Share

3.

[Apol]

Ano daw? Asawa?

"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki.

Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya.

"Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.

Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.

Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya.

"Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.

'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya.

Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano ba itong lugar na napuntahan niya? Bakit parang kampon ng demonyo ang mga nakatira dito?

Napatayo siya nang tuwid nang bumaling si Mr. X sa kanya. Halos hindi siya huminga sa sobrang takot.

"Did you say something earlier?" Hindi lang ang tingin nito ang naghatid ng kilabot sa kanyang katawan, maging ang boses din nito.

"A-Ah, a-ano..." Hindi niya magawang sumagot, pati ang kanyang dila ay nanginginig at namaluktot dahil sa takot.

Yumuko siya, kahit ang tingnan ito ay hindi niya magawa.

"Come on, Apol. Tell me, what it is." Nag uutos ang boses nito.

Nang mag angat siya ng tingin ay nakita niya ang mata nito na napakalamig kung tumingin, at ang mukha nitong walang bahid ng kahit anong emosyon. Kung ang ibang gwapong lalaki ay masarap tingnan, dito ay mapapayuko ka nalang dahil sa takot.

Yumuko ulit siya— Maganda nang mag iwas nang tingin. Baka mamaya ay ipatanggal pa nito ang mata niya!

"Hehe... I-Isa pong karangalan ang maging a-asawa mo, Mr. X." Ani niya sa nanginginig na tinig.

*******

'Bakit ko sinabi ang bagay na 'yon?' Iyon ang paulit-ulit niyang tanong habang inuuntog ang ulo sa pader dito sa kwarto kung saan siya nagising kanina. Wala na siyang nasabi pang iba dahil sa takot. Trabaho ang ipinunta niya rito, pero bakit asawa ang magiging bagsak niya?

Panaginip ba ito?

Agad na tumayo siya ng makita ang pagpasok ng dalawang babae na nakasuot ng uniporme. Sa tingin niya ay mas matanda ito sa kanya ng limang taon o higit pa. Mukhang kasambahay ang dalawang ito rito sa palasyo.

Nagulat ang dalawa ng hatakin niya ang mga ito.

Sana ay makahingi siya ng sagot sa mga ito. "Miss, pwede ba akong magtanong. Alam niyo ba kung nasaang lugar tayo? May cellphone ba kayo? Please, pahiram naman. Kailangan kong itext ang kapatid ko. Magpapasundo ako rito." Kung kinakailangan niyang magmakaawa ay gagawin niya para lang makauwi sa kanila.

Ayaw niya magpakasal— At mas lalong ayaw niya maging asawa ni Mr. X.

Nagkatinginan ang dalawa. "Miss Lanchester, pasensya ka na. Malabo na makaalis ka pa rito dahil narito tayo sa isang isolated na isla na tanging ang pamilya lamang ng mga Helger at tapat nilang mga tauhan ang nakakaalam. Saka bawal po ang cellphone sa amin rito. Bawal ang sinungaling at sumuway sa utos ang lahat ng narito. Kapag sumuway ka tiyak na makakatanggap ka ng parusa."

Napanganga siya sa narinig. "I-Ibig mong sabihin k-kapag namatay ako dito walang makakaalam?" Parang nauupos na kandila siya na napaupo ng tumango ang dalawa. Nang aalis na ang dalawa ay nagmamakaawang humawak siya sa braso ng mga ito. "I-Ibig niyo bang sabihin ay may chance na mamatay talaga ako rito?"

Umilap ang mata ng dalawa.

Naalala niya ang sinabi ni Mr. X sa dalawang tauhan nito kanina. 'Kill' daw... Hindi lang ang awra nito ang nakakatakot, maging ang ugali nito!

Inalis ng mga ito ang pagkakahawak niya. "Kailangan na namin umalis, Miss Lanchester. Baka mapagalitan kami ni Miss Carol kapag nagtagal pa kami rito." Nakayukong paalam ng dalawa.

Hindi siya papayag na mamatay dito. Kaya nga siya lumalaban sa hirap ng buhay dahil gusto niyang mabuhay. Mas lalo siyang nanghina ng makaramdam ng gutom. Mabuti nalang at hindi nagtagal ay dumating si Miss Carol, ang matandang nagdala sa kanya rito. Ang kaso hindi rin sila agad nakababa dahil kailangan daw muna niyang maligo at magbihis.

Ilang beses siyang nagpaikot-ikot sa harap ng salamin. Ang sosyal ng ipinasuot sa kanya. Isang mahabang itim na bestida na may palamuti na tila diyamante sa dulo. Mabuti at mahaba ang manggas nito dahil ang napakalamig dito sa palasyo. Pinasuot din siya ng kulay itim na sandals ng matanda at mga alahas.

Para siyang 'reyna' sa ayos niya. Ngayon lang siya nakapagsuot ng ganito kagandang mga alahas at damit. Tapos kumpleto pa lahat ng kailangan niya bilang babae rito sa kwarto. Gusto pa sana niyang magtagal sa pagsusukat, pero tumikhim na si Miss Carol.

"Hindi gusto ni Mr. X ang pinaghihintay siya, Miss Lanchester." Paalala ng matanda.

Tamang-tama, gutom na gutom na rin talaga siya. Habang pababa sila ng hagdan ay napatingin siya sa family picture na napakalaki. Ngayon alam na niya kung sino ang batang nasa gitna- Si Mr. X. Cute pa dito ang lalaki, hindi pa mukhang demonyo- Nanlaki ang mata niya ng dumulas ang paa niya at napagulong-gulong sa tatlong baitang paibaba.

"A-Aray ko po." D***g niya. Pakiramdam niya ay nagdalawa ang paningin niya sa sakit dahil nauntog ang ulo niya. Mabuti nalang at hindi siya sa pinaka-itaas nahulog kundi ay baka patay na siya ngayon.

Napahigit siya ng hininga ng maramdaman ang paglagay ng kung sino ng kamay sa ilalim ng kilikili niya at saka siya ini-angat nang walang kahirap-hirap para maitayo. Nang tumingala siya ay nakita niya si Mr. X na ngayon ay madilim ang mukha na natingin sa kanya.

"Ayoko ng asawang tatanga-tanga kaya mag iingat ka sa susunod." Madilim ang mukha na turan nito bago siya iniwan.

Napaawang ang labi niya ng mapagtanto ang sinabi nito. Kung wala lang si Miss Carol ay baka naghuhurumentado na siya sa kinatatayuan. Aksidente naman 'yon kaya paano siya naging tanga?

Grabe naman ito magsalita…

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶 Enjoy reading po🫶 Thank you po sa support🫶...
goodnovel comment avatar
SEENMORE
Welcome po🫶🫶🫶 Enjoy reading po🫶🫶🫶 Thank you po sa support🫶🫶🫶🫶
goodnovel comment avatar
shiela
thanks miss a!!!!
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status