Morgan 🫶 Saddie🫰
(Morgan pov) Abala ako sa pagbabasa ng mga papeles ng marinig kong kumatok ang secretary kong si Miss May ann. “Sir, tumawag ang Security Department, may nakaabang daw na mga reporters sa parking pot, sinubukan nilang pigilan pero dinumog sila. Tatawagan ko ba si Sir Kirk para sunduin kayo?” “No need, he's busy now. Call Jerome, ask him if he's free. If he's not, have him pick me up. Tell him to bring extra bodyguards with him when he picks me up. Someone might be following us later.” Binalik ko ang tingin sa mga binabasa ko, akala ko ay aalis na ito pero nanatili itong nakatayo. Kumunot ang noo ko at agad itong tinanong. “Why? Any problem?” Mukhang may gusto pa itong sabihin. Umiling ito bago ako sinagot. “Tumawag si Mr. Lou, Sir, pati si Sir Chris at tumawag din. Gusto ka nilang makausap, pero sinabi ko na busy kayo at fully booked ang appointment niyo this week, pero mapilit sila.” Dumilim ang mukha ko sa sumbong nito. Hanggang ngayon ay pinipilit pa rin akong bumalik ni Mr. L
Dinala sa hospital si Saddie dahil nawalan ito ng malay. Marami itong pasa dahil nanlaban ito para makatakbo at humingi ng tulong. Galit na galit ako sa sarili ko dahil iniwan ko ito ng walang kasama sa bahay. Kung nakinig lang sana ako kina Aling Marites at hindi binalewala ang babala nila ay hindi mangyayari ito. Walang tigil sa pag iyak si Saddie ng magising ito, nahirapan ako na patahanin ito dahil histerikal ito sa nangyari at na-trauma ayon sa Doctor na tumingin rito. Takot na takot ito na makulong. Kailangan pa itong patulugin para kumalma. Halos mamuti ang kamao ko sa diin ng pagkuyom ko habang nakatingin ako kay Saddie na nakahiga sa hospital bed na may bakas pa ng luha ang pisngi, may pasa din ito sa gilid ng labi, sa leeg at iba pang parte ng katawan. Nagpapasalamat ako dahil hindi ito napagsamantalahan ng tuluyan at nakuha nitong lumaban, dahil kung naging mahina ito ay baka hindi lang ito ang natamp niya. “Sir,” tinapik ako ni Jerome sa balikat, “tinawagan ko na si
(Creselda pov) Habang pinaghahatian namin ang mga gamit na nakuha namin sa bahay ng kriminal na nakapatay sa anak ko ay lumapit sa amin si Levy John, ang kinakasama ko. “Ito lang ang nakuha niyong gamit sa bahay ng babaeng ‘yon? Iyan lang ba ang kapalit ng buhay ng anak mo?” Inirapan ko ito. “Maghintay ka, hindi pa nga nakakalabas ng hospital ang babaeng ‘yon. Kapag nakalabas siya ay makikipag negosasyon ako sa kanya. Saka hindi ako papayag na ang mga kakarampot lang ang maging kabayaran sa buhay ni Cardo. Kung ayaw niyang makulong ay kailangan niya akong bayaran ng malaki… gusto kong makuha ang bahay niya! Kapag hindi siya pumayag sa gusto ko ay kakasuhan ko siya!” Ngumisi ito ng marinig ang sinabi ko. “Ibang klase ka talaga mag isip, mahal. Napaka tuso mo talaga,” Sabay yakap sa akin at halik na sabi nito. Pinuntahan namin ng mga pamangkin ko ang bahay ng babaeng nakapatay sa anak ko. Nanggulo kami at nilimos ang mga gamit sa bahay nito. Hindi naman gano’n karami ang mga gamit
Masaya kaming umalis ng bahay ni Levy john kasama ang mga kamag anak ko. Pinagplanuhan agad namin na bibili kami ng resorts sa Batangas kapag natanggap namin ang bayad at magbabakasyon sa pinakamalapit na bansa. Puro kami tawanan sa loob ng sasakyan, nagplano din kami na pupuntahan sa hospital ang babaeng pumatay sa anak ko para takutin pa ito na bigyan kami ng mas malaking pera, gusto ko ding makuha ang bahay nito. Sasamantalahin namin ang krimen na ginawa nito para mapasunod sa gusto namin. Pagdating sa napag usapang lugar ay sinalubong kami nila Chito at Shiela mae. Tuwang-tuwa na binalita nito sa amin na pumayag ang buyer na bilhin sa amin ng lagpas kalahati ng original prize ang bawat isa. Nakangiting lumabas ang may ari ng Shop at binati kami, habang iginigiya kami papasok sa Shop ay inuusisa kami nito. “Mahal ito at tanging mayaman at kilalang pamilya lang ang nakabili ng tatlong piraso sa bawat relo na binibenta niyo, Mrs. Samdo. Sa pagkakaalam ko ay hindi ito naibenta dit
(Morgan pov) Pagkatapos kong makausap ang pulis na humuli sa mga nanggulo at nagnakaw sa bahay ay binaba ko ang hawak kong cellphone at pinanood ang dalawang lalaki na walang awang binubugbog ng mga tauhan ni Dad. Hindi ko pinakinggan ang pagmamakaawa nila, kung tutuusin ay kulang pa ito sa ginawa nila. “Sir, nawalan na sila ng malay. Ipapadala na ba sila sa presinto?” Umiling ako kay Jerome. Yes balak ko silang ipakukong, pero hindi pa ngayon. Gusto ko muna silang magdusa sa mga kamay ko dahil sa ginawa nila kay Saddie. Inutusan ko sila na buhusan ng malamig na tubig ang dalawa, gusto ko yung nagyeyelo pa para tumagos sa mga sugat at buto nila ang lamig at sakit. Mayamaya ay dumating si Kirk, ang nakahanap sa dalawang lalaking ito. Akala yata ng dalawang ito ay ligtas na sila dahil nasa probinsya sila para magtago. Pero mas matinik ang kapatid ko at natagpuan niya agad ang pinagtataguan ng mga ito. “How long have you been torturing them?" Usisa nito sa akin. “You know mom, kapa
(Saddie pov) Mabilis na umusad ang kaso, napatunayan na wala akong kasalanan, sa tulong ng mga kapitbahay ko na tumestigo, sa mga kuha sa CCTV sa labas na talagang pinasok ako at wala talaga akong relasyon sa isa sa mga lalaking nagtangka sa akin. At isa pa, patong-patong na pala ang reklamo sa kanilang tatlo, ilang kababaihan na rin pala ang minolestiya ng mga ito. Pati ang pamilya na nanggulo sa bahay at ninakaw pa ang mga gamit namin ay nakakulong na rin. Nagmakaawa sila sa akin pero hindi ko sila pinatawad. Paulit-ulit akong minura ng babaeng Criselda ang pangalan at pinagbantaan pa ako, ito pala ang ina ng lalaking namatay sa bahay. Nakakatakot sila at sanay na gumawa ng masama sa kapwa pero hindi ako natatakot sa kanila dahil wala akong kasalanan at ginawang masama. Nagpapasalamat ako sa mga taong tumestigo para matulungan ako, lalo na kay Morgan at sa pamilya nito na sumuporta at naniwala na inosente ako. Umiiyak na yumakap ako kay Tita Kiray at Aling Marites, noong nasa h
(Saddie pov) “Wag mong kalimutan na pumunta sa birthday ng apo ko, ha!” Paalala ni Aling Bebang, isa sa kaibigan ni Aling Marites. Inanyayahan ako nito na dumalo sa debut ng apo nito. “Sige ho, Aling Bebang.” Pagkatapos magpaalam ay bumalik na ako sa bahay. Nagtaka ako ng maabutan si Morgan na nakaupo lang sa sofa habang may hawak na laptop. “Hindi ka may pasok ka? Bakit hindi ka pa nagbibihis?” Nagtatakang tanong ko rito. Lumabas lang kasi ako para bumili ng pandesal sa bakery nila. “I will go there later, for now let’s have breakfast.” Hinawakan nito ang kamay ko, sumilay ang ngiti sa labi ko ng magkahawak kamay naming tinungo ang kusina. Nagtimpla ako ng gatas para sa amin, napangiti ako ng mapatingin rito, kumakain na ito ngayon ng puto at pansit, hindi katulad noon na pili lang ang mga kinakain. Hindi lang ito natuto na magluto, kung ano ang kinakain ko ay kinakain na rin nito. Habang kumakain kami ay hindi ko mapigilan na pagsawain ang mata ko sa gwapo nitong mukha. Hangga
Akala ko ay nagbibiro lang si Morgan pero hindi pala. Mabuti nalang at narinig kong may inuutusan ito sa cellphone. “Morgan naman, eh!” “What?” Tawang turan nito habang tinataas ang cellphone, inaagaw ko kasi ito dahil nagpapabili talaga ito. “If buying that kind of food will make you happy, then I'll buy a shop for you. Don't underestimate what I can do for you.” Niyakap ako nito at seryoso na tumingin sa mga mata ko. “Always remember that I can do everything for you, Saddie.” Namula ako sa kilig sa sinabi nito. Alam ko naman ‘yon, simula ng ligawan niya ako ay pinaramdam niya sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Kaya nga nangako din ako sa sarili ko na gagawin ko din ang lahat para sa kanya. Hindi si Morgan pumasok sa trabaho. Pinagalitan ko pa nga ito, pero wag daw ako mag alala dahil may mga tao na gagawa ng trabaho habang wala ito, saka nando’n daw ang kapatid nitong si Kirk. Dahil tanghali na ay naghanda ako ng ingredients na kailangan ko, magluluto kasi ako ng ta
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magbi
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morga
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. Ka
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto