Share

K6

Author: LonelyPen
last update Huling Na-update: 2025-08-17 03:36:35

Magarbo ang gabi.

Sa sandaling pumasok sila ni Dawson sa grand ballroom ng isang five-star hotel, ramdam agad ni Farah ang bigat ng mga matang sumusuri sa kanila. Mula sa kristal na chandelier hanggang sa pulang carpet na tinatahak nila, bawat hakbang ay parang nasa entablado. May musika mula sa isang string quartet, may champagne na dumadaloy, at may mga bisitang nakasuot ng pinakamamahaling gown at tuxedo.

“Relax,” bulong ni Dawson habang bahagyang hinahaplos ang kamay niya. “I’m right here.”

Tumango siya, pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng kanyang puso.

Pero sa loob-loob niya, alam niyang hindi magiging payapa ang gabing ito.

At hindi nga siya nagkamali.

Habang naglalakad sila papunta sa mesa nila, biglang humarang si Camille—naka-gold gown na kumikislap sa ilalim ng ilaw. Ang buhok ay nakaayos na parang isang queen na handang agawin ang trono.

“Farah,” aniya, ngiting may bahid ng pang-uuyam. “Enjoy it while it lasts, honey. Dawson always gets bored.”

Napalingon ang mga tao. Ang bulungan, parang hampas ng alon sa dagat. Lahat nakikinig, naghihintay ng magiging sagot.

Ramdam ni Farah ang pag-akyat ng init sa kanyang pisngi, pero hindi siya nagpadaig. Pinili niyang ngumiti, malamig at matalim.

“Well,” sagot niya, malinaw at walang pag-aalinlangan, “at least I’m giving him something worth staying for. Unlike some people, I don’t need daddy’s money to be relevant.”

Natahimik ang paligid.

May ilan na bahagyang napanganga, ang iba nama’y napa-“ooh” na parang nasa eksenang hindi dapat palampasin. Sa gilid ng mata niya, nahuli niya ang ngiti ni Dawson—bahagya ngunit puno ng kumpiyansa, parang sinasabing that’s my girl.

Hindi nagpatalo si Camille. Lalo nitong iniangat ang baba, pilit na pinapakita ang composure na tila gumuho sa unang banat ni Farah.

“Oh, sweetie,” ngumisi siya, “words are cheap. Let’s see how long you’ll last once the novelty wears off.”

“Novelty?” sagot ni Farah, bahagyang humakbang palapit, hindi inaalis ang tingin. “Funny, I thought I was the one wearing the ring, not you.”

Muli, nagsimulang magbulungan ang mga tao. Ang ilan, halatang aliw na aliw sa banat. May iba namang umiiling, hindi makapaniwalang nagaganap ang tensyong ito sa harap ng mga prominenteng bisita.

“Camille.”

Malalim at mariing boses ni Dawson ang pumunit sa katahimikan.

“Enough.”

Lumapit siya sa dalawa, ang kanyang presensya ay parang pader na agad nagpatigil sa mga bulungan. Hinawakan niya ang kamay ni Farah, marahan ngunit matatag.

“She’s my fiancée,” diretsong sabi niya, tinitigan si Camille. “Show her the respect she deserves. Or you’ll deal with me.”

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Camille, pero mabilis din itong nagbalik sa ngiti. “Oh, Dawson. Always so protective. I wonder how long that will last.”

Bago pa ito tuluyang makasagot si Farah, humakbang na si Camille palayo, iniwan ang huling titig na parang nagsasabing hindi pa tapos ito.

Habang bumabalik sila sa kanilang mesa, sinabayan sila ng mga bulungan.

“Who is she to challenge Camille?”

“Brave girl, but dangerous game.”

“Did you see Dawson’s face? He’s smitten.”

Napakapit si Farah sa braso ni Dawson. “Nagustuhan ba nila ang ginawa ko? O mas lalo lang akong napahamak?” bulong niya.

Ngumiti si Dawson, tumingin sa kanya nang diretso. “Farah, don’t you dare doubt yourself. You were perfect.”

Ngunit kahit gaano kalakas ang boses ni Dawson, nararamdaman pa rin niya ang bigat ng mga matang hindi tumitigil sa pagsuri sa kanya.

Matapos ang mahabang hapunan at speeches, inanyayahan ang mga bisita sa dance floor. Tumayo si Dawson at inilahad ang kamay kay Farah.

“Dance with me?”

Bahagya siyang nag-atubili, pero tinanggap din niya ang kamay nito. At sa oras na iyon, para bang sila lang ang tao sa buong silid.

“Kanina,” bulong ni Dawson habang umiikot sila sa indayog ng musika, “I’ve never been prouder.”

