Home / Romance / Lucky Me, Instant Daddy / Chapter 4 - Sinapit

Share

Chapter 4 - Sinapit

Author: Katana
last update Last Updated: 2024-07-25 19:33:01

Pagkababa ng kotse, kahit ramdam niya ang sakit sa pagitan ng kaniyang mga hita ay pinilit niyang makapaglakad nang maayos papasok ng condominium upang puntahan ang mga kaibigang nag-iwan sa kan’ya.

Pagkarating niya ay agad na siyang pumasok, nakita niya agad ang dalawa sa sala nakaupo at handa na sana niyang talakan ang dalawa nang mapansin niyang mga tulala ito. Si Vina ay magulo ang buhok at halatang kulang sa tulog, habang si Annasity naman ay panay ang buntong-hininga.

Alam niyang nakita siya mga ito ngunit tila hangin lang siya ‘t ‘di man lang pinansin or tinanong kung anong nangyari sa kan'ya kagabi?

“Hoy! Anong nangyari sa inyong dalawa? Bakit nagkakaganiyan kayo?” tanong niya at umupo na rin sa kabilang dulo ng sofa.

“Wala na,” tila walang buhay na sambit ni Vina.

“Wasak na,” naiiyak naman na sambit ni Annasity. Kumunot ang kaniyang noo dahil hindi niya maintindihan ang pinagsasabi ng dalawa.

“Huh? Pinagsasabihan niyo? Anong wala? Alin ang nawasak?”

“Iyong bataan ko!”

“Iyong flower ko!” sabay na bulalas ng dalawa habang ngumangawa sa harap niya. Natigilan siya sa nalaman, kung gano'n ay pare-pareho pa talaga sila nang sinapit.

‘Hmmn…hindi na masama! Wala nang virgin sa pamilyang ‘to!’

Nang tumahan na sa wakas ang dalawa ay sinita na siya ni Vina.

“Ikaw, babaita? Saan ka nagpunta kagabi? Bigla ka na lang nawala ah.” Irap nito sa kan'ya.

“Oo nga! Akala namin umuwi ka na.”

Humugot na muna siya ng malalim na paghinga. “Ano pa nga ba? Tulad niyo rin, sinuko ko rin itong bataan,” pag-amin niya.

“Ano?! sabay na tanong at nagkatinginan pa sina Vina at Annasity bago siya balingan.

“Accckkkk! Hindi na tayo virgin!” tumili ang dalawa at nagtatalon sa saya..

“P*****a kayong dalawa! Naka-drugs ba kayo? Kanina lang ang babalahura niyong tingnan at muntik ko pa kayong kaawaan. Umamin nga kayo sa ‘kin,” singhal niya sa dalawa. Walang na ang bakas ng lungkot sa mga mukha ng dalawa ‘di tulad kanina.

“Magkuwento ka dali!” agad na hinila naman siya ni Annasity na ngayon ay magkakalapit na silang tatlo.

‘Mga chismosa!’

“Tsupee! Walang akong sasabihin. Pagtapos ninyo kong iwan, no way!”

“Ang damot mo! Mabuntis ka sana!” reklamong tuya ni Annasity. Ang totoo ay hindi pa siya handang magkuwento, kahit siya ay hindi makapaniwalang nagawa ang bagay iyon.

“Daks ba?” pagulat na tanong pa ni Annasity sa kan'ya pero nanatiling tikom ang bibig niya.

Sunod-sunod na doorbell naman ang nagpatigil sa kanila kaya nagtataka si Vina dahil wala naman siyang ina-asahang bisita.

“Sandali ha. Sino naman kaya ‘to?”

“Magandang umaga po, ma’am,” bati ng lalaking hindi kilala.

“Yes, sino po sila?”

“Ah, pinapasundo po ni Madam Coni si Ma’am Fern, kailangan niya na pong umuwi,” magalang na sabi nito.

