MasukKahit na gusto ko siyang habulin ng lumabas siya sa opisina ko mabilis na siyang nakalabas."Anong balita?" tanong ko sa assistant ko na may dalang envelope."Galing ito sa DL Consumers Goods, Mr. Gray."Pagkabanggit pa lang ng pangalan ng kompanya ay alam ko ng ibinalik lang ni Kuya Eduardo ang offer ko sa kanilang investment just to help them a little sa palubog nilang mga negosyo.Bumaba ang mga trades ng mga goods nila kay malaki ang naging lugi nila at marami na ring nagsarang branch sa mga negosyo nila.Alam ko na hindi pa rin humuhupa ang galit nila sa ginawa ko sa anak nila kaya ayaw nilang tumanggap ng tulong galling sa akin."Just put it that in my table." utos ko dito saka ko ito nilagpasan at lumabas ng opisina.Hindi ko na kailangan na tignan iyon.Kailangan kong makausap si Ivana. Pag usapan ng maayos ang tungkol sa aming dalawa. Kung hindi babalik ang kanyang alaala ay sisiguraduhin kong papaibigin ko siya sa akin para hindi na siya lumayo pa.Paglabas ko ng opisina ko
Hindi na ako nanatili sa kompanya ni Mr. Gray.Matapos akong lumabas sa opisina nito ay deretso na akong lumabas sa kompanya.Uwian na rin naman. Kailangan ko pang pumunta sa Go Group dahil susunduin daw ako ni papa ngayon.Labing limang minuto din ang layo ng Go Group sa kompanya ni Mr. Gray kung lalakarin.Kaya bago pa dumating si papa na sunduin ako ay kailangan kong makapabilik sa GO Group kong saan niya ako kanina inihatid sa pag aakalang doon nga ako nagtatrabaho.Habang naglalakad ako ay may grupo ng mga empleyadong ang makakasalubong ko. Iiwas sana ako dahil makitid lang ang walkway ngunit binangga na ako ng isa na parang kanila ang daan."Ano ba?" galit na pagsita ko."What? Kung ayaw mong mabanggan, gumilid ka." may pagkairita naming sabi ng isa.Balak ko pa sanang sagutin ito ngunit tila namumukhaan ko ito. Inaalala kung saan ko ito nakita.Napatitig din ito sa akin. Halatang nagulat ng makilala niya ako kaya hindi ako pwedeng magkamali na kilala ako ng babaeng nakabangga s
Nakatitig siya sa akin.Nakayuko naman akong nakatayo sa harap ng kanyang working table."Hindi ako nagkamali, bagay na bagay sayo ang mga damit na binili ko noon," narinig kong sabi niya kaya napaangat ang tingin ko sa kanya.Matapos ang kaguluhan kanina dahil sa pagwawala ni Manager Lacson ay hinila niya ako pabalik ng kanyang opisina.Inalok niya akong maupo pero parang mas marerelax ako kapag nakatayo ako."Ang mga damit na iyon, s-sa cabinet mo. H-hiniram ko, hindi naman siguro magagalit ang girlfriend mo, mr. Gray?" sabi ko kahit na malinaw naman sa pandinig ko na binili niya iyon noon.Para kanino? Para ba sa akin noon?Gusto ko lang marinig iyon mismo sa bibig niya na para sa akin nga ang mga damit na iyon. At kapag sinabi niyang para sa akin nga iyon ay bubuksan ko ang paksa tungkol kay Vladimir at kung paano nangyari iyon."Ehem!" napatikhim ko sa naisip. Kailangan pa bang sagutin kung paano nangyari iyon, syempre may nangyari sa amin kaya nabuo si Vladimir."Why? Inuubo ka
Parehong kama, parehong silid.Iyon ang namulatan ko ng magising ako."Hindi ba't nasa loob ako ng CR kanina?" tanong ko pa.Ngunit hindi na iyon ang nakatawag ng pansin ko. Hinawakan ko ang kumot at sumilip sa ilalim.Nanlaki ang mga mata ko ng makitang tanging manipis na puting lingerie ang suot ko.Muli kong itinakip ang puting kumot sa katawan ko.Did Mr. Gray change my clothes?Sa naisip ko ay naramdaman ko ang pag iinit ng mukha ko. Mabilis akong umalis sa ibabaw ng kama. Hinanap ko ang damit ko kanina ngunit hindi ko makita.Hindi naman ako pwedeng lumabas ng ganito lang ang damit ko. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumingin sa cabinet ng pwedeng maisuot.Pagbukas ko ng cabinet ay doon ko nakita na hindi lang damit ni Mr. Gray ang nandoon. Mayroon ding magagandang damit ng pangbabae.Napaatras ako. Nabitawan ko ang pinto ng cabinet at napaatras palayo doon.May kasintahan si Mr. Gray. At siguradong damit ng kasintahan nito ang mga nakasabit sa cabinet katabi ng mga damit niya.
Hindi ko makita si Ivana sa kanyang lamesa.Kunot ang noo ko na iginala pa ang mata ko para hanapin siya ngunit hindi ko siya makita sa kahit saang bahagi ng kompanya."Did you see, Ms.Edison?" tanong ko sa isa sa empleyado."Hindi ko pa nakita, mr. Gray." maayos nitong sagot kasabay ng pag iling.Kahit na ilang beses akong nagtanong isa sa kanila ay walang nakasagot ng tanong ko kung nasaan nga si Ivana.Dahil wala akong matinong makuhang sagot mula sa kanila ay minabuti ko na lang na tignan iyon sa CCTV.At ang kuha sa cctv ay ang huling kuha doon sa kanya ay ang pagpasok nito sa pasilyo sa CR at hindi na lumabas pa kahit na may ilang mga empleyado ring lumalabas doon hanggang sa wala ng nagpunta doon.Kunot ang noo ko na nakaramdam ng hindi na maganda.Nagmamadali akong pumunta ng CR at doon ko nakitang nakakandado ang pinto doon."Who the hell lock this damn door?" dumagundong sa halos buong gusali na ang boses ko sa lakas ng tanong ko.Agad na kinuha ng assistant ko ang duplicate
"Sandali..."Napasinghap ako. Naitulak ko siya ng malakas.Hindi makatarungan ang alaalang bumalik sa memorya ko.Magkakasunod ang naging paglunok ko. Hinihingal na parang hinahabol ko ang paghinga ko."Why?" tanong niya.Nagtataka sa naging pagtulak ko sa kanya sa kabila ng pagtugon ko sa mga halik niya."This is not good," sabi ko. At bago pa niya ako mapigilan ay mabilis akong lumabas ng silid na iyon.Paglabas ko ng pinto ay bumungad pa sa akin ang maaliwalas na ayos ng buong bahay.Saang lupalop ng mundo ako naroon.Hinanap ko ang main door.Paglabas ko ay bumungad sa akin ang pinto ng elevator.Iginala ko pa ang paningin ko para lang makita kung mayroon bang hagdan ngunit wala na akong nakita.Sumakay ng elevator. Dalawa lang ang button ng nasabing elevator. Up and down lang ang sign ang pwedeng pindutin maliban sa emergency button. Kaya ang down button ang pinindot ko.Nang tumigil iyon agad akong lumabas. Paglabas ko ng elevator ay nabungaran ko ang opisina mismo ni Mr. Gray.







