Kiray 💔❤️🩹😭😭😭😭
(Kiray pov) “CONGRATULATIONS, Kiray! Masaya ako para sa’yo! Tama nga ang matatanda, swerte talaga ang mga buntis!” “Sinabi mo pa, nay.” Segunda ni Mariz sa kanyang ina na si Aling Marites bago hinaplos ang tiyan ko. “Ano kaya kung mag-baby na rin ako? Para naman swertehin rin tayo—aray aray ko naman, nay!” “Baby? Paano ka magkakaanak eh wala ka namang nobyo? Ayaw mo kasi patulan si Chef Zues!” “Nay naman!” Nauwi kami sa tawanan dahil sa pamumula ni Mariz. Nagbukas-sara ang ilong nito sa inis ng marinig ang pangalan ng manliligaw nitong si Chef Zues. Oo. Nanliligaw na rito si Chef Zues. Kaya pala palagi nitong inaasar ang kaibigan ko. Nagpapapansin lang pala ito. Lumapit sa akin sila Jayson, Mariz, aling Marites at ipa naming kabarangay para batiin ako. Simula ng magbalik ako at nalaman nilang buhay ako ay bumuti ang lahat ng mga tao rito sa akin. Nadamay lang daw ako sa galit nila sa mga magulang ko na malaki ang mga utang sa kanila. Hindi naman ako mapagtanim ng sama
“I-iha…” “Pakiusap, Mrs. Solante. Wala ng dahilan para mag usap pa tayo. Kung binabagabag ka man ng konsensya mo, kasalanan mo na ‘yon. Wag mong hilingin sa akin na patawarin ka dahil wala kang mapapala sa akin. Makakaalis ka na!” Wala itong nagawa, bakas ang kalungkutan na umalis ito habang bagsak ang balikat. Nang makaalis ito ay kumuyom ang kamao ko. May konsensya pa pala ang matandang iyon? Mapait akong ngumiti. Pagkatapos ng panlilinlang nito sa akin ay may kapal pa ito ng mukha na magpakita sa akin. Hinimas ko ang tiyan ko ng kumirot ito. “Relax ka lang, anak… hindi na galit si mama. Tumaas lang ang dugo ko dahil may hindi ako inaasahang bisita.” Nakangusong sinundan ni Mariz ng tingin ang ina ni Rayana. “Mukhang sincere naman ang mommy ni Rayana, Kiray.” “Sincere? Eh ganyan din siya noong nakiusap siya sa akin noon. Akala ko tutulungan niya talaga ako na mapakulong sila Joffrey. Pero wala siyang ginawa..” hindi lang ‘yon, nilihim nito sa akin ang tungkol sa totoong
(Laxus King pov) NILAGOK ko ang lamang alak ng basong hawak ko bago nilingon ang kapapasok lang na si Jigs. “Umiinom ka na naman, Mr. King.” Hindi ako kumibo at patuloy na lumagok ng alak. Araw-araw akong umiinom, hindi ako nakakatulog ng hindi nilulunod ang sarili ko sa alak. Gusto kong uminom hanggang sa mamanhid ang buo kong katawan at kusang sumuko ito. Napasabunot ako sa buhok ko. “D-Damn.” Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Dapat maging masaya ako dahil wala na sa buhay ko ang babaeng nagpaikot sa akin pero hindi ko magawang maging masaya at bumalik sa dati. Is something wrong with me? Ito ang palagi kong tanong sa tuwing mapag isa ako. Hindi naman mahirap na kalimutan ang babaeng iyon, lalo na’t hindi ko naman talaga siya kilala. Isa lang ito sa taong sumubok na paikutin ako at sumubok na hawakan ako sa leeg. Wala itong pinagkaiba sa iba. Nakarinig kami ng katok sa pinto. Mula roon ay nakangiting pumasok si Rayana. “Laxus, nag iinom ka na naman?” Kumandong ito sa
Pinanlisikan ko ng mata ang matandang babae na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin. Hindi ko talaga nagustuhan ang matandang ‘to kahit kailan. Ang gaspang ng ugali at trato sa akin, kung umasta akala mo ay kung sino. Eh isa lang naman itong mutchacha. Bago sumakay ng kotse at umupo sa tabi ni Laxus ay nagpaskil ako ng magiliw na ngiti sa labi ko. Umabrasyite ako sa braso nito ng makaupo sa tabi nito. “Thank you, Laxus ha. Akala ko hindi mo ako sasamahan ngayon at walang halaga sayo ang paghahanda sa kasal nating dalawa. I’m sorry dahil pinag isipan kita ng masama.” Malambing na sabi ko sabay sandal ng ulo ko sa matigas na braso nito nito. Sinadya ko pang idaiti ang dibdib ko sa kanya. Kahit na hindi ko makitaan ng excitement si Laxus habang sinusukatan kami ay binalewala ko nalang. Ang mahalaga ay sinamahan niya ako at matutuloy ang aming kasal. Marami pa namang panahon na magkakasama kami. Sigurado ako na magbubunga din ang pagsisikap ko na mahalin niya. Ang panget na ‘yon
(Kiray pov) “Kiray, dumating na pala ang mga harina at margarine kanina. Dinala ko na rin yung inventory ng kita kagabi. Teka ayos ka lang ba?” Nag aalalang tanong ni Mariz ng mapansin na namumutla ako. “Ayos lang ako, pagod lang ako.” Ani ko habang buhat si Morgan na pinapatulog ko. Bumuntonghininga ito. “Magpahinga ka naman kasi, Kiray. Hindi ka naman robot, saka nandito naman kami nila nanay. Pagkalabas mo ng ospital ay wala ka ng ginawa kundi ang magtrabaho. Balak mo bang patayin ang sarili mo? Buti nalang at hindi ka nabinat.” Hinayaan kong kunin nito si Morgan sa bisig ko. Hindi na ako sumagot dahil tama ito, wala na akong ginawa kundi ang magtrabaho. Gusto ko kasing matubos agad ang bahay namin ni lola kaya nagdodoble kayod ako. Ang bilis ng araw. Pitong buwan na ang nakalipas buhat ng ipanganak ko ang anak ko. Sa loob ng panahon na ‘yon ay napatunayan kong hindi pala talaga madali ang maging single mother. Napakahirap pala talaga. Kailangan kumayod ng doble at kung mi
“Ate Kiray, dumadami na ang mga customers natin. Sigurado po ako na lalaki pa itong Mumu’s bakery!” Napangiti ako. “Magdilang anghel ka sana, Nene.” “Sinasama talaga namin sa dasal namin ang pag ahon mo, ate Kiray. Para marami ka pang matulungan na kagaya namin!” Dagdag ni Ren. Mga working students kasi ang mga kinuha kong makakasama. Gusto ko kasing makatulog sa mga kagaya nila na gustong makapag aral at makapagtapos. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanila. Tumingala ako sa mataas na gusaling pinaghintuan namin. Hindi ko akalain na sa ganito kalaking gusali kami magdedeliver. Mukha itong abandonado at walang tao. Nakakatakot tuloy na pumasok. Bukod kasi sa parang pundi na ang mga ilaw na patay-sindi pa ay mukha itong haunted house. Napakapit tuloy kaming tatlo kay Larry na wala sa oras. Nakahinga kami ng maluwag ng makakita ng gwardiya sa loob ng makapasok kami. Mukhang ito ang bantay at nag iisang tao na narito. “Kayo ba ang magdedeliver ng mga cupcakes?” “Kami ng
(Kiray pov) Hinabol ako nila Mariz ng lumabas ako ng istasyon. “Kiray, kumalma ka. Hindi naman tayo sigurado kung siya talaga ang kumuha kay Mumu. Saka bakit kukunin niya ang anak mo. Isang taon na rin kayong hindi nagkikita.” Tama. Isang taon na rin simula ng huli kaming magkita. Nabalitaan ko kay manang noon na ikakasal na ito sa tunay na Rayana. Siguro nga ay kasal na ito sa babaeng iyon. Kaya ano ang rason nito para kunin ang anak ko? “Sigurado ako na siya ang kumuha sa anak ko, Mariz. Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya para kunin si Mumu pero hindi ako papayag na magtagal sa kanya ang anak ko!” “Kiray, sandali!” Hinabol ako nito. “Sasamahan ka namin ni nanay na pumunta doon. Kung siya nga ang kumuha sa anak mo, ano ang gagawin mo? Sigurado na may dahilan siya kaya kinuha niya si Mumu.” “Wala akong pakialam kahit ano pa ang dahilan niya. Simula ng laitin niya ang anak ko at talikuran niya ay inalisan ko na siya ng karapatan sa anak ko. Ang kapal ng mukha niya na kunin
