Home / Romance / Lust at First Sight / Chapter 3: What was that?

Share

Chapter 3: What was that?

Author: Nhitchie
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-29 17:30:48

3: What was that? 

Danielle Andrea Lorenzo's POV

"Someone needs to take the fall, so we don't have to call you or your guardian to the Office of Student Conduct." 

Para akong nabibingi habang nagsasalita si Mrs. Quampao. Naiintindihan ko ang mga salita niya pero syaw nitong magproseso sa buong sistema ko. Ang tanging alam ko lang ay nakarating sa kanila ang nangyaring gulo kaninang madaling araw sa bar, at nalaman nilang kami ni Astra ang involved doon. Anak daw ng may-ari ng kabilang University ang nakainitan ni Astra. Nakarating daw sa may-ari ng school namin ang nangyari which is ang ama rin nina Astra at Luxipher. Ayaw ni Mr. De Silva na magkaroon ng ganoong record ang anak niya, it's a bad publicity for them, kaya ayaw niyang paabutin iyon sa Student of Conduct office nang sa ganoon ay hindi na kumalat. Pero para ma-satisfy ang kung sino mang nag-report sa kanila niyon ay gusto nilang may umako na ng kasalanan at tanggapin na kaagad ang punishment. 

"Miss Lorenzo?" 

Napakurap ako nang tinawag ni Mrs. Quampao ang pangalan ko. Saka lang ako natauhan at napabaling sa kaniya. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair habang nasa harap ako ng desk niya. 

"Ma'am, ang unfair naman po yata sa part ko. Ako lang po ang mapaparusahan, e nadamay lang naman po ako? It is unfair din po na kami kaagad ni Astra ang lumabas na may kasalanan, e, hindi naman po kami ang nag-umpisa. Ang lamang lang naman po nila ay hindi kami nagsumbong." 

She inhaled as she look straight to me. "I'll be honest with you, Danielle." Napalunok ako nang tinawag niya na ako sa first name ko, pakiramdam ko ay dapat kong matakot. "Both sides are the sons of the owner of both universities. Kahit na makarating ito sa Student of Conduct Office at maimbestigahan, parehong sisiguruhin ng mga magulang nina Astra na hindi madudumihan ang image nila. Ikaw at ang iba pang involved dito ang madidiin. Kaya mas okay na ito, na alam nilang may nananagot nang hindi kumakalat ang scandal." Sumandal siya sa backrest ng swivel chair niya. "Pag-isipan mo." 

Nang hinayaan na ako ni Mrs. Quampao na lumabas ng opisina niya upang makapag-isip ay sinalubong kaagad ako ni Phia. Una kong ipinaliwanag sa kanya ang nangyari kagabi at ang offer sa akin ni Mrs. Quampao. 

"Tanggapin ko kaya?" 

Nasa courtyard na kami. Bukod sa library ay ito ang isa pa naming madalas tambayan, sa ilalim ng mataas na puno sa gitna ng courtyard. Masarap tumambay dito dahil bukod sa tahimik ay masarap din ang simoy ng hangin. Ayaw lang naming tumatambay rito kapag tirik ang araw. Ngayon ay medyo makulimlim ang kalangitan kaya kami nandito ngayon kahit na tanghaling tapat na usually ay tirik ang araw. Malawak din dito kaya kahit hindi lang kami ang tao rito ay ayos lang. 

Marahas niya akong binalingan. "Gaga ka ba? Masususpinde ka nang walang laban, okay lang sa 'yo?" 

Nagkibit-balikat ako habang pumuputol sa choco pao na kinakain ko. "At least hindi malalaman ng lolo ko, kapag nalaman niya ay graduate na ako for sure. Iga-grounded nya ako panigurado kapag nakarating ito sa kaniya. Kinuha na nga niya lahat ng access ko sa bank account ko, baka bawasan pa niya ang allowance ko." 

Wala rin naman kasi talaga akong pakialam sa mga records or image na iyan. I mean, who cares? Kahit naman anong tingin sa akin ng ibang tao ay hindi naman sila ang bumubuhay sa akin. But my lolo does! Dahil lang naman sa kaniya kaya sinusubukan kong magpakatino sa pag-aaral ko. Ang pangako kasi niya sa akin ay kapag naka-graduate na ako ay ibibigay niya na sa akin ang kalayaan ko, pati ang mga mana ko galing sa kaniya at ang mga luho ng mga magulang ko sa akin. 

"How sure are you that Lolo Dan will never find out?" 

