Share

#92:

Author: YuChenXi
last update Last Updated: 2025-12-23 08:02:02

"Wala naman siyang ginawa kundi ang manatili sa opisina ni Mr. Gray? Anong klaseng intern yan kung hindi naman alam ang trabaho?"

Narinig kong sabi ng ilan sa mga kasama kong intern na isang linggo pa lang ng makuha sila.

"Sinabi mo pa. Alam mo ba na may narinig ako. Parausan lang daw siya ni Mr. Gray."

"Ah kaya pala, siguro kaya siya nakuha bilang intern ay dahil sa ikinakama siya ni Mr. Gray."

Kuyom ang kamao kong napatayo sa harap ng lamesa ko. May kinuha sa drawer ng lamesa ko at sa bag ko saka dinala sa umpukan na iyon ng mga tsismosa.

"Hindi ko alam kong paano din kayo nakuha dito kung ang alam niyo lang namang gawin sa maghapon ay ang magtsismisan." naiinis na sabi ko sa kanila.

Marahas na inilapag doon ang mga nagawa ko na sa loob lang ng isang linggo. Ipinakita sa kanila.

"Iyan ang mga nagawa ko na sa isang buong linggo ng nagsimula na kayong pumasok. Kayo? Anong nagawa na ninyo? Magbilang ng letra sa mga papel na pinapa ayos sa inyo ng manager? Huh! Kung makapagsalita kayo a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
jane
more updates po...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Lust For Me, Uncle Janus   #104:

    Bakit kailangan kong malaman na ang ama na aking kinagisnan ay hindi ko tunay na ama para lang malinis ang relasyon namin ni tito Janus.Ang bigat ng pakiramdam ko sa nalaman kong katotohanan."It's okay, Ivana." yakap ako ni tito Janus. "I'm here,""Gaano katotoo ang sinasabi mo, mr. Edison? Baka sinasabi mo lang iyan para hindi mabatikos ang naging gulo ng pakikipagrelasyon ng anak mo sa bayaw mo?" patuloy pa rin sa tanong ang mga bisita. Hindi sila tumigil, gusto nilang usisahin ang lahat sa pamilya namin."Inimbitahan namin kayo dito para magsaya, hindi usisahin ang mga buhay namin." galit na sumbat na ni tito Janus. "Sabihin niyo sa akin? Kayo ba ang nagpapalamon sa amin para usisahin ang mga buhay namin? Sige, hahayaan namin kayong magtanong, ibaba ang pamilya namin. Siguraduhin niyo lang na may naipundar kayo sa amin dahil kung wala ay asahan niyo na babagsak ang ikinakabuhay ng bawat pamilya ng sinuman ang narito ngayon na patuloy sa pag uusisa sa amin." malalim, nagbabanta.S

  • Lust For Me, Uncle Janus   #103:

    "Kagwapong bata," iyon ang halos naririnig na sinasabi ng mga bisita.Kaarawan ni Vladimir ngayon, at dumalo ang ilan sa kakilala ni papa.At ang ipinagtataka ko ay dumating ang matandang lalaki na nakilala namin ni tito Janus nung nakaraang araw.Si Mr. Clark Quinn."Pa, siya ang sinasabi namin ni tito Janus na nakilala namin nung nakaraang araw, bakit siya nandito?" tanong ko kay papa na nasa tabi lang niya, habang karga naman ni tito Janus si Vladimir."Inimbitahan ko siya na dumalo sa kaarawan ng apo niya," sagot naman ni papa.Sa una ay hindi ko pinansin ang sinabi ni papa na 'apo niya'. Ngunit muli akong napatingin kay papa."Sino ang ang apo niya? Si Vlad lang naman ang may kaarawan ngayon."Tinapik lang ni papa ang balikat ko at hindi na sinagot ang tanong ko. Kaya tumingin ako kay tito Janus na napasulyap na rin sa akin."Ano ang ibig ni papa, tito Janus? Alam mo ba?" tanong ko naman sa kanya.Hindi rin siya sumagot ngunit naramdaman ko ang paghawak niya sa palad ko.Mabilis

  • Lust For Me, Uncle Janus   #102:

    Nanginginig ang kamay kong nakahawak sa armrest ng wheelchair ko habang nakatingin sa puntod sa harap ko. Matapos kong maipaliwanag kay Eduardo ang lahat tungkol sa kung bakit hindi agad ako nagpakita kay Eliana at sinabi nitong dadalhin niya ako kay Eliana. Nagtataka ako kung bakit ganun kadali dito na iharap sa akin si Eliana, hindi ba ito nag aalala na baka may magbago sa relasyon nila? Ngunit hindi na iyon ang nasa isip ko kanina. Masaya na ako habang nasa daan kami para puntahan nga si Eliana. Makikita ko na siya, makakausap ng maayos at makakahingi na ako ng tawad sa kanya ngunit ganun na lang ang pagbagsa ng pag asa kong makita si Eliana ng tumigil kami sa isang pribadong sementeryo. Ayaw kong mag isip ng negatibo kung bakit doon ako dinala ni Eduardo, ngunit ng pumasok na kami dito sa loob ng sementeryo at tumigil sa tapat ng isang puntod ay tuluyan ng bumagsak ang langit sa akin. Ang bigat ng pakiramdam ko na makita ang isang puntod na nakadikit sa lapida ang larawan ni E

  • Lust For Me, Uncle Janus   Note:

    CURRENT AGES OF MY CHARACTER: JANUS GRAY: 33 YEARS OLD IVANA EDISON: 21 YEARS OLD EDUARDO EDISON: 49 YEARS OLD HANNAH GRAY: 41 YEARS OLD ELIANA WHITE: 39 YEARS OLD (DECEASED) CLARK QUINN: 53 YEARS OLD ENID: 1O YEARS OLD VLADIMIR: 2 YEARS OLD ...... 28 Si Eduardo ng makilala si Eliana na 18 years old lang. Habang 32 na noon si Clark Gray. At 38 na noon si Eduardo ng makilala si Hannah na 30 years old. 22 lang din noon si Janus noong magpakasal sina Eduardo at Hannah. At sampung taon lang noon si Ivana. Sana malinaw na po ang edad ng ating mga character. Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa at tumatangkilik sa story ko. "Lust for Me, Uncle Janus" ay patuloy lang na umaasa sa inyong pagsuporta.

  • Lust For Me, Uncle Janus   #101:

    "Anong maipaglilingkod ko sayo, Mr. Edison?" tanong sa akin ng lalaking matagal ko ng gustong makita simula ng makilala ko si Eliana. Nangalap ako ng impormasyon tungkol dito. At napag alaman ko na labing apat ang agwat ng edad nito kay Eliana. Tatlumpu't dalawa na ito ng makilala si Eliana. At ang lalaking nasa harap ako ang sumira at nagkait kay Eliana ng kabataan nito. "Naikwento sa akin ng aking anak na pinagkamalan mo siyang ibang tao." Napatitig na ito sa akin sa sinabi ko. Wala akong balak paikutin pa ang usapan namin. Kung ang sadya ko ay ang makilala ito ng tuluyan. At malaman ang dahilan nito kung bakit niya iniwan si Eliana noon. At pinangakuan na babalikan pero hindi naman bumalik. Namatay na si Eliana ngunit hindi pa rin ito nagpakita. "Kung ganun ikaw ang asawa ni Eliana?" tanong nito sa akin. "Pasensya ka na, Mr. Edison, wala akong balak manggulo sa paghahanap ko sa kanya. Gusto ko lang naman siyang makita at maipaliwanag kung bakit hindi ko siya noon nabalikan. Nasa

  • Lust For Me, Uncle Janus   #100:

    "No!"Napalingon ako at agad na lumapit sa kanya ng marinig ko ang kanyang pagsigaw.Agad ko siyang dinaluhan. Ikinulong sa mga bisig ko, ginigising siya at pinapakalma."Ms. wake up. Binabangungot ka." malumanay na sabi ko sa kanya na may kasamang pagyugyog sa balikat niya."No! Huwag niyo akong hawakan. Huwag niyo akong hawakan." ngunit patuloy lang siya sa pagpupumiglas kaya lalo ko siyang ikinulong sa mga bisig ko."Shh, it's me. You are safe with me. Huwag kang matakot." pagpapakalma ko sa kanya na sinabayan na ng paghugod sa likod niya para mapakalma siya.Sa paghugod ko sa kanyang likod ay unti unit naman siyang tumigil sa pagpupumiglas hanggang sa naging payapa na siya sa pagtulog.Nang mapakalma ko siya ay muli ko siyang pinahiga, ngunit bago ko pa man siya mabitawan ay nagising na siya ng tuluyan.Napabalikwas pa siya ulit ng bangon at mabilis na umusad palayo sa akin."Huwag mo akong sasaktan, nakikiusap ako." nanginginig ang boses niyang nakikiusap sa akin na hinila pa ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status