Share

Chapter 65

Hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Payapa naman itong mga nakalipas na mga araw namin sa resort. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, nandito ako, nasa panganib sa kamay ng mga kaaway ni Markus.

Dinala nila ako sa isang kwarto. Maayos ang itsura nito tulad ng isang guest room sa resort. Kung nandito ako sa ibang pagkakataon, baka nagawa ko pang mamangha. Pero wala akong ibang maisip ngayon kundi ang kung paano ako makakatakas dito.

Lumapit ako sa may bintana para tingnan kung may matatakasan ba ako pero bukod sa mataas iyon ay nakakadena rin ang bintana.

Bumuntunghininga ako bago naupo sa kama. Hinaplos ko ang tiyan ko.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nangyaring masama sa ipinagbubuntis ko.

Muling bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok doon si Uno. May dala siyang tray na may pagkain. Lumapit siya at padabog na inilapag ang tray sa may mesa. Napaigtad pa ako sa gulat at takot.

“Kumain ka.”

Tiningnan ko iyon at nakitang isang pirasong pritong man
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Chery an delaramai
sana c Markus Ang humila KY sav.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status