“A-ah, sandali lang po. Tawagin ko lang si Fern.”

“Fern! Anog gagawin mo? Nariyan ang tauhan ng lola mo, pinasundo ka na raw,” natatarantang sabi pa nito.

Bagsak ang balikat ni Fern, alam niyang ipapahanap talaga siya ng abuelal niya kaya wala na talaga siyang kawala.

“Hayaan niyo na, sasama na ako pauwi,” malungkot na sambit niya sa mga kaibigan. Susundin na lamang niya ang kagustuhan ng abuela.

“Hala, sure ka? Magpapakasal ka na talaga?” nag-aalalang tanong pa ni Vina.

“No, choice eh. Bahala na.” Tuluyan na siyang nagpaalam sa mga kaibigan. Malungkot at nag-aalala sa kan'ya ang mga ito ngunit tulad niya ay wala rin naman silang magagawa.

Nang makauwi siya ng mansyon ay naro'n ang kaniyang abuela. Prenteng nakaupo, napaka-supestika nito at hindi makikitaan ng emosyon, malamig siyang tinitigan nito habang papalapit siya.

“Kung hindi pa kita ipinasundo ay wala kang balak umuwi!”

“Sorry po, dumalaw lang naman po ako sa mga kaibigan ko,” hinging paumanhin niya.

“Dumalaw, o binalak mong tumakas?” napaangat siya nang tingin sa abuela. “,wala ka nang magagawa pa dahil matutuloy ang kasal. Inayos na iyon ng amiga ko at sa susunod na linggo na,” pinal na sabi pa nito.

“Lola? Ang bilis naman po, yata? Hindi ko pa nga nakikita at nakikilala man lang iyong sinasabi ninyo, kasal na agad? Bigyan niyo naman po muna kami ng panahon upang makilala ang isa’t isa.”

“Sa araw ng kasal niyo na kayo kailangang magkita! Wala nang oras, hindi na rin naman kayo teen ager para sa getting to know each other na iyan. Be mature and cooperate, Fern.”

Wala na siyang masabi pa! Ibang klase ang abuela niya.

“Excuse me, po. Kailangan ko pang matulog. Wala na rin naman pala akong magagawa,” walang gana niya pang sabi bago magpaalam sa abuela.

“Okay, take some rest. Mas magandan iyan para mas lalo kang maganda sa araw ng inyong kasal. I'm happy and I’m sure that your parents are also proud of your decision.” Umikot ang mga mata niya nang talikuran ang abuela.

‘Proud my ass!’

Hindi naman na namalayan ng lalaki kung anong oras na siya nagising kinabukasan, kung hindi pa ito nakadama ng gutom ay hindi pa ito babangon.

Hindi gaanong masakit ang ulo dahil sapat ang naging tulog, bigla niyang naalala ang nangyari sa nagdaang gabi kaya may sumilay na ngiti sa kaniyang labi.

Ngunit nang lingunin ang akala’y tulog na katabi ay wala na ito roon.

“Where is she?” mahinang sambit na hinanap ang babae. Agad siyang tumayo upang tingnan sa banyo ang dalaga ngunit wala rin ito. Pagbalik niya sa kama ay agad na napansin niya ang pulang marka mula sa dalaga. He is her first at inaamin niyang masaya siya roon.

“Tsk. I dont even get her name or number, instead! How bastard am I? Baka kung ano isipin niya sa ‘kin,” para siyang timang na kausap ang sarili.

Napasabunot siya sa kaniyang buhok dahil sa inis. Seryoso siya sa dalaga, unang kita niya pa lang ay alam niyang nahuli na nito ang puso niya.

Naputol ang pag-iisip niya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Nang makita kung sino ang tumatawag ay napatampal siya sa kaniyang noo.

“Shit!

“Where the hell are you, bastard? It's almost lunch, grandma is waiting!” hindi pa siya nagsasalita ay iyon na agad ang bungad sa kan'ya ng kapatid.

“I'm on my way. Do you really miss me like that much, hmmn?” pang-aasar niya sa kausap na pinalambing pa niya ang boses pagkasabi.

“Just die, f*cker!”

Humalakhak siya dahil alam niyang napipikon na naman iyon sa kan'ya. Kahit hindi na niya naabutan ang dalaga ay hindi naman ito nawawala sa isipan niya. Masiyadong maganda ang araw na ‘to para sa kan’ya.

‘’Don't worry baby, I have my ways to find you.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 105 - The Twins Real Father

    Nang makarating si Vina sa trabaho ay agad na sinalubong na siya ni Damon nang may matamis na ngiti. "Good morning, beautiful," bati nito sa kanya at h******n na siya sa noo. "Good morning, kanina ka pa?" Yumakap siya 't nakangiting bumati rin kay Damon. "Nope, karararing ko lang. Let's date later, hmmn?" "Huh? Eh, sabi mo ay ngayon ang dating ng pinsan mo na boss ko?" "Yup, that's why I'm free. Saan mo gustong pumunta?" Tinaasan niya agad ito ng kilay. Tila ba makalimot itong siya ang secretary ng pinsan niya kaya mahinang kinurot niya si Damon sa tagiliran. "Hoy! May trabaho ako kaya hindi puwede! Hindi porket fiance kita ay basta-basta ko na lang iiwan ang obligasyon ko rito? Nakakahiya sa boss ko, ngayon pa nga lang kami magkakakilala tas iiwan ko pa!" Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Damon sa narinig. "Bakit ka naman atat na makita iyong pinsan kong iyon?! 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n!" Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay tila aso 't pusa naman n

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 104 - Meet

    "Damon, wait for me at the company. Papunta na 'ko ngayon diyan. Tapos na ang kaso, nanalo ako. Sa ngayon ay pagtutuonan ko muna ang kumpanya habang hinahanap diyan sa Tarlac ang asawa ako," ani nito habang kausap ang pinsan na si Damon sa cellphone. Naro'n pa rin kasi ito sa Tarlac na pansamantalang pumalit sa kanya. "That's good to hear, dude! Congratulations. I hope anytime soon ay mahanap mo naman na ang asawa mo,", tugon naman ni Damon. Masaya siya para sa pinsan at mas lalong pa dahil hindi na siya magiging busy, mas magkakaro'n na siya ng time para sa fiance niyang si Vina. Nalalapit na rin ang kanilang kasal at tila hindi na siya makapaghintay pa! Sabik na rin siyang magka-anak, sa totoo ay nai-inggit siya sa anak ni Fern na kambal, isip nga niya napaka-ganda ng lalaking nang iwan rito. Paano umano na atim na pabayaan ang mag-iina? Napaka-walang puso! Kaya madalas din siya do'n bumisita dahil sobrang gaan ng loob niya saga kambal. Kung papayagan nga lang umano siya ni Fern

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 103 - Justice

    "Haahhhh!" Napabalikwas ng gising si Fern sa kanyang naging panaginip. Kinapa ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok no'n. "Panaginip! Panaginip lang ang lahat!" Hinihingal na sambit niya pa. Sa sobrang daming nangyari sa panaginip niya iyon ay tila ba totoo Ang pangyayaring iyon. Biglang pumasok naman si Vina sa kuwarto niya upang silipin siya. "Oh, mabuti gising ka na. Kumusta na Ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang ako, nasa'n ang kambal?" agad na hinanap niya ang mga anak. Gusto niya iyong makita at mayakap. "Naro'n kay Tita. Grabe, nabinat ka na! Sabi ko naman sa iyo ay 'wag ka Muna magpupuyat at gisingin mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Ayan tuloy at bumigay na iyang katawan mo! Hindi mo kakayanin ang kambal mag-isa girl," paninermon pa ni Vina sa kanya. Dahil sa pagpupuyat nga sa dalawang kambal Ng ilang gabi dahil nilagnat ang mga ito dahil sa vaccination nila at iyak nang iyak dahil masakit siguro ang tinusukan ng karayum. Nahihiya naman siya na gisingin si Vi

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 102

    "Uh? Ano to?" Nanigas si Fern sa kanyang kinanatayuan nang biglang suutan siya ng blindfold ni Manang Lucia pagkatapos niyang maisuot ang gown. "Hindi ko rin alam, hija, pinag-uutos lamang ni Mr. D ang lahat sa 'kin, napaka-romantic niya hindi ba?" Halata sa boses ni Manang Lucia ang excitement."Manang, baka naman ki-kidnapin n'yo ako ah!" Ayaw niya sanang kumilos pero marahan siyang hinawakan ng ginang sa magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinulak patungo kung saan sa takot na mapatapilok dahil nakasuot din siya ng 2 inch na high heels. Kasama iyon sa loob ng box, may mga accessories pa nga pero hindi naman niya kailangan iyon.Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad sumalubong sa kanya ang hangin batid niyang dinala siya sa labas ng ginang pero wala siyang naging imik. Sumunod na lamang siya dito. Nangangapa siya kaya naman hinawakan siya sa kamay ng matanda at iginaya kung saan, sobra ang kabog ng kanyang dibdib, di niya alam kung ano ba ang nangyayari."Manang, I'm

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 101

    Alas otso ng nabi nang makabalik na sila sa mansyon. Hindi nila inaasahan ang madadatnan na panauhin doon. "Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Doss kay Julia. Nasa labas ito at nag-aabang sa pagdating nila dahil hindi ito pinahintulutan ng mga tauhan niya na makapasok. "Nasaan ang fiance ko? Pakiusap, ilabas mo na siya, Doss!" nanikluhod si Julia sa harap nilang mag-asawa. Napakapit naman si Fern sa braso ng asawa. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit sa akin mo hinahanap ang lalaki mo?! matalim na saad ni Doss sa babae."Babe," mahinang bulong ni Fern. Nilingon naman siya ng lalaki. "Wag kang maniwala sa kanya, wala akong kinalaman sa kanila," paliwanag nito."Sinungaling! Damon told me everything! Pinadukot mo siya at dinala sa basement!" sigaw ni Julia habang umiiyak at matalim ang tingin sa kanila. "Huh! 'Di nga ako nagkamali, nagsabwatan pa kayong dalawa para lang masira kaming mag-asawa at ngayon pinagbibintangan mo ako na kinuha ang fiance mo?

  • Lucky Me, Instant Daddy    Chapter 100

    Ang nagdaang mga araw ay naging maayos naman sa kanilang mag-asawa, gumaling na ang mga sugat niya sa buong katawan. Inalagaan talaga siyang mabuti ni Doss. Hindi din ito umaalis ng bahay paghindi siya kasama.Tungkol naman kay Damon ay ilang buwan din itong nanatili sa ospital, napuruhan daw kasi ang mga ugat nito sa kamay. Sadly, he is not able to use his both hands forever. Wala naman daw matukoy na iba pang paraan ang mga doctor Walang pag-sa ika nga , kahit sinong doctor ang tumingin sa kanya dito sa pilipinas pero hindi sumuko ang mga magulang niya. Dinala siya sa ibang bansa at Ddoon magpapatuloy ng pagpapa-gamot.Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang ginawa ni Doss upang pagbayarin ito, kulang na kulang pa.. Pero dahil sa pakiusap at pagiging mabuting tao ni Fern ay hinayaan na lamang niya ito, wala naman na itong gagawa pa. Sana nga hindi na bumalik at muling manggulo si Damon.About a month ago, pinagtapat ni Doss ang lihim sa asawa ukol sa tita at pinsan niya. Matagal na pal

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status