LIKE 👍
(Kiray pov) Si Tita Juliana naman! Bakit hindi sinabi sa akin na gano’n pala ang epekto ng binigay nito?! Tumingin ako sa inuming binigay nito—na walang nakasulat maski isa. No label, wala lahat. Napangiwi ako. Kung hindi pa sinabi sa akin ni manang ang epekto nito ay hindi ko malalaman na ito pala ang dahilan ng pag iinit ko at pagiging wild ko. Tawa nang tawa si Tita Juliana ng tinawagan ko. “Iha, kung sasabihin ko ba sayo ang epekto ng inuming ‘yan ay iinumin mo parin?” Nang hindi ako sumagot ay muli itong tumawa. “See? Hindi mo iinumin. That’s the reason why I haven’t told you. Ano kamusta na ang epekto sayo? Magkaka apo na ba ako sa inyo ni Laxus?” “T-Tita naman eh!” Hindi ko alam na may pagkapilya pala itong itong tita ni Laxus. “Iha, sooner or later ay do’n din ang punta niyo ng asawa mo. Whether you like it or not ay mabubuntis ka at dadalhin ang anak niyong dalawa. Hindi na ako makapaghintay na magkaapo, iha.” Nang hindi ako nakakibo ay narinig ko ang pagbuntonghi
(Kiray pov) Akala ko ako lang ang papasok sa baking class. Nagulat ako dahil pumasok din si Laxus. Siniko ako ni Mariz at nginuso ang asawa kong nasa sulok. “Binabantayan ka yata ng asawa mo. Tingnan mo kanina pa siya nakatingin sa’yo. Saka magkaaway na sila ni Chef Zues? Ang sama kasi ng tingin niya eh… parang naghahanap ng away.” Puna nito. Napangiwi ako. Napansin ko nga. Pero wala naman ginagawa si Chef Zues sa kanya. “Alam mo sa tingin ko nagseselos siya kay Chef. Nakita ko kanina kulang nalang sakalin niya chef no’ng kausap ka.” Dagdag ni Mariz. “Naku malabo ang sinasabi mo. Ganyan lang talaga tumingin ang asawa ko.” Imposible naman kasi na magselos ito. “Ano ka ba, Rayana. Normal lang sa asawa ang magselos. Ibig sabihin lang no’n ‘mahal ka niya. Ganyan na ganyan ang tatay ko sa nanay ko eh lalo na kapag nagseselos.” Napan
(Kiray pov) “Manang, ano po ang ibig sabihin ng logo di’yan sa gate?” Tanong ko kay manang habang narito kami ngayon sa kusina. Gusto ko kasi na ako ang magluluto ngayon para sa asawa ko. “Kasi po napansin ko lahat ng sasakyan ni Laxus, pati helicopter may logo katulad no’ng nasa gate. Hindi naman po ‘yon ang pangalan ng kumpanya ng asawa ko.” Natigilan ito sa tanong ko. Mayamaya ay nagpalinga-linga itong nilapitan ako. “Madam, nakikiusap ako sayo… wag mong itatanong sa iba ang tungkol sa bagay na ‘to. Kung may gusto kang malaman, sa akin ka magtanong.” Alam ko. Kaya nga hindi ako nagtatanong sa iba dahil ayokong makahalata sila na wala akong alam. Kay manang Diday lang ako nagtatanong kasi may tiwala ako dito. Saka napansin kong sinasagot nito ang lahat ng tanong ko ng hindi nagtataka. “Hmm… ang bango naman!” Natigil kami sa pag uusap ng dumating si Jigs. Nag
(Kiray pov) Napangiti ako ng makita ang repleksyon ko sa salamin suot ang isang Yellow Empire Waist Gown. Bagay na bagay sa akin ang kulay nito, mukha akonh prisesa dito. Pagkalabas ko ng kwarto ay nagulat ako. Akala ko sa baba ng hagdan maghihintay sa akin si Laxus. “You looked lovely, Rayana. That color suits you well. You look like a queen.” Namula ako sa papuri nito. Alam kong maganda ako pero nakakakilig kapag nanggagaling mismo sa asawa ko. Umikot ako sa harapan nito. “Dapat lang na maganda ako dito noh. Nahirapan kaya akong pumili nito.” Lahat kasi ng gowns na hinatid three days before the Mafia Boss Ball ay talagang walang itulak kabigin sa ganda, lahat ay pawang elegante at classy ang dating. Nagulat ako ng hilahin ako ni Laxus. May nilagay ito sa tapat ng dibdib ko. Naalala ko ang sinabi ni manang tungkol sa dito. Logo crest daw ito ng organisasyon. “There. Now you’re exactly look like a queen of me. Reyna ng mundo ko, Rayana.” Humawak ako dito. Reyna daw n