Napatingin siya dito, nag-init ang kanyang puso. “Talaga?”

“Talaga,” sagot nito, mas malapit ang tinig, halos bulong na. “You faced her. You didn’t let her win.”

Ngumiti si Farah, pero bago pa man siya makasagot, nahuli ng kanyang mata ang isang pamilyar na anino sa gilid ng dance floor.

Si Camille. Nakatingin. Hindi nagtatago. At sa kamay nito, may hawak na baso ng alak na marahan niyang iniikot—parang naghahanda ng susunod na galaw.

Pagbalik nila sa mesa, isang matandang donor ang lumapit. “Mr. Rockwell, a pleasure as always. And this must be your fiancée.”

Ngumiti si Farah, nakipagkamay. “Good evening po.”

“Lovely,” tugon ng matanda. “But be careful, dear. Not everyone here has good intentions.”

Bahagyang kinilabutan si Farah. May bigat sa boses nito, parang babala. Nang lumayo ang matanda, hindi niya napigilang tumingin kay Dawson.

“Did you hear that?” bulong niya.

Tumango si Dawson, seryoso ang mga mata. “Yes. And I don’t like it.”

Habang nagtatapos ang gabi, papalabas na sila ng venue nang biglang lapitan ni Camille si Farah. Hindi ito ngumiti. Hindi rin nang-asar.

Sa halip, bumulong lang ito ng isang pangungusap na nagpalamig sa dugo ni Farah:

“Ask Dawson about the night Jason disappeared.”

At bago pa niya magawang sumagot, tumalikod na si Camille, iniwan silang dalawa ni Dawson na nakatingin sa isa’t isa—si Farah puno ng tanong, at si Dawson, may biglang tensyon sa mukha na hindi niya nakikita dati.

At doon nagtapos ang gabi. Hindi sa huling sayaw, kundi sa isang tanong na maaaring bumago sa lahat.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K41

    Tahimik ang gabi sa Rockwell Mansion. Ang mga chandeliers ay kumikislap habang nagbabantay sa katahimikan ng buong bulwagan. Sa labas ay mahigpit ang seguridad. Bawat gate ay may nakapuwesto, bawat sulok ay binabantayan ng CCTV. Ngunit kahit gaano katatag ang paligid ramdam ni Dawson ang bigat na nakasiksik sa kanyang dibdib. Parang may bagyong paparating na hindi niya maiiwasan. Nakaupo siya sa study room habang hawak ang isang baso ng alak na hindi man lang niya ginagalaw. Hindi siya mapakali. Mula nang makaharap niya ang mataas na opisyal ng pulisya kanina, isang bagay ang paulit-ulit na bumabalik sa isip niya...Bakit parang binabalewala nito ang sinabi niya tungkol sa Red Bulls? "Hindi ito basta-basta," bulong niya sa sarili. Pinapabigat ang mga palad sa mesa. "Hindi ko kayang iwan si Farah na walang proteksyon. Hindi ko hahayaang maulit ang mga kasinungalingan at dugo ng nakaraan." Nang bumukas ang pinto, pumasok si Farah ng naka-nightdress at may hawak na tasa ng gatas. Tah

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K40

    Tahimik ang buong mansion nang biglang bumukas ang malaking pintuan ng opisina ni Dawson. Mabilis na pumasok si Jason, halatang sugatan at hingal na hingal. Namumula ang mga mata niya sa pag-iyak at nanginginig ang mga kamay. "Jason?" agad na tumayo si Dawson mula sa kanyang swivel chair, bakas ang kaba sa mukha. "Ano’ng nangyari? Nasaan si Bianca?" Kasunod noon ay lumapit si Farah habang hawak ang dibdib dahil ramdam niya ang matinding kaba. Hindi niya kayang ipaliwanag pero parang may masamang kutob na siya. "Jason, please, tell us. Ano’ng nangyari sa kanya?" Bagsak ang mga balikat ni Jason habang hawak pa rin ang mga kamay niyang may dugo. Hindi niya kayang tumingin nang diretso sa mga mata ng kanyang tito. "Uncle... Bianca’s gone." Halos tumigil ang mundo ni Dawson sa narinig. "What do you mean... gone?" mababa at nanginginig ang kanyang tinig. Hindi nakasagot agad si Jason. Bumagsak siya sa sofa, napahawak sa ulo at tuluyang umiyak. "Pinaputukan kami ng mga tauhan ni C