Umatras ako ng humakbang ito palapit sa akin. Ayoko maging emosyonal, pero sumasabay ang luha ko sa galit ko. “Sa’yo na mismo nanggaling na wala kang pakialam kung bubuhayin ko o ipalaglag ang anak ko. T-tapos ngayon susulpot ka para pag usapan ang tungkol sa custody na parang hindi mo siya tinalikuran at sinuka! Ang kapal ng mukha mong magpakita sa aming mag ina!” “Kiray…” dumaan ang pagsisisi sa asul na mata nito. “Please let’s talk—“ “Wala na tayong dapat pag usapan pa, Mr. King.“ sumigok ako sa sobrang pag iyak. Awang-awa na niyakap ko ang anak ko at may poot sa mata na tumingin sa kanya. “O-okay lang sana kung ako lang ang tinalikuran mo eh… k-kung ako lang ang sinuka mo matatanggap ko dahil may kasalanan ako. P-pero bakit pati ang anak natin? S-sinuka mo siya at nilait pa. H-hindi pa siya sinisilang sa mundo pero tinalikuran mo na siya. D-Dinamay mo siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. T-Tapos ngayon babalik ka para kunin siya sa akin? Ikaw na ang nasabi na binura m
“Naaawa nga ako sa mag lola, pare. Nadamay sila sa pinapagawa sa atin ni Sir. Ayoko sanang madamay sila pero ayoko naman na ako ang mapag initan ng amo natin. Kilala naman natin si Sir, nakakatakot siyang magalit. Kung nakinig sana ang matandang ‘yon sa akin na magbulag-bulagan sa nalaman niya at magpanggap nalang na asawa ko ay hindi sana sila kasama sa pinasabog ni Sir.” Natuptop ko ang bibig ko ng marinig ang usapan ng inakala kong asawa ng matanda at isang lalaki na umamoy katiwala nitong bahay na tinutuluyan namin. Naalala ko noong nakausap ko ang matandang babae. Halatang nagulat ito ng malaman na may asawa ako… nag offer pa nga ito na kunin ang number ni Morgan. Pupunta daw ito sa kabilang isla para tawagan ang asawa ko at ipaalam na naro’n ako. Pero biglang dumating si Navy. Siguro nalaman nito ang plano ng matanda at nagpasya na ipapatay ito. Nang makapasok ako sa kwartong tinutuluyan ko ay mabilis na nilock ko ang pinto. Hindi ko namalayan na basang-basa na p
“Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain?” Tanong ni Navy sa akin ng mapansin nito na walang bawas ang pagkain sa plato ko. ‘Sino ang gaganahan na kasama ang tulad mo?’ Muntik ko ng maisatinig ‘yon pero napigilan ko ang sarili ko. ‘Kailangan mong kumalma, Saddie! Hindi siya dapat makahalata!’ Umayos ako ng upo at pilit na ngumiti rito kahit na sukang-suka ako makita ang mapangpanggap na arte nito. “Masarap naman siya, Navy. Pero alam mo naman ang mga buntis, minsan mapili sila sa pagkain.” “Gano’n ba? Ano ba ang gusto mong kainin? Tell me, hahanap ako para sayo.” Tumingin ako sa kamay nito na humawak bigla sa kamay ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko ng hindi nahahalata nito. Napalunok ako ng laway ng makita ko ang pagkabura ng ngiti nito. Kaya naman agad akong uminom kunwari ng juice. “Kailan nga pala tayo babalik sa siyudad, Navy? Ang tagal natin kasi natin na nagpapalipat-lipat ng islang pinupuntahan. N-namimiss ko ng umuwi, pwede ba na umuwi na tayo mamaya o bukas?”
