แชร์

K7

ผู้เขียน: LonelyPen
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-17 03:42:38

Kinabukasan matapos ang engrandeng charity gala, hindi pa man sumisikat nang lubos ang araw ay nagsimula nang umikot ang balita. Sa mga social media platforms, trending ang pangalan ni Farah Cruz — hindi dahil sa kanyang trabaho, kun'di dahil sa naging sagutan nila ni Camille sa gitna ng maraming bisita.

“#FarahVsCamille”

“#RockwellFiancée”

“#GoldDiggerOrQueen?”

Iyon ang mga hashtags na paulit-ulit na lumulutang sa kanyang feed. Kahit anong iwas niya, kahit ang simpleng pagbukas ng phone ay parang pagsilip sa isang pugad ng mga pukyutan—lahat handang sumugod at manakit.

"Mga baliw. Panira lang kayo ng araw. Hindi ako magpapaapekto sa inyo," bulong ni Farah sa sarili.

Sa isip niya, naroon na siya sa sitwasyong iyon at hindi na siya makakatakas pa. Kaya ang dapat na lang niyang gawin ay tatagan ang loob at huwag papayag na basta na lang siya tapakan ng kahit na sino.

Pagdating niya sa opisina, ramdam na ramdam ni Farah ang bigat ng mga matang nakatuon sa kanya. Ang iba’y nagkukunwaring abala sa mga papel, pero ang bulungan at pagpitik ng mga mata sa direksyon niya ay hindi maitago.

“Did you see the video?” bulong ng isang empleyada sa katabi.

“Yeah. Savage! Pero grabe, she has guts to say that in front of everyone.”

“Or baka desperate lang siya para mapansin. Come on, Rockwell? Seriously? After Jason? Medyo malansa.”

Kagat-labi si Farah. Ang bawat salitang umaabot sa pandinig niya ay parang tinik na dumudurog sa kanyang dibdib. Pero gaya ng paulit-ulit na bilin sa kanya ni Dawson Rockwell, Never let them see you falter.

Masakit man ang mga naririnig niyang iyon pero hindi siya nagpahalata. Dapat maging matibay siya at matapang.

Naglakad siya nang tuwid, hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon, at dumiretso sa kanyang mesa. Ngunit bago pa man siya makaupo, pumasok si Dawson—suot ang navy blue na suit na lalong nagpatindi sa kanyang presensiya. Agad na natahimik ang opisina, parang lahat ay napako sa kinatatayuan nila.

“Miss Cruz,” tawag niya, pormal pero mariin. “Can I have a word with you in my office?”

Parang may biglang umikot na hangin sa paligid. Alam niyang ang bawat isa sa kanila’y nagtatanong sa isip: Bakit siya? Ano ang meron?

Pagkasara ng pinto, hindi na napigilan ni Farah ang bigat ng hininga.

“Dawson, everyone’s talking about last night… about us. And Camille—”

Agad siyang pinutol ng lalaki.

“Let them talk. They’ve always needed something to feed on. What matters is you didn’t let her humiliate you. You stood your ground. I’m proud of you, Farah.”

Nagtagpo ang kanilang mga mata, at doon niya muling nakita ang bahagyang ngiting iyon—ang ngiti ng isang lalaking parang kayang kontrolin ang buong mundo. Pero sa ilalim ng init ng titig na iyon, may nakita siyang anino. Isang bagay na pilit na itinatago.

“Pero hindi ba… mas lalong magiging komplikado ang lahat?” mahina niyang sabi. “Jason was there, your family was there. Now Camille is practically declaring war.”

Umupo si Dawson sa gilid ng mesa at tinawag siya papalapit.

“Listen to me,” aniya, mahigpit ang tinig pero may halong lambing. “Camille means nothing to me. She is noise. And Jason—he lost his chance. You’re with me now. That’s all that matters.”

Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Farah, halos parang sumpang hindi puwedeng bitawan.

“Do you trust me?” tanong nito.

Napasinghap siya. Sandaling katahimikan.

“I want to,” sagot niya sa wakas. “But Dawson… sometimes it feels like there’s something you’re not telling me.”

Nanlamig ang mga mata nito. Isang kisapmata lang, pero sapat para ipakitang tama siya. May lihim si Dawson Rockwell.

ILANG ORAS PA LANG ang lumipas, tumawag ang PR team ng kumpanya. Pinatawag si Farah sa isang emergency meeting. Pagpasok niya, isang malaking screen ang bumungad sa kanya—sunod-sunod na headlines:

“Farah Cruz: From Nephew’s Lover to CEO’s Fiancée.”

“Cinderella or Gold Digger? Netizens Split.”

“Rockwell Heiress War: Camille vs. Farah.”

Parang dinudurog ang sikmura niya. Lahat ng tanong, lahat ng mata sa boardroom ay nakatuon sa kanya.

Pero wala na siyang magagawa pa. Hindi niya mapipigilan ang mga ito. Kailangan na lang niyang harapin.

