Alexis? Aalis ka?” Halata ang dismaya sa boses ni Viena.
“What? She doesn't even know who I am. There's no point in staying.”
Pagkatapos niyon, tuluyan na siyang umalis.
Sandaling bumalot ang katahimikan sa silid.
Maya-maya, tumingala si Viena kay Dyruz. Puno ng katanungan ang mga mata niya, pero wala siyang sinabi.
Binasag ng doktor ang katahimikan at ipinaalala na kailangan pa akong obserbahan.
Pagkaalis niya, tumingala naman ako kay Dyruz.
“Asawa ko…” malambing kong tawag sa kanya. “My hand hurts.”
Hinawakan niya ang kamay kong may kaunting namoong dugo bago siya napatingin kay Viena na napangiwi pa, na para bang nakainom ng mapait.
Binuhat ako ni Dyruz at inihiga sa kama.
“Pahinga ka na…” Akmang lalayo siya, pero hindi ko siya hinayaan. Hinila ko siya sa tabi ko.
“Don't leave me… I need you.”
Marahan siyang bumuntong-hininga at hinaplos ang buhok ko.
“Hindi na…”
Hinawakan niya ang baba ko at matiim akong tinitigan sa mga mata.
“I won't leave you again, Sai.”
Napangiti ako.
Sa unang pagkakataon mula nang magising ako… ngayon lang ako nakahinga nang maayos.
Kasi alam ko, hindi na ako nag-iisa.
SAIANA VANSANIlang sandali akong natahimik matapos marinig ang sinabi ni Dyruz.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Kasi natural lang naman na magalit siya. Ang ayoko lang ay masaktan siya o makasakit ng iba.Sa halip, inayos ko ang pagkakaupo ko sa kama.“Dyruz… 'wag mo na ulit gawin 'yon, puwede ba?”Napatingin siya sa akin. “Why? Naawa ka ba sa lalaking 'yon?”Umiling ako. “No... Binigyan mo nga siya ng leksiyon. Nasaktan ka naman.” Hinaplos ko ang kamay niya at hinalikan ko pa, na ikinalaki ng mga mata niya. “Next time, iutos mo na lang sa iba.”Bahagya siyang napangiti. “Malayo naman 'to sa bituka… mas malala ang nangyari sa kanya.”Nanliit ang mga mata kong tinitigan siya.“Mas malala? Lumabas ba ang bituka niya?”Napalakas ang tawa niya. Bagay na ngayon ko lang nakita sa kanya mula nang magkamalay ako. Kaunting ngiti lang at madalas na poker face ang ekspresyong nakikita ko sa kaniya.Pero ngayon, tumatawa siya. Ang sarap sa pakiramdam.“Hindi pa naman ako gano'n ka
SAIANA VANSANNagising ako na nasa hospital na naman at masakit ang ulo.Napatingin ako sa paligid. Tahimik ang buong kuwarto at walang ibang tao kundi ako lang.Napabuntong-hininga ako bago sinubukang alalahanin ang nangyari… ang huling sinabi ni Alexis bago ako nawalan ng malay.Pero sumakit lang ang ulo ko sa kakaisip. Parang kanina rin… umuugong ang mga tainga ko, kaya wala akong maintindihan sa huling sinabi ni Alexis.Hindi lang ngayon ito nangyari. Ilang beses na. Sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang lalaking iyon o ang aksidente, sumasakit ang ulo ko.Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headboard. Saktong pagbangon ko, bumukas ang pinto at pumasok si Viena Criz.“Sai! You're awake.”Mabilis siyang lumapit sa akin.“How are you feeling? Does anything hurt? Masakit pa ba ang ulo mo?”Hinaplos niya ang ulo ko at sinuri rin ang buhay na peklat sa likod nito.“Masakit pa rin nang kaunti.”“Nahihilo ka ba?”Umiling ako.“Viena, I'm okay. Don't worry.”“Kahit na… kailangan
SAIANA VANSANLalabas na sana si Dyruz, pero pinigilan ko siya.“Dito ka lang.”Nagtataka siyang napatingin sa akin.“No! You stay here…”“Ako ang gusto niyang makita. Ako ang haharap.”Nagpalitan ng tingin sina Dyruz at Viena Criz bago muling ibinaling ni Dyruz ang atensyon sa akin.Kung kanina, galit ang nakikita ko sa mga mata niya, ngayon, may bahid na iyon ng pag-aalala… pangamba.“Are you sure?” mahinahon niyang tanong. Parang nakikiusap na huwag ko na lang kausapin ang lalaking iyon.Tumango ako nang ilang beses. “I need to talk to him.”“Why?” Agad niyang tanong.Bakit nga ba gusto ko siyang makausap?Ang totoo, hindi ko rin alam, pero parang may nag-uudyok sa akin na kailangan ko siyang makausap.“Saiana,” singit ni Viena Criz. “You don't remember anything about him. What are you even going to say?”“Bahala na. I'll figure it out.”Napahagod sa buhok niya si Dyruz at napabuga pa ng hangin.Lumapit sa akin si Viena at hinawakan ako sa mga braso.“Sai…”“Ano ba kayo? Kakausapin
SAIANA VANSANIlang segundo akong nakatitig kay Dyruz, naghihintay ng sagot.Pero sa halip na magsalita, bigla siyang bumangon mula sa pagkakahiga.“Pawis ako… Maliligo muna ako.”Napakurap ako. “Pawis? Kaahon mo lang sa pool?”“Marumi ako… Hindi malinis ang tubig sa pool.”Akmang lalakad na siya palayo, nang mabilis akong bumangon at humarang sa daraanan niya.“Sabay na tayo.”Gulat siyang napatingin sa akin bago umiling nang maraming beses.“Mamaya na lang ako maliligo. We should have dinner first.”Napasimangot ako. May amnesia nga ako, pero hindi ako tanga para hindi maramdaman na ayaw niya akong makasabay maligo.“Dinner?” Inulit ko ang sinabi niya. “O ayaw mo lang akong kasabay—”“Saiana Vansan.”Napangiwi ako sa paggamit niya ng buong pangalan ko. Kasal kami, pero bakit apelyido ko pa rin ang ginagamit niya.“Mauna kang mag-dinner!”Lumayo ako sa kaniya at bumalik sa kama. Padabog akong humiga at tumalikod.Nakapikit ang mga mata ko, pero alam kong hindi siya kumilos. Wala akon






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.