LOGINElvira’s Point of View.Hindi pa rin tuluyang kumakalma ang puso ko nang tuluyan akong iharap ni Zian sa kanya, hawak pa rin niya ang kamay ko na para bang natatakot siyang pakawalan ako kahit isang segundo lamang, at nang makita ko ang singsing sa daliri ko ay hindi ko na napigilang mapangiti sa gitna ng mga luha ko dahil sa wakas ay naging totoo na ang lahat ng pinangarap at kinatatakutan kong mangyari nang sabay. Marahan niya iyong hinaplos, tila ba hindi pa rin siya makapaniwala na nasa akin na iyon, at nang magtama ang mga mata namin ay tila ba pareho naming naramdaman na tapos na ang mahabang laban na matagal naming pinagdadaanan, at ngayon ay magsisimula na kami ng panibagong yugto.Kinabukasan, nagising ako na mabigat pa rin ang dibdib ko ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na dahil sa takot kundi dahil sa sobrang bigat ng saya na hindi ko pa rin lubos na matanggap. Ilang segundo akong nakatitig lang sa kisame habang unti-unting bumabalik sa akin ang alaala ng nakaraang gabi
Elvira’s Point Of View.“Well, kung nais mo pang makitang humihinga ang lalakeng ito, libre ka namang makakapunta sa lugar na sasabihin ko–ayon ay kung interisad—”“Nasaan si Zian?!” natataranta kong sabi.Nang sabihin no’n ang lokasyon ay tila nanghina ang tuhod ko ngunit tinatagan ko ang loob, “Paalala lang… Huwag na huwag kang magsasama ng kung sino–dahil kung hindi? papaasabugin ko kaagad ang bungo ng minamahal mong lalake.”“S-Sige…”“H-Huwag kang pupunta–” Napahinto ako nang sumigaw si Zian at kasabay no’n ay ang pagpatay ng linya.Mas sumobra ang nerbyos na nararamdaman ko dahilan para mas magmadali ako, paglabas ay pumara kaagad ako ng taxi at sinabi ang lugar.Bigla ay nagsisi ako na nagawa ko pa siyang sungitan kagabi dahil lamang sa tampo ko, sana pala ay hindi na lang ako nagalit sa kanya…“Ma’am, anong lugar po itong pupuntahan niyo? Tingin ko ho ay abandunado na ang lugar na ‘to eh..” Sabi sa akin ng driver ngunit hindi ko na lamang siya pinansin.Nang makarating ay labi
ELVIRA’S POINT OF VIEWNang humiwalay siya sa akin sa pagkakayakap ay tinitigan niya ang aking mukha ko na tila ba ngayon niya lamang ito nakita muli at nais niyang kabisaduhin.Napatitig ako sa maganda niyang mata na kulay kayumanggi, pinasadahan ko rin ang kanyang ilong na animo’y tulay sa tangos nito. Ang panga niyang tanaw na tanaw dahil sa ganda ng hulma nito.Ngunit nang sandaling lumapat sa kanyang labi ang mga mata ko ay napatitig ako sa kanya ngunit sakto ring ibinalik niya ang atensyon sa mga mata ko at dahil doon ay mahina siyang napangisi.Dahan-dahan kong ipinikit ang mata nang sandaling yumuko siya at abutin ang labi ko, sinalubong ko ang iginawad niyang mainit na halik.Ang palad niya ay awtomatikong gumabay sa panga ko upang mas mahalikan ako ng mas matamis, ang unang dampi ay tila hindi siya nakuntento kung kaya’t sinakop niya ang ibabang labi ko at siniil iyon na para bang hayok na hayok siya at hindi na mapigilan pa ang sarili.Ginantihan ko naman ang mainit niyang
=Zian’s Point of View= (Courtroom – Continuation) Tumindig ako, ramdam ko ang sakit sa tagiliran ko. Hindi pa man lubos ang paghilom ng sugat mula sa pamamaril, mas matindi ang sugat na idinulot ni Leon sa puso ni Elle. At ngayon, hindi ako papayag na hayaan siyang sirain muli ang buhay niya. Humakbang ako palapit sa witness stand, hawak pa rin ni Elle ang luha sa kanyang mga mata. Pinanatili kong matatag ang boses ko habang tumitig ako sa judge. “Your Honor, I requested to testify because I was there. I saw how Leon Arase treated Elvira Monteverde not as a partner, not as a fiancée—but as property.” Pinandilatan ako ng abogado ni Leon. “Your Honor, this man is not a legal witness. His emotional involvement with the defendant clearly clouds his objectivity—” “Objection overruled,” putol ng judge. “Continue, Mr. Garcia.” Huminga ako ng malalim at itinuloy. “Si Elle ay naging biktima, hindi lang ng kasinungalingan, kundi ng sistemang paulit-ulit na pinapaboran ang may pera. Si Le