“Miss Cruz,” panimula ng isa sa mga senior directors, “how do you intend to handle this backlash? Your image reflects directly on the company now.”

Hindi siya agad nakasagot. Pakiramdam niya’y naiipit siya sa dalawang apoy—ang imahe niya bilang sarili niyang pagkatao, at ang imahe niya bilang fiancée ng Rockwell.

Bago pa siya makapagsalita, tumayo si Dawson.

“She doesn’t have to explain herself to anyone here,” mariin nitong sabi. “She’s with me. And that’s the only statement this company needs to stand on.”

Tahimik ang buong silid. Walang nakapagsalita pa. Ngunit habang nakaupo si Farah, ramdam niya ang halo ng takot at pasasalamat. Pinoprotektahan siya ni Dawson—oo. Pero hanggang kailan?

KINAGABIHAN, habang palabas sila ng gusali, isang kotse ang huminto sa tapat. Bumukas ang bintana, at tumambad ang mukha ni Camille—maayos ang makeup, pero mababakas ang pait sa mga mata.

“Well, well,” ani Camille, mapait ang ngiti. “Still playing fiancée, Farah? Tell me, does it feel good to live in borrowed glory?”

Humakbang si Farah palapit, hindi nagpadaig.

“At least hindi ako nakadepende sa apelyido para maging relevant.”

Umangat ang kilay ni Camille, at ang tinig nito’y may lason.

“You think you know him, don’t you? But Dawson Rockwell… he has shadows you can’t even imagine. Shadows that destroyed Jason.”

Napapitlag si Farah.

“What do you mean by that?”

Ngumiti lang si Camille, saka marahang isinara ang bintana ng kotse.

“Ask him yourself… if he dares tell you.”

Paglingon ni Farah, naroon si Dawson—nakamasid, malamig ang titig, parang bawat salita ni Camille ay may tinamaan.

“Don’t listen to her,” aniya, halos pabulong pero mariin. “She thrives on lies.”

Ngunit hindi mabura sa isip ni Farah ang huling linya ni Camille.

Shadows that destroyed Jason.

Habang sumasakay siya sa sasakyan nila ni Dawson, ramdam niya ang kumakapit na lamig sa kanyang puso.

At sa gabing iyon, bago siya tuluyang makatulog, isang tanong ang paulit-ulit na gumugulo sa kanya:

Ano ang lihim na tinatago ni Dawson Rockwell—at paano nito winasak ang buhay ni Jason?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K22

    Dalawang araw ang lumipas mula sa huling engkuwentro nila ni Bianca, ngunit hindi pa rin mawala sa isip ni Farah ang mga sinabi nito. Akala niya’y hindi na muling magpapakita ang babae, ngunit pagkababa pa lang niya sa elevator ng kumpanya, agad na sumalubong sa kanya ang mapanuring titig ni Bianca. Eleganteng-elegante ito sa suot na fitted dress, parang sinasadya talagang ipamukha na hindi siya basta-basta. “Farah,” malamig ang boses ni Bianca, ngunit may ngiting nakakasulasok. “Still trying to fit in here, I see.” Hindi na nagpaapekto si Farah. Diretso niyang tinitigan ang babae, hindi nagpatalo sa tingin nito. “Kung gusto mong magdrama, huwag dito. You’re wasting your time, Bianca.” Ngumisi si Bianca at tumalikod, naglakad patungo sa rooftop garden ng kumpanya na parang may imbitasyon sa mga hakbang niya. At gaya ng inaasahan, sumunod si Farah. Hindi siya papayag na palaging siya na lang ang tahimik at ang binabastos. Pag-akyat nila sa rooftop, malamig ang hangin, ngunit

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K21

    Tahimik ang opisina ni Dawson Rockwell, maliban sa mahinang tunog ng wall clock na parang nanunuya. Nakaupo si Dawson sa swivel chair, nakasandal ngunit bakas ang pagod sa mga mata. Sa dami ng problemang bumabalot sa kanya at kay Farah, hiling niya’y kahit isang araw ng katahimikan. Ngunit hindi iyon ang araw na ito. Biglang bumukas ang pinto na parang walang kumatok. Dumiretso sa loob si Bianca De Guzman—mataas ang kumpiyansa, naka-pulang dress na humahapit sa kurba ng kanyang katawan, at may ngiting puno ng pang-uuyam. Ang kanyang mga mata, matalim na parang alam ang mga sikreto na pilit itinatago ni Dawson. “Dawson,” malamig ngunit mapanuksong bati niya. “Bakit parang naguguluhan ka lately? Hindi bagay sa’yo ang ganyan. Ikaw ang Rockwell—lahat ng bagay nasa ilalim ng kontrol mo… or maybe not?” Nag-angat ng tingin si Dawson, malamig ang anyo. “Anong kailangan mo, Bianca? Hindi kita inimbita rito.” Lumapit si Bianca nang dahan-dahan, sinadya pang lumapit sa mesa niya, nakas