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K39

    Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na sina Jason at Bianca. Parehong seryoso ang ekspresyon sa kanilang mukha habang pinaplantsa ang plano. Ang warehouse na narinig ni Bianca mula sa mga tauhan ni Camille ay nasa malayong dulo ng pier. Hindi ito basta napupuntahan ng kung sino lang. Kailangan ng lakas ng loob at mabilis na kilos para hindi sila mahuli. Sa loob ng kotse, hawak ni Bianca ang cellphone niya. Bago sila umalis sinigurado niyang puno ang memory at may internet connection ito . "Jason, kung sakali mang may masama na mangyari, kailangan makarating agad ang ebidensya kay Dawson. Hindi ako puwedeng mabigo..." wika ni Bianca bago napalunok ng laway. Tumingin si Jason sa kanya at saka mariin ang tingin. "Bianca, huwag mong isipin na may masamang mangyayari sa iyo, okay? Babantayan kita. Wala kang dapat ipag-alala." Ngunit kahit anong lakas ng loob ang ipinapakita ni Jason, ramdam din niya ang kaba. Kahit siya, hindi sigurado kung makakalabas silang buhay mula sa plan

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K38

    Lumipas ang dalawang araw mula nang magharap si Bianca at Farah sa hardin ng mansion ni Dawson. Sa loob ng panahong iyon ay naging tahimik ang paligid ngunit hindi rin nawala ang kaba sa dibdib nina Jason at Bianca. Kahit nasa loob sila ng malaking bahay na may mga guwardiyang nagbabantay ay ramdam nilang hindi sila ligtas hangga't hindi tuluyang napapabagsak si Camille at ang grupo niyang Red Bulls. Isang hapon, nagpasya si Jason na kausapin si Bianca nang masinsinan. Nasa veranda sila ng maliit na guesthouse na itinabi ni Dawson para pansamantala nilang tirhan. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon at hampas ng hangin sa mga puno ang maririnig. Nakaupo si Bianca sa kahoy na bangko, hawak ang maliit na notebook na tila matagal na niyang ginagamit para isulat ang mga plano at iniisip niya. Si Jason naman ay nakatayo at nakasandal sa haligi. Seryoso ang ekspresyon ng mukha. "Bianca," mahinang wika ni Jason habang nakatingin sa malayo. "Alam kong hindi sapat na nagpunta tayo

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K37

    Maaga pa lamang tahimik ang paligid ng mansion ni Dawson. Ang mga hardinero ay abala sa pagdidilig ng mga halaman at ang malalaking gate ay bantay-sarado ng mga guwardiya. Sa loob naman, nakaupo si Farah sa isang bench sa gilid ng hardin habang hawak ang tasa ng kape na halos hindi niya mainom dahil sa dami ng iniisip. Ang mga pangyayari kagabi at ang pagdating nina Jason at Bianca pati na rin ang rebelasyon tungkol kay Camille at ang biglaang pag-amin ng lahat... ay parang unos na hindi pa rin niya lubusang matanggap. 'Hindi ko alam kung paano namin malalampasan ito ni Dawson pero naniniwala akong hindi mananalo si Camille dahil masama siya,' sabi ni Farah sa isipan. Habang nagmumuni-muni siya... bigla niyang napansin ang anino ng isang babae na dahan-dahang lumalapit mula sa likuran. Nang lumingon siya, halos mapatigil ang pintig ng kanyang puso nang makitang si Bianca iyon. Nakasuot ng simpleng puting blouse at maong, walang kolorete sa mukha at halatang walang tulog. May dala-

  • Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)   K36

    Tahimik ang gabi sa loob ng malawak na mansion ni Dawson. Sa labas, tanging tunog lang ng mga kuliglig at mahinang hampas ng hangin sa mga dahon ng puno ang naririnig. Sa loob naman, nasa study si Dawson. Nakaupo sa leather chair habang hawak ang isang baso ng alak. Nasa tabi niya si Farah na nakasandal sa sofa at tahimik na nagbabasa ng ilang papeles na kanina pa niya sinusubukang intindihin. Ngunit ramdam ni Farah ang bigat ng paligid. Parang may paparating na hindi kanais-nais. Hindi nagtagal ay narinig nila ang biglang busina mula sa labas ng gate. Mabigat at sunod-sunod at tila ba hindi alintana ang oras ng gabi. Kumunot ang noo ni Dawson. Agad na ibinaba ang baso ng alak at tumayo. “Hindi ako nag-e-expect ng bisita,” malamig niyang sabi at saka kinuha ang cellphone para tawagan ang isa sa mga guwardiya. “Check kung sino ‘yan sa gate.” Hindi nagtagal, bumalik ang sagot. “Sir, si Mr. Jason po at kasama niya si Miss Bianca. Nasa labas ng gate. Gustong makapasok.” Bahagyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status