Natigilan ako ng mapansin na nakalakad ito ng tuwid. “Pero kahapon lang ay hindi ito nakakalakad? Gumaling na kaya ito? Kung ganon bakit parang ayaw pa nitong umalis kami? Hindi kasi nito nabanggit na gustong makabalik. Palagi nalang ako ang nagpupumilit na makabalik. “Talaga? Aalis na tayo?!” Tuwang sambit ko ng sabihin nila lola sa akin kasama si Navy na aalis na kami. Bigla nalang kasi dumating si Navy at sinabi na babalik na kami. “Diba ito ang gusto mo? Pasensya ka na nga pala dahil nasigawan kita ha. Ikaw kasi ang kulit mo. Alam mo naman na bugbog pa ang katawan ko.” Nakonsensya ako bigla. Oo nga, sarili ko lang ang inisip ko. Hindi ko naisip ang kalagayan nito. “Hindi na gano’n kasakit ang katawan ko, nakakalakad na rin ako ng maayos kaya babalik na tayo. Alam ko rin kasi na nag aalala na ang mama at asawa mo. Kung magtatagal pa tayo dito ay baka isipin nilang patay ka na. Kaya tara na, magbihis ka na.” Hindi mapalis ang ngiti ko habang nagbibihis ako. Pagkatapos magb
Gusto ko man tumayo ay hindi ko magawa, medyo nanghihina pa kasi ang katawan ko. Pero mabuti nalang at mukhang hindi malubha ang lagay ko. Wala kasi ako sa hospital, ibig sabihin ay hindi grabe ang lagay ko. Ang inaalala ko ngayon ay si Navy. Malubha ang lagay nito pero mukhang hindi ito nadala sa hospital. Tumingin ako sa suot ko. Nakasuot na ako ngayon ng plain na puting bestida. Nabihisan na pala. Sigurado ako na si lola ang nagbihis sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana, gabi na pala. Ibig sabihin ay matagal akong nakatulog. Nag init ang sulok ng mata ko ng maalala ang asawa ko. Siguro padating na siya para kunin ako dito. Sigurado ako na alalang alala na ito sa amin ng anak namin. Akala ko ang matanda ang maghahatid ng pagkain sa akin pero ang apo lang nito ang dumating. May dala itong tray na may lamang pagkain. Pagkatapos kumain ay umasa ako na may darating na magandang balita, pero inabot nalang ng hating gabi ay walang nagbalita sa akin na sinusundo na ako ni Morg
(Saddie pov) Akala ko sa yate kami sasakay pero sa speed boat pala kami sasakay. May ilaw naman mula rito pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi sapat ‘yon para makita namin ng maayos ang dinadaanan namin, lalo na at bumuhos pa ang malakas na ulan. ‘Diyos ko!’ Kulang kailan naman tumatakas kami ay saka pa umulan! Niyakap ko ang tiyan ko. Di bale. Konteng tiis nalang ay makakaalis na kami. Ang mahalaga ay natakasan na namin yung mga lalaking dumukot sa amin. Bigla akong kinabahan ng biglang huminto ang speed boat na sinasakyan namin. Hindi sana totoo ang hinala ko. “Ngayon pa talaga nasira!” Nanlumo ako. Bakit ngayon pa kung kailan nasa dagat kami at tumatakas? Hindi nga kami napahamak sa kamay ng mga dumukot sa amin pero mukhang dito naman kami sa gitna ng karagatan mapapahamak. Niyakap ko ang tiyan ko. Nag aalala ako sa dinadala ko. Siguro ay nilalamig na rin ang baby ko ngayon. Kanina pa kasi kami basa ng ulan at nanginginig sa lamig ng ulan at simoy ng hangin. K
