Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)

Lustful Agreement with my Ex's Uncle (SPG)

last updateLast Updated : 2025-08-20
By:  LonelyPenUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
22Chapters
51views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

"Hindi ka na makakawala pa sa akin, Farrah. Ako na ang nagmamay-ari sa iyo simula ngayon hanggang dulo," mariing sabi ni Dawnson bago siya siniil ng halik.

View More

Chapter 1

K1

Malamig ang simoy ng hangin sa labas nang bumaba si Farah mula sa jeep, hawak-hawak ang isang maliit na kahon ng cake na may nakalagay na pulang ribbon. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang naglalakad papunta sa condo unit ng boyfriend niyang si Jason.

Monthsary nila ngayon—isang taon na rin silang magkasama, at sa isip ni Farah, ito na marahil ang tamang pagkakataon para pag-usapan ang mas seryosong direksyon ng kanilang relasyon.

May mga pagkakataon na tinanong na siya ni Jason kung kailan niya balak “ibigay ang sarili,” ngunit lagi niyang sinasabi na gusto niyang hintayin muna ang kasal. Sa mga paningin ng iba, siguro ay old-fashioned siya, pero sa kanya, iyon ay tanda ng respeto at pagmamahal sa sarili. Sa kabila nito, naniwala siyang naiintindihan siya ni Jason.

Lumapit siya sa pinto at tumawag. Walang sumasagot. Napakunot siya ng noo. Siguro nasa loob at naliligo lang. Kinuha niya ang spare key na iniwan sa kanya ni Jason noong isang buwan, at dahan-dahan niyang binuksan ang pinto.

Pagpasok niya, agad na bumungad sa kanya ang malakas na amoy ng pabango—hindi iyon ang amoy na madalas gamitin ni Jason. Mas matamis, mas pambabae. Napahinto siya, nakatitig sa direksyon ng kwarto. Bukas ang pintuan nito at mula roon, maririnig niya ang mahinang pagtawa ng isang babae.

Nanlamig ang kanyang mga daliri. Maingat siyang lumapit, bawat hakbang ay parang hampas ng martilyo sa dibdib niya. Sa bawat paglapit, mas malinaw ang naririnig niyang mga salita.

“Jason… hindi ka pa rin ba nagsasawa sa akiin?” malambing na tanong ng babae, kasunod ang halakhak.

At ang boses ni Jason, malalim at pamilyar, “Hindi ako magsasawa. Lalo na’t hindi mo ako pinag-iintay.”

Para bang binuhusan ng yelo si Farah. Dahan-dahan niyang itinulak ang pintuan, at sa loob, nakita niya ang pinakanakakasakit na tanawin sa buong buhay niya: si Jason, nakahiga sa kama, walang saplot, yakap-yakap ang isang babaeng nakatalikod sa kanya, kapwa nakangiti at tila walang pakialam sa mundo.

“Jason?” basag ang kanyang tinig, nanginginig sa galit at sakit.

Akala ni Farah, sa palabas lang nangyayari ang ganoong eksena. Akala niya, tapat sa kanya si Jason ngunit nagkamali siya. Si Jason pa naman ang unang lalaking kanyang minahal. At ang balak sana niyang unang pagbibigyan ng sarili.

Ngunit naisip niyang tama lang din pala na hindi siya bumigay agad. Dahil isang manloloko lang pala si Jason.

Nagulat si Jason, agad bumangon at tinakpan ang sarili. Ang babae naman ay mabilis na kinuha ang kumot at tinakpan ang katawan. “Farah… teka—”

“’Teka’?!” Napatawa si Farah, ngunit puno ng luha ang kanyang mga mata. “Ito ba ang sinasabi mong trabaho kaya hindi ka makipagkita nitong mga nakaraang linggo? Ito ba ang dahilan kung bakit lagi kang pagod?”

“Hindi mo naiintindihan—” nagsimula si Jason, ngunit pinutol niya ito.

“Hindi ko naiintindihan? Sinabi ko sa iyo kung ano ang importante sa akin. Pinili kong maghintay, pinili kong ibigay lang sa taong siguradong mamahalin ako habambuhay. At ito ang isusukli mo?” mapait ang kanyang tinig ng sabihin iyon.

