JACOB SAMANIEGO DOCTOLERO
Iyon ang pangalan na nakalagay.
Napatayo ako bigla.
"Callie, where are you going?" takang tanong ni Mamshie pero hindi na niya ko napigilang lapitan ang table nina Jacob.
"Excuse me, gentlemen." tawag pansin ko sa kanila.
"Hija! Callie!" lumiwanag ang mukhang tawag sa akin ng tatay ni Carter nang makilala ako.
"Kamusta po?" nakangiting bati ko pero napansin ko ang gulat na mga mata ni Jacob nang mapalingon siya sa akin.
&n
CARTER’S POV Hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko. Hindi maalis sa isip ko si Callie. Nakatitig lang ako sa laptop ko, pero hindi naman umuusad ang ginagawa ko. Nakaamin na ako sa nararamdaman ko, dahil inakala kong gagaan ang loob ko kapag ginawa ko iyon, pero mas lalo lang bumigat. Napahilamos ako sa mukha. Hindi ko na alam ang gagawin. I love my child. Pero kung susundin ko naman ang nararamdaman ko, wala rin namang mangyayari. Tinanggihan na niya ko. Hindi niya kayang saktan si Hailey at si Harlie. For the past three months hindi siya nawala sa isip ko. I love he
"May mga bagay na hindi natin kontralado kaya may mga nangyayaring hindi planado..." Napailing ako nang maalala kong sinabi ko iyon dati kay Carter. Kaya nga siguro, sa ganito ang ending ng storyang nasimulan namin kahit hindi sinasadya. Napangiti ako habang naglalakad papasok sa simbahan, kung saan magaganap ang isang engrandeng kasalan... Halos may isang oras pa bago magsimula iyon. Inihakdaw ko ang paa ko papasok. Unti-unti palang nagdadatingan ang mga bisita. Humalimuyak kaagad ang bango ng mga bulaklak na nakapaligid sa simbahan. Naglakad ako sa aisle na nalalatagan ng pulang alpombra.
Epilogue Wakas... Kakatype ko lang ng word na wakas nang may humablot sa laptop ko. Napalingon tuloy ako. Si Carter pala. "Kagulat ka naman!" "Sorry. Just want to check kung okay itong magiging second novel mo," nakangiting aniya at umupo sa damuhan sa tabi ko. Seryoso niyang binabasa ang ending ng manuscript ko na nilagyan ko ng title na 'Lucky Me, Instant Mommy?' Napasinghot ako ng hangin at napatingin sa lapidang nasa harap ko. May sumilay na malungkot na ngiti sa labi ko nang makita ko ang pangalang nakaukit doon. Hindi ko akalain nasa ganito lang ang kahihinatnan niya. Napakabata pa niya. Hindi man lang niya naranasan mabuhay ng matagal sa mundo. "Seryoso? Ito talaga gusto mong maging ending natin?" tanong ni Carter kaya nilingon ko siya. Seryoso ang mukha niyang nakatitig sa monitor. "Tapos bakit iminatch mo pa si Jacob kay Carla?" follow up question niya.
Callie’s POV"Ang tanga-tanga mo naman, Hailey! Bakit ka nagpabuntis? Sa ating dalawa ikaw pa nga itong mahinhin. Di makabasag pinggan. Ikaw ‘yong dalagang Filipina, yeah!" hindi napigilan ang galit na sita ko sa kakambal ko. Ilang araw ko na kasing napapansin na panay ang pagduduwal niya tuwing umaga habang nag-aalmusal kami. Naghinala na ko kaya kinumpronta ko na kaagad siya at umamin naman siya. Hindi siya sumagot. Sa halip ay yumuko siya mula sa pagkakaupo habang nangingilid ang luha. "S-Sorry…" humihikbing sabi nito pagkalipas ng ilang saglit. "Sorry? Halos magkandakuba-kuba na nga ako kakatrabaho para mapag-aral, may ipambili ka ng gamot at may makain tayo tapo
Carter’s POV"Sir Carter, okay na raw po ‘yong venue na gagamitin bukas para sa event," agaw ng assistant ko sa atensiyon ko, kaya pansamantala akong napatigil sa pagtatype sa computer ko. "Sige, thanks for the info Myra. Pakisabihan lahat ng contract authors natin na dapat mas maaga sila. Lahat ng marshals alerto, para hindi magkagulo ang mga pupunta." "Noted po." Napangiti ako. Sigurado akong kung nabubuhay lang ang yumao kong ina, matutuwa siya. Dahil napalago ko ng husto ang naiwan niyang negosiyo sa akin."Eh, Sir-"Napatigil ito nang tumunog ang telephone ko sa lamesa. Sumenyas ako saglit sa kanya."Yes?" bungad ko."Sir Carter, may babae pong naghahanap dito sa inyo sa ibaba," sabi ni Doris. Isa
Callie’s POV DNA. DNA daw. Eh, kung dinadagukan ko siya? Panay ang sipa ko sa maliliit na batong nadadaanan ko habang pauwi sa maliit na apartment na tinitirhan namin ng kambal kong si Hailey. Inis na inis talaga ako sa Carter the carpenter na iyon! Apakahambog! Apakayabang! Apakapogi… Yaks! Ano ba naman iyong huling naisip ko? Hindi totoo iyon. Pero siyempre totoo talaga iyon. Gwapo nga siya. Chinito ang loko. Matangos ang ilong. Makinis na makinis din ang mukha. Walang open pores. Matangkad din ito…parang close to perfect. Brrr. Hindi ko dapat siya pinupuri. "Cal, ba’t ngayon ka lang? OT?" salubong sa akin ni Hailey nang makapasok ako sa loob ng apartment. "Ah, eh&
Callie’s POV"Yaks. Kadiri itong mga babaitang ito!" dinig kong reklamo ng baklang kaworkmate at best friend ko habang nakatingin sa cellphone niya. Coffee break namin kaya nasa kantina kami ng kumpanyang pinapasukan ko at kumakain ng snacks."Ano na naman ‘yan Renato?" puna ko at nakisilip sa touch screen phone niya. Nanonood na naman ito ng mga nagtitiktok tapos mahahighblood."Makarenato ‘to! Irene!" imbiyernang sabi niya sa akin na may kasama pang pagtulak sa balikat ko. Sopistikadang bading ito. Makinis at maputi. Alagang kojic."Matapon ‘tong kape ko!" hampas ko sa kanya."Tingnan mo kasi, ang lalaswa nila. Eww lang!" tumirik pa ang mga matang sabi nito."Kadiri? Eh, parehas lang naman kayo, oh. Tumitirik din mga mata nila.""Heh! May bagong challenge na naman kasing uso. Iyong banyo queen ni Andrew E. Tas patitirikin ng mga babaitang ‘to mga mata nila na akala mo ba inaano!""Sira ka talaga.
Callie’s POV"Shortness of breath. Feeling faint, chest pain. Mukhang hindi nagiging maganda ang lagay mo Miss Calingasan. Tatapatin ko na kayo, there is a high risk of death during pregnancy and child birth for your condition. If you are decided na ituloy ang pagbubuntis mo, I’ll be honest with you, there’s only 50 percent chance that you can survive," seryosong sabi ng doktorang tumitingin kay Hailey. Parang kulog sa pandinig ko ang sinabi ng doctor. Nilukob ng kilabot ang buong katawan ko. Halos tulala naman si Hailey at hindi makapagsalita. "Doc…sinasabi niyo po ba na possible na iterminate ang pregnancy para mabuhay ang kapatid ko?" nakuha kong itanong matapos makabawi sa pagkabigla. Napabuntong-hininga naman ang doktora.&