Umiling ako at sumubo ng kinakain ko. Habang sya ay tila nawala ang gutom na para bang sya ang mapaparusahan kaya mas stress pa siya sa akin. 

"Bahala na! Kunwari pumapasok ako kahit na hindi. Ang malas ko naman kung accidentally kaming magkikita, 'di ba?" 

Umirap siya. "Hindi pa rin tama, e! Nasaan na ba kasi iyang Astra na 'yan? Siya dapat ang nandito e. He have to man up and confess to everyone na siya naman talaga ang puno't dulo ng gulo, nadamay ka lang. At sabihin niya sa tatay niyang 'wag makialam." Tumayo na siya mula sa bricks na inuupuan namin. Kulang na lang ay magpaikot-ikot siya roon. 

Naalala ko ang sinabi ni Luxipher kanina. "Nawawala raw, e." 

Huminto siya sa kilos niya at tumingin sa akin nang nakataas ang kilay. "Nawawala o nagtatago?" Muli siyang umirap. "Anyway, humingi ka kaya ng tulong kay Luxipher? 'Di ba sabi niya sa iyo kanina, hanapin mo lang siya kung kailangan mo at tutulungan ka niya?" 

Bumagal ang pagnguya ko nang tila umulit sa utak ko ang mga sinabi ni Luxipher kanina. Yes it made me feel safe somehow, pero paano kung sinabi niya lang iyon out of concern because he was there? Because why would he help me, e, wala nga akong natulong nang hinahanap niya sa akin si Astra. Ano niya ba ako para tulungan niya? 

Umiling ako. "No need. Kung ipapangako sa akin ni Mrs. Quampao na hindi na 'to makakarating sa guardian ko, then go ahead. Suspend me if they want. At least makakagala ako." 

Laglag ang pangang pinagmasdan niya ako. Hindi siya makapaniwalang ganoon lang sa akin iyon. Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko. 

"Hindi pwede-" 

"Sophia, totoo naman 'yong sinabi ni Mrs. Quampao kanina, e. Gagawin ng magulang nila ang lahat wag lang magkaroon ng bad publicity sa pangalan nila, maprotektahan lang ang mga anak nila. Pero ako, wala akong magulang na dedepensa sa akin. Nandoon sila sa ibang pamilya nila, sa sari-sarili nilang buhay nagpapakasasa. At sinong mamomroblema, yung lolo kong matanda na? Mas okay na 'to, kaysa harapin ko ang lahat ng mga tanong nila, harapin ko ang imbestigasyon nila nang mag-isa. Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa akin, suspend nila ko o ano, wala akong pake. Pero humarap sa ganoong sitwasyon nang mag-isa? Ayoko, iyon ang ayoko. ."

Napahikbi ako at napayuko. Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Ito ang kanina pa laman ng didbdib ko, ang sikip-sikip nito at kanina pa gustong sumabog. However, I was never used to sharing my feelings with anyone, not even my best friend. Ang totoo ay hindi wala lang sa akin itong lahat. Ayokong akuin at maparusahan sa kasalanang hindi ko naman ginawa. However, it seems that people used to leave me hanging, which made it easier for me to accept my situation. 

"Danielle..." 

Halos matigilan ako sa pag-iyak ko nang may tumawag sa pangalan ko. Nang nag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Luxipher na papalapit sa akin. May kung ano sa mukha niyang hindi ko maintindihan kung naaawa ba siya sa akin o ano. Sa gulat ko ay hindi ako nakagalaw, kahit ang punasan ang mga luha ko ay hindi ko magawa. Sinundan ko lang siya ng tingin nang nasa harapan ko na siya hanggang sa bahagya siyang naupo para pumantay sa akin. Kinuha niya ang mga kamay ko at pinisil iyon. Nalilito lang akong nakatingin sa kaniya. 

"You're not alone on this. I'm here with you." 

Nagsalubong na ang mga kilay ko. Malalim at diretso ang mga tingin niya sa akin, nakakahulog. Pero mas lamang sa akin ang pagkalito. Ibinubuka ko pa lang ang mga labi ko para magtanong kung bakit ganito ang mga kilos niya, ngunit naunahan niya na ako. He held me on my cheeks and kissed me on my lips. Sa halip na itulak o umiwas ay napapikit lang ako. It wasn't my first kiss, but for a moment it felt like it is, I forgot how to respond, it's like I don't know how. Not until I felt his fingers between mine, he intertwined our fingers, like as if he's asking me for a good respond, so I did. For a moment, I found myself responding with his kisses, feeling his soft lips on mine. 