Umaagos ang luha ni Farah dahil sa matinding sakit. Hindi niya maipaliwanag. Basta masakit. Tumutusok sa kanyang dibdib. Pakiramdam niya, pinagpira-piraso ang kanyang puso. At hindi niya alam kung paano niya pa mabubuo iyon.

Nag-iwas ng tingin si Jason. “Farah… kailangan ko rin ganito... lalaki ako... may pangangailangan din ako. . Hindi ko kayang maghintay habang puro ‘hintay’ lang ang ibinibigay mo.”

Parang sumabog ang dibdib ni Farah. Hindi niya alam kung mas masakit ba ang pagtataksil o ang katotohanang hindi siya pinahalagahan ng taong akala niya’y mahal siya. Walang ibang salitang lumabas sa bibig niya kun'di,

“Tapos na tayo.”

Iniwan niya ang cake sa mesa, marahas na isinara ang pinto, at halos tumakbo palabas ng gusali. Sa bawat hakbang, ramdam niya ang bigat sa dibdib—hindi lang dahil sa sakit, kundi dahil sa pakiramdam na para bang siya ang nagkulang.

Paglabas niya sa kalsada, tinawagan niya ang pinakamalapit na tao sa kanya—ang kaibigan niyang si Liza.

“Liza…” basag ang kanyang boses. “Kailangan ko ng alak ngayong gabi.”

MAKALIPAS ANG TATLUMPUNG MINUTO, nasa loob na sila ng isang kilalang club sa BGC. Malakas ang tugtog, kumikislap ang mga ilaw, at punong-puno ng tao ang paligid. May hawak si Farah na baso ng tequila, at halos hindi na niya namamalayan kung pang-ilang shot na iyon.

“Besh, baka tama na muna—” sabi ni Liza, nakatingin sa kanya nang may pag-aalala.

“Gusto ko lang makalimot, Liza. Kahit ngayong gabi lang,” sagot niya habang dinidiretso ang inumin.

Sa kabilang panig ng club, may isang lalaking nakaupo sa VIP section na mula pa kanina’y nakatingin sa kanila. Matangkad, broad shoulders, naka-black long sleeves na bahagyang bukas ang unang dalawang butones. May isang uri ng presensya sa kanya na mahirap hindi mapansin—malakas, pero hindi pilit.

Napansin ni Farah ang tingin niya. Sa una, iniwas niya ang kanyang paningin, ngunit ilang sandali lang, muli siyang lumingon. Nandoon pa rin ang lalaki, nakatingin sa kanya, may bahid ng ngiti sa labi.

Lumapit ito sa kanila, dala ang isang baso ng alak. “Pwede bang maki-join?” mababa ang boses, may halong kumpiyansa.

Nagkatinginan sina Farah at Liza. “Ah, actually—” sisimulan na sana ni Liza ang pagtanggi, ngunit nagsalita si Farah,

“Sure," mabilis niyang sabi sabay ngiti.

Umupo ang lalaki sa tabi ni Farah. “Ako si Dawson.”

“Farah,” sagot niya, medyo nagulat sa sariling pagpapakilala.

Nag-usap sila tungkol sa kung anu-ano—mga walang saysay na bagay para kay Farah, pero sa bawat segundo, mas nadarama niyang hindi lang basta estranghero si Dawson. May kung anong lambing at pag-unawa sa boses nito, para bang nababasa ang sakit na itinatago niya.

“Bad day?” tanong ni Dawson, nakatingin sa kanya nang diretso sa mga mata.

“Worst,” maikling sagot ni Farah.

“Baka kailangan mo lang ng isang gabing wala kang iniisip… at may kasama kang magpapaalala na hindi lahat ng lalaki pareho.”

Napakurap si Farah, hindi alam kung ano ang sasabihin. Pero sa ilalim ng malakas na musika, ramdam niya ang isang kakaibang init na unti-unting sumasakop sa kanya.

At iyon ang umpisa ng isang gabing babago sa lahat.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
22 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status