Share

349.

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2025-05-20 03:58:59

Nagising siya ng makaamoy ng mabangong amoy ng niluluto. Kumulo bigla ang tiyan niya. Siguro dahil mais lang kinain nila kagabi kaya nakaramdam agad siya ng gutom. Akmang tatayo na siya ng maalala na wala siyang saplot. Pero laking gulat niya ng makita na may suot na siya ng isang puting bestida.

“Teka, saan galing ‘to?” Bukod kasi sa gasera ay walang gamit dito sa kubo. Kaya nagtaka siya kung saan galing ito. Pero dagling naglaho ang pagtataka niya at napalitan ng pamumula ng maalala ang ginawa ng binata sa kanya kagabi.

“My god. Paano ko siya haharapib nito!” Aniya habang sapo ang nag iinit na mukha. Kung makaungol pa naman siya at makahalinghíng ay napakalakas. Ano nalang ang mukha na ihaharap niya sa binata. Naputol ang kanyang pag iisip ng sumungaw ang gwapong mukha ni Kiki sa pinto. Wala itong suot na eyepatch kaya malaya niyang nakikita ang dalawang kulay asul na mga mata nito.

“Lunch is ready, Miss Val. Come on.”

Miss Val? Kagabi lang ay Valeria ang tawag nito sa kany
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   349.

    Nagising siya ng makaamoy ng mabangong amoy ng niluluto. Kumulo bigla ang tiyan niya. Siguro dahil mais lang kinain nila kagabi kaya nakaramdam agad siya ng gutom. Akmang tatayo na siya ng maalala na wala siyang saplot. Pero laking gulat niya ng makita na may suot na siya ng isang puting bestida. “Teka, saan galing ‘to?” Bukod kasi sa gasera ay walang gamit dito sa kubo. Kaya nagtaka siya kung saan galing ito. Pero dagling naglaho ang pagtataka niya at napalitan ng pamumula ng maalala ang ginawa ng binata sa kanya kagabi. “My god. Paano ko siya haharapib nito!” Aniya habang sapo ang nag iinit na mukha. Kung makaungol pa naman siya at makahalinghíng ay napakalakas. Ano nalang ang mukha na ihaharap niya sa binata. Naputol ang kanyang pag iisip ng sumungaw ang gwapong mukha ni Kiki sa pinto. Wala itong suot na eyepatch kaya malaya niyang nakikita ang dalawang kulay asul na mga mata nito. “Lunch is ready, Miss Val. Come on.” Miss Val? Kagabi lang ay Valeria ang tawag nito sa kany

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   348. ‼️ SPG ‼️

    Wala siya sa sarili, o mas tamang sabihin na hindi niya kayang tumingin sa binata. Hindi niya kasi ito inaway, o pinagsabihan sa ginawang pananamantala sa kanya. Dapat magalit siya rito, pero hindi niya magawa. Pagkatapos siya nitong halikan at himas-himasin ang kanyang katawan ay para siyang naengkanto. Hanggang ngayon ay dama niya ang mapusok na halik nito sa labi niya, ang mainit na labi at hininga nito sa leeg niya, at ang mapangahas na basang dila nito sa leeg at pisngi niya. Kung hindi pa nga siya binuhat nito para tumakas ay hindi siya matatauhan. “Kumain ka na, Miss Val. Baka lumamig na ito.” Tumingin siya sa inihaw na mais na inabot nito sa kanya. Nasa isang kubo sila ngayon sa gitna ng gubat. Dito muna sila mananatili ni Kiki hanggang mag umaga para masiguro na ligtas na sila sa mga humahabol sa kanila. Malayo ito sa bayan, at walang kabahayan sa paligid, ni wala silang nakita ni isang bahay na may tao, ang tanging nakita nila ay itong nag iisang kubo sa gitna ng gub

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   347.

    Mayamaya ay lumapit sa kanila ang isa pang kasambahay. “Ma’am, may dumating na deliver, nasa garahe na ngayon.” Nasa garahe? Umirap siya sa hangin. Nahulaan ba ni Jeric na binasag ni Kiki ang kotseng pinadala nito kaya nagpadala ito ng bago? Pagdating sa garahe ay nakita niya ang isang luxury car at isang limited edition na motorsiklo, na mayron lamang anim na model sa buong mundo. Sa sobrang gulat ay napaawang ang labi niya. Kumpara sa mga regalo ni Jeric kanina ay walang-wala ang mga presyo ng mga nauna nitong pinadala. Hindi siya interesado sa mga regalong binigay ni Jeric. Alam niya kasi na may kapalit ang pagtanggap niya sa mga ito. Kaya kahit gustong-gusto niya ang mga second batch gifts nito sa kanya ay pikit-mata niyang inutos kay Aling Dalia at sa driver niya na ireturn ang mga ito. Kumunot ang noo niya ng makita ang card na kasama ng mga luxury items na nasa sala. “Don't waste your time returning these gifts. They're for you, Val. Accept these gifts and throw

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   346.

    Tumingin siya sa kamay niya na mahigpit na hawak nito. Nanlaki ang mata niya ng matauhan at nagmamadaling bumitaw dito. “S-salamat.” Aniya ng makabawi siya. “P-Pero hindi mo na dapag sinabi ‘yon. P-paano kung balikan ka nila?” Maisip palang niya ‘yon ay hindi na panatag ang loob niya. Kilala niya kasi ang ugali ni Jeric at ng mga kaibigan nito. Kahit hindi sila madalas na magkasundo ni Kiki ay nag aalala pa rin siya para dito. “Get in.” Ani nito imbes na sumagot sa kanya. Pagkasakay niya ng sasakyan ay sumakay na rin ito at binuhay ang makina. “Nakita mo naman na mga siraulo sila. Paano kung balikan ka nila? Oo nando’n na tayo, malakas ka. Pero anong laban mo sa kanila kung pagtulungan ka nila?” “Bakit? Nag aalala ka?” “Ha—“ nahigit niya ang hininga ng walang babala na lumapit ito sa kanya para ikabit ang seatbelt niya. Sa sobrang lapit ng mukha nito ay amoy niya ang tumatamang hininga nito sa kanyang bandang tenga. “Inuuna mo dapat na ikabit ito kaysa ang pagalitan ako.“

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   345.

    Tumikwas ang kilay ni Valeria habang sinusundan ng tingin si Kiki. Napansin niya na malamig na naman ito at parang walang pakialam sa paligid. Daig pa nito ang babaeng may regla, pabago-bago ng mood. “Ano ba ang problema ng isang ‘yon?” “Ma’am, nakahanda na ho ang sasakyan!” Imporma sa kanya ng driver na si manong Bert. Ito ang driver niya noon kapag may lakad siya o ayaw niya magmaneho. Pero ngayong may bodyguard na siya, dito na niya ipagkakatiwala pati ang pagmamaneho sa kanya. Tinanguhan lang niya ang matanda. Nang makaalis na ito ay saka siya tumayo para pumunta na sa garahe. “May problema ba?” Usisa niya sa binata ng makita ito. “Hindi mo ba nagustuhan ang suot mo?” Pupunta kasi sila sa dinner meeting ng isang potential investor ng kaniyang kumpanya kaya naka pormal attire sila ngayon. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “Ang gwapo mo kaya sa suot mo. Saka ang mahal niyan noh. Imbes na sumimangot ka diyan, magpasalamat ka nalang dahil nakasuot ka ng ganyang kamah

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   344.

    Kunot ang noo na sinundan ni Kirk ng tingin ang dalaga. Nagulat na lamang siya ng may hampasin siya ni aling Dalia na kadarating lang. “Ikaw naman kasi, bakit mo ginalit si ma’am? Sige ka baka i-break ka niyan.” Pananakot pa ng matanda sa kanya. “Sige na, sundan mo na siya. Panget daw sa magkasintahan ang kumain ng may tampuhan. Ano ba kasi ang pinag awayan niyong dalawa?” Pasimpleng usisa nito. “Hindi ko siya nobya— Hindi ito naniwala. “Hindi daw. Naku ang mga kabataan talaga ngayon ay malihim na, eh halata naman na ganito kayong dalawa.” Tudyo nito sabay dikit ng dalawang daliri. Akala ng binata ay tahimik ang matanda, pero ubod pala ito ng daldal. Mukhang hindi ito maniniwala sa anumang sabihin niya kaya tinalikuran na niya ito. “Hiwalay na ba sila ng fiancee niya?” Fiancee? Lumapit ito sa kanya at mahinang bumulong. “Iyon kasi ang sabi ng mommy niya ng pumunta dito, ay mali, madrasta pala. Narinig kong may fiancee daw ‘yang si ma’am Valeria. Mayaman daw at gwapo. P

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   343.

    “Bodyguard mo ako, hindi alalay.” Hindi maipinta ang mukha niya ng maalala ang sinabi ni Kiki sa kanya kahapon. Binagsak pa siya nito sa lupa. Mabuti nalang at hindi malakas ang naging bagsak niya. “Aalis na kayo, ma’am?” Tanong ni manang ng makita siya nitong nakabihis. May lakad kasi siya ngayon kaya isasama niya ang anak nito. “Oo, manang. Kayo na muna ang bahala dito ni manong Ging sa bahay. Baka kasi abutin kami ng tatlong araw do’n.” “Naku walang problema, ma’am. Basta mag iingat nalang kayo ng anak ko.” Alanganin itong nagtanong. “Basta si Kiki, ibalik mo siya dito ng ligtas.” Hindi niya malaman kung ngingiwi o sisimangot sa sinabi nito. Akala yata ni manang ay siya ang bodyguard ng anak nito. Speaking of the devil, dumating ito kasama ang tatay nito. Nalukot ang mukha niya ng makita ang baduy na porma nito. Luma at kupas na tshirt at pantalon, tapos parang hihiwalay na ang swelas ng rubber shoes nito sa ilalim. Gwapo naman ito kahit may eye patch. Pero dahil sa

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   342.

    Simula ng pumunta sila Jeric sa bahay niya ay lalo naging maalalahanin sila manang. Akala niya nga ay sisisihin siya ng mag asawa at aalis ang mga ito dahil baka madamay sila pero mali siya. Hindi daw aalis ang mga ito ng wala siyang kasama. Baka daw kasi bumalik sila Jeric at mapahamak siya. “Sigurado ka ba na busog ka pa?” Tanong ni manang. Pangatlong balik na nito dahil hindi pa siya nag aalmusal at tanghalian. Wala kasi siyang gana kumain. “Hindi ko alam kung ano ang kailangan sayo ng mga lalaking ‘yon, ma’am. Pero wag kang mag alala, nandito naman si Kiki. Sigurado ako na mapo-protektahan ka niya.” Kanina pa nakaalis si manang, nag iwan ito ng isang tray na may lamang nilagang saging para sa kanya at isang tasa na mainit na kape. Masarap daw ito itong pagsabayin. ‘Kayang protektahan?’ Naalala niya ang ginawa ng anak nito laban sa mga tauhan ni Jeric. Hindi niya actual na nakita kung paano nito napatumba sila. Pero sigurado siya sa isang bagay. Tama ang nanay nito, kaya

  • MAFIA BOSS SERIES: THE PRETENDING WIFE [Mr. KING]   341.

    Pagdating sa sala ay padaskol siyang umupo sa sofa. Ang sarap alisin ng ngisi sa laki ng anak ni manang, nakakairita! “Ma’am, para nga pala sayo sabi ng anak ko.” Humabol si manang sa kanyang na may dalang mga mangga. “Salamat, pero hindi na sana siya nag abala. Marunong akong kumuha.” “Walanh anuman, ma’am.” Sinundan niya ng tingin ang matanda. Simula ng dumating ang binata ay naging masiyahin na si manang at manong Ging. ‘Ganito rin kaya si dad kung bumalik ako noon?’ Pinilig niya ang ulo. ‘Wala na siya, Val. Kahit ano pa ang gawin mp ay hindi mo na maibabalik ang oras!’ Kastigo ng isip niya. Bumuntong-hininga siya. Kung nalaman sana niya agad na may sakit ang daddy niya ay bumalik sana siya agad ng mas maaga. TATLONG araw siyang halos hindi lumabas ng kwaryo niya. Sa ngayon ay tinapos niya ang lahat ng trabahong kailangan niyang tapusin dito sa bahay. Ito ang palagi niyang ginagawa simula ng manahin niya ang kumpanya ng lolo niya. She works at home and manage her o

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status