Mag-log inMalamig ang simoy ng hangin ang dumarampi sa aking balat habang inilalagay ko ang mga paninda sa aking maliit na katiron. Laman niyon ang mga paninda, mga pakete ng sigarilyo, bote ng tubig, at mga siomai na inihanda ko kagabi pa. Sa labas ng paradahan ng mga jeep sa gitna ng lungsod, doon ako pumupuwesto para tiyak ang aking benta. Bagamat pinalalayas ng mga enforcer ng MMDA at minsan naman ay ng kapwa vendor na mga suwapang at balahura sa iba, ay nakikipagsapalaran pa rin ako para kumita dahil ako ang bumubuhay sa lasinggero at sugarol kong ama.
Ako si Abigail Santos, isang out of school youth, tama, hindi ko na natapos ang huling taon ko sa high school dahil sa mga hindi naiiwasang pangyayari. Sa ngayon, ako ay bente anyos na at nabubuhay sa sariling pagsisiskap para maitawid ang araw araw naming buhay mag ama. Tuwing umaga ay sinisikap kong pumuwesto sa terminal ng maaga para makabenta din ng maaga. Ang mga bantay sa kalsada ay alas otso pa ang duty habang ang ibang vendor naman dahil nagpapaabot ng gabi ay tanghali na din nagpupunta, kaya sinasamantala ko ang pagkakataon at inaabangan ang mga pasaheron maaaga ang mga pasok. kaya naman bago pa man ako pagkaisahan o kutungan ng traffic enforcer na kupal, ay nakarami na ako ng benta. Palayasin man nila ako kahit papaano may benta na.
“Siomai! Siomai kayo dyan, lima bente lang mas marami kumpara sa iba na pat lamang mas masarap at mas malasa pa at niluto ng may pagmamahal" yan ang madalas kong sigaw para makatawag ng pansin sa mga pasaherong bumababa ng tricycle para pumila sa mga jeep.
“Tubig at sigarilyo nga Miss,” sabi ng isang lalaking nakapila na sa terminal kaya siyempre, agad naman akong tumatakbo para ihatid ang order nito.
"Sige bosing, magkano pera mo?" tanong ko para mabitbit ko na ang sukli para isang takbuhan na lang. Hindi ko naman kase maaaring igitna ang kariton, ang pasahero naman ay ayaw umalis sa pila.
"Singkuwenta." sagot ng lalaki. Maliksing akong kumuha ng panukli at halos patakbng binibit ang isang mineral water at dalawang stick ng marlboro lights na binibili nito.
Ganito na ang eksena ng araw araw kong buhay, Sa tanghali ay lilipat ako sa plaza para malilim kahit papaano at sa hapon ay lilipat naman ako sa tapat ng eskuwela. Limang taon na mula nang mamatay ang aking ina dahil sa sakit na hindi nakayang pagalingin ng albularyo. Walang kaming sapat na pera noon para dalhin ang Inay sa isang espesiyalista. Mula noon, naging responsibilidad ko nang maghanap buhay at buhayin ang sarili ko at ang aking ama, si Dencio Santos, isang lalaking dating mekaniko na naging adik sa sugal, naging sugapa pa sa alak matapos mawala ang asawa niya. Hind man lamang nito naisip noon na may anak itong babae na kailangan ng kalinga niya. “Mahal na mahal kita, anak. Bibigyan kita ng magandang buhay, pangako,” palagi kong naaalala ang mga katagang iyon, iyon na lamang kase ang naaalala kong magandang sinabi s akin ng Itay. Sa kasalukuyan kase ay kung hindi mura, sigaw at pagwawaa at gulo ang dala nito sa akin.Sa tuwing uuwi galing ng Casino ang tatay ko, kung hindi lasing ito ay mainit ang ulo dahil talo ang taya. Noon pa sinasabi ng mga kumpare nito na kapit bahay nila na baka malas ito sa sugal kaya tigilan na ang pagbabakasakali. kaso tuwing matino ang ama niya, palagi nitong sinasabi na maka jackpot lang daw ito ng isang malaking panalo ay titigil na. Sabi pa ng tatay ko ay para daw iyon sa kanila. Ngunit ang kamalasan ng Itay ay nagpatuloy sa loob ng dalawang taon. naging lalong kalbaryo ang buhay ko sa pilign ng ama.