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K20

    Hindi mawala sa isip ni Farah ang nakita niya kagabi. Habang kumakain sila ni Dawson, nahuli ng kanyang mga mata ang cellphone nitong bahagyang nakalabas mula sa bulsa. Kumurap iyon, may notification—at ang pangalang lumabas ay nagpanginig sa kanyang kalamnan. Camille. Imposible. Hindi ba’t patay na si Camille? Hindi ba’t ang larawan nitong duguan ang mismong banta na ipinadala sa kanya? Bakit may mensahe ito kay Dawson—at bakit unread pa? Buong gabi, halos hindi siya nakatulog. Nakatingin lang siya sa kisame, paulit-ulit na iniisip: Buhay pa ba si Camille? At kung buhay nga siya, bakit parang konektado kay Dawson ang lahat ng ito? Kinabukasan, sa department, pilit niyang ibinaon ang sarili sa trabaho. Nakaupo siya sa mesa niya, binubuksan ang mga papeles at emails, pero ang utak niya ay gulo-gulo. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga tanong na hindi niya kayang itanong nang direkta kay Dawson. Gusto niyang sumabog, gusto niyang humarap sa asawa at sabihin ang lahat—ang

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K19

    Humigpit ang hawak ni Farah sa folder habang naglalakad siya sa basement parking. Ramdam niya ang bigat ng paligid, parang may mga matang nakasunod sa bawat kilos niya. Lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso, at sa bawat hakbang ng sapatos niya, kumakalabog din ang kaba sa dibdib. Pagdating niya sa gilid kung saan nakaparada ang kanilang sasakyan, biglang may humarurot na motorsiklo. Nagpreno ito sa tapat niya, halos tumalsik ang hangin sa lakas ng pagpepreno. “Farah Cruz Rockwell?” malamig na tanong ng rider na nakasuot ng itim na helmet. Hindi siya agad nakasagot, nanigas ang kanyang katawan. Ang mga kamay niya’y nanginginig. Walang sabi-sabing iniabot ng rider ang isang maliit na kahon na itim, kasya lang sa dalawang palad. At bago pa siya makapagtanong, bigla itong umarangkada at naglaho sa dilim ng parking lot. Naiwan si Farah, nanginginig at hingal na hingal. Dahan-dahan niyang binuksan ang kahon. At halos mabitawan niya iyon sa nakita. Isang pulang rosas, naka

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K18

    Mabilis ang tibok ng puso ni Farah nang muling pumasok sa gusali ng Rockwell’s Company. Kahit nakaayos ang kanyang suot—puting blouse at itim na palda, simple pero elegante—hindi niya maiwasang maramdaman ang bigat ng mga matang nakasunod sa bawat hakbang niya. “Good morning, Mrs. Rockwell,” bati ng isang receptionist, may halong ngiti pero may bakas ng pag-usisa. Narinig din niya ang mga pabulong sa paligid. “Siya pala ‘yon…” “Ang swerte niya, asawa na si Sir Dawson…” “Pero, totoo kaya ‘yong mga chismis?” Ramdam ni Farah ang init na umaakyat sa kanyang pisngi. Kahapon lamang, isa lang siyang simpleng staff. Ngayon, lahat ng tingin—may paghanga, may inggit, may duda—ay nakatutok na sa kanya. Huminga siya nang malalim at nagtuluy-tuloy papasok sa opisina. Pinilit niyang magpokus sa trabaho, pero hindi mawala ang kaba sa dibdib. May malamig na pakiramdam siyang tila may paparating na hindi maganda. At hindi siya nagkamali. Pag-upo niya sa kanyang mesa, tumunog ang no

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K17

    inabukasan, tila walang mabigat na nangyari kagabi. Parang hindi sila muntik magbanggaan ng mga damdaming hindi nila masagot. Parang hindi nagkaroon ng mga tanong at alinlangan si Farah. Sa bawat kilos ni Dawson, tila isa lang ang ipinapakita niya—ang pagiging perpekto nitong asawa.Pagmulat pa lang ng mga mata ni Farah, naroon na ito sa tabi niya. May dalang tray ng breakfast in bed: croissant, omelette, at isang baso ng orange juice. Pinagmamasdan pa niya si Dawson habang inaayos nito ang kumot sa gilid, at sa isang iglap, hinagkan siya sa noo bago ngumiti.“Good morning, Mrs. Rockwell,” malambing na bati nito, halos parang wala silang problema. “Did you sleep well?”“Y-Yes,” tipid niyang sagot, pilit ang ngiti. Pero sa loob niya, sunod-sunod ang bugso ng tanong. Paano ang mga kahon ng gamit sa rest house? Sino ang mga babaeng iyon? At bakit ako ang nakalista sa susunod?Gusto niyang itanong, gusto niyang isigaw ang lahat ng tanong sa lalaki—pero paano, kung heto ito ngayon, buong-b

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status