🥰
=Elvira’s Point Of View= Nabitin ang sasabihin nila nang pumasok ang nurse para may ibigay na gamot para maiwasan ang impeksyon sa operasyon na ginawa kay Zian. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zian at matagal siyang tumitig sa mata ko na para bang may nais itong malaman sa nilalaman ng aking utak na para bang sa paraan na ‘yon ay malalaman niya ang kahit ano. Nang umalis na ang nurse ay nag-resume ang kaba sa aking dibdib at nag-aantay ako na parang batang nakikinig sa kanyang klase. “We Garcia’s are not normal, not to the extent that we have superhuman powers. That’s way too much for fantasy hahaha!” Ang expensive ng tawa ni Tito Zai. “Our family is one of the strongest in the underground, if I said underground, what I mean is we have been trained to fight ever since we were children, we are taught how to fight, how to use a gun to protect ourselves.” He paused for a moment and glanced at his wife who’s also listening. Napalunok ako sa intro pa lang, kaya ba noon ay nakita kong p
=Elvira’s Point Of View= “Elle!” Napamulat ako bigla at napabangon nang marinig ang boses ni Zian, nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa aking harapan na naka hospital gown pa. “Z-Zian?” Huminga siya ng malalim at hinawakan ang buhok ko, “You got me worried, mom said you fainted after my operation.” Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya, p-panaginip ba ang lahat ng ‘yon? Naluha ako at mabilis na inabot siya upang yakapin. “A-Akala ko n-napano ka na, Zian… A-Akala ko m-mawawala ka sa akin…” “Hmm?” tugon niya at hinaplos ang likuran ng ulo ko. “Why are you crying while sleeping hon?” mahinang tanong niya at bahagyang lumayo upang makita ang kabuohan ng mukha ko. Napalabi ako at hinawakan ang mukha niya. “N-Nanaginip ako ng masama, a-akala ko wala ka na..” nang maalala ang panaginip na ‘yon ay muli na naman akong naluha. Ngumiti siya sa akin, “Nauna pa nga akong gumising sa’yo. Dad said you are over fatigued and your stress levels are high.” Ngumuso ako at hinila
CHAPTER 343: =Elvira’s Point Of View= “ZIAN?! ZIAN!!!” Sumisigaw ako habang lumalapit sa kanya, ang mga kamay ko nanginginig, ang mga tuhod ko halos bumigay sa takot. Nakahandusay siya sa kalsada, duguan ang gilid ng katawan niya. “Tumawag kayo ng ambulansya! Please!” pasigaw kong sigaw sa legal team namin, nanginginig ang boses ko, nanlalabo na ang paningin ko sa luha. Pinisil ko ang pisngi niya, hinawakan ko ang mukha niyang malamig na. “Zian… hon, please, wag mo akong iiwan. Hindi pa tapos ‘to, di ba? Hindi pa tayo tapos…” bulong ko sa pagitan ng hikbi. Bahagya siyang dumilat, marahan, pilit. “Elle…” Mahina ang boses niya, halos pabulong. “Shh… wag kang magsalita, okay? Eto na ‘yung ambulance. Ligtas ka, maririnig mo pa ulit boses ko, a… makakain mo pa ‘yung paborito mong kare-kare ko,” pilit kong ngiti habang lumuluha, yakap-yakap ko ang katawan niyang unti-unting nilalamon ng malamig na gabi. “Elle… mahal kita.” Napaluhod ako. “‘Wag mo akong paiyakin ng ganito,” bulong ko
=Zian’s Point Of View= A few days later, Leon got out on probation. Wala akong magawa kundi hintayin ang susunod na trial para ibalik siyang muli sa kulungan. Masyadong malaki ang perang nilalabas niya para lamang mga bail out. Alam kong balisa si Elle, hindi niya naman maiiwasan ‘yon dahil parang roller coaster ang labanan sa korte. Nakakabawi si Leon at kahit ako ay naiinis ngunit hindi ako titigil para kay Elle. Nasa bahay ako nila Elle, kakatok na sana ako sa kwarto niya ngunit narinig ko na may kausap siya at tingin ko ay si Clayn ‘yon. “So ate, mukhang mahal na mahal mo pa rin si Kuya Zian kahit taon na ang lumipas.” “Falling for him wasn’t something I did, Clayn… It was something I surrendered to. I am a faulty and very flawed person, but my imperfections didn’t matter to him.” Hindi ako nakakatok dahil sa sinabi ni Elle, tila musika sa pandinig ko ang mga naririnig galing sa kanyang labi. “He was always there for me, nakakatuwa na kahit gaano ko siya nasaktan noon ay na
=Elvira’s Point of View= Gabing kasunod ng kontrobersiyang kumalat online. Tahimik ang hapag-kainan. Sina Mama, Papa, at Clayn ay nagpapanggap na abala sa pagkain, pero halatang ramdam nila ang bigat ng hangin sa paligid. Si Zian, nakaupo sa tabi ko, ay hindi umiimik. Ngunit sa ilalim ng mesa… tahimik niyang hinawakan ang kamay ko. Mabilis akong napatingin sa kanya, bahagyang nagulat. Pero hindi siya tumingin pabalik. Parang sinasabi niyang “Hindi mo kailangang magsalita, Elle. Kasama mo ako.” Napalunok ako, at marahang pinisil ang kanyang kamay pabalik. “Teka,” sabay sabing ni Mama habang nagbubuhos ng sabaw, “Zian, kanina pa kita gustong tanungin… wala ka bang girlfriend ngayon?” Muntik akong mabilaukan. Umubo ako habang si Clayn ay pilit na pinipigilan ang tawa. Si Zian naman? Kalma. Cool na cool. “Wala po, Tita.” “Wala? Gwapo mong ‘yan?” sabat ni Clayn. “Parang imposible. Baka may nililigawan ka lang.” “Meron nga ba?” pang-aasar ni Papa. Lahat sila nakatingin ka
=Elvira’s Point of View=Gabi. Sa rooftop.Tahimik ang paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mahinang pag-ugong ng hangin at ang pagtibok ng puso kong tila hindi mapakali. Hawak ko ang mug ng kape habang nakatayo sa gilid ng rooftop ng bahay. Ilang beses na akong narito, pero ngayong gabi… iba ang pakiramdam.Ramdam ko ang mga mata niyang nakatingin.“Di ka na ba bababa?” boses ni Zian mula sa likod.Ngumiti ako, hindi ako lumingon. “Hindi pa. Tahimik dito. Parang… safe.”Narinig ko ang marahan niyang hakbang habang papalapit siya. Ilang segundo lang, at naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa tabi ko. Hindi niya ako hinawakan. Hindi siya nagsalita agad. Pero sa katahimikan naming iyon, parang nagsisigawan ang damdamin naming parehong pinipigil.“Wala bang takot?” tanong niya sa mahinang tinig.“Sa’n?”“Sa akin. Sa atin.”Tumingin ako sa kanya. Nakatitig siya sa kalangitan pero alam kong ako ang tinutukoy niya. “Meron. Lagi naman,” sagot ko. “Pero hindi ka naman nakakatak