"Abby, naku bilis, yung tatay mo nasobsob sa kanto pagbaba ng jeep. Nandun pinagtutulungan nina Berto at Samuel na akayin kaso mukhang talo na naman ang tatay mo kaya ayon naghamon na naman ng away, si berto pa naman ang natiyempuhan."sigaw ni Rita mula sa labas, si Rita ay kapit bahay namin, anak ito ng may ari ng ihawan sa lugar namin.
"Ano? Na naman. Anak ng pating naman, baka masaktan nito si Berto, patulan na namang ng adik na yun." nakaramdam na naman ako ng inis sa sitwasyun. Pagod ka na sa paglalako, tapos may tatay pang pasaway.
"Kaya nga, puntahan mo na roon, pinatawag ko na rin si Kagawad kung sakaling gumawa na naman ng gulo ang tatay mo." sabi in Rita.
"Sige Rita, maraming salamat." saka mabilis akong tumakbo sa kanto, suot ang magkabilang pares na tsinelas na parehas pang kaliwa. Wala akong pakialam, mga siraulo ang mga tambay sa kanto lalo na si Bertong adik, kapag may karga ito wala itong iginagalang kaya baka mapikon sa tatay ko tulad dati at baka mapahamak na naman kaming mag ama. Sa kamalasan naman kasi, kahit adiktos si Berto may pulis itong ama at ninong kaya nga malakas ang loob manapak na lang kahit anong oras, samantala kami ng Itay, ligaw na pusa lang sa lugar na yun, wala pa kahit isang kamag anak.
"Hoy, Berto. huwag mo ng patulan si Mang Dencio, alam mo namang lasing na lasing eh." sabi ni Samuel ngunit hindi naman nagawang makalapit kay Berto dahil takot naan dito.
"Eh, gago itong matandang ito eh, pati ako kinukursunada eh. Puta! pati ako gustong taluhin. Gigripuhn ko talaga ito," sabi ni Berto.
Halos madapa pa ako makarating lang agad sa kanto, malayo din kase ang labasan mula sa amin. Eskinita ang daan patungo sa amin at dahil nga relocation area ay halos dikit dikit ang mga bahay at ang tapat mo ay tapat din nila, ang ingay mo dinig nila pati ang baho mo dinig kahit sa ikalimang bahay pa. Inabutan ko nga ang tatay ko na maingay na nag aamok sa kalsada habang si Berto nga ay nakaamba na ang kamay, hawak ang tatay niya sa kuwelyo, ang kamao ay nababalutan ng tshirt na malamang ay hinubad nito at handa ng patulan ang tatay ko.
"Berto Huwag!" malakas kong sigay para awatin ito. Tumingin ito sa gawi ko ng sumigaw ako, hinihingal pa ako habang hawak ang dibdib sa pagod. "Berto tatay ko yan kaya sige na, pagpasesyahan mo na lang." Nakita niyang nanlaki ang mga mata ng kumag. Sinipat pa nga ako mula ulo hanggang paa.
Alam ko, n*******n na naman ang loko sa hitsura ko. Paano naman kase dahil nga nagmamadali ako at nataranta na, napatakbo na ako kahit nakasuot lang ako ng pangbahay. Tapos magkaiba pala ang kulay ang tsinelas ko. Nakita kong parang nagningning ang mapupungay na mata ni Berto dahil sa lakas ng amats at namula ang pisnge nito. Sabi ko sa sarili ko, "Bingo! naglibog na naman ang gagu!"