Nilapitan niya ako ng makita ako. “Kalahating oras kang nasa loob at namumutla ka. Gusto mo bang umuwi na?” “A-ayos lang ba?” “Kung iyan ang gusto ng asawa ko.” Turan nito bago pinatay ang sigarilyo at hinawakan ang kamay kong nanlalamig. Kumunot ang noo nito sabay salat sa noo ko kaya napapitlag na naman ako. Bakas na ang pagtataka sa gwapong mukha ng tingnan ako nito. “P-Pasensya na… masama talaga ang pakiramdam ko ngayon. Please umuwi na tayo, ayoko na dito… i mean lalo akong nahihilo sa dami ng tao dito ngayon.” Lumamlam ang mata nito sa sinabi ko. Napasinghap ako ng walang babala na buhatin ako nito. Gusto kong kumawala sa bisig nito pero parang nawalan ako ng lakas. Dapat matakot ako pero kabaligtaran ang naramdaman ko ng nasa bisig niya ako. I feel safe and relax. “Tsk. Akala ko ba ayos ka lang? Kung inaalala mo na maa-abala mo ako sa pag uwi ng maaga dahil sa event na ito ay nagkakamali ka. You are more important than this ball, Queen… important than anything.”
(Kiray pov) “Hindi na talaga ako natutuwa sa Zues na ‘yan! Bakit lahat kayo mag certificate pero wala ay wala?! Nag improve naman ako ah!” Nag improve? Napangiwi ako sa sinabi ni Mariz. Narito kami ngayon sa public restroom ng isang mall para bumili ng pang exchange gift namin sa mga ka-batch namin. Sakto kasi magpapasko na rin kaya naisipan ni Chef Zues na magkaroon ng exchange gift. Lahat kasi kami ay nakapasa, maliban kay Mariz. Kaya heto kanina pa ito nagmamaktol. Hindi nito matanggap na sa batch namin ay ito lang ang maiiwan at hindi makakatanggap ng certificate. “Wag ka ng magalit kay Chef. Gusto ka lang niya mag improve. Saka libre na ang pagpasok mo sa sunod na batch kaya wag ka ng magreklamo di’yan. Tanggapin mo nalang lang… saka ayaw ko no’n kasama mo pa rin siya next month?” May panunuksong sabi ko. Masamang tiningnan niya ako. “Hindi ko siya type kaya wag mo akong tuksuin sa bwisit na ‘yon.” Pagkatapos naming mamili ay lumabas na kami para kumain. Napansin kong
‘A good future’ Akala ko ako lang ang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa aming dalawa. Pero pati pala ang asawa ko gano’n ang hangad para sa aming dalawa. Pinahid nito ang luha ko pagkatapos akong halikan. “S-sorry… nakaka touch kasi ang sinabi mo. Hindi ko alam na may pagka sentimental ka pala.” Namula ang tenga nito sa sinabi ko. “Ang cute mo, Kingkong ko.” Kumunot ang noo nito. Hinawakan ko ang tenga niya. “Kapag nahihiya ka, kinikilig, napansin kong namumula ang tenga mo hanggang dito sa bandang leeg… ang cute mo kapag gano’n,” “Cute? Hindi ako bata, Queen.” ‘Pinuri na nga nagreklamo pa!’ Nakaingos na bulong ko. Napahagikgik ako ng halikan nito ang leeg ko. “Ano ba, Laxus tama na nakikiliti ako!” “Ipapakita ko sayo kung gaano kasarap magpaligaya ang cute na sinasabi mo,” anito sabay ibabaw sa akin. Nauwi sa ung0l ang kagikhik at tawa ko sa sunod na sandali. ***** “CONGRATULATIONS EVERYONE FOR PASSING OUR BAKING LESSONS! Don’t forget to lever
(Kiray pov) Lahat ng tauhan ni Laxus ay nagkakasiyahan, pero bawal uminom ng alak dahil baka magkaro’n daw ng hindi inaasahang kaguluhan o baka paglusob. Umakyat ako sa silid ng asawa ko. Hindi ko siya nakita do’n kaya sa studyroom ako nagtungo. Naabutan ko ito na may tinitingnan. Kumunot ang noo ko ng itago ito ni Laxus ng makita ako. Pinagpawisan ito na parang kinakabahan. Kinutuban ako bigla. Sigurado ako na camera iyon. Ano kaya ang tinitingnan nito. Babae kaya? Sexing babae? May iba pa bang babae na maganda at sexy sa paningin ng asawa ko bukod sa akin? Kumuyom ang kamao ko. Hindi ako selosa dahil alam ko naman na maganda na ako. Pero ng maisip ko ‘yon ay kumirot ang dibdib ko. Gusto kong ako lang ang tinitingnan ng asawa ko, na ako lang ang maganda at sexy sa paningin nito. Pasko pa naman pero mukhang sama ng loob ang bubungad sa akin ngayon. Hmp! Siguro gumaganti ito sa akin ngayon. “Queen,” lumapit ito sa akin at yumakap. ‘Hmp! Biglang lumambing ah. Siguro dahil
“Ma’am, nagluto ako ng paborito mo, nagdagdag din ako ng mga gulay baka kako magustuhan niyo.” Tumingin siya sa mga pagkaing nakahain sa mesa. Napakarami nito para sa kanya. “Naku pasensya na dahil napadami ang luto ko. Minsan ka lang narito kaya dinamihan ko na. Saka wag kayong mag alala, ma’am. Hindi ko naman binawas sa expenses nitong bahay ang pinambili ko ng mga gulay. Marami kasing tanim sa bakuran, sayang naman kaya niluto ko nalang.” Tumikhim siya at tumango. Gusto niya sanang itanong sa matanda kung anong nangyari sa anak nito. Hindi niya kasi masabe kung saan galing ang sugat nito. Pero baka isipin naman ng matanda na tsismosa siya kaya hindi na siya nagtanong. Asul na mata… Tumingin siya sa mata ng matanda. Kahit anong isip niya, imposible talaga na nakuha ng anak ng lalaki ang kulay ng mata sa mag asawa. Pareho kasing kulay itim ang mga mata ng dalawa. ‘Baka anak ni manang sa foreigner at inako at tinuring na tunay na anak ng asawa nito?’ Pinilig niya ang u
“Damn it!” Malakas na napamura si Kirk ng maramdaman ang kirot sa kanyang sugat. Hindi lang apat na bala ang natamo niya ng maabutan siya ng mga taong humahabol sa kanya. “Answer, Baste! Damn it!” Mura niya ng hindi sagutin ng kasama niya ang tawag niya. Mukhang nalagay din sa panganib ang buhay nito kaya hindi na nakuhang sagutin ang tawag niya. “T-tangina…” sumandal siya sa motor niya sa sobrang sakit. Nagsisimula ng manlabo ang paningin niya dahil marami na ang dugong nawala sa kanya. Kung magtatagal siya dito ay baka maabutan siya ng mga humahabol sa kanya at matuluyan siya. Kung aalis naman siya at pipilitin na magmaneho ay lalong bubuka ang sugat niya. “D-damn. I have no choice after all!” Nagsuot siya ng helmet bago sumakay ng motorsiklo pagkatapos alisin ang bakas niya sa lugar. Mamamatay rin naman siya kung hindi siya aalis, kaya mas mabuti ng sumubok. ******* “THIS IS BULLSHlT!!! Bakit mas malaki ang mana niya eh ako ang anak sa aming dalawa? Ginagag0 mo ba ako,
Thank you so much po sa walang sawang pagbabasa ng mga story ko❤️ Tapos puso po akong nagpapasalamat.Dahil gusto niyong idugtong ko ang story ni Kirk ay pagbibigyan ko kayo. Mahaba-haba na namang story ang madudugtong ko dito. Sa mga nag aabang ng update ko palagi. Pasensya na po kasi wala po akong eksaktong oras kung kailan ako naglalabas ng mga chapters. Depende po kasi ang update ko sa oras ng kasipagan ko haha. Inuulit ko po, maraming salamat po!Ang susunod na story ay kwento na ni Kirk.Abangan ang love story nila ng babaeng matapang at walang inaatrasan❤️Thank you nga po pala sa mga walang sawang nagbibigay ng GEMS 💎 Godbless po sa inyong lahat!