It felt like forever until he pulled away from my kisses. When I opened my eyes, I found him looking straight in my eyes. 

"I'll talk to my dad." Tumango siya sa akin, assuring me. Nalilito man pero tumango na lang din ako. Nasa ilalim pa rin ako ng gulat at emosyon nang tumayo na siya at binitiwan ang kamay ko. Hindi pa ako nakakahanap ng sasabihin dahil pinangungunahan ako ng lakas ng tibok ng puso ko nang iwan niya na ako. Nang sinundan ko siya ng tingin ay nakita kong dumiretso siya sa isang lalaking nakatayo, di kalayuan sa kinaroroonan namin. Christian De Silva, the owner of this school, their father. 

"What was that?" narinig kong tanong ni Phia na para bang ngayon lang nakabawi sa pagkagulat. 

Nakita ko ang pag-iling ni Christian De Silva bago talikuran ang anak niya, it was as if he's disappointed at Luxipher. Nilingon pa ako ni Luxipher bago tuluyang sumunod sa ama niya. 

"I don't know either." 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Lust at First Sight    Chapter 3: What was that?

    3: What was that? Danielle Andrea Lorenzo's POV"Someone needs to take the fall, so we don't have to call you or your guardian to the Office of Student Conduct." Para akong nabibingi habang nagsasalita si Mrs. Quampao. Naiintindihan ko ang mga salita niya pero syaw nitong magproseso sa buong sistema ko. Ang tanging alam ko lang ay nakarating sa kanila ang nangyaring gulo kaninang madaling araw sa bar, at nalaman nilang kami ni Astra ang involved doon. Anak daw ng may-ari ng kabilang University ang nakainitan ni Astra. Nakarating daw sa may-ari ng school namin ang nangyari which is ang ama rin nina Astra at Luxipher. Ayaw ni Mr. De Silva na magkaroon ng ganoong record ang anak niya, it's a bad publicity for them, kaya ayaw niyang paabutin iyon sa Student of Conduct office nang sa ganoon ay hindi na kumalat. Pero para ma-satisfy ang kung sino mang nag-report sa kanila niyon ay gusto nilang may umako na ng kasalanan at tanggapin na kaagad ang punishment. "Miss Lorenzo?" Napakurap ako

  • Lust at First Sight    Chapter 2: Office

    2: Office Danielle Andrea Lorenzo's POV"Nakahanap ka na ba kung saan ka mag-a-apply ng OJT?" tanong sa akin ng kaibigan kong si Phia. Nasa library kami ngayon. Meron kaming two hours break at sa dinami-rami ng lugar na puwedeng pagtambayan ay dito pa talaga sa library niya naisipang mag-aya. Hindi ko naman talaga hilig ang library dahil hindi naman ako mahilig magbasa, pero puyat ako kaya naman gusto ko sanang matulog, at ito ang one of the best place to do that here in school. Grabe rin naman kasi yung professor namin. Katatapos lang ng exam pero hindi pa naisipan na ikansela ang pasok ngayong araw tutal sabado naman. Kung makapagbigay ng schedule meeting ay para bang laging may hinahabol na oras. Pero sabagay, isa sa pagpapahalaga sa oras ang itinuturo sa amin bilang sa business management kami. Pero kahit na, kung alam ko lang na tuloy ang klase ngayong araw sa dalawa naming prof ay sana naghintay na ako ng ngayong gabi bago mag-bar."Iniisip mo na iyon? Pwede naman 'yon next sc

  • Lust at First Sight    Chapter 1: Kuya Lux

    Book one of the Three Stages of Love series. "In three stages of love, it is important to go through all of them for us to call it 'true love. But what if we are stuck on one stage forever?" Lust at First Sight Danielle “Elle” is everything people think they know, happy-go-lucky, confident, and unapologetically a player. For her, love is just a game she knows how to win. But behind the smiles and flirtatious charm is a girl who once loved deeply… and lost painfully. After being taken for granted too many times, Elle promised herself one thing, to never fall first, never fall hard.Luxipher, on the other hand, is the complete opposite. An academic achiever, disciplined, organized, and impossibly polite, he lives by principles and values he refuses to compromise. While others see him as distant and serious, few know how deeply he feels… especially when it comes to Elle.Isang pagkakataon ang maglalapit sa kanilang dalawa.Ang hindi alam ni Elle, habang paulit-ulit siyang nabibigo sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status