Halos buong gabi ay hindi ipinikit ni Abby ang kanyang mga mata. Desidido siyang bantayan nang maigi ang bawat galaw at bawat pagtaas-baba ng temperatura ni Drake. Paulit-ulit niyang pinapahiran ng basang bimpo ang mainit na noo nito at pinapainom ng gamot sa tamang oras. Gusto niyang manatiling gising at gusto niyang siguraduhin na bababa ang lagnat nito. Ngunit marahil ay labis na ang pagod at antok na naipon sa kanyang katawan. Sa sobrang pagod, unti-unting bumibigat ang kanyang mga talukap at hindi niya namalayang nakahilig na pala siya sa gilid ng kama at nakatulog nang hindi sinasadya. Ilang oras ang lumipas. Nagising siya dahil sa mahinang boses na naririnig niya. Boses ni Drake. Dahan-dahang iminulat ni Abby ang kanyang mga mata at napangiti siya nang bahagya noong una. "Nananaginip lang siguro siya," naisip niya. Sanay naman siya na minsan ay nagbubulung-bulong ito kapag natutulog. Pero nang lumapit siya nang kaunti at sumilip sa mukha nito, at nang maramdaman niya ang ini
"Don't forget that you're mine, Abby. Sa akin ka magbabayad ng utang." Iyon ang namutawi sa labi ni Drake. Nanigas si Abby. Hindi siya makahinga. Ang mga salitang iyon ay parang musika sa pandinig niya, pero parang patalim din na maaaring makasakit. "Alam ko 'yan, Drake…!" tanging nasabi niya. "Lasing ba ito?Umniinom ba ito habang may meeting?" nasabi na lamang ni Abby. Ngunit biglang siyang binitawan ni Drake na parang nagising sa isang panaginip at umatras. Napakamot ito sa ulo at mukhang inis sa sarili. "Kalimutan mo na ang sinabi ko! Pagod lang ako. Tara na, uuwi na tayo!" mabilis na sabi nito at tinalikuran siya, nagtatago ng emosyon na hindi nito kayang aminin kahit sa sarili niya. At doon napagtanto ni Abby… na sa loob ng isang taon na ibinigay niya para magbayad ng utang, baka hindi lang pera ang mawala sa kanya. Baka pati ang puso niya, hindi niya namamalayan na tuluyan nang ibinigay sa lalaking ito. Buong biyahe ay nanatiling tahimik si Drake. Nakakunot ang noo at naka
Sumunod si Abby kay Drake nang walang imik. Habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng mansyon, ramdam niya ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin o kung anong ipapakita nito. Huminto sila sa tapat ng isang malaking pinto na kulay itim at may magagarang disenyo. Binuksan ito ni Drake at marahang itinulak papasok."Pumasok ka," utos nito. Kinabahan si Abby at napatitig kay Drake."Ano bang nasa isip mo? Pumasok ka nang mabilis!" seryosong sabi nito. Dahan-dahang pumasok si Abby at nang makita niya ang loob, nanlaki ang kanyang mga mata at napahawak siya sa kanyang bibig.Hindi ito ordinaryong kwarto. Ito ay isang malawak na walk-in closet o mas tamang tawagin ay isang maliit na department store. Puno ito ng mga damit, sapatos, at bag na nakaayos nang maayos. May mga damit pambahay, may pormal, may pang-sports, at halos lahat ng klase ng suot ay naroon."Uncel Drake, ano ito?" nauutal niyang tanong. Lumapit si Drake sa isang rack at hinawaka
Lumipas ang ilang araw at naging kakaiba ang naging takbo ng buhay ni Abby sa loob ng mansyon ni Drake. Sa halip na ituring siyang katulong o pariwara, kabaligtaran ang nangyari. Siya ay pinakain nang masarap, binigyan ng magagandang damit, at pinayagang gumalaw nang malaya sa loob ng malawak na bahay, maliban na lang sa ilang pribadong kwarto na mahigpit na ipinagbabawal. Pero sa kabila ng ginhawang nararanasan niya, hindi nawala ang takot at pagtataka sa isip niya. Laging umiikot ang tanong. "Bakit? Bakit ganito na lang siya kabait bigla gayong ilang araw lang ang nakararaan ay halos wasakin na niya ang pagkatao ko? Isang hapon, habang nagbabasa siya sa sala, biglang dumating si Drake galing sa opisina. Hindi ito naka-suot ng formal na damit kundi naka-sando at shorts lang, kitang-kita ang hugis ng katawan at ang mga ugat sa braso na nagpapakita ng lakas. Agad na tumayo si Abby at yumuko. "Ikaw pala yan Uncle Drake," mahinang sabi niya, handang tumalima sa anumang utos. Pero
"A-at saka po," dugtong pa ng maid, "Pwede na raw po kayong lumabas at mamasyal sa garden o kahit saan man sa loob ng mansyon. Wala raw pong bawal sa inyo ngayon," sabi nito. Napatulala si Abby. Biglaang pagbabago? Mula sa halos pilitin siya kagabi, ngayon ay pinapakain nang maayos at pinapayagang lumabas? Parang hindi niya maintindihan ang isip ng lalaking iyon. Tulad ng pagkagulat niya sa sinabi ni Drake kagabi na bigla na lang siyang pinauwi at pinagbayad na lang, ganoon din siya nagulat sa kabutihan at bagong utos nito ngayong umaga. "Ano bang laro ang nilalaro mo, Uncle Drake?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa masarap na pagkain. Hindi ko mapigilan ang pagtataka habang nakatitig sa pagkaing nakahain sa harap ko. Mainit, masarap ang amoy, at halos kumpleto ang mga niluto, kanin, pritong itlog, bacon, at mainit na kape. Ibang-iba ito sa trato na inaasahan kong matapos ang nangyari kagabi. Akala ko ay pagpapahirapan lang ako, o di kaya’y pababayaan na parang aso, pero
"Do it, damn it! Gawin mo na!" sigaw ni Drake, ang boses nito ay dumadagundong sa buong silid at tila yata yayanig ang mga dingding. Pero nanatili lang akong nakatayo at nakatingin sa kanya. Kahit anong pilit kong magpanggap na matapang at matatag, alam ko sa sarili ko na nanginginig ako sa takot at kaba. Parang may nakadagan sa dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Gusto kong kumilos, pero parang nanigas ang buong katawan ko at ayaw sumunod ng mga paa at kamay ko. Tumaas ang isang kilay niya at halatang naiinis na sa paghihintay. "What? Do you think ako ang gagawa niyan para sa'yo? Ano bang ina-expect mo, Abby? Are you waiting for me to treat you like a Princess? Iniisip mo ba na pagpapantasyahan kita, itatrato bilang isang babaeng iniingatan at sinasamba? At mamumuhay kang Reyna sa bahay ko?" panunumbat at pang-iinsulto nito sa akin. Doon parang binuhusan ako ng malamig na tubig at natauhan nang tuluyan. "Ikaw ang nangangarap ng gising, Abby," mariin niyang sabi. "Y
Ngunit habang papalapit ako sa pinto, may narinig akong mga yabag na papalapit. Agad akong bumalik sa pinagtataguan ko. "Hah!Sh*t, muntikan ba ako doon. Buwisit na bahay ito napakaraming tauhan." bulong ko habang pigil nag hininga. Lumabas mula sa kusina ang dalawang lalaki, ang isa ay may hawak
Narinig ko ang panggigipit sa boses ni Uncle Drake, isang banta na hindi ko kayang balewalain. Ang aking galit ay naglaho, napalitan ng pait at kawalan ng magawa. Hinayaan ko si Uncle Drake na pagmasdan ako, ang aking kalooban ay nagdurusa. Hindi ako sumagot, dahil sa sandaling iyon, wala na akong
Malayo ang naging paglalakbay ng sasakyan na ikinainip ko. Wala naman na akong magagawa pa kaya minabuti ko na lang na itulog ang sm ng loob ko. Kaya wala akong kaalam alam na nahimbing pala ako at binuhat na ng mga tauhan ni Uncle Drake hanggang sa silid. Napabalikwas ako ng gising.Sa una, ang ka
"Hay naku naman, Itay. Sana po nag-iisip muna kayo. Alam kong naglilibang kayo dahil hanggang ngayon hindi pa kayo nakakamove-on sa pagkawala ni Inay, pero limang taon na rin pong lumipas. Sermon ko na nga sa kanya eh.' "Actually, Anak, yung three hundred thousand ay ilang buwan ko nang hindi naba