“WHAT THE HELL?!!!” Napaubos si Saddie ng salubungin sila ng makapal na usok habang pababa ng hagdan. Galit na galit tuloy ang asawa niya. Umalis si Morgan sandali, pagbalik nito ay may dala na itong panyo na basa na nakatapal sa ilong niya. “Here put this. Lumabas ka muna, ako na ang bahala sa mga bata.” Pigil ang galit na sabi nito. Hinawakan niya ito sa kamay. “Ako na… baka matakot lang sila.” Sumimangot ito sa sinabi niya. “Tsk. Kaya ang tigas ng ulo nila kasi kinukunsinti mo.” Lalong nasira ang mukha nito ng makita ang pagngiti niya. Naalala niya kasi si Tita Letty, ganitong-ganito ang sinasabi nito noon sa kanya. Imbes na lumabas dahil sa makapal na usok, lihim niyang sinundan ito. Tama nga ang hinala niya—kasama ng mga anak nila ang Tito Kirk ng mga ito. “The fvck, Kirk! Balak mo bang sunugin ang bahay namin?!” Natampal niya ang noo. Mukhang away na naman ito. Si Kirk din kasi ang tigas ng ulo. Ito na yata ang pinaka kunsintidor sa kanilang lahat. Kaya palaging
“This way, ma’am.” Nakangiting iginiya siya ng manager mismo ng restaurant sa table nila ni Morgan. Mukhang pina-reserved na naman nito ang buong resto dahil wala siyang ibang nakitang ibang costumer maliban sa kanya. Hindi lang ‘yon, puno ng petals ng roses paligid, mayron ding banda ng mga musicians sa sulok. Kapag hindi sila sabay na pumupunta sa restaurant ay palagi itong nauuna sa kanya. Pero ngayon ay nauna siya dahil wala pa ito ng dumating siya sa table nila. Hindi pa siya nagtatagal sa pag upo ng may malaking kamay na tumakip sa mata niya. Sa amoy palang nito ay nahulaan niya agad kung sino ito. “Sino ‘to? Amoy palang mukhang gwapo na.” Biro niya. Natawa rin siya ng marinig ang mahinang pagtawa nito. “Happy anniversary, my love.” Bulong nito sa tenga niya habang nakayakap sa balikat niya. “Napakaganda mo, wala kang kupas.” Puri nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapangiti sa kilig. Araw-araw naman siya nitong pinupuri pero hindi nagbabago ang epekto nito sa kan
“sigurado kang bagay sa akin ‘to? Feeling ko kasi mukha akong suman.” Ani Saddie habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Nandito sila ngayon sa mall nila Agnes kasama si Stephanie para bumili ng susuotin niya mamaya para sa mahalagang event sa buhay nilang mag asawa. Anniversary kasi nilang dalawa ni Morgan mamaya. At siyempre gusto niya na maging pinaka maganda sa paningin nito. “Ano ka ba, Saddie… kahit magsuot ka ng basahan ikaw pa rin ang pinaka maganda sa paningin ng asawa mo. Pero napapansin ko nga, parang tumataba ka lately.” Nilapag ni Stephanie ang hawak at lumapit sa kanila. Dahil sa sinabi ni Agnes ay nakisipat rin ito. “Oo nga noh, tumaba ka ng konte.” Napangiwi siya. Nito kasing nakaraan ay wala siyang ginawa kundi ang kumain. Dinadaan nalang niya sa kain ang stress niya. Dinatnan kasi siya ng regla ngayong buwan. Umaasa pa naman siya na magdadalantao ngayong taon. Apat na taon na pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagbubuntis. Nakapagtapos na siy