=Elvira’s Point Of View= Nabitin ang sasabihin nila nang pumasok ang nurse para may ibigay na gamot para maiwasan ang impeksyon sa operasyon na ginawa kay Zian. Nagkatinginan kaming dalawa ni Zian at matagal siyang tumitig sa mata ko na para bang may nais itong malaman sa nilalaman ng aking utak na para bang sa paraan na ‘yon ay malalaman niya ang kahit ano. Nang umalis na ang nurse ay nag-resume ang kaba sa aking dibdib at nag-aantay ako na parang batang nakikinig sa kanyang klase. “We Garcia’s are not normal, not to the extent that we have superhuman powers. That’s way too much for fantasy hahaha!” Ang expensive ng tawa ni Tito Zai. “Our family is one of the strongest in the underground, if I said underground, what I mean is we have been trained to fight ever since we were children, we are taught how to fight, how to use a gun to protect ourselves.” He paused for a moment and glanced at his wife who’s also listening. Napalunok ako sa intro pa lang, kaya ba noon ay nakita kong p
=Elvira’s Point Of View= “Elle!” Napamulat ako bigla at napabangon nang marinig ang boses ni Zian, nanlaki ang mata ko nang makita ko siya sa aking harapan na naka hospital gown pa. “Z-Zian?” Huminga siya ng malalim at hinawakan ang buhok ko, “You got me worried, mom said you fainted after my operation.” Hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko siya, p-panaginip ba ang lahat ng ‘yon? Naluha ako at mabilis na inabot siya upang yakapin. “A-Akala ko n-napano ka na, Zian… A-Akala ko m-mawawala ka sa akin…” “Hmm?” tugon niya at hinaplos ang likuran ng ulo ko. “Why are you crying while sleeping hon?” mahinang tanong niya at bahagyang lumayo upang makita ang kabuohan ng mukha ko. Napalabi ako at hinawakan ang mukha niya. “N-Nanaginip ako ng masama, a-akala ko wala ka na..” nang maalala ang panaginip na ‘yon ay muli na naman akong naluha. Ngumiti siya sa akin, “Nauna pa nga akong gumising sa’yo. Dad said you are over fatigued and your stress levels are high.” Ngumuso ako at hinila
=Third Person’s Point Of View= FEW YEARS LATER… *BOOGSH!* Umawang ang labi ni Zian nang may malakas na sumapak sa kanyang mukha. Awtomatiko niyang nasapo ang gilid nang labi nang malasahan niya ang dugo dito. Hindi makapaniwala niyang tinignan ang babaeng amazona na nakasuot ng mini skirt at put
Lauren's Point of View. After few years.. Galit na galit kong hinablot ang bag ko matapos kausapin ang teacher ng anak ko, habang naglalakad ay hindi ko alam kung anong gagawin ko sa bunsong anak ko. Kagat labi kong hinintay si Zai na sagutin ang tawag ko to find out na nasa loob siya ng operating
=Elvira’s Point Of View= Dumating ang araw ng family gathering, at ramdam ko ang bigat ng mga mata ni Zian sa akin habang nasa kotse kami, papunta sa bahay ng pamilya niya. Panay ang tingin niya sa akin, sinisipat ako mula ulo hanggang paa, habang hindi ko rin maiwasang tingnan ang sarili sa salam
"Ano na pala nangyari sa doctor kuno na may gusto sa'yo?" Biglang tanong niya kaya nangunot ang noo ko. "Oh ano na ba nangyari sa'yo?" Biglang tanong ko. Umawang muli ang labi niya at natawa. "Yung mayabang, hindi ako." Paglilinaw niya. "Oh? Hindi ka ba mayabang?" Kwestyon ko ngunit halos nasapo ko