Napatili ako sa gulat ng may humawak sa paa ko. “Shhh!” “N-navy!” Akala ko ay bumalik na ang mga lalaki kanina. “K-kailangan nating makatakas dito, Saddie. S-sigurado ako na mapapahamak kayo ng anak mo kung magtatagal pa tayp dito!” Alam ko ‘yon! Kaya nga takot na takot ako. “P-pero paano?” Hilam ng luha natin tanong ko rito. Nagulat ako ng pilitin nitong tumayo. Halatang hirap na hirap ito at nasasaktan, tumutulo pa ang dugo sa mga sariwang sugat nito. “N-navy…” sa bawat galaw nito ay napapangiwi ito sa sakit. “T-tutulungan kita, Saddie—agghh!” Nalugmok ito sa sahig. Mabuti nalang at hindi malakas ang kalabog ng bagsak nito, kundi ay baka nakakuha ito ng pansin. Alam kong nanghihina ito pero hindi ko makuhang sabihin na ‘wag ka ng gumalaw’ Ayokong magpaka-anghel. Alam naman namin pareho na mas grabe pa ang aabutin namin kapag nagtagal kami rito. Kaya mas mabuti pa na gawin nalang namin ang magagawa namin para makatakas habang maaga pa. Inabot ng siyam-siyam si Nav
(Saddie pov) Mga nasa pitong oras palang ako sa lugar na pinagdalhan sa akin pero pakiramdam ko ay napakatagal ko na rito. Palagi kong sinasabi sa sarili ko na ‘kalma, Saddie’ pero hindi ko magawa dahil kinakain ako ng takot. “T-tama na! W-wala kayong makukuha sa akin! T-tama na ahhh!” Gusto kong takpan ang tenga ko pero hindi ko magawa. Wala akong magawa kundi ang umiyak at maawa nalang kay Navy na binubogbog sa labas. Kinuha kasi ito kanina ng mga lalaki para makipag negotiate. Gusto kasi ng mga ito na makakuha ng pera kay Navy. At ngayong walang makuha ang mga ito ay walang awa nila itong sinasaktan. Rinig na rinig ko ang boses nito na nagmamakaawa, halatang sobra itong naghihirap, pero wala akong magawa kundi ang impit na lumuha. “W-wala ng pera ang mga magulang ko… bankrup na sila! G-ginastos ko na ang lahat kaya wala na kayong makukuha pa! K-kaya patayin niyo nalang ako!” ‘Patayin?’ Parang gusto kong mawalan ng pag asa. Gusto na agad mamatay ni Navy dahil sa paghihirap.
Malakas na binagsak ni Morgan ang kamao sa bumper ng sasakyan ng malaman ang nangyari. “Fvck! Fvck! Fvck!” Halos maglabasan ang ugat niya sa leeg sa sobrang galit ng malaman ang nangyari sa asawa. Kanina pa siya pinapakalma ng kapatid pero bigo ito. “Paano ko magagawang kumalma ngayong nasa panganib ang mag ina ko?! Fvck!!!” Hindi lamang ‘yon, nasa panganib din ang buhay ng ina nito na malubha ang tama sa ulo. Wala pang isang araw ng magpasimula siya ng imbestigasyon ngunit nalagay na sa panganib ang buhay ng asawa niya. Nalaman ba nito ang plano niya na pag alam kung sino ito? Umiling si Morgan. That’s impossible! Sigurado na hindi iyon makakalabas sa kanilang pamilya. Tiyak na kagagawan ito ng taong nagtatangka sa buhay niya. Pagdating sa presinto ay umiling si Laxus ng makita ang galit na galit na anak. “Wala kayong malaman? Are fvcking kidding me? Anong silbi niyo kung wala kayong makuhang lead kahit isa kung nasaan ang asawa ko?!” Nang makita ng mga pulis si Lax
Tumawa ito ng makita ang walang patid na pagtulo ng luha ko. “Ano? Natatakot ka na ba ngayong gaga ka! Dapat lang! Pagkatapos ng ginawa mo ay sisiguraduhin ko na magkikita kayo ng anak ko sa impiyerno! Dante, dalian mo ang pagmamaneho! Gusto ko ng makaganti sa babaeng ‘to!” “Sige, manoy—“ masakit sa tenga na lumangitngit ang gulong na sinasakyan namin. “Anong problema?! Bakit ka huminto?!” “M-may sasakyang humarang sa daan, kuya!” Sumbong ng nagmamaneho ng sinasakyan nila. “Humarang?! Ano pa ang hinihintay mo, sagasaan mo!” “Pero, kuya—“ “Inutil! Sundin mo nalang ang utos ko!” Walang nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang kapatid. Pero biglang sumabog ang sasakyan nito ng may bumaril sa gulong ng sasakyan “Anak ng…” halos umusok ang ilong ng lalaki sa galit. May dinukot ito sa tagiliran. Nanlaki ang mata ko ng makitang baril ito. ‘No!’ Gusto ko itong saktan pero binalaan ako nito sa pamamagitan ng tingin na babarilin kung kikilos ako ng masama. Pagkatapos mag uto