Share

4..

[Apol]

Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway niya sa dami ng pagkain na nakahain rito. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman.

Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain nito lahat? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas.

Nanatili siyang nakatayo. Wala naman kasing sinabi si Mr. X na umupo siya. Baka mamaya ay masabihan siyang bastos at barilin siya bigla. Saka maganda na ang sigurado. Mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.

Agad na nagyuko siya ng ulo ng tumingin sa kanya ang lalaki, katulad kanina ay walang bakas ng emosyon ang kulay itim nitong mga mata.

"Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses na wika nito.

"O-Okay po." Sa katabing-upuan ng nasa pinakadulo siya uupo. Ayaw niya kasing makatapat si Mr. X ng upo. Paano siya makakakain ng maayos kung kaharap niya ang mukha nito. Baka kahit pagnguya ay hindi niya magawa dahil sa takot at pagkailang.

Pero ng uupo na siya ay dumating si Miss Carol. “Dito ka umupo, Miss Lanchester.” Tukoy nito sa katapat na upuan ni Mr. X.

Pinigilan niya ang mapangiwi. Ano ba 'to si Miss Carol. Iniiwasan nga niya na makaharap si Mr. X nang upuan. Paano siya kakain ngayon ng maayos, gutom na gutom pa naman siya.

Dahil mahaba at malawak ang mesa ay napakalayo ng mga pagkain, nasa gitna. Ano 'to, tatayo pa sila para kumuha ng pagkain? Akala niya ay sa telebisyon lang niya makikita ang ganitong set up, pero hindi pala. Napatingin siya sa ingay na tila bell na narinig niya. Si Mr. X, may hawak itong maliit na bell, hindi nagtagal ay mayro'ng lumapit sa rito na dalawang lalaki at inasikaso ito.

Tumingin siya sa bell na nasa harapan niya at ginaya ang ginawa nito. Mayamaya ay may lumapit sa kanya na dalawang lalaki. Impit siyang napangiti. Ang cute kasi ng dalawa at mukhang kasing edad lang niya, kaso lang ang papayat. Tinanong siya ng dalawa kung alin putahe ang gusto niya at sinagot niya ng "Lahat po 'yan gusto kong tikman." Wala na siyang pakialam kahit na kaharap niya si Mr. X dahil mas nangingibabaw na ang gutom niya ngayon.

Natigil siya sa pagsubo ng mapatingin siya kay Mr. X. Sa dinami-dami ng pagkain sa mesa ay kakarampot lang ang nasa plato nito. Nagpaluto ng napakarami tapos hindi naman kakain ng marami? Hay naku, ibang klase talaga ang mayayaman. Hindi nanghihinayang sa grasyang nasasayang.

Pagkatapos kumain ay napahawak siya sa tiyan dahil sa kabusugan. Tapos na siyang kumain pero si Mr. X ay hindi parin tapos kumain.

Tumayo siya at magalang na yumuko. "Aalis na po ako. Salamat sa pagkain." Nang mag angat siya ng ulo ay nakita niyang nakatuon lang ang mata nito sa pinggan na tila walang pakialam sa kanya. Dahil mukhang ayos lang naman dito ay umalis na siya. Pero hindi siya bumalik sa kwarto niya. Hinanap niya ang dalawang kasambahay na pumasok sa kwarto niya.

Napabuga siya ng hangin.

Isang oras na pero hindi niya parin nakita ang dalawa. Mukhang naliligaw pa yata siya.

Sinong hindi maliligaw sa ganito kalaki at kalawak na lugar? Tapos hindi pa niya kabisado ang daan— Napangiti siya ng makita ang isa sa dalawang babae na hinahanap niya. Lumingon-lingon muna siya sa paligid bago ito hinila sa gilid.

"Miss Lanchester—"

"Shhh." Aniya rito. "Wag kang maingay dahil baka marinig nila tayo." Marami siyang gustong itanong rito.

Pareho silang napatalon sa gulat dahil bigla nalang sumulpot ang kasama nitong babae kanina sa gilid nila.

"Ako nga pala si Apol." Inilahad niya ang palad sa dalawa subalit hindi ng mga ito tinanggap ang kamay niya.

"Miss Lanchester, pasensya na pero bawal ka naming hawakan. Pasensya na po. Ako nga po pala si Ester, siya naman po si Rima. Twenty-nine years old at pareho po kaming single. Isa kaming dalawa sa maraming naninilbihan sa lugar na ito.” Paliwanag nito.

Napabuntong hininga siya at saka nagtanong, nagpaliwanag na rin siya sa dalawa kung ano ang rason kung bakit narito siya. “May alam ba kayo na ibang paraan para makaalis sa lugar na ito? Ganito kasi 'yon. May kaibigan ako, binigyan niya ako ng Gold card para makapag apply ng trabaho rito. Ang sabi kasi ni Camille malaki magpasahod ang magiging mo ko rito. Trabaho lang talaga ang kailangan ko rito at hindi asawa.”

Nagkatinginan ang dalawa at umawang ang labi. Tila hindi makapaniwala ang mga ‘to sa sinabi niya. "May nagbigay sayo ng Gold card?"

Naalala niya ang reaksyon ng mga gwardiya ng malaman na hindi peke ang card na hawak niya. Ganito rin ang reaksyon ng mga ito:

Pati tuloy siya ay na-curious. "Bakit? Ano ba ang mayro'n sa card na dala ko?" Tanong niya.

Mahinang bumulong si Rima. "Sa pagkakaalam namin ay mayro'ng apat na klase ng cards sa mundo ng MWO. Ang isa ay ang 'Gold Card na mayro'ng itim na dyamanteng nakaukit. Sumisimbolo ito sa pamilya ng mga Helger. Ang ikalawa ay ang Red Card na mauro'ng nakaukit na white octagon, ang pamilyang Laxus naman ang sumisimbolo rito. Ang ikatlo ay ang White Card na mayro'n namang nakaukit na asul na tatsulok na sumisimbolo naman sa pamilya ng mga Deville. At ang huli ay ang Blue Card na mayro'ng nakaukit na pulang buwan, ang sumisimbolo naman sa pamilyang Moontenegro. Ang apat na pamilyang nabanggit ko ay napaka-makapangyarihan."

Naalala niya kulay ginto ang card na hawak niya. "Ibig sabihin ay pamilya ni Mr. X ang sumisimbolo sa card na hawak ko. Ano naman kung card nila ang hawak ko? Pinadala lang naman 'yon sa akin ng kaibigan ko para makapag apply ako ng trabaho rito." Hindi niya maintindihan, naguguluhan talaga siya sa mga nangyayari.

Nagpaliwanag sa kanya si Rima. "Hindi normal na card lang 'yon, Miss Lanchester. Binibigay lang ang card na 'yon sa napili na magiging asawa ng Mafia boss." Paliwanag nito.

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. "M-M-M-Mafia b-boss? H-Hindi ba katulad ‘yon ng mga napapanood sa telebisyon na delikado at malupit na tao? N-Niloloko niyo ba ako?" Gusto niyang isipin na niloloko siya ng dalawa pero wala siyang makita na pagbibiro sa mukha nang dalawa.

Si Ester na ang sumagot sa kanya. "Kung nabigyan ka ng isang card ay isa lang ang ibig sabihin nito... Ang ibig sabihin ay naging representative ka ng isang kilalang angkan na nakatanggap ng imbitasyon na galing mismo sa pamilya ng mga Helger. Kaya kung ako sa'yo, Miss Lanchester, ay hindi nalang ako tatakas. Dahil sa oras na tumakas ka at mahuli nila ay tiyak na mamamatay ka... ayaw namin na magaya ka sa ibang naging asawa ni Mr. X—" Napahinto sa pagsasalita si Ester ng makarinig ng yabag.

“Sige po, Miss Lanchester, maiwan na po namin kayo. May mga trabaho pa kami na kailangan tapusin.” Paalam ng dalawa at saka nagmamadaling umalis.

Natulala siya at gulong-gulo ang utak niya. Marami siyang katanungan na hindi masagot. Bakit mayro'ng Gold card si Camille? Bakit ibinigay ito sa kanya? Napaupo pa siya sa tindi ng nginig ng tuhod niya dahil sa mga nalaman niya.

Ngayon alam na niya kung bakit nakakatakot ang awra ni Mr. X, at kung bakit mukha itong nakakatakot at malupit. Hindi lang dahil makapangyarihan ang pamilya nito, kundi isa rin itong Mafia boss.

“Paano na ito ngayon? Trabaho lang naman ang gusto ko at hindi ang maging asawa ng Mafia boss.”

Saka ano ang ibig sabihin ni Ester na ayaw nito na magaya siya sa dating asawa ni Mr. X? Ibig sabihin ay hindi siya ang una? Kung hindi siya ang una, ano ang nangyari sa mga nauna?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶🫶🫶 Enjoy reading po🫶🫶 Thank you po sa support🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
Elleboj
thanks miss a!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status