HINDI tumigil sa pagpapadala ng mga bulaklak si Fire. Sa tuwing dumadalaw ito sa kanya ay hindi niya ito nilalabas. Pero hindi naman niya ito pwedeng iwasan habangbuhay kaya ng dumalaw muli ito ay bumaba siya para kausapin ito. Kung hindi niya ito haharapin ay hindi mababawasan ang sakit ng ulo niya. Tatlong araw na rin kasing hindi tumitigil sa pagpunta si Kirk para makausap siya. Haharapin niya si Fire, pero ang lalaking na ‘yon ay hinding-hindi niya kakausapin. Para saan pa? Nang makita siya ni Fire ay tumayo ito. Kumikislap ang mga mata nito habang hawak ang isang bouquet ng bulaklak. Ayaw niyang basagin ang kasiyahang nakikita niya sa mukha nito pero ayaw niyang magsinungaling. “Fire, please stop this…” nawala ang ngiti sa labi nito. I’m sorry, Fire. Pero kailangan niya itong gawin. “Alam ko na marami kang sinakripisyo sa akin. Pero hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. Kahit subukan natin ang gusto mo, sigurado ako na hindi gagana ‘yon sa ating dalawa. Alam mo
HINILOT ni Valeria ang sintido. Sunod-sunod na nagback out sa hindi malamang dahilan ang mga investors ng kumpanya. Kung kailan malapit ng i-launch ang bagong formula na ginawa nila. Mayamaya ay bumukas ang pinto at pumasok si Timmy, ang may edad na secretary ng kanyang lolo. “Ma’am, someone wants to see you. Handa daw siyang mag invest ng malaki sa kumpanya natin.” Kumunot ang noo niya. “Who? The Bolton’s company? No thanks.” Tukoy niya sa kalabang kumpanya na walang ginawa kundi isabotahe sila. Umiling ito sa kanya. “No, ma’am. Pero isa siyang CEO ng bagong tayong kumpanya. Narinig ko na maganda ang pamamalakad niya. Hindi lamang ‘yon, nanggaling din siya sa respetadong pamilya ng mga negosyante sa buong mundo. Iyon nga lang ay hindi niya gustong ipakilala ang sarili niya. Gusto ka muna niyang makilala at makausap ng personal.” Kumunot ang noo niya. Nang sasagot sana siya ay nakuha ng cellphone niya ang atensyon niya ng tumunog ito. “What’s up, my Val.” Napaikot siya ng ma
Naiintindihan naman niya kung bakit nag isip ito ng gano’n. Siguro iniisip nito na naghahabol siya dahil nalaman niyang mayaman ito. Saka ito ang nakauna sa kanya. Binigay niya ang sarili dito kahit ikakasal na siya. Kaya hindi niya masisisi si Kirk kung mag isip ito ng masama. Pero nakasakit na… hindi naman siya lumandi sa iba. Ito lang ang minahal niya. Kung maaga siguro niya nalaman na mahal niya ito at hindi ito naipit sa mga plano niya ay hindi mangyayari ito. Pagkatapos niyang magbalat ng prutas ay umupo siya sa gilid ng higaan ni Fire. Nakahinga siya ng maluwag ng makitang stable ang paghinga nito. Hating-gabi na kasi pero hindi parin ito nagigising. Pero maganda daw ‘yon ayon sa doktor dahil nakakapagpahinga ang katawan nito. Nagbilin ito sa kanya na umuwi siya ng alas siyete ng gabi. Pero alas dos na nang madaling araw ay hindi parin siya umuuwi. Sigurado kasi siya na hindi ito makakapagpahinga kapag umalis siya. Sigurado na pipilitin nitong tumayo para magbantay. M
“Ma’am, mag iingat kayo doon ha. Wag kayong mag alala, aalagaan namin itong bahay.“ “Salamat ho, Aling Dalia.” Tumingin siya kina manang Bona at manong Ging. “Sigurado ho ba kayo na ayaw niyong sumama?” Umiling ang mga ito. “Maraming salamat sa offer, ma’am. Pero matanda na kami ni Ging. Mas gusto naming manatipi dito sa Pilipinas kaysa ang tumanda at mamatay sa ibang bansa. Ikaw ang inaalala namin, ma’am. Baka malungkot ka do’n.” “Wag kayong mag alala, manang. Sanay na ho akong mag isa.” Bumuntonghininga ang mga ito. Kahit hindi niya sabihin. Alam niya na alam na ng mga ito kung bakit namamaga ang mga mata niya. Isang linggo na kasi siyang walang hinto sa pag iyak. Naglasing pa nga siya. Ang nakakahiya pa. Pumunta siya ng Rizal para magsumbong kina manang Bona na may asawa na si Kirk at hindi na sila magkakatuluyan. Pati dito sa bahay niya sa Greenhills ay umatungal daw siya ng iyak habang sinisigaw kung gaano niya kamahal si Kirk. Nandito ngayon sa bahay sina manang
“Magkakilala kayo ni Miss Corneso, Sir?” Takang tanong ng secretary nito. “N-no way…” Gusto niyang isipin na nabibingi lang siya. Na hindi ito amo na tinutuloy ng lalaki. Imposible! Ang Kiki na nakilala niya ay simpleng lalaki lang. Hindi mayaman at lalong… hindi isang KING! “Aalis na ako, Sir. Maiwan ko na kayo ni Miss Corneso!” Nag init ang sulok ng mata niya. Halo-halo ang nararamdaman niya. Kaligayahan at pagkapahiya. Itim na suit, itim na slacks, itim na sapatos na halatang mamahalin—lahat ng suot nito ay halatang mamahalin. Malayo sa simpleng lalaki na nakilala niya noon. Malayo sa lalaking inakala niya. Si Kiki na minamaliit niya noon ay isa palang King?! “Kiki—“ “Sit down, Miss Corneso. Let’s talk about business and nothing more.” Nag init ang sulok ng mata niya. Malinaw na ayaw nitong makipag usap sa kanya kung may kinalaman sa bagay na mayron sila noon. Kumunot ang noo nito ng hindi siya umupo. “Why, Miss Corneso? Do you want us to talk abo
Nakahinga siya ng maluwag. “Salamat.” Nang makaalis ang mga pulis ay nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga Nang malaman niya ang ginawa ng mga ito ay naghanap siya ng iba pang ebidensyang magagamit laban sa mga ito. Naisip niya na baka may iba pang tinatagong baho ang mga ito. At tama nga siya. Nalaman niya na may prenuptial agreement pala ang daddy niya at madrasta. Kaya dahil doon ay napabilis ang lahat. “I’m sorry, mommy. Alam kong mahalaga sa inyo ang company. Pero kailangan ko ‘tong gawin.” Totoo na binenta niya ang kumpanya. Hindi magandang alaala ang iniwan nito sa kanya. Ang billion na pinagbentahan nito ay ginamit niya sa pagbili ng mga dekalidad na bomba sa kakilala ni Fire. Ginawa niya ‘yon para wala ng makuha pa ang madrasta niya maski singko sentavos. “Ngayong nagawa mo na ang plano mo. Ano ang sunod mong plano? Babalik ka na sa Spain?” Umiling siya. “Hindi. Hahanapin ko si Kiki.” “What?! But, Val…” “Hindi pa naman sigurado kung kasal na siya,