LIKE
(Kiray pov) Hinaplos ko ang ulo ni Laxus na nakapatong sa hita ko. Salamat naman at nakatulog na ‘to. Simula kasi ng kausapin ko siya ay wala itong hinto sa pagluha na parang bata. Akala ko malupit na ang naranasan ko sa magulang ko pero mali ako. Mayro’n palang katulad ni Laxus na mas matindi pa ang dinanas. Parang balewala kay Laxus ang paglatigo dito, ang bilis nitong makabawi. Kagabi kasi ay nakuha na agad nitong gumalaw. Maliban sa emotional health nito na napakaselan. Humigpit ang hawak ko sa bedsheet ng kama. Parang pinupunit ang laman ko sa tuwing dumidikit ang sugat ko sa damit ko. Napakasakit! Dahan-dahan kong inalis ang ulo ni Laxus sa hita ko at tinagilid ito. Pagkatapos lagyan ng ointment ang sugat ay kinumutan ko ito bago ako lumabas ng silid niya. “A-aray…” kagat ang labi na tiningnan ko ang repleksyon ko sa harap ng salamin. Pagkapasok ko rito ay naghubad agad ako para makita ang sugat ko. Mahaba at halos matanggal ang balat ko sa laman ko… makapigil hini
(Laxus King pov) “Mr. King, this is a serious problem that we must solve before it gets worse. Dalawang buwan ng kulang ang mga supply na pinapadala sa ibang bansa. Kung magpapatuloy ‘to ay hindi natin magagarantiya kung magkakaro’n pa tayo ng susunod na transaksyon sa kanila!” “Balita ko ay pinasara ni Mrs. Solante ang ilan sa mga institute nila. Nawawala din ang kapatid ng asawa niya’t asawa nito, maging si Mrs. Solante ay nawawala at walang nakakaalam ng kinaroroonan ngayon. Sa loob ng maraming taon ngayon lang na-short ng supply ang Institute nila. This is a big problem on our Organization. Kung sa susunod na buwan ay mangyayari ‘to, marami ng bansa ang titigil sa pagkuha sa atin ng mga gamot!” “Mr. King, kailangan gawan mo ‘to ng paraan. Hindi ba’t Solante ang asawa mo? Bakit hindi siya ang humawak ng Solante Institute habang wala pa ang kanyang ina? Balang araw ay mamanahin niya din ang mga negosyo nila. Bakit kailangan patagalin pa? Let your wife handle their businesses nan
Nang makaramdam ang dalawa ng mabigat na arwa sa kanilang likuran ay lumingon sila. “M-Mr. King!” Namumutlang bulalas ng mga ‘to. I stepped towards them and snatched the picture they’re holding. Awtomatikong kumunot ang noo ko ng makita ang litrato ng isang lalaki. “Who the fvck is this?!” Dagundong ang boses na tanong ko. Nangangalit ang ngitin at nanlilisik ang mata na tumingin ako sa kanila. “Sino ang lalaking ‘to?!” “M-Mr. King… siya po si Chef Zues, ang nagtuturo kay madam sa cooking class na pinasukan niya,” nanginginig na tugon ng isa. Nag-aalalang nilapitan kami ni manang ng marinig ang malakas na boses kong umalingawngaw sa paligid. “Ano ang ginawa niyo at nagalit si Mr. King?!” Handa ng pagalitan ni manang ang dalawa ng makita nito ang litratong hawak ko. “Mr. King, pwede bang sa akin nalang ang litratong ‘yan? Idol at crush ko kasi ‘yang si Chef Zues—“ napipilan ang matanda ng makita kung gaano kadilim ang ekspresyon ko. “Ang ibig kong sabihin ay akina na ang
“I’m sorry to hear that, Rayana. Hindi ko alam. Wala man lang ako sa tabi mo para damayan ka.“ Lumayo ako sa kanya. Nakokonsensya ako pero kailangan ko ‘tong gawin. Naalala ko bigla si Joffrey. “Siya nga pala. May kilala ka bang Joffrey? May lalaki kasi na lumapit sa akin no’ng nasa Auction ako. Sabi niya kaibigan ko daw siya, pero hindi ko naman siya matandaan. Kilala mo ba siya?” “Hmm… Joffrey?” Umiling ito. “Wala akong kilalang Joffrey. Bukod kay Daniel ikaw lang naman ang kaibigan ko.” Natigilan ako at napatitig sa kanya. Hindi ‘yon ang sagot na inaasahan ko. Nang makita nitong nakatingin ako ay nag-iwas ito ng tingin. “Siya nga pala may pasalubong ako sayo galing ng Japan. Pagkatapos kasi ng Auction ay do’n ako dumiretso dahil may shoot ako don, kababalik ko lang kahapon.” ‘Kababalik? Eh nakita ko silang magkasama ni Joffrey?’ Nang tanggapin ko ang inabot nitong paper bag ay peke akong ngumiti dito. “Salamat dito, Maureen ha, kahit nasa ibang bansa ka hindi mo ak
(Kiray pov) Napabalikwas ako ng bangon. nanlaki ang mata ko ng makitang alas otso ng umaga na. "Naku lagot!" Nangako pa naman ako kay Laxus na imamasahe ko siya. Kumunot ang noo ko ng mapansin na iba na ang suot ko. Ito ang lingerie na binili ko no'ng kasama ko si Laxus. "Teka... bakit ito na ang suot ko?" Sa pagkakatanda ko ay nasa bathtub ako. Nanlaki ang mata ko. "Oo nga nasa bathtub ako kagabi!" Nagpaalam kasi ako kay Laxus na maliligo muna. ibig sabihin sa bathtub ako nakatulog at may naglipat lang sa akin sa kama. Mahina kong kinutusan ang sarili ko. Paano kung nalunod ako? Pagdating sa dining table ay may nakahain na, "Manang, si Laxus po?" tanong ko kay manang ng makita ko 'to. "Maagang umalis ang asawa mo, Madam." lumapit 'to sa akin at naglapag ng mainit na gatas sa harapan ko. "Madam, sa susunod ay wag niyo ng uulitin 'yon ha. Iba magalit ang asawa mo, nakakatakot siya.” Ang ibig ba'ng sabihin nito ay ang matulog sa bathtub? Pero di'ba dapat mag-alala an
May sampong minuto pa bago magsimula ang baking class. Hindi ako mapakali, pakiramdam ko talaga may matang nakamasid sa akin. “Nagbaon ka? Aayain pa naman sana kitang kumain do’n sa bagong bukas na mamihan do’n sa may kanto namin.” Sabi ni Mariz ng mapansin ang dala ko. “Pinabaunan kasi ako ni manang, nagkataon na idol pala niya si Chef Zues, kaya ayun nagpadala din siya para kay Chef.” Umingos ito ng banggitin ko ang lalaki. Palagi kasing nilalait ni Chef Zues ang gawa nito kaya inis na inis ito rito. “Alam mo kung hindi lang ako nanghihinayang sa binayad mo dito, hindi ko na itutuloy ang baking class na ‘to. Ang yabang naman kasi ng Zues na ‘yan! Wala na siyang ginawa kundi bantayan ang gawa ko. Kaya nga ako nandito para matuto, tapos lalaitin lang niya ako palagi?!“ “Honest lang siya okay—Ibig kong sabihin, gusto lang niya na matuto ka pa,” bawi ko ng tingnan niya ako ng masama. Si Chef Zues din kasi, parang inis na inis kay Mariz. Luminga ako. Absent yata si Maureen nga
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya. Heto na naman kasi ang dibdib ko… ang lakas ng kabog dahil sa presensya nito. Nang makuha ang singsing sa bulsa ko ay tumayo si Laxus ng tuwid. Kinuha nito ang kamay ko at ito mismo ang nagsuot ng singsing sa daliri ko. “Simula ngayon ayokong malalaman na tinanggal mo ‘to. Maliwanag ba?” Seryosong sabi nito na parang hindi tatanggap ng “hindi” na sagot. Napanguso ako. “Pero, Laxus, baka kasi mawala ko ‘to. Ang mahal pa naman nito. Hindi talaga ako nagsusuot ng alahas lalo na kapag lumalabas. Nagkalat kasi ang mga snatcher sa daan kaya nag-iingat lang ako. Baka mamaya mawala ko ‘to. Ayokong magalit ka sa akin. Ayokong magalit na sa’kin.” Natigilan ito ng marinig ang huli kong sinabi, pero agad din nakabawi at nag-iwas ng tingin. “If that happens, I will buy you a new one. Just wear it, no matter where you are. Sundin mo nalang ang sinabi ko. May asawa ka na, kaya hindi mo dapat hinahayaan na lapitan ka ng iba.” Ngumuso ako. “Hindi naman ako nag
May gusto ba ang babaeng ‘to sa asawa ko? Halos madurog ang hawak kong cellphone sa diin ng pagkakakuyom ko ng maisip ang bagay na ‘yon. Naalala ko no’ng kasal namin, napansin ko ang panakaw na sulyap nito kay Laxus. Hindi ko binigyan ng ibig sabihin ‘yon kasi akala ko nagwapuhan lang ito sa asawa ko. Naalala ko din ng magkita kami sa Auction. Akala ko namamalikmata lang ako ng makita ang pagdaan ng panibugho sa mata nito habang nakatingin sa kwintas at relo na suot ko. Hindi pala ako namamalikmata, totoo pala ang nakita ko. Tutulungan daw akong tumakas kung gusto ko—hindi pala para tulungan talaga ako, gusto lang nito na magkaro’n ng pagkakataon na maagaw ang asawa ko. Nagngitngit ako. ‘Walanghiya kang Maureen ka! Haliparot! Malandi! Higad! Makati!’ Lahat ng pwedeng itawag dito ay tinawag ko na. Hindi ko man nakikita ang mukha ko alam kong namumula ako sa galit ngayon. Hindi ko na hinintay na matapos silang mag-usap, umalis na ako para makapag-isip ng tama. Halatang n
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palagin
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa ka
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na si
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-P
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuha
Sigaw ako ng sigaw habang kinakaladkad ako nito pabalik. “TULONG! Parang awa niyo na ‘tulungan niyo ako!” Hinawakan ko ang kamay nitong nasa ulo ko para tanggalin ito. Pero hindi ko magawa dahil parang bakal ang kamay nitong NASA ulo ko. “Wag ka ng umasa na may makakarinig sayo, Saddie! Walang ibang tao sa islang ito kundi tayo lang at mga tauhan ko! Mapapaos ka lang sa kakasigaw mo!” Alam ko… pero umaasa pa rin ako na may makakarinig sa pagmamakaawa ko. Hindi ako huminto sa pagsigaw kaya nainis ito at binilisan ang paghila sa buhok ko. Naramdaman ko din ang pagdiin ng kuko nito sa anit ko. Napakasakit! Isabay pa na wala akong tsinelas kaya tumatama ang talampakan ko sa mga sirang shell sa buhangin kaya puro sugat ang paa ko. “Tama na, Navy! Maawa ka pakawalan mo ako! Bitiwan mo ako nasasaktan ako! M-maawa ka parang awa mo na! B-buntis ako maawa ka!” Pero imbes na maawa ay tinawanan lamang ako nito. “Maawa? Sana inisip mo ‘yan bago mo ako tinakasan! Kung may utak ka hindi
(Saddie pov) Sinanay ko muna ang mata ko sa daan. Ilang beses kong kinabisado ang daan bago ako naghanda sa pagtakas. Mahirap na dahil baka mabulilyaso ako kaya hinintay ko muna gumabi bago ako tumakas. “Wag kang mag alala dahil makakauwi rin tayo. Sa ngayon dito muna tayo para hindi tayo maabutan ng mga taong naghahabol sayo.” ‘Talaga? Ang sabihin mo lang gusto mo akong mapaniwala na may naghahabol sa akin! Pakana mo ang lahat!’ Ngumiti ako bago tumango rito kahit gusto kong basagin ito. Ang galing talaga magsinungaling ni Navy… sanay na sanay ito. “Salamat, Navy. Sige papasok na ako sa kwarto, nahihilo na naman kasi ako. Sana nga bukas makauwi na tayo. Ayoko na kasi dito… sigurado kasi ako na nag aalala na sila mama sa akin, saka ang asawa ko.” Panandaliang nawala ang ngiti nito. “Hayaan mo, sigurado na magkikita din kayo.” Ngumiti ito ng pilit. “Salamat.” Akmang papasok na ako ng pogilan nito ang braso ko. “Paano kung… kung patayin si Morgan ng mga humahabol sayo?
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na pala