“Sir, hinahanap ka ni ma’am. Nandito kami ngayon sa office niyo.” Napahinto siya sa paglapit ng marinig ang isang bodyguard na nagsusumbong sa asawa niya. Agad siyang nagtago sa gilid at nakinig sa sinasabi nito. Hindi niya naririnig ang boses ni Morgan pero alam niya may inuutos ito. “Sige, Sir… sasabihin ko nalang na pauwi na kayo. Oo, sir… binigay ko na kay Jerome, dadalhin daw niya diyan mamaya sa inyo.” Pinadala kay Jerome? Ibig sabihin pupunta ito kung nasaan ang asawa niya? Hindi siya tumuloy sa paglapit rito. Nagpalinga-linga siya sa paligid. Nang makitang hindi nakatingin sa kanya ang mga bantay niya ay nagmamadali siyang tumakbo para tumakas. Dumaan siya sa exit door pababa ng hagdan, kung mag eelevator kasi siya ay madali siyang mahahanap. Alam niya kung nasaan si Jerome, palagi itong nasa office ni daddy Laxus. Kailangan niya itong masundan. Pagkalabas ng gusali at sumakay agad siya ng taxi. “Manong, ihinto niyo.” Utos niya sa driver ng makarating sa isa pang pa
“Masakit ang mawalan ng anak, pero kailangan mong kayanin.” Hindi siya kumibo. “Anak…” “U-umalis na kayo.” Malamig niyang taboy sa mga ito. “H-hindi niyo alam ang nararamdaman ko dahil tinaboy niyp naman ako noon.” Natigilan ang mga ito sa sinabi niya. Tumingin siya ng puno ng hinanakit sa papa niya. “Lalo ka na… wag mo akong damayan na parang alam mo ang sakit na nararamdaman ko. Wala ka naman pakialam sakin kaya wag kang magpanggap na nakikiramay ka. Alam ko naman na ito ang gusto mo, ang magdusa ako para makaganti ka. Wala ka naman talagang pake sa akin, papa… wala naman ibang mahalaga sayo kundi pera. Hindi niyo alam ang pakiramdam ng mawalan ng anak dahil para sa inyo wala naman akong halaga… k-kaya iniwan niyo akong dalawa.” “Saddie…” umiyak ang mama niya ng tabigin niya ang kamay nito at humiga talikod sa kama. “Anak, alam kong hindi ako naging mabuting ama. Naging makasarili ako, naging pabaya at masama ding asawa. Hindi ko nawala maibabalik ang lahat. P-Pero
Wala sa sarili na nakasandal si Morgan sa labas ng emergency room kung nasaan ang asawa. Masyado ng maraming dugo ang nawala dito. Sa doktor na mismo nanggaling na imposibleng masalba ang batang dinadala nito. “M-mumu, ang sakit…” Pumikit siya ng maalala ang mga daińg nito kanina… maging ang ginagawa dito ni Navy pagkarating nila… muntik na itong mawala sa kanya. Damn! Damn! Damn! Kung hindi siya naging kampante at nagpabaya ay hindi ito mangyayari sa kanyang mag ina. Kung noong una palang ay hindi na siya pumayag sa gusto ng asawa na alisin ang mga bodyguards nito ay hindi mangyayari ang lahat ng ito. Tama ang daddy niya—hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat na masunod ang mga asawa. Pagdating sa kaligtasan ng asawa, lalaki dapat ang masusunod. “M-mumu, ang anak natin… ang anak natin!” Dainġ nito bago panawan ng ulirat kanina. “I’m really sorry, Mr. King… pero wala na ang bata.” Alam niya na imposible ang dinadasal niya kanina. Pero umaasa pa rin siya na mabubuhay