Sa likod ng inakala niyang perpektong buhay ay may nakatagong, 'galit, inggit at kasakiman' na rason kung bakit siya ay naulila. At ngayon, kailangan niyang magpakasal upang ma-isalba ang kumpanya na tanging alaalang naiwan ng kaniyang mga magulang. Sa itinakdang araw ng kanilang kasal ay saka niya nalaman na ang lalaking ipinagkasundo sa kan'ya ng abuela ay ang lalaking lihim niyang minamahal. Mabubuntis si Fern ngunit hindi sa kaniyang asawa– Kun 'di sa lalaking nais na sana niyang kalimutan. Dahil do'n ay nalaman niyang pinagtataksilan siya ng asawa at kaniyang matalik na kaibigan. Zarina Fern Samañiego-Arceta, sa kaniyang pagbabalik ay siyang pagku-krus nila muli ng landas ng taong ibinaon niya sa limot. Sa kanilang muling pagtatagpo ; Asawa, kaibigan at nakaraan. Kanino ang may mas nakakagulat na rebelasyon?
View MoreHabang nakapikit si Doss ay agad namang lumabas ng banyo si Fern, nakapag-half bath na siya at nakapagpalit ng damit pang tulog. Med'yo maluwang na t-shirt ang isinuot niya dahil doon siya komportable.Nang akala nga niya ay natutulog na ito ay dahan-dahan siyang lumapit at pinagmasdan ang nakahingang lalaki.Hindi naman na niya ito ginambala pa.Kumuha na lamang siya ng ekstrang unan para sa couch matulog.Nag-aayus na siya para humiga nang magulat sa biglang pagsasalita ni Doss."At saan mo balak matulog? Bumalik ka rito," may pag-uutos na sabi nito sa kan'ya , nang lingunin niya nga ang lalaki ay nakaupo na ulit ito. Napalunok siya at para na namang may kung anong nakabara sa lalamunan niya."H-hindi, dito na lang ako," sagot naman niya sa lalaki at nagpatuloy sa paghiga patalikod sa lalaki.Pero wala pang ilang sandali ay muli siyang nagulat at muntik mapatili nang may maramdamang kung ano sa likuran niya."Are you comfortable here?" boses ni Doss ang narinig niya. Napapikit s
Hindi Maipaliwanag ang nararamdaman nila parehas. Basta nagkatitigan na lamang sila hanggang sa mapansin Fern ang mga tuyong dugo sa gilid ng labi ng lalaki, nais niya sanang haplusin iyon pero pinigilan niya ang sarili. Lumipas pa ang ilang minuto pagkatapos nilang kumalma parehas ay muli nang nagdrive si Doss pauwi.Tahimik lamang si Cassandra sa backseat.Iniisip niya Kung ano ba Yung nangyari Kanina... Parang magic na nag laho ang takot niya, at isa pa hindi na galit si Mr.Z.Mahinahon siya nitong kinausap tungkol sa pinsan nitong si Damon..Siyempre, sinabi niya rito ang nangyari at Kung paano sila nagkakilala, muntik na namang magwala si Doss, mabuti na lamang at agad din siyang kumalma."Wag na 'wag kang lalapit sa kan'ya kahit anong mangyari! Got it?" mariing sabi pa nito sa kan'ya, tumango na lamang siya upang hindi humaba pa ang usapan.Alas dies ng gabi nang sila ay makauwi sa mansyon.Nakahawak pa rin sa kan'ya ang lalaki pero hindi na siya puwersahang hinihila, sumasabay
Natilihan ang driver nang makitang madilim ang an'yo ng kan'yang amo habang kinakaladkad nito ang asawa palabas ng mansyon.Papasok na sana siya sa sasakyan para makapag-handa sakaling utusan siya nitong bilisan ang pagmamaneho.Subalit nagulat siya nang i-sakay lamang nito ang babae sa backseat. Isinara nang malakas ni Doss ang pinto at pumunta sa unahan."Bumaba ka!" asik ni Doss sa nanginginig sa takot na driver. Agad naman itong tumalima, lumabas ito ng kotse.Samantala takot na takot na nagsumiksik lamang si Fern sa loob ng nito. Hanggang sa maramdaman na lamang niya na umaandar na sila nang sobrang tulin.Nagpagewang-gewang siya sa backseat.Mabuti na lamang ay naagapan niyang humawak sa may pinto ng sasakyan at hindi siya tuluyang natilapon.Pigil hininga siya habang nakapikit, takot na takot sa maaring kahantungan niya. Parang babaliktad ang sikmura niya dahil sa sobrang bilis at walang ingat na pagpapatakbo ni Doss. Pakiramdam nga niya ay humiwalay na ang kaluluwa sa katawan
CASSANDRA POV"THAT WOMAN, SHE'S MINE!" Napaawang ang labi ni Fern dahil sa sinabi ng pinsan ni Doss. Nakaduro pa ito sa direksyon niya na lalo niyang ikinanginig.Hindi na siya makakilos, napababa na lamang siya ng tingin nan naalala ang pamimilit nitong maging nobyo niya.Ang lahat ay nagulat dahil sa biglang pag aalburoto ni Damon pero nang tingnan niya si Doss ay parang wala lang ito sa lalaki, pa tuloy pa rin 'to sa pagkain."Ano bang sinasabi mo riyan, hijo?" Kunot noong tanong ng daddy ni Doss."His wife, she belongs to me first! She is my girlfriend. He stole her from me!" walang pakundangan kong magsalita ang lalaki, tuluyan nang pinagpawisan ang mukha at palad ni Fern, nagtataka siya kung bakit tila ba parang walang naririnig si Doss. Pailing-iling lamang ito pero dama niya na may hindi na naman magandang mangyayari sa kan'ya pagbalik niya sa bahay nito."Is that true, Doss?" hindi makapaniwalang tanong naman matandang lalaki. Umangat naman ang tingin ni Dos sa ama."Can you
DAMON'S POV"Oh andyan na pala ang pinsan n'yo!" malakas at nagagalak sa sabi ni Uncle. Napaangat ako ng tingin sabay lingon sa may bandang bukana ng dining area.I spotted two person coming inside.Unang kong tiningnan ay ang walang ekspresyon na pinsan kong si Doss pero nang mabaling naman ang mata ko sa kasama niya ay doon na ako napamulagat.'Dont tell me, She is his wife?' habang palapit sila nang palapit ay doon ko na patunayan na hindi ako namamalikmata si Fern nga ang nakikita ko, na hawak-hawak ni Doss sa baiwang habang naglalakad.Napakuyom ang aking mga kamao na nakapatong sa ibabaw ng lames. 'That should be me!' sigaw ko sa isip habang matiim ang pagkakatingin sa dalawa. Samantala; agad namang tinakasan ng kulay sa mukha si Fern nang may makitang pamilyar na mukha, isa iyon sa mga lalaking nakaupo sa may dining area. Hindi ba 't ito umano iyong lalaki sa Cafe na pinagtrabahuhan niya? He k*lled that poor guy.muli ay bumalik sa alaala ni Fern ang mga tagpong iyo na isa s
Habang pinagmamasdan ni Fern ang kabuuan sa mahabang salamin ay napapitlag siya nang biglang magbukas ang pinto, napaharap siya agad nang makita sa repleksyon ang pagpasok ng nakakunot:noong si Doss. Napalunok siya ng sariling laway nang mag tama ang kanilang mga mata.Tumahip nang mabilis ang kan'yang dibdib nang humakbang palapit sa kanya ang lalaki na blanko ang ekspresyo. Siya naman ay parang na-tuod na ni hindi nga niya kayang kumilos dahil sa kaba."That suits you, just look at the mirror..." Hindi siya nakahulma nang hawakan siya nito sa magkabilang balikat at dahan-dahang pinihit paharap muli sa salamin.Hindi siya nagsalita, She feels his grip tight on her shoulder. Sa salamin ay hindi niya mai-fucos ang mga mata sa kaniyang sarili.Napako iyon kay Doss na siyang nakatingin lang din sa kaniya.'Kumalma ka Fern!' Pang-aalo ng kaniyang isip ukol sa puso niyang nagwawala, nais na yatang lumabas no'n sa kan'yang dibdib."You look so beautiful, my wife..." Nanayo pa nga ang mga ba
Kasalukuyang nasa meeting si Doss, alas dos ng hapon naman busy siya sa pakikipag-usap sa mga Stock holders."Well, I'm excited to see how our new product will be blown soon. Allright, let's end this meeting right here," seryoso ang mukha na saad ni Doss. Isinara niya ang laptop sabay baling ng tingin sa mga hindi pa rin nagsisi kilos na board members."Makakaalis na kayo," muling sambit nito ay saka pa lamang nagkulasan sa upuan ang mga ito at halos mag-unaha na sa pinto palabas kahit wala naman siyang ginagawa. Iba kasi talaga ang dating kapag tumingin siya. He has those kinds of pairs of fierce eyes that can be tamed.Nang wala ng tao sa conference room ay napasandal si Doss sa kan'yang swevil chair. Niluwagan niya rin ang suot na neck tie. He feels so exhausted. Pakiramdam niya may isang tao siyang nais makita. Bigla namang sumulpot sa balintataw niya ang inosenteng mukha ni Fern, agad siyang napailing at napaayos ng upo.'Why am I even thinking about that woman?' tanong niya sa
Pagkatapos kumain ay pinabalik na ni Doss si Fern sa silid nito. Agad naman na tumalima ang dalaga upang maiwasan ang masaktan o masigawan ng lalaki. Tahimik siyang humiga sa kama. Nais niya sanang sa couch na lamang matulog kaya nga lang, nang mapadako ang tingin niya sa lalaki ay nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kan'yang ginagawa. Kukuha lang sana siya ng isang unan pero agad niya itong ibinalik dahil nga sa nakakatakot na tingin ng lalaki. "A-ah. Matutulog na ako," mahinang paalam niya rito, hindi ito kumibo, seryoso lamang itong nakatingin sa kan'ya pero 'di rin nagtagal ay lumapit ito at umakyat na rin sa kama na ikinagulat ni Fern."T-teka. Dito ka rin ba matutulog?" Akmang tatayo na ulit siya nang bigla pigilan siya ni Doss."Just stay still. Don't worry, wala akong balak galawin ka," pasupladong saad nito sabay higa sa tabi niya. Napahiga na ulit si Fern pero ang kabog ng dibdib niya dahil sa nerbyos ay hindi maikalma.Tumalikod na lamang si
Malakas na kinalampag ni Doss ang pinto ng banyo dahil hindi iyon binubuksan ng asawa.."Open this godd*anm door, Fern!" sigaw niya habang pinipihit seradura at sabay na hinahampas ang pinto.Wala pa rin siyang nakuhang sagot sa loob. Idikit na nga niya ang tainga sa pinto, wala naman siyang narinig na paglagaslas ng tubig para masabing may naliligo sa shower room. Malapit na naman siyang maubusan ng pasensya."I said open this door. Woman!" sigaw niya. Nang wala pa rin ay mabilis siyang pumunta malapit sa drawer na lagayan niya ng duplicate keys at kinuha ang susi ng banyo. Nanggagalaiti niyang sinusian ang pinto, handa na siyang komprontahin si Fern nang bigla siyang matigilan. He was stunned for a moment seeing her wife curling covering her ears, her eyes are filled with tears.Tumingin si Fern kay Doss nang may pagmamakaawa ang mga mata. That moment, Doss saw himself in her. He just walked fast towards her and hugged he wife o tight."It's okay, It's okay. Calm down..." wala